Pagpapaunlad NG Wika, Nakkatulong Sa Ekonomiya
Pagpapaunlad NG Wika, Nakkatulong Sa Ekonomiya
Pagpapaunlad NG Wika, Nakkatulong Sa Ekonomiya
By
Tomas U. Santos
August 26, 2011
“Kapag walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung isiipin natin, kung walang lipunan,
walang transaksiyon, wala tayong ekonomiya. . . Ang susunod na pangunahing papel ng
wika ay bilang isang instrumento sa globalisasiyon tungo sa mga panlipunang layunin o
mga social objectives,” ani Cabuhay.
Ibinahagi rin niya na isang importanteng salik sa paglago ng ekonomiya ay ang paggamit ng
wika na maiintindihan ng mga maralita at sa ating bansa at wikang Filipino ang kailangan
na gamitin sa pakikipagtalastasan upang mahikayat ang mas maraming tao na sumali sa
mga transaksiyon ng ekonomiya.
Dagdag niya na ang paggamit niya ng wikang Filipino ang naging paraan upang mailuklok
siya sa posisyon ng tagapangulo ng KWF noong 2008 ng dating pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo.
Bukod sa pagiging sandata ang wika, binigyang-kahulugan ni Santos ang wika bilang
“kaluluwa ng ating pagkatao at isang biyaya.” Ito, ayon sa kaniya, ang natutunan niya kay
Carlo J. Caparas, isang kilalang manunulat ng Filipino komiks.
Idiniin din ni Santos na ang mahusay na paggamit sa wika ay magdadala sa tao sa rurok ng
tagumpay.
Ayon sa isang komisyoner na si Macinas, ang wika ay sumisimbolo ng ating lahi at kultura.
“Tunay na mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika [dahil] ito ay nagsisilbing simbolo
ng lahi, kultura ng bansa at sumasagisag na ang bansa ay malaya. Ang bawat bansa ay may
sariling wika na ginagamit upang magsilbing daan tungo sa landas ng pagkakaisa,
pagkakaunawaan at pagmamahal,” ani Macinas.
Para naman kay Tacbad, bagaman Ingles ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang susi sa
kaunlaran ng bansa.
Pinagtibay niya ang kaniyang paniniwalang ito sa pagbibigay ng mga halimbawa ng mga
bansang mayayaman gaya ng Japan, Thailand, at Hong Kong na maunlad bagaman hindi
naman sinasanto ang wikang Ingles.
“Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang wikang sarili.
Hindi ginamit ng Japan para umunlad ang wikang Ingles,” ani Tacbad.
Ibinahagi rin niya ang isang parirala tungkol sa pagpapalakas ng wikang Filipino mula sa
sanaysay ni Conrado de Quiros na nagsasabing ang pagnanais natin palakasin ang wikang
Filipino ay hindi nagsasantabi sa pagnanais din na palakasin ang wikang Ingles ngunit
bilang pangalawang lengguwahe lamang.
https://varsitarian.net/filipino/20110826/pagpapaunlad_ng_wika_nakatutulong_sa_ekonomiya