Unang Markahang Pagsusulit Sa Araling Panlipunan 5
Unang Markahang Pagsusulit Sa Araling Panlipunan 5
Unang Markahang Pagsusulit Sa Araling Panlipunan 5
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
SOLANO NORTH ELEMENTARY SCHOOL
Osmena, Solano, Nueva Vizcaya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
5. Ang mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng kasaysayan
MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa
B. napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutubo
C. naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na mga karatig bansa nito.
D. nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong lugar ng Pilipinas
6. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?
A. para maging sikat ang isang bansa
B. para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
C. para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa
D. para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura, ekonomiya,
pamahalaan at relihiyon ng isang bansa.
7. Ito ang tawag sa malaking masa ng kalupaang may 240 milyong taon na ang nakalipas.
A. Asthenosphere B. Kontinente C. Pangaea D. Tectonic
8. Teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa malalaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-
hiwalay ilang daang milyong taon na ang nakalipas.
A. Land Bridges o Tulay na Lupa Theory C. Continental Drift Theory
B. Pacific Theory o Teorya ng Bulkanism D. Tectonic Plate
9. Teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng Timog - Silangang Asya.
A. Teorya ng Continental Drift
B. Teorya ng Tulay na Lupa
C. Teorya ng Ebolusyon
D. Teorya ng Bulkanismo
9. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim
ng karagatan.
A. Teorya ng Tulay na lupa
B. Teorya ng Ebolusyon
C. Teorya na Continental drift
D. Teorya ng Bulkanismo
10. Siya ang naghain ng teoryang nabuo ang kalupaan ng daigdig mula sa isang Supercontinent.
A. Alfred Einstein B. Alfred Wegener C. Bailey Willis D. Charles Darwin
11. Alin sa ibaba ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay magpaliwanag ng
sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay?
A. Mitolohiya B. Relihiyon C. Sitwasyon D. Teorya
12. Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ang tao sa pamamagitan ng isang maykapangyahiran na
tinatawag na _________.
A. Apoy B. Diyos C. Hangin D. Tubig
13. Sila ay naniniwala na ang Pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni Melu, na kanilang Diyos.
A. Badjao B. Bagobo C. Igorot D. Manobo
14. Sino ang nagpakilala sa teoryang Wave Migration?
A. F. Landa Jocano B. Peter Bellwood C. Otley Beyer D. Wilhelm Solheim II
15. Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kanyang teorya?
A. Ang pagkakatulad ng klima saTimog-Silangang Asya at sa Pasipiko
B. Ang pagkakatulad ng pamahiin sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
C. Ang pagkakatulad ng kulay ng balat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
D. Ang pagkakatulad ng wika, kultura, at pisikal na katangian sa Timog-Silangang Asya at sa
Pasipiko
16. Ang lumikha sa mga sinaunang Pilipino ayon sa relihiyon.
A. Babaylan B. Datu C. Diyos o Allah D. Lakan
17. Ayon sa Relihiyong Kristiyano at Islam, nilikha ng Diyos o Allah ang unang dalawang tao na sina
__________.
A. Adan at Eba B. Abraham at Sarah C. David at Ester D. Samson at Delilah
18. Alin sa sumusunod ang pinaniniwalaang puno o halaman na pinagmulan ng sinaunang tao sa bansa
batay sa mitolohiya?
A. Gumamela B. Kawayan C. Narra D. Mangga
19. Ano ang dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesyano?
A. Pananakop C. Pakikipagkaibigan
B. Pakikipagkalakalan D. Pagpapakilala ng relihiyon
20. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong
magaspang?
A. Panahong Neolitiko
B. Panahong Paleolitiko
C. Maagang Panahon ng Metal
D. Maunlad na Panahon ng Metal
21. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong Bato?
A. tumira sa mga yungib
B. magsaka at mag-alaga ng mga hayop
C. mangaso at mangangalap ng pagkain
D. gumamit ng mga tinapyas na bato na magagaspang
22. Ano tawag sa sistemang panlipunan, pampulitika, at pang ekonomiya ng mga Pilipino noong pre-
kolonyal?
A. siyudad B. barangay C. pamilya D. lalawigan
23. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?
A. alipin B. timawa C. maginoo o datu D. manggagawa
24. Alin dito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat barangay?
A. pananakop B. pagbili o pagbabayad C. sanduguan D. pag-eespiya
25. Sino ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo na kung may
mga pagtitipon?
A. bagani B. gat C. lakan D. umalohokan
26. Anong bansa ang HINDI tuwirang nakipagkalakalan sa Pilipinas noon?
A. Tsina B. India C. Indonesia D. Saudi Arabia
27. Anong lugar ang naging tanyag at sentro ng kalakalan sa bansa noong pre-kolonyal?
A. Cebu B. Davao C. Leyte D. Manila
28. Ano ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga bagay na mula sa metal tulad ng
ginto?
A. pangangaso B. pangingisda C. metalurhiya D. pangangalap ng
pagkain
29. Ang ______ ay ginagamit sa paggawa ng mga palamuti tulad ng pulseras at hikaw noong pre-
kolonyal.
A. bato B. dahoon C. perlas D. plastik
30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dalang produkto ng mga Tsino sa bansa?
A. kristal B. salamin C. tapayan D. timbangan
31. Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa ng mga sandata mula
sa bakal, ano ang tawag sayo?
A. karpentero B. latero C. mason D. panday
32. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong prekolonyal o bago
dumating ang mga mananakop?
A. may sariling teritoryo C. may pananampalatayang Kristiyano
B. may sariling pamahalaan D. may sistema ng pagbasa at pagsulat
33. Ano ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman, bato, tubig, at kalikasan ay
may kaluluwa?
A. Animismo B. Islam C. Judismo D. Kristyanismo
34. Alin sa mga sumusunod ang sinisimbolo ng tattoo o batuk sa katawan?
A. Kaayusan B. Kabaitan C. Katalinuhan D. Kagitingan at kagandahan
35. Ano ang tawag sa tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas?
A. Adat B. Hariraya C. Ruma Bichara D. Zakat
36. Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at awayan?
A. nagkaroon sila ng isang paligsahan
B. kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo
C. sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu
D. nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sandugo
37. Alin sa mga sumusunod ang HINDI inihahanda ng pamilya para sa kanilang miyembro na yumao at
ililibing?
A. paglilinis sa katawan C. pagbibihis ng magarang kasuotan
B. pagpapadala ng pera at pagkain D. paglalagay ng langis sa katawan
38. Isang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah.
A. Islam B. Animismo C. Hudaismo D. Kristiyanismo
39. Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas?
A. Luzon B. Mindanao C. Samar D. Visayas
40. Dumating ang mga Arabong Muslim sa Pilipinas upang _______.
A. bumisita B. makipaglaban C. makipagkalakalan D. manakop
41. Sino ang sinasamba o Diyos ng mga Muslim?
A. Allah B. Hesus C. Maria D. Mohammad
42. Siya ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas. Sino siya?
A. Janjalani Abdulah C. Sharif Kabungsuan
B. Rajah Baginda D. Tuan Masha’ika
43. Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa ibat-ibang _____.
A. espirito B. kaugalian C. sulat D. wika
44. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang
_________ na maipagmamalaki natin ngayon.
A. Katapangan B. Paraan ng pagsulat C. Awit at sayaw D. Kultura
45. Ano ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?
A. Abakada B. Alibata C. Baybayin D. Latin
46. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating mga ninuno sa
ating lipunan ngayon?
A. Uri ng pananamit C. Paraan ng makikipagdigma
B. Sistema ng pagsulat D. Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha
47. Ito ay katawagan ng isang tao na naniniwala sa Relihiyong Islam.
A. Kristiyano B. Muslim C. Budista D. Hudyo
48. May kaalaman na ang mga sinaunang Pilipino sa paggamit ng mga instrumento at sa paglikha ng
musika. Sila ay may sariling ____________.
A. Awit at Sayaw C. Panitikan at Sining
B. Pasalita at Pasulat D. Paniniwala
49. Ano ang magandang naidulot ng mga ibat-ibang sining at panitikan sa ating mga ninuno?
A. Naipahayag ang kanilang damdamin, paniniwala, at mga karanasan ng ating mga ninuno.
B. Naisalin nila sa mga sumunod na henerasyon ang mayaman nilang kultura
C. Naging makulay at kaaya-aya ang pamumuhay ng ating mga ninuno
D. Lahat ng nabanggit
50. Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga sumunod na henerasyon?
A. Sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw, at panitikan
B. Sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga ibat-ibang barangay
C. Sa pamamagitan ng patuloy na paniniwala sa mga anito
D. Lahat ng nabanggit
GOOD LUCK! 😊
Inihanda ni:
CORINNE S. PASCUAL
Master Teacher II
Pinagtibay ni:
MAGGIE RONALYN Y. BACANI EdD
Principal II
Inihanda ni:
CORINNE S. PASCUAL
Master Teacher II
Pinagtibay ni: