Enclosure 2 Graduation Reminders

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IVA – CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
CABUYAO CENTRAL SCHOOL

Enclosure 2

Hunyo 22, 2022


Sa amin pong mga magulang,

Isang maganda at mapagpalang araw po sa inyo mula sa pamunuan ng Paaralang Sentral ng


Cabuyao. Nais po naming ipabatid sa inyo ang mga nalalabing activities para sa mga mag-aaral ng ika-anim
na baiting at ang ilang mga bagay po na dapat natin tandaan sa Araw ng Pagtatapos.
Bilang pagsunod po sa itinakdang health and safety protocols ng DOH at IATF, hahatiin po natin sa 2
BATCHES ang graduation. Ito po ay upang malimitahan ang bilang ng mga bata at magulang at masunod ang
physical distancing sa pagdarausan ng seremonya.

BATCH 1 BATCH 2
Graduation Date: July 11, 2022, Huwebes, 7:30AM Graduation Date: JULY 11, 2022, Huwebes, 2:30PM
HeadStart-31 (M’De Guzman), Rizal-47 (M’ Redillas), Aguinaldo-42 (M’ Crisologo)
Del Pilar-40 (S’ Delmo) Luna-32 (M’Conay) Aquino-45 (S’ Capural), SPED-20 (M’ Tolosa)
Balagtas-47 (M’ Seṅa) Jacinto- 33(M’Batayon) Bonifacio-39 (M’Dulog)
Graduation Practice: July 4 (Monday), 8-11AM Graduation Practice: July 6 (Wednesday), 8-11AM
July 5 (Tuesday), 8-11 AM July 7 (Thursday), 8-11 AM
*magsuot ng Face Mask, magdala ng alcohol, tubig at snacks. Bawal po mag-stay ang magulang sa loob ng paaralan sa oras ng practice.

MGA MAHAHALAGANG PAALALA SA ARAW NG GRADUATION


1. Magsisimula po ang pagmartsa o propesyunal sa oras.
2. Suot ng babae - school uniform, black leather shoes with white socks, gumamit ng simpleng make-up at hikaw
3. Suot ng lalaki - school uniform, black leather shoes with white socks, observe proper haircut
4. Para po sa ikagaganda at ika-aayos ng ating programa, ipinagbabawal po sa mga bata ang anumang uri ng
pagkain at inumin sa loob ng covered court. Hinihikayat po na kumain ng sapat ang inyong mga anak bago
pumunta ng CCS. Gayundin po, ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato sa harapan ng stage sa oras ng
palatuntunan. May official photographer po na maari nyong kausapin upang maglitrato.
5. Isang magulang/kasama sa bawat 1 graduate lamang po ang papasukin sa loob ng paaralan. Huwag na pong
magsama ng iba pa lalo na maliliit na bata. Sagutan ang Health Declaration Form bago pumunta sa paaralan.
6. Hindi rin po magpapapasok ng sasakyan sa loob ng paaralan sa araw na ito. Bawal po pumarada sa loob.
7. Gagamitin ang Bagong Sablay at ang personalized face mask ng mga magsisipagtapos. Hinihikayat naman namin
na magsuot ng plain Black Face Mask ang mga magulang upang mas magandang tingnan.

Ang lahat pong ito ay para sa kaligtasan ng ating mga anak at sa kaayusan ng programa. Hangad po
namin nag inyong lubusang pang-unawa.

July 12 - Issuance of Card and Good Moral Certificate


(Martes) 1:30 - 3:30 ng hapon

Maraming Salamat po,


Mga Guro ng Ika-anim na Baitang
Binigyang pansin:

CELENIA A. MOLINYAWE
Principal III

Ito po ay pagpapatunay na aking nabasa at naunawaan ang kalakip na sulat tungkol sa mga nalalabing
activities ng aking anak sa ika-anim na baitang at ang mga mahahalagang paalala sa Araw ng Pagtatapos.

Ito rin po ay pagpapatunay na aking pinapayagan ang aking anak na sumali sa Face-to-Face
Graduation na susunod sa mga nabanggit na paalala sa mahalagang araw na ito.

_________________________________ __________________________________
PANGALAN NG MAG-AARAL / PANGKAT PANGALAN AT LAGDA NG MAGULANG

Address: Osmena St., Poblacion Dos, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: [email protected]

You might also like