ST - Esp 6 - Q2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ESP 6

3rd Summative Test – 2nd Quarter

Panuto: Basahin at unuwaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Aling pangungusap ang sinasang-ayunan mo?
a. Dapat sundin ang batas kung gusto mo.
b. Dapat sundin palagi ng lahat ng tao ang batas.
c. Sundin ang batas kung ito ay makabubuti sa atin.
d. Sundin ang mga batas kung may pulis na nakatingin.
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa batas?
a. Tumawid kapag green light c. pagsunod sa mga babala
b. Magtapon ng basura kahit saan d. Sasakyang maiitm ang usok
3. Magaganda ang mga bulaklak sa paligid ng monument ni Rizal. Ibig mamitas ng iyong kaibigan. Ano ang gagawin mo?
a. Pabayaang ko siyang mamitas c. Pagsabihan ko siya na bawal mamitas
b. Sasamahan ko siyang mamitas d.Magkunwari na diko siya kasana
4. Ang pagtawid sa mga kalsada ginagamit ang underpass, overpass at guhit tawiran. Sino ang pinangangalagaan ng mga ito?
a.Tao b. hayop c. sasakyan d. bagay
5. Ang mga lumalabag sa batas ay dapat parusahan.
a. Tama b. Mali c. Hindi d. minsan
6. Ang kaibigan mong si Sarah ay hindi pumasok sa paaralan. Nagtatrabaho na siya para sa kanyang pamilya. Ano ang
gagawin mo?
a. Sabihin sa bantay bata 163 c. Humanap ng tao na tutulong sa kanya
b. Isumbong siya sa mga pulis d. Humanap ng pamilya na maaaring pasukan niya
7. Ayaw ni Nina ang maabala. Nais niyang mapag-isa sa parke. Ano ang gagawin mo?
a. Tawagin ang mga kaibigan mo para kausapin siya. c. Huwag siyang kausapin kahit kalian
b. Tawagin ang mga magulang niya d. Iwanan siyang mag-isa.
8. Malimit na mababa ang nakukuhang marka ng kaklase mong si Tonton. Ano ang gagawin mo?
a. Hayaan siyang kopyahin ang iyong sagot. c. Hayaan siyang makakuha ng mababang marka.
b. Sabihin ito sa mga kaibigan upang matulungan siya. d. Turuan siya ng nalalaman mo bago magkaroon ng pagsusulit.
9. Mahirap ang itinakdang gawain ng guro sa iyo. Ano ang gagawin mo?
a. Mangopya ng gawain ng iba. c. Humingi ng tulong sa kaklase.
b. Hayaan ang magulang na gumawa nito. d. Gawin ang itinakdang gawain ayon sa makakaya.
10. Gumagawa ka ng takdang aralin. Niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro. Ano ang gagawin mo?
a. Makipaglaro sa kanya pagkatapos ay gawin ang takdang-aralin.
b. Magpatulong sa kanya sa paggawa ng takdang -aralin.
c. Tapusin ang takdang-aralin at saka makipaglaro.
d. Maglaro habang gumagawa ng takdang-aralin.
11. Nahulog sa hagdan ang iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
a. Tulungan at dalhin sa klinika. c.Huwag pansinin at pabayaan na lamang.
b. Tumawag ng ibang bata para tulungan siya. d. Pagtawanan siya sa kanyang pagkahulog.
12. Ano ang gagawin mo sa kampanya ng gobyerno laban sa polusyon?
a. Makinig sa nagsasalita. c. Gawin ang nais na gawin.
b. Sumunod sa mga iminumungkahi. d. Sabihin sa iba kung ano ang gagawin.
13. Bakit nagkakaroon ng kampanya ang gobyerno?
a. Upang humingi ng donasyon. c. Upang lumaki ang perang ipon.
b. Upang mabago ang kalagayan ng mga tao. d. Upang magkaroon ng programang ipatutupad.
14. Sino ang dapat makisali sa kampanya ng gobyerno?
a. mga nagplano at nagpatupad nito. c.Ang mataas na opisyal ng gobyerno.
b. Ang manggagawa sa pamahalaan. d. Ang mamamayang Pilipino.
15. Paano ka makikisali sa kampanya ng pamahalaan?
a. Sumali sa rali. c. Humingi ng tulong o donasyon.
b. Gawin ang nais ng kampanya. d. Labanan ang kampanya.
16. Si Sharnice ay graduating student ng Eastville Academy na may record ng pangongopya sa kanilang Fourth Quarter exam
sa Mathematics. Hindi umano siya maisasali sa listahan ng mga magtatapos dahil sa nagawa niya. Ito pa lamang ang unang
beses na ginawa ito ni Sharnice. Anong angkop na suhestiyon ang tatanggapin mo mula sa mga sumusunod:
A. Bigyan siya ng panibagong set ng pagsusulit sa Mathematics, dahil unang beses pa lamang naman niyang mangopya.
B. Isuspinde si Sharnice ng dalawang linggo, para mabigyan siya ng aral.
C. Pagbigyan siya total naman ay magtatapos na siya.
D. Parusahan siya at bigyan ng bagsak na marka sa Math exam.
17. Nais ng mga kaibigan mo na magkaroon kayo ng proyekto na makakatulong sa mga batang inabandona sa mga bahay-
ampunan. Naisipan nilang mag-caroling sa mga bahay-bahay. Ano ang sasabihin mo sa mga kaibigan mo?
A. “Pasensiya na at hindi na ako makakasama sa inyo sa pag-cacaroling.”
B. “Mas maganda kung maghingi na lang tayo ng pera sa ating mga kaibigan at kamag-anak para hindi na tayo mapagod at
mapahamak.”
C. “Mag-isip pa tayo ng ibang paraan upang makatulong sa mga nangangailangan, gaya ng pagtitinda ng mga lumang damit at
gamit natin sa Garage Sale o Ukay-ukay.”
D. “Sa susunod na taon na lamang tayo tumulong kapag may pera na tayong lahat.”
18. Lahat kayong magkakaklase ay napagkasunduang mag-oorder na lamang sa Jollibee ng pagkain sa darating na Christmas
Party. Ngunit ikaw lang ang bawal sa pagkaing fastfood dahil allergic ka dito. Ano ang gagawin at sasabihin mo?
A. Hindi na lamang ako pupunta at ipapabigay na lang ang regalo ko.
B. Ipipilit ko ang gusto kong magbaon na lang ng pagkain para wala nang gastos pa.
C. Oorderin ko ang pagkain mula sa Jollibee ngunit magdadala pa din ako ng sarili kong pagkain na pwede kong kainin..
D. Hindi na ako sasali sa christmas party.
19. Sabi ng mayor ng inyong lungsod na magkakaroon ng patimpalak ang mga barangay na may pinakamagandang disenyong
pang-pasko. Hindi mo nagustuhan ang disenyo ng inyong Barangay Hall. Paano mo sasabihin ang iyong mungkahi sa inyong
barangay kapitan?
A. “Paki-baguhin naman ninyo ang ayos ng Barangay Hall, sobrang simple at tiyak na hindi mananalo.”
B. “Maaari po bang tumulong ako sa pag-aayos ng ating Barangay Hall, upang lalo pa itong mapaganda at baka sakaling tayo
ang magkamit ng unang gantimpala.”
C. “Pwede na yan, kesa sa wala tayong ilaban sa pa-contest ni mayor.”
D. “Siguradong tayo ang mananalo kung gagamit tayo ng mga mamahaling mga pang-dekorasyon.”
20. Nag-usap ang mama at papa mo na sa Maynila ka na mag-aaral ng Senior High School subalit ayaw mong iwan ang mga
kaibigan mo at ang lugar kung saan ka lumaki. Anong suhestiyon ang sasabihin mo sa mga magulang mo para manatili ka dito
sa Angeles City?
A. tumaas ang lahat ng grado ko sa finals ay dito na lang ako mag-aaral.
B. Kapag bumagsak ako kahit isang subject lang, tuluyan na akong mag-aaral sa Maynila.
C. Magtatampo ako at di na kakausapin sina mama at papa pag ipinilit ang nais nila para sa akin.
D. Respetuhin na lamang ang desisyon nila mama at papa, lalo na at para sa kinabukasan ko naman ito.
21. Nagkasundo kayo ng mga kagrupo mo sa Science project na magkikita kita kayo sa SM Clark ng 10:00 a.m. Paano mo
maipapakita ang pagiging responsable mo:
A. Matulog ng maaga at gumising ng maaga para hindi mahuli sa napagkasunduang oras at lugar.
B. Magpapahuli ng dating sa SM Clark para hindi ka mainip sa kakahintay sa kanila.
C. Magpapanggap na may sakit para hindi na tumulong sa proyekto.
D. Babayaran na lamang ang nagastos at sila na lang ang gagawa ng lahat.
22. Nangutang ka ng Php 200,000 noong Hunyo mula sa iyong kapatid na nasa abroad at nangako kang babayaran ito kaagad.
Sa paanong paraan mo maipapamalas ang pagtupad sa napagkasunduan?
A. Mangungutang uli sa iba para mabayaran ang utang sa kapatid.
B. Unti-unting hulugan sa kapatid mo ang inutang mo.
C. Bayaran agad-agad para walang masabi ang kapatid mo sa iyo.
D. Ipagwalang bahala ang hiniram na pera, magkapatid naman kayo.
23. Napansin mo na laging malungkot at tahimik ang iyong kalaro. Naikwento niya na maghihiwalay na ang kanyang ina at
ama. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
A. “Okay lang yan, mas mabuti nang maghiwalay sila kesa sa mag-away lagi.”
B. “Tatagan mo ang loob mo at isipin mo na lang na mahal ka nilang pareho kahit hiwalay na sila.”
C. “Nandito naman ako palagi para sa iyo, tara at maglaro na lang tayo ng computer games para makalimutan moa ng
problema mo!”
D. “Hayaan mo na sila, malalaki na ang mga yan at alam na nila ang ginagawa nila.”
24. Sino ang mabuting kaibigan sa mga sumusunod na sitwasyon:
A. Si Carolina na madalas ilibre ang mga kaibigan ng recess para ipanggawa siya ng project at assignment ng mga ito.
B. Si Hermes na laging nagbibigay ng pera sa barkada ngunit galing ang pera sa mga kaklaseng inaapi at inaaway niya.
C. Si Melody ang ate ng lahat sa Grade 6, nagiging pangatlong ina ng mga nakababata niyang kaklase dahil madalas siyang
nagbibigay ng mabubuting payo.
D. Si Tom ang gumaganti para sa mga kaibigan niyang inaaway ng mga high school students.
25. Kung ikaw ang tatanungin, anu-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang TUNAY NA KAIBIGAN?
A. Mapanghusga, mahirap umintindi, laging walang panahon makipag-usap.
B. Mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay, maunawain, masiyahin at maaasahan.
C. Mayaman, maganda, madalas manlibre at hindi marunong tumanggi.
D. Mapang-api, madaldal, sumbungero, ipapahamak ka kung kailangan.

You might also like