Pagsulat NG Lathalain New and Old

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 39

Pagsulat ng Lathalain

eros s. atalia
[email protected]
Lathalain

Ang lathalain ay bahagi ng isang


pahayagan/babasahin na tumatalakay sa isang paksa
(kadalasang hango sa napapanahong balita) na
iniuulat sa paraang mas makulay, mas detalyado at
mas maraming anggulo o pagsipat na ang tinig ng
nagsusulat ay nararamdaman.
Ilang kadalasang isinusulat

 Magazine feature article


 Newspaper column as cultural commentary
 The review
 Interview story
 Character sketch
 Biographical sketch or profile
 Personal (familiar) essay
 Autobiographical sketch
Saan nanggaling?

 Personal journalism
 Literary journalism
 New journalism
 Creative non-fiction (a term coined by Theodore A.
Rees Cheny)
Ano ang CNF

 This type of writing, begins with the facts, but does


much more. It elaborates on the facts, interprets
them, and more significantly, presents them in an
interesting and engaging way. It is a “more
imaginative approach to reporting.” (Hidalgo from
Cheney, 2003)
Bakit CNF

 May bagong uri na kasi ng mambabasa na mas


edukado at mas nagbabasa
 Higit sa balita, makapasok ang mambabasa sa
sensibilidad ng nagsusulat kaya laging present ang
“the I”
 Napakamalikhain na parang nagkukwento ang
nagsusulat pero sa totoo lang, siya ay nag-uulat
Kung ganoon

 Writing creative nonfiction requires the skill of the


storyteller and the research ability of the reporter
(Hidalgo 2003)
 At ang nagsusulat ay kapwa alam ang craft ng fiction
at journalism
Tandaan:

 Hindi ito balita, pero pwedeng hango sa balita


 Bumabagay sa hinihingi o katangian ng maglalathala
 Pagtatanghal ito ng isang kakaiba o pambihirang
katangian ng paksa kung kaya ito isusulat
Dalawang Uri ng Palarawang Pagsulat:

Impersonal na paglalarawan
(objective)
Impresyonistiko o
ebokatibong paglalarawan
(subjective)
Objective na Paglalarawan

Makikita ang Malacanang Palace sa


Mendiola, malapit sa Ilog-Pasig.
Napapaligiran ng mga bakal na bakod,
barbed wire at may mga bantay na
sundalo, aso at tangke. Maraming
puno’t halaman sa paligid. Kulay puti
ang pintura ng Palasyo
Subjective na Paglalarawan

Nakahimlay ang Palasyo ng Malacanang sa


makasaysayan at amoy-dugo-pang kahabaan
ng Mendiola at malapit sa halos nabubulok
na Ilog Pasig. Napansin ko kung paano
nagpapakita ng katatagan ang mga bakal na
bakod, nanakot ang barbed wire at walang
emosyon ang mga aso’t sundalong bantay.
Gaya ng mga tangke … malamig din ang
damdaming namamayani sa kapaligiran.
Nanonoot ito sa aking buto. Waring
sinasala ng mga puno’t halaman ang dumi
sa paligid. Hindi tulad ko. Mistulang
higanteng nitso ang Palasyong
napipinturahan ng puti. Parang
nagsasabing malinis ang labas, ngunit may
nabubulok sa loob.
Mga Mungkahing Paraan
sa Pagsusulat ng
Lathalain
Bago Isulat:

 Bakit “ito” ang gustong isulat o ipinapasulat at hindi


“iyon”?
 Magsagawa ng preliminaryong pagsasaliksik at
pagtatanong-tanong
 Kung lugar ito, maaring pasyalan muna, gawing
pamilyar ang sarili bago isagawa ang pormal na
pakikipanayam o survey
 Kung tao ito, humingi ng permiso o appointment sa
interview kung kinakailangang makakuha ng detalye
mula sa kanya
 Ihanda ang mga itatanong bago pumunta, iwasang
magtanong ng mga pang-slum book
Habang Nagsusulat:

 Ang bida ay ang paksa, hindi ang pumapaksa


 Hindi ito usapin ng kronolohiya kundi diin sa bawat
pagkakataon na pwedeng patigilin
 Hanggat maaari ay maging tri-dimensional ang
paglalarawan ng paksa
 Maaring ibahagi ang nararamdaman ng manunulat
pero ingatan na sa manunulat malipat ang pokus ng
istorya
 Maging tapat sa tinig ang manunulat ngunit nanatili
pa ring tapat sa paksa
 Napakabisang paraan ang paggamit ng organic unity
(mga imahe kaugnay ng paksa)
Literariness

 Subjectifying the object or objectifying the subject


 The more specific, mas nagiging universal
 Show don’t tell
 Don’t preach, editorialize or moralize
 What is the unsaid?
 Significant human experience: humanizing the world
Paggamit ng teknik ng fiction

 Characterization
 Dialogue
 Plot/sub-plot (back story)
 Paglalarawan at detalye
 Naamoy
 Nakikita
 Nalalasahan
 Nararamdaman/Nahahawakan
 Naririnig
Paggamit sa Teknik
/elemento ng tula

 Organic unity
 Play of sounds/words
 Centripetal/centrifugal imaging
Habang Nagsusulat:

 Inililigtas ng epektibong simula at gitna ang


bahagyang ‘dragging part’ sa gitna
 Makakatulong ang paglalagay ng trivia o mga
detalyeng lingid sa kaalaman ng karamihan
 Tiyakin na makakuha at mailathala ng mga tuwirang
pahayag ng mga taong may kinalaman sa paksa o sa
paksa mismo
 Matapos mailahad ang mga detalye, paglalarawan,
pahayag at iba pa, maari nang ibigay ng manunulat
ang kanyang opinion at pagsusuri sa paksa
Matapos Isulat:

 Makipag-usap sa editor kung umaayon ang isinulat sa


hinihingi ng publikasyon
 Maging bukas sa mungkahi kung paano pa aayusin
ang isinulat
 Check, double check at kung maari, triple check sa
mga detalye
 Padalhan ng kopya ang pinagkuhanan ng paksa
General Tips sa Pagsusulat
ng Feature

 Wag isulat ang pare-parehas na nating alam (nabasa,


napanood, narinig etc)
 Sa pare-parehas nating alam, paano mo nakikita ito sa
bagong paraan para maging bago ang presentasyon
 Iwasan ang big words (maganda, masarap, malaki,
etc)
 Paano makakapasok ang audience o reader sa
sensibilities ng author
 Wag nang isulat ang napaglumaan na ng panahon:
mga nanalo sa Intl Beauty Contest, Pinoy na nanalo
sa mga contest sa abroad or lumikha ng pangalan sa
ibang bansa dahil libo na ang article tungkol dito,
unless may kinalaman ang personality sa school,
province, paper ninyo or personal na nainterview
 Mas mag-focus sa mga local stories, characters, icon,
trivia, history, products, customs etc.
 Ikaw bilang author (experiencer), ano ang koneksyon
mo sa subject/material, nasaan ka sa kwento?
Pagsulat ng Rebyu

Book review, film review, food review (blogging), play,


dance, performance etc.
 Kung review ang isusulat, wag nang ikuwento ang
summary ng film, book, play etc. Ang isinusulat,
“tungkol saaan” ang material.
 Iwasan ang big words (maganda, masaya, masarap
etc). Ilarawan kung gaano kaganda, kasaya, kasarap
etc.
Personality Sketch, Biography etc

 Paano gagawing tunay na tao ang personality?


 Paano sya ilalarawan?
 Paano makukuha ang direct quotation or boses ng
subject?
 Ano at paano ang encounter mo sa kanya?
Pagsusulat ng Lugar

 Dalhin ang mga mambabasa sa lugar


 Ano ang kuneksyon ng manunulat sa lugar
 Ano ang kakaiba sa lugar na iyon, sa oras na iyon,
noong naroon ang manunulat
 Paano ile-lay out ang lugar sa panulat
 Paano magkakaroon ng character ang lugar
Isang Araw sa Buhay ng Maliliit na Tao
sa Labas ng Simbahan
ni Ricky Lee

Alas singko ng madaling araw.


Kausap ko si Mang Ben, tindero ng medalya at anting-
anting sa labas ng simbahan ng Quiapo. Sa palibot,
humuhugos sa lahat ng direksyon ang mga tao,
parang walang natulog, naghahabol sa kung ano.
Abot hanggang maputik na kalsada ang dalawang pila
ng mga magsisimba't hahalik sa paa ng Nazareno.
Isang pulubing putol ang dalawang paa't dalawang
kamay ang nakatali sa kariton,
may nakasabit na lata sa leeg, paulit-ulit na
ikinakantang "nagmamakaawa naman po ang
kawawang pilay, mga magulang at kapatid ko,
limusan naman po ang kawawang pilay." Sa bakod na
bakal ay ibinebenta lahat ng klaseng cards, nobena,
istampita, kandila at gamot. Marami nang naglalako
ng lobo pero wala pa ang mga bata.
 "Biyernes ngayon kaya pinakamaraming tao," ani
Mang Ben. Kapag ganitong araw, hinahakot ng mga
tao ang kanilang problema sa puso, sa katawan o sa
kaluluwa at dinadala sa Quiapo, sa loob at labas ng
simbahan; mayayamang nagbibilang ng calories at
kulubot sa mukha, mahihirap na walang mabilang
kundi mga anak, mga maysakit o nagsasakit-sakitan,
may nabuntisan o hindi makabuntis,
biyak ang ilong, overdue na ang galis, nagloloko ang
mister, may nerbyos o byenan, gusting manggayuma
ng manhid, magpahula sa baraha. Quiapo ang
pinaghalong Tiya Delly, Kahapon Lamang at Seryong
Albularyo ng Maynila. Dito nagpupunta ang lahat.
"Tiangge, Talipapa, Palengke,“
Sarap: Essays on Philippine Food
Doreen Fernandez

 Tiangge is short for "araw ng tiangge" or market day,


the word coming from the Chinese and meaning
market or marketplace. During the Spanish period
farmers used to bring in their produce (vegetables,
fruits, chickens, pigs, eggs, panocha, kakanin and
seasonal local delicacies like pinipig or the Ilocanos’
inuruban and tupig) to an area close to the church or
municipio. In Victoria, Tarlac where I grew up, tiangge
was held every Saturday in the town plaza.
 Farmers in their cars came to town as a family on
Friday night or very early Saturday morning. Other
towns had different tiangge days, so that itinerant
vendors were busy the whole week, moving from one
town to the next. These market sold, as well, goods
which were not produced by farmers, like ready-to-
wear clothes, aluminum containers and slippers.
 In the 1970s, the present town market building was
constructed on the site of the old market. It is now a
roofed structure divided into stalls that are rented
out by the municipal government. The tiangge in the
town plaza has disappeared, but Saturday is still
market day, and the farmers still bring their produce
to the palengke, and out-of-town vendors still come
to Victoria on that day.
 —Doreen Fernandez, "Tiangge, Talipapa, Palengke," Sarap: Essays on Philippine
Food (Mr. & Ms. Publication 1988, p. 132)
PS

 Gagawin mo ito hindi lang para sa contest (opkors


masaya manalo sa kontest), pero para sa ikabubuti
mo bilang manunulat
 Para sa ikabubuti ng publikasyon
 Para maikuwento ang kuwento ng iyong lugar,
eskwelahan, pamayanan at iba pa na hindi nalalaman
ng iba
 Maraming salamat po!

You might also like