Edukasyon Sa Pagpapakatao: Ikalawang Markahan - Modyul 3 Sa Salita at Gawa: Ako'y Magalang

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

2

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3
Sa Salita At Gawa: Ako’y Magalang
Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Sa Salita at Gawa: Ako’y Magalang
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng San Jose


Tagapamanihala: Johanna N. Gervacio, PhD, CESE
Pangalawang Tagapamanihala:

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Melanie P. Idos
Editor: Lordennis T. Leonardo, PhD
Tagasuri: Gina S. Villajuan, Michelle L. Mores, Melicyn T. Hupana,
Shiela Marie S. Esteban, Ann Francis A. Deonila, Marlon R. Quiba
Tagaguhit: Mitzi Lou R. Martin
Tagalapat: Melanie P. Idos
Tagapamahala:
Veronica B. Paraguison, Ph.D.
Lordennis T. Leonardo, Ph.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng San Jose
Office Address: Sto. Niño 1st, Lungsod ng San Jose, Nueva Ecija
Telefax: (044) 331-0285
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang kasanayan


ng mag-aaral sa pamantayang:

1. Nakagagamit ng magalang na pananalita sa kapuwa bata at


nakatatanda. (EsP2P-IId-8)
2. Nakapagpapakita ng iba’t ibang magalang na pagkilos sa
kaklase o kapuwa bata. (Esp2P-IId-9)

Subukin

Panuto: Piliin sa kahon ang mga magagalang na salita. Isulat ito sa


iyong sagutang papel.

Magandang umaga. Wala akong pakialam. Salamat po.

Bahala ka! Ipagpaumanhin po. Paalam po.

Alis diyan! Tuloy po kayo. Ewan ko!

1. ______________________
2. ______________________
3. ______________________
4. ______________________
5. ______________________

1
Aralin
Sa Salita at Gawa:
1 Ako’y Magalang

Sa araling ito ay matutukoy mo ang kahalagahan ng pananalita at


kilos na nagpapakita ng paggalang sa iyong kapuwa, nakatatanda, at
kapuwa bata sa paaralan man o sa pamayanang iyong kinabibilangan.

Balikan

Panuto: Gumuhit ng puso ( ) sa iyong sagutang papel kung ang


sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng tamang pag-uugali at
tatsulok ( ) naman kung hindi.

1. Ibinabahagi ko ang aking baon sa aking kaklase na walang

baon.

2. Tinutulungan ko ang aking nanay sa mga gawaing bahay.

3. Nilalayuan ko ang mga batang madudungis.

4. Magalang akong nakikipag-usap kahit sa kapuwa ko bata.

5. Sumusunod ako sa bilin at payo ng aking mga magulang.

2
Tuklasin

Basahin ang tula sa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol


dito.

Salita ng Paggalang
ni Melanie P. Idos

Sa mga labi sana’y palaging mamutawi,


Salita ng paggalang na nagbibigay ngiti,
Sa kalungkuta’y tunay na pumapawi,
Batang magalang tunay na katangi-tangi.

“Po at Opo”, “Magandang araw po”


Kay sarap bigkasin, kay saya sa puso.
Lalo sa batang munti, ito’y naituro,
Dangal ng magulang pati na ng guro.

“Salamat po”, “Iyong ipagpaumanhin”


Kay sarap marinig, kay sayang bigkasin,
Bata at matanda’y turuan natin,
Salita ng paggalang palaging bigkasin.

1. Ano-anong magagalang na salita ang nabanggit sa tula?


2. Palagi mo bang ginagamit ang mga magagalang na salitang
ito? Bakit?
3. Sa iyong palagay, bakit nagbibigay saya sa puso ang
magagalang na salita?
4. Ano ang tawag sa batang gumagamit ng magagalang na salita?

3
Suriin

Mula sa tulang iyong binasa, natutunan mo ang iba’t ibang


magagalang na salita tulad ng “po at opo”, “salamat po”, “iyong
ipagpaumanhin”, at iba pa.

Iyong tandaan na ang bawat tao ay dapat na maging magalang sa


kilos at pananalita. May mga ginagamit tayong mga salita na
nagpapakita ng paggalang sa ating kapuwa. Bata man o matanda ay
dapat nating igalang hindi lang sa salita kundi maging sa gawa.

Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na ilustrasyon.

Magandang Magandang Ipagpaumanhin


umaga po Bb. umaga rin mo, hindi ko Ayos lang,
Reyes. Bella. sinasadya. walang
anoman.

4
Maaari po bang
Sige Heto, hati na Sige, maaari ka
makiraan Bb.
Ana,salamat tayo sa baon ko, ng dumaan
Reyes?
ha, mabait Lester. Lexter.
ka talaga.

Gumagamit tayo ng mga magagalang na salita sa iba’t ibang


sitwasyon at pagkakataon katulad ng nasa ilustrasyon.

Mga magagalang na salita:

Magalang na Salita Gamit

Po at Opo Ginagamit sa pagsagot sa mga


nakatatanda.

Ginagamit kapag ikaw ay


Maraming salamat po. nagpapasalamat sa taong
nakagawa sa iyo ng mabuti o
tumulong sa iyo.

5
Magalang na Salita Gamit

Ginagamit kapag ikaw ay


Maaari po bang…? humihingi ng pahintulot.

Ginagamit kapag ikaw ay


Ipagpaumanhin mo po. nakasakit ng kapuwa nang di
sinasadya.

Magandang umaga/ tanghali/ o Ginagamit bilang pagbati sa iba.


araw po.

Paalam po. Ginagamit bago umalis

Makikiraan po. Ginagamit kapag nais dumaan sa


pagitan ng dalawang taong nag-
uusap.

Maraming pamamaraan kung paano natin maipakikita ang ating


paggalang sa ating kapuwa, maaaring ito ay sa salita at maging sa gawa.
Sa mga namumuno sa paaralan, maaari natin silang tawagin sa mga
katawagang may paggalang tulad ng Binibini, Ginoo, Ginang at iba pa.
Maaari ring gamitin ang “po at opo” kapag sila ay kinakausap. Hindi
lang ang mga nakatatanda ang dapat nating igalang kundi pati ang ating
kapuwa bata.
Ang paggamit ng magagalang na katawagan at mga salita ay
tanda ng pagiging magalang. Dapat natin itong gamitin sa pakikipag –
usap sa mga namamahala ng ating paaralan o maging sa mga
nakatatanda.
Tandaan, “Ang batang magalang ay kinalulugdan ng Diyos at
dangal ng magulang.

6
Pagyamanin

Panuto: Piliin ang angkop na pananalita sa bawat sitwasyon. Isulat ang


napiling tamang sagot sa sagutang papel.

1. Nakasalubong mo isang umaga ang iyong guro.


Magandang umaga po. Kamusta, mamaya na tayo mag-
usap.
2. Binigyan ka ng regalo ng iyong kaibigan sa iyong kaarawan.
Ang liit naman ng regalo mo. Wow! Salamat sa iyong regalo.

3. Bibili ka ng meryenda sa kantina at tinanong ka kung ano ang


gusto mo.

Ate, gusto ko po ito. Ito ang gusto ko.

4. Nabangga mo ang iyong kaklase habang kayo ay naglalaro.


Ang laki mo naman kasi. Ipagpaumanhin mo.

5. Aalis ka na at papasok na sa paaralan.


Paalam po, nanay at tatay. Aalis na ako.

7
Isaisip

Panuto: Kopyahin ang talata sa sagutang papel at punan ang patlang


ng angkop na salita upang mabuo ang mga pangungusap tungkol sa
iyong napag-aralan. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba.

pananalita kilos magalang


“Ipagpaumanhin mo po.” paggalang

Lahat tayo ay dapat maging (1) ___________ sa


(2) ___________ at (3) ___________. May mga ginagamit tayong
salita upang maipakita ang (4) ___________ sa ating kapuwa.
Halimbawa, kapag nakasakit ka ng iyong kapuwa, sasabihin mo ay
(5) ________________, at marami pang ibang magagalang na salita.

8
Isagawa

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na magalang na mga salita


para sa bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Magandang umaga po. Paalam po.

Ipagpaumanhin mo. Maraming salamat.

Maaari po bang…? Umuwi ka na.

1. Paalis na ang tatay mo upang pumasok.


2. Hindi sinasadyang nabunggo mo ang iyong kaklase.
3. Nais mong pumunta ng palikuran subalit nagsasalita pa ang iyong
guro.
4. Nakasalubong mo ang iyong guro.
5. Tinulungan ka ng kaklase mong buhatin ang mga gamit mo.

9
Tayahin

Panuto: Iguhit ang masayang mukha( ) sa sagutang papel kung ang


pahayag ay nagpapakita ng paggalang o paggamit ng magalang na
salita at malungkot na mukha ( ) naman kung hindi.

1. “Magandang araw po G. Bonifacio.”


2. “Maaari po ba akong lumabas sandali?
3. “Anong sinabi mo nanay?”
4. “Maraming salamat sa regalo mo Ben.”
5. “Naku! Ang laki mo kasi kaya tuloy nabangga kita.

10
11
Isaisip
Subukin 1.magalang
Magandang umaga 2.pananalita
Ipagpaumanhin mo Pagyamanin 3.kilos
Salamat po 4.paggalang
1. Magandang umaga po
Paalam po 5.”Ipagpaumanhin mo po.”
2. Wow! Salamat sa regalo
Tuloy po kayo
3. Ate, gusto ko po ito.
(Maaaring maiba nag Isagawa
4. Ipagpaumanhin mo
pagkakasunod-sunod ng sagot) 1.Paalam po.
5. Paalam po, nanay at
2.Ipagpaumanhin mo.
tatay.
Balikan 3.Maaari po bang…?
4. Magandang umaga po.
1. 5.Maraming salamat.
2. Tayahin
3. 1. 4.
4. 2. 5.
5. 3.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat:
Biglete, Caraan, Catapang at Gonzales, Isabel. 2013. Edukasyon sa
Pagpapakatao 2 – Kagamitan ng Mag-aaral. Lungsod ng Pasig: Vibal Publishing
House, Inc.
Website:
What’s App. 2020. Magalang na Pananalita Worksheet.
https://liveworksheets.com/ag36932. Nobyembre 4, 2020

Teacher Abi. 2016. Paggamit ng Magagalang na pananalita.


https://acherabiworksheets.blospot.com. Nobyembre 3, 2020

Printableworksheets.com.2014. Magagalang na Pananalita.


https://printableworksheets.com.Nobyembre 2, 2020

12

You might also like