FIL175 Written Report
FIL175 Written Report
FIL175 Written Report
CSSH-ABFIL
FILIPINO
Republic of the Philippines
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021
Lingguwistikong Dibersidad:
Komparatibong Pagsusuri ng Pagpaplanong Pangwika ng India at Filipinas
Florencia C. Victor, Ph.D.
ng apat na mas popular na pamilya na pamilya ng mga wika, ang dalawang pinakamalaki
ay ang Indo-Aryan (Indo-Europeo) sa hilaga at sa sentro ng bansa at ang Dravidian na
ginagamit sa Katimugang India. May ilan din sa mga mamamayan ang nagsasalita ng
wika mula sa pamilyang Austro-Asiatic (kasama ang Munda) at Tibeto-Burman.
MULTILINGGUWAL NA BANSA
Noong panahon bago ang British Raj, ang India ay isa nang multilingguwal na
bansa. Pinamumunuan ito ng iba’t ibang imperyo na nahahati sa iba’t ibang maliliit na
kaharian kaalinsabay ang pagkalat ng iba’t ibang wika dala ng mga namumuno sa
kahariang ito. Ang may pinakamahabang pananakop ay ang mga Indo-Aryan na nagdala
ng relihiyong Hinduismo at pananalitang Vedic Sanskrit. Naging mga wikang rehiyonal
ang Sanskrit, Suaraseni Prakrit, Suaraseni Aphabhrama (Baldridge 2000). Nagkalat ang
mga wika nila sa buong hilaga at sa bahaging sentral ng India hanggang sa pagdating ng
mga imperyong Moghul o Mughal hanggang sa pamumuno ng huling emperor Akbar
noong siglo 13. Sa panahong ito, wikang Persiyano ang ginamit na opisyal na wika at sa
pamahalaan. Habang patuloy itong naging prestihiyosong wika sa Norte, nadevelop rin
ang mga wikang Hindi at Urdu bilang mga wikang interrehiyonal noong siglo 17-18. Hindi
maiiwasan ang pagkakaroon ng alitan ng mga kaharian hanggang sa huling pananakop
ng mga Muslim (Nayar 1969). Ang mga taong ito’y may mga etnikong pinagmulan at may
iba’t ibang diyalekto at wika (Nayar 1969, at Baldrige 2000). Ang Urdu na nahaluang ng
wikang Persiyano ang naging pangunahing wika ng administrasyon at ng korte sa huling
pamumuno ni Akbar.
Nang mabigyan na ng kalayaan ang India noong 1947 ng British Raj, napili ang Hindi
bilang wikang opisyal ng India sa pag-asang ito’y mapapadali sa komunikasyong
panrehiyon at nakatutulong sa pambansang pagkakaisa. Ngunit nakalikha lamang ito ng
panliligalig sa mga oposisyon sapagkat patuloy ang pagdedepensa ng bawat
etnolingguwistikong grupo na ang kanilang wika ay kapantay kundi man mas mahusay
pa ang literatura sa Hindi. Umusbong ang rehiyonalismong damdamin at iginiit na gawing
opisyal na wika ang kanilang mga wika sa rehiyon. Papalitan ng Hindi ang Ingles
matapos ang labinlimang palugit, subalit, ang Hindi at Ingles sa kasalukuyan ay
magkapareho ng istatus bilang mga wikang opisyal ng India. Kahit na ang Ingles ay
sinasalita ng 3% o 4% lamang ng populasyon ng India, itinuturing pa rin itong pinakaelit
at maimpluwensiyang minoryang wika sa buong India (Baldrige 2000).
Batay sa paliwanag ni Grierson (nasa Rangila, et al. 2001), ang pokus ng pag-aaral
ng ilang iskolar at mga nagkainteres sa wika ng India ay ang pagtingin sa kaibahan ng
Urdu, Hindi, at Hindustani. Mula nang hindi na nabigyan ng importansiya ang wikang
Persiyano sa bansa, nagkaroon ng kompetensiya ang Urdu at Hindi sa kahalagahan
bilang kapalit ng wikang Persiyano. Iminungkahi ni Mahatma Ghandi noon na Hindustani
ang gawing opisyal na wika sa buong India subalit ito'y hindi natupad. Ito'y isang
bernakular na magkahalong Urdu at Hindi. Ang Hindi ay mula sa Sanskrit sa Devanagari
iskrip at ginagamit ng mga nakararaming tagapagsalita sa sentral at hilagang India. Ang
Urdu naman, bagama't di malayong kahawig ng Hindi dahil sa may pagka-Sanskrit ito.
Gayunman, pinakamaraming salita nito'y mula sa wikang Persiyano at sinasalita ng mga
Muslim.
PORMULASYON NG PATAKARAN
Kapwa ang India at Filipinas ay sinakop ng mga kolonyalista. Gaya na ang
Britanya sa India at Amerika sa Filipinas. Batay sa lingguwistikong sitwasyon, kapwa
wikang Ingles ang ginamit ng mga bansang ito sa pamahalaan at korte. Dahil sa
sitwasyong politikal, sinasabi na kapwa nabuo o napagkaisa ng dalawang bansang
pinagkokompara ang kanilang teritotyo. Sa pagpili ng wikang komon, napili ng India ang
Hindi sa Devanagari iskrip na wikang opisyal ngunit nananatili ang mga panrehiyong wika
para sa gamit ng rehiyon. Hindi naging wikang pambansa ang wikang Hindi dahil
tinutulan ito sa bahaging katimugan. Samantalang sa Filipinas naman, naging wikang
opisyal at wikang Pambansa ang Filipino. Kapwa ginamit ang Ingles sa sistema ng
edukasyon sa panahon ng mga mananakop. Subalit nang mabigyan ng kalayaan ang
bansang ito, parehong pinairal ang opisyal o ang pambansa at rehiyonal na wika para sa
malawakang gamit sa edukasyon. Sa Filipinas, Filipino at Ingles ang ginagamit sa mga
eskuwelahan.
KODIPIKASYON AT ELABORASYON
Kapwa ang kodipikasyon at elaborasyon sa bansang India at Filipinas ay nasa ilalim
ng pangangalaga at kontrol ng gobyerno. Kapwa may motibasyong politikal. Sa India,
may ibat-ibang paraan sa pagpapalaganap at pagdevelop sa Sanskrit at iba pang mga
wikang klasikal. Samantalang sa Filipinas naman, pinagsusumikapan ng ibat-ibang
organisasyon ang malawakang paggamit ng Filipino para sa komunikasyong pangmadla
sa pamamagitan ng preparasyon o paghahanda ng mga libro, publikasyon ng mga
diksyunaryo, gabay sa ortograpiya at gramatika. Dagdag pa nga rito, sa India ay
hinikayat ng gobyerno ang pagpapaunlad ng lahat ng mga wikang Indian kasama ang
mga wikang klasikal, modern at katutubong wika. May tulong pinansiyal para sa mga
boluntaryong organisasyon at mga indibidwal na makapagpapalabas ng mga publiksayon
gaya ng encyclopedia, mga diksyunaryo, mga aklat ng kaalaman, mga orihinal na mga
sulatin, mga kritikal na edisyon ng mga lumang manuskrito at iba pa para sa
development ng mga modernong wikang Indian. May mga grant o tulong pinansiyal lalo
na para sa pangangasiwan ng kumperensiyang pampanitikan, mga seminar at short-term
na mga pag-aaral. Samantala sa Filipinas naman, mayroon na ring iskolarsyip na
ibinibigay ang gobyerno at mga pribadong sektor para sa mga kumukuha ng digri na
pangmaster at pangdoktorado sa Filipino.
IMPLEMENTASYON
Sa ibang bansa tulad ng Malaysia, madaling natanggap at naipatupad ang Bahasa
Malaysia sa tangkang paunlarin ito nang mabilisan ng taumbayan. Sa India,
magpahanggang ngayon, ang wikang Hindi ay di pa rin natatanggap ng mga nagsasalita
ng wikang Dravidian. Maliban sa rehiyonal na wika, mas pinananaig pa ang paggamit ng
Ingles kaysa sa Hindi sa lugar na ito sa katimugan. Sa edukasyon, upang maging
epektibo ang implementasyon ng tatlong lengguwaheng formula, may suporta sa mga
pasilidad para sa pagtuturo ng wikang Hindi sa mga estado o teritoryong hindi
gumagamit ng wikang ito. Nagbibigay ng tulong pinansiyal para sa apoyntment ng mga
titser ng wikang Hindi sa mga eskuwelahan at nagtayo ng mga Hindi teacher training
college sa mga estado at teritoryo sa ilalim ng centralized sponsored scheme. Binibigyan
rin ng tulong ang mga organisasyong boluntaryong nagtuturo ng Hindi sa mga klase,
yaong mga nangangasiwa ng mga riserts ukol sa mtodolohiya ng pagtutur at pagbibigay
ng mga librong Hindi sa iba’t ibang organisasyon. Isinusulong ng gobyerno ng India ang
development ng pinagbuting pamamaraan ng pagtuturo ng Hindi sa mga estudynteng
hindi ispiker nito sa pamamagitan ng Kendriya Hindi Sansthan, Agra at mga rehiyonal na
sentro sa Delhi, Mysore, Hyderbad, Guwahati, at Shillong.
TAWID BANSANG PAG-AARAL NG
CSSH-ABFIL
FILIPINO
BIBLIYOGRAPIYA: