Unang Markahan Sa AP 5 2019-2020

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Schools Division Office

School District IX
CUBAO ELEMENTARY SCHOOL
3rd District, Quezon City, Metro Manila

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN - 5
TP 2019-2020

Pangalan: _______________________________________ Marka: ____________


Baitang/Seksyon: _________________________________ Petsa: ____________

Panuto: Basahin mabuti ang tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Ang patag na paglalarawan o representasyon ng kabuuan o bahagi ng mundo.


A. Mapa B. Globo C. Pulo D. Grid
_____ 2. Ang ppagkulimlim ng kaulapan ay dahilan ng _____.
A. Paglamig ng panahon
B. May namumuong bagyo
C. Pagtaas ng lebel ng katubigan sa atmospera
D. Low pressure area
_____ 3. Ano ang eksaktong kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo kung pagbabatayan ang
absolute location ng ating bansa ayon sa latotud o longhitud?
A. 4° 21’ at 21° 25′ hilagang latitude at 116° at 125° silangan longhitud
B. 4° 23’ at 22° 25′ hilagang latitude at 117° at 127° kanluran longhitud
C. 4° 23’ at 21° 25′ hilagang longhitud at 116° at 127° timog latitude
D. 4° 23’ at 21° 25′ hilagang latitude at 116° at 127° silangan longhitud
_____ 4. Ito ang imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa magkaibang araw.
A. Green Line C. Spectral Line
B. International Date Line D. Base Line
_____ 5. Saang kontinente ng mundo kabilang ang Pilipinas?
A. Timog Amerika C. Antarktika
B. Asya D. Europa
_____ 6. Ang Pilipinas ay may insular na lokasyon. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Lupa ang hangganan nito sa kalapit na bansa
B. Walang lagusan ang Pilipinas sa dagat
C. Bundok ang naghihiwalay dito at sa kalapit na bansa
D. Katubigang nakapalibot sa Pilipinas
_____ 7. Kung ang Pilipinas ay nasa bahagyang itaas ng ekwador, anong uri ng klima
mayroon ito?
A. tropical C. tundra
B. temperature D. humidity
_____ 8. Tawag sa pag-inog ng mundo sa sarili nitong aksis.
A. Rebolusyon C. Aksis
B. Rotasyon D. Globo
_____ 9. Dahil sa kinaroroonang latitud, ilang panahon mayroon sa Pilipinas?
A. 5 C. 4
B. 2 D. 3
_____ 10. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa loob ng
isang araw.
A. Panahon C. Humidity
B. Klima D. Temperatura
_____ 11. Alin sa sumusunod ang instrumento na ginagamit sa pagtukoy ng direksyon?
A. Pananda C. Simbolo
B. Compass D. Iskala
_____ 12. Malamig at tuyong hangin na nagmumula sa China at Siberia na nararanasan
mula Nobyembre hanggang Pebrero sa Pilipinas.
A. Hanging Habagat C. Hanging Amihan
B. Bagyo D. Hanging Silangan
_____ 13. Sa sonang ito ang mga bansang nasasakop nito ay nakararanas ng apat na
uri ng panahon.
A. Sonang Tropikal
B. Sonang Polar
C. Sonang Katamtaman
D. Sonang Taglamig
_____ 14. Ang mundo ay umiikot sa direksyong patungong _______.
A. Timog C. Kanlurang-Silangan
B. Kanluran D. Timog-Silangan
_____ 15. Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar. Bakit
nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang lugar sa mundo?
A. Dahil sa paligid ng daigdig sa araw at pag-ikot nito sa sariling aksis
B. Dahil sa dami ng sinag ng araw na tumatama sa iba’t ibang lugar
C. Dahil sa kinalalagyan ng mundo sa kalawakan
D. Dahil sa lapit o layo ng mundo o Prime meridian
_____16. Alin sa sumusunod na ahensiyang gobyerno na may tungkuling bigyan ng
proteksiyon ang mga tao laban sa natural na kalamidad?
A. PAGASA B. NDRRMC C. PHILVOCS D. DOST
_____17. Sa ulat ng panahon ay isinasama ang bilis ng hangin bilang elemento sa
pagtataya ng panahon. Ano ang gamit sa pagsukat ng bilis nito?
A. Barometer B. Anemometer C. Wind rock D. Thermomete
_____18. Ito ang pinakadulong bahagi ng mundo sa hilaga na naaabot ng pahilis na
sinag ng araw.
A. Kabilugan ng Arktiko C. Kabilugan ng Antarktiko
B. Tropiko ng Kaprikornyo D. Ekwador
_____19.Nasa kanluran at hilaga ng Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, sa timog ang
Dagat Celebes at sa silangan ang Karagatang Pasipiko. Alin sa mga sumusunod
ang ginamit upang matukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas?
A. Lokasyong Absolute C. Lokasyong Bisinal
B. Pangunahing Direksiyon D. Lokasyong Insular
_____20. Ilan ang kapuluang binubuo ang Pilipinas?
A. Mahigit kumulang 7,000 C. Mahigit kumulang 10, 107
B. Mahigit kumulang 12, 107 D. Mahigit kumulang 17, 107
_____21. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng katangian ng bansa bilang isang
arkipelago?
A. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga pulo na nasa bahagi ng isang anyong
tubig.
B. Ito ay maraming nakapalibot na mga bansang nais sumakop ditto.
C. Ito ay napapaligiran ng marami at malawak na katubigan.
D. Ito ay bulubundukinna nakapalibot ditto.
_____22. Ang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit ang
siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik.
A. Batas B. Teorya C. Dekreto D. Panukala
_____23. Ayon sa teoryang ito, dati ay iisa lamang ang kontinente sa mundo, ang
Pangea. Sa pagdaan ng panahon, ay nahati ito sa Laurasia at Gondwanaland. Alin
sa sumusunod na teorya ang inilalarawan?
A. Teorya ng Bulkanismo C. Teorya ng Tectonic Plate
B. Teorya ng Continental Drift D. Teorya ng Tulay na Lupa
_____24. Maraming teorya ang nabuo tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Alin sa mga
sumusunod ang teoryang inilahad ni Bailey Willis na may malakas na puwersa at
paggalaw na naganap sa kailaliman ng dagat ilang milyong taon na
ang nakalilipas ____.
A. Teorya ng Tulay na Lupa C. Teorya ng Diyastropismo
B. Teorya ng Bulkanismo D. Teorya ng Continental Drift
_____25. Ayon sa teoryang ito, ang ninuno ng mga Filipino ay nagmula sa lahing ___.
A. Negrito B. Indones C. Austronesian D. Lumad
_____26. Ang siyentistang German na naghain ng Continental Drift Theory.
A. Dr. Leopoldo Faustino C. Alfred Wegener
B. Bailey Willis D. Grete Hermann
_____ 27. Ang pagkakatuklas ng mga labi sa Lipunan Point sa Palawan ay nagbigay daan
sa _________.
A. Teorya ng Wave Migration C. Teorya ng Austronesia
B. Teorya ng Core Population D. Teorya ng Tulay na Lupa
_____ 28. Kung sakaling sa iyong pamamasyal sa isang lugar ay nakatagpo ka ng labi o
sinaunang tao, ano ang pinakamabuti mong gawin?
A. Iuwi at gawing souvenir C. Ipagbigay alam sa mga awtoridad
B. Huwag pakialaman D. Kunan ng letrato
_____ 29. Anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng tinapyas
na bato na magagaspang bilang kasangkapan?
A. Panahon ng Lumang Bato C. Maagang Panahon ng Metal
B. Panahon ng Bagong Bato D. Maunlad na PAnahon ng Metal
_____ 30. Alin sa mga sumusunod ang hanap-buhay ng mga sinaunang Filipino?
A. Pangangaso at pangingisda C. Pagsasaka at paggawa ng bangka
B. Paghahabi at pagpapalayok D. Lahat ng nabanggit
_____ 31. Saan halaw ang salitang barangay?
A. Malawak na dagat C. Sasakyang pandagat
B. Maliit na Bangka D. Barko
_____ 32. Alin ang may pinakamataas na antas na pamumuhay sa sinaunang lipunan?
A. Maginoo o Datu C. Maharlika
B. Timawa D. Alipin
_____ 33. Ano ang tawag sa pinakamababang uring panlipunan noon sa sinaunang
panahon ng mga Bisaya?
A. Maginoo B. Timawa C. Alipin D. Oripun
_____ 34. Ano ang katungkulan at kapangyarihan na sakop ng isang Datu?
A. Tungkulin niya na magpatupad ng batas at ipagtanggol ang kanyang barangay.
B. Panatilihin ang kapayapaan ng nasasakupan.
C. Nagsisilbing tagapagtanggol at tagapamayapa.
D. Tumatayong tagapagturo ng mga aral ng Islam.
_____ 35. Alin sa mga sumusunod ang sistema ng pamamahalana batay sa katuruan ng
Islam?
A. Barangay C. Sultanato
B. Komunista D. Demokratiko
_____ 36. Siya ang nagtatag ng unang sultanato sa Pilipinas at tumayong sultan.
A. Sharif Kabungsuan C. Muhammad
B. Sharif ul-Hashim D. Abu Bakr
_____ 37. Ano ang naging kontribusyon ng sinaunang kabuhayang Filipino sa pagbuo ng
ating sinaunang kabihasnan?
A. Ang pakikipagkalakalan ng sinaunang Filipino ay napalago.
B. Napayaman ang kulturang Filipino.
C. Naging masigla ang pakikipagkalakalan sa mga karatig-lugar.
D. Lahat ng nabanggit
_____38. Alin ang pinakamabuting epekto ng paggamit ng salapi sa kalakalan?
A. Naging mabilis ang daloy ng kalakal
B. Nagkaroon ng halaga ang bawat produkto at serbisyo
C. Marami ang yumaman
D. Lumawak ang kaalaman sa pagkuwenta
_____ 39. Paano mailalarawan ang kultura ng mga sinaunang Filipino?
A. Mayamang kultura ng ating mga ninuno.
B. Ang paglaganap ng Islam sa Pilipinas.
C. Mayamang pamumuhay ng sinaunang Filipino.
D. Panahanan ng mga sinaunang Filipino.
_____ 40. Alin ang hindi kasuotan ng mga sinaunang kalalakihang Filipino?
A. Kanggan B. Bahag C. Baro D. Putong
_____41. Bakit naglalagay ng tato o mga permanenteng disenyo at marka sa balat ang
mga sinaunang Pilipino?
A. Panlaban sa mga masasamang espiritu sa paligid
B. Simbolo ng ibayong lakas, husay at tapang sa pakikidigma
C. Sagisag ng katayuan sa lipunan
D. Palamuti sa katawan
_____ 42. Ang mga sinaunang Filipino ay naniniwala sa espiritung nananahan sa
kanilang kapaligiran na tinatawag nilang __________.
A. Panginoon B. Bathala C. Babaylan D. Anito
_____ 43. Isang relihiyong may paniniwala saiisang Diyos na tinatawag na Allah.
A. Katoliko B. Islam C. Iglesia D. Budismo
_____ 44. Tawag sa alpabeto ng sinaunang Filipino na binubuo ng 17 titik na may tatlong
patinig at 14 na katinig.
A. Malayo B. Filipino C. Baybayin D. Polynesian
_____ 45. Paano isinalin ng mga sinaunang Filipino ang kanilang kultura sa sumusunod
na henerasyon?
A. Ang mayaman na kultura ay isinalin sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw,
at panitikan.
B. Ipinag-walang bahala nila ang pagsalin ng kultura ng mga Filipino.
C. Nanatili na lang ang kultura ng sinaunang Filipino.
D. Hihintayin na umusbong ang makabagong kultura ng mga sinaunang Filipino.
_____ 46. Saan ibinatay ng mga sinaunang Filipino ang kanilang mga hanap-buhay?
A. Sa kanilang puhunan C. Sa kanilang libangan
B. Sa kanilang kapaligiran D. Sa kanilang pangarap
_____ 47. Tawag sa sayaw na hango sa galaw ng ibong Tikling.
A. Salidsid B. Dallot C. Tinikling D. Bangibang
_____ 48. Ilan ang wika ng mga sinaunang Filipino?
A. 82 wika B. 80 wika c. 31 wika D. 87 wika
_____ 49. Uri ng tirahan ng katutubong Filipino na yari sa dahon ng nipa at kawayan ang
dingding.
A. Bahay-kubo
B. Fayu
C. Torogan
D. Rakuh
_____ 50. Ang panitikan na kinilala ng UNESCO bilang “masterpiece of the oral and
intangible heritage of humanity” noong 2005.
A. Tarsila B. Darangan C. Bugtong D. Sawikain

Inihanda nina:

Ailyn I. Castro
Paula B. Ordas
AP Subject Teachers
Schools Division Office
School District IX
CUBAO ELEMENTARY SCHOOL
3rd District, Quezon City, Metro Manila

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan - V


TP 2019-2020

TABLE OF SPECIFICATION
Grade V Level

No. LEARNING COMPETENCES Test Easy Average Difficult Total


100% Items

Understanding
Remembering

Evaluating
Analysing

Applying

Creating
Nailalarawan ang lokasyon ng
LC 1 Pilipinas sa mapa
LC 2 Nailalarawan ang klima ng Pilipinas
bilang isang bansang tropical ayon
sa lokasyon nito sa mundo.
LC 3 Naipaliliwanag anng katangiang
pisikal ng Pilipinas bilang bansang
archipelago.
Naipaliliwanagang teorya sa
LC 4 pagkakabuo ng kapuluan at
pinagmulan ng Pilipinas batay sa
teoryang Bulkanismo at
Continental Shelf.

Nakabubuo ng pansariling
LC 5 paninindigan sa
pinakapaniwalaang teorya ng
pinagmulan ng lahing Pilipino batay
sa ebidensiya.

LC 6 Naipagmamalaki ang lipunan ng


sinaunang Pilipino.

LC 7 Nasusuri ang kabuhayan ng


sinaunang Pilipino.

LC 8 Naipaliliwanag ang mga sinaunang


paniniwala at tradisyon at ang
impluwensiya nito sa pang-araw –
araw na buhay.
LC 9 Naihahambing ang mga paniniwala
noon at ngayon upang
maipaliwanag ang mga nagbago at
nagpapatuloy hanggang sa
kasalukuyan.
LC 10 Natatalakay ang paglaganap ng
relihiyong Islam sa ibang bahagi ng
bansa.
TOTAL 100% 50 50
Answer Key.
1. A
2. A
3. D
4. B
5. B
6. D
7. A
8. B
9. B
10. A
11. B
12. C
13. C
14. C
15. C
16. A
17. A
18. A
19. D
20. A
21. A
22. B
23. B
24. B
25. C
26. C
27. B
28. C
29. A
30. D
31. C
32. A
33. D
34. A
35. C
36. B
37. D
38. B
39. A
40. C
41. B
42. D
43. B
44. C
45. A
46. B
47. C
48. D
49. A
50. B

You might also like