Sports-Editorial Final

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MSUAN: “CHAMPION FOR PEACE BUILDERS OF THE FUTURE” NGA BA?

Bactol J.

Katatapos lamang ng mala Tuna Festival umano na Intramurals ng MSU-Gensan ngunit


madalas pa rin itong pag-usapan ng mga MSUan. Marami pa rin ang hindi maka “move on” sa
nakaraang mga paligsahan at makapigil hiningang paglalaban-laban sa iba’t ibang isports. Hindi
naman ito mapipigilan sapagkat tunay nga namang maláman at nararapat pag-usapan ang mga
pangyayari noong Intramurals 2022.
Bukod sa mga kaabang-abang na mga patimpalak at laro gaya ng Miss MSU, basketball,
soccer, volleyball at iba pa ay mas inaabangan kung anong kolehiyo ang mamamayagpag sa
Intramurals 2022. Ang magkamit ng overall champion ay hindi lamang simpleng panalo para sa
lahat ng kolehiyo – ito ay pride. Lahat ng kolehiyo ay naghahangad na makamit ito. Subalit sa
loob ng maraming taon, ang College of Engineering pa rin ang namayagpag. Sa unang araw ng
tally, ang College of Education ang kumuha sa lead. Subalit, sa ikalawang araw hanggang
natapos, hindi na binitawan ng COE ang unang pwesto sa tally.
Hindi maiiwasan ang initan sa laro lalo na kapag ang COED at COE ang naglalaban sapagkat
ang dalawang kolehiyong ito ang naghahabulan sa tally. Bawat manlalaro ng dalawang kolehiyo
ay pawang may nag-iinit na hangarin na ipanalo ang laban alang-alang sa ngalan ng kolehiyo
na kanilang dinadala. Ito ay magandang pagpapakita ng sportsmanship subalit maraming
pagkakataon na hindi ito napahalagahan. Hindi maiiwasan ang away subalit minsan ay
nagkakaroon na nang labis na pangmamaliit ang ibang nangungunang kolehiyo sa ibang
kolehiyo na nasa hulihan ng tally at nagiging katawa-tawa na ang tema ng intramurals – Now:
Champion for peace builders of the future. Marami ang nagpapalabas ng kayabangan sa sosyal
midya na kung iisiping lubos, ito ay ‘waste of time’ lamang. Naging isyu pa ang hindi pagsama
ng ibang kolehiyo sa chant ng mga partikular na kolehiyo dahil sa pagiging threatened umano.
Ang ganitong ugali ay nagpapakita lamang na ang sportsmanship ay hindi para sa lahat.
Marami ang hindi ito kayang ilapat sa iba't ibang pagkakataon na napatunayan ng maraming beses
noong intramurals 2022.
Mahirap maging santo lalo na kapag may laban na nagaganap. Subalit, bilang MSUan, nawa'y
bitbit natin palagi ang isa sa ating core values - ang magpalaganap ng kapayapaan. Hindi
lamang tuwing intramurals ngunit sa lahat ng pagkakataon sa ating buhay.

- Leonelle M. Makarunggala

You might also like