Infomercial Script
Infomercial Script
Infomercial Script
Narito ang mga dapat gawin kapag may lindol at matapos ang lindol.
Ang lindol ay sanhi ng biglaang pag galaw ng lupa, maraming pinsala ang maaring
idulot nito. Kaya alamin natin ang mga dapat gawin kapag lumilindol at matapos
ang lindol. Kung maari lumayo sa mga bagay na puwedeng mabasag o bumagsak
kagaya ng mga salamin, bintana, o bumbilya at mag tago sa ilalim ng matibay na
bagay tulad ng mesa o upuan habang lumilindol. Kung walang puwedeng silungan,
silungan takpan ng kamay ang mukha at ulo. Mag duck cover and hold.at
pagkatapus ng yanig tsaka lang lumabas sa gusali.
Maaring nagkaroon ng sira ang mga kable ng kuryente na puwedeng maging sanhi
ng short circuit, pagka kuryente o sunog. Kung nasa labas habang lumilindol
lumayo sa mga matataas na gusali, poste at puno na puwedeng bumagsak
anumang oras. Dahil maaring magkaroon ng mga sunod-sunod na mga
afterschock, Ang paalalang ito ay handog ng DSDRRMC NG TALA HIGH SCHOOL.
Bagyo/ Trophical Cyclone
Narito ang mga dapat gawin kapag may bagyo o tropical cyclone. Ang Pilipinas ay
madalas mapinsala dahil sa mga bagyong dumarating, ayon sa PAGASA o
Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration
humigit kumulang sa 20 na bagyo bawat taon ang pumapasok sa Philippine Area
of Responsibility, kaya alamin natin ang mga dapat gawin bago dumating ang
bagyo, kapag bumabagyo, at matapos ang bagyo.
Bago dumating ang bagyo: Pagtibayin o lagyan ng reinforcement ang parte ng
ating mga bahay, mag-imbak tayo ng mga ready to eat na mga pagkain tulad ng
tinapay, biskwit, delata na nasa lalagyan at madaling buksan, mag ipon tayo ng
malinis na miinom na tubig na magtatagal ng tatlong araw, tiyakin nating may
sapat tayong kasuotan at handa ang ating emergency survival kit, kasama dapat
sa ating survival kit ang mga gamot kapag nasusugatan, may lagnat, masakit ang
ulo, at pag nag LBM, Radyo at flashlight na de batterya, kandila at posporo at pito.
Siguraduhin nating puno ang batterya ng ating cellphone at may hawak tayong
listahan ng mga importanteng numero, kung kinakailangan nang lumikas agad
itong gawin, huwag din kalilimutang ilikas ang ating mga alagang hayop sa mas
matataas na lugar at paala sa may mga taniman, anihin na natin ng mas maaga
ang mga gulay at prutas na maari nang pitasin, para naman sa mga mangingisda,
huwag na tayong pumalaot dahil delikado at maaring magkaroon ng storm surge.
Habang bumabagyo at matapos ang bagyo kung puwedeng iwasan huwag nang
lumabas ng bahay o evacuation center, huwag sumuong sa baha, subalit kung
kailangan itong gawin siguraduhing mag suot ng bota, huwag ng tumawid ng ilog
kung ang tubig dito ay tumaas ng ½ metro o hangang tuhod sa normal nitong
level. Mag masid sa paligid at mag iingat sa mga landslide at mga ligaw na hayop
tulad ng ahas na maaring inanod ng tubig. Ang paalalang ay handog ng_______.
Sunog/ Fire
aha
Narito ang mga dapat gawin kapag may baha. Magtabi ng mga emergency
supplies kagaya ng delata, tubig, kandila, flashlight, batterya, transistor radio, at
first aid kit, mas Mabuti ding tumutok sa radio, tv o internet upang malaman ang
pinaka huling balita tungkol sa baha. Hangat maari huwag tayong lumusong sa
baha lalo na kung malakas ang agos ng tubig upang hindi malunod o makuryente
dahil sa mga nabasang kable ng kuryente at upang makaiwas din sa nakakamatay
na leptospirosis. Alamin din natin kung mayroong mga ilog, lawa, lambak at
bundok na malapit sa ating mga bahay , Malaki ang posibilidad na magkaroon ng
mga flashflood sa mga lugar na malapit dito kung malakas ang ulan. Kung malapit
sa mga ganito sa panaho ng baha umakyat sa pinakamataas na palapag o bubong
ng bahay at maghintay ng tulong. Maari ding mag lista ng mga numero ng
istasyon ng bumbero , police, ambulansiya, at mga ahensyang pwedeng hingan ng
tulungan sa panahon ng sakuna o kalamidad. Ilagay natin ang mga numero sa
ating mga cellphone o ipaskil sa mga mga lugar na madaling makita.Bagyo o
Tropical Cyclone
Landslide