2nd Grading Period in ESP VI

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV-A Calabarzon


Sangay ng Lungsod ng San Pablo
Distrito ng Ambray
PAARALANG ELEMENTARYA NG AMBRAY
Lungsod ng San Pablo

Ikalawang Panahunang Pagsusulit sa Edukasyong Pagpapakatao VI


Taong Panuruan 2019-2020
Talaan ng Ispisipikasyon

Bilang
Bilang Kinalalag
Bilang ng Araw ng
Kasanayan ng yan ng
ng Pagkakaturo Tamang
Aytem Aytem
Sagot

1. Naipakikita ang kahalagahan ng


pagiging responsible sa kapwa.
5 5 1-5
 Pinangako o pinagkasunduan 5 5 6-10
 Pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan 5 5 11-15
 Pagiging matapat

1.Nagpapakita ng paggalang sa ideya o 5 5 16-20


suhestiyon ng iba

5 5 21-25
 Paggalang sa opinyon ng iba 5 5 26-30
 Pagkamagalang sa kapwa 5 5 31-35
 Pagkamapanagutan 5 5 36-40
 Pagkamahabagin 5 5 41-45
 Pagkakawanggawa 5 5 46-50
 Pagmamalasakit sa kapwa

50 50
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A Calabarzon
Sangay ng Lungsod ng San Pablo
Distrito ng Ambray
PAARALANG ELEMENTARYA NG AMBRAY
Lungsod ng San Pablo

Ikalawang Panahunang Pagsusulit sa Edukasyong Pagpapakatao VI


Taong Panuruan 2019-2020

Pangalan: ___________________________________ Petsa: ______________________


Pangkat: ____________________________________ Guro: ______________________

PANUTO: Basahin ang mga tanong at bilugan ang tamang sagot.


1. May praktis ang inyong grupo ng inyong presentasyon sa ESP . Nag-usap kayo na magkikita-
kita kayo sa inyong paaralan nang alas otso ng umaga. Ngunit nagkaroon kayo ng biglaang
lakad sa pamilya. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na lang pupunta sa usapan.
B. Magpapaalam sa kanila na may lakad kayo ng pamilya.
C. Magsasabi na medyo sumama ang iyong pakiramdam .
D. Pupunta sa lugar upang makapagpaalam sa grupo dahil sa biglaang lakad.
2. Kaarawan ng Nanay mo. Naipangako mo na pag-iipunan mo ang regalo para sa kanya mula sa
iyong baon ngunit hindi mo ito nagawa. Bukas na ang kanyang kaarawan.Paano mo ito
haharapin?
A. Uutang muna sa kapatid upang makabili ng regalo.
B. Sasabihin mo sa ina mo na nakalimutan mo na iyon.
C. Magsasabi sa ina na may binili kayong proyekto sa skul.
D. Hihingi ng paumanhin sa ina at igagawa na lang ito ng “Birthday Card”.
3. Nanghiram ka ng sampung piso sa iyong kaklase. Lumipas ang isang linggo at hindi ka pa rin
nakakabayad.Lumapit siya sa iyo at nais ka niyang paalalahanan sa utang mo.Ano ang
isasagot mo?
A. Nawala sa isip ko e. Pwede saka na lang?
B. Manghihiram muna ako sa pinsan ko para mabayaran ka.
C. Naku, nakalimutan ko na e, Pwede ba sa Lunes ko na lang bayaran.
D. Pasensya na ha. Nakalimutan ko. Pwede ba na sa isang linggo ko mabayaran?
4. Naipangako mo sa iyong guro na tutulungan mo siya sa paglilinis ng silid-aralan ngunit nawala
ito sa iyong isipan.Paano mo ito maipapaliwanag sa guro mo kinabukasan?
A. Hihingi ng pasensya sa guro.
B. Hindi na lang ito uulitin sa guro.
C. Ipasasabi sa iba ang iyong dahilan.
D. Isasama ang ina mo upang magpaliwanag nito.
5. Magkakasama kayong magkaibigan. Nangako kayo sa isa’t isa na hindi maghihiwalay anuman
ang mangyari.Aksidenteng nagkita kayo ng kapatid mo sa lugar kung saan naroon kayo at
niyayaya ka niya na sumama na sa kanya. Ano ang gagawin mo?
A. Iiwan sila upang sumama sa kapatid mo.
B. Magpapaalam nang maayos sa mga kaklase mo.
C. Ipapaliwanag sa kapatid ang usapang ninyong magkakaklase.
D. Magsasabi sa mga kaklase mo tungkol sa pag anyaya sa iyo ng iyong kapatid.
6. Natapunan ni Nena ng tubig ang sandwich ng matalik niyang kaibigang si Lena nang hindi
sinasadya.Ano kaya ang dapat gawin ni Nena sa pangyayaring ito?
A. Magsori agad sa bestfriend niya.
B. Ibili dapat niya ito ng bagong sandwich.
C. Hihingi ng pasensya at hahatiin na lang ang baon niya para sa kanila.
D. Babayaran niya ang sandwich para hindi sila magkasamaan ng loob sa isa’t isa.
7. Sa inyong barkada, si Glenda na iyong matalik na kaibigan ay hindi marunong makisama sa
iba. Marami kang naririnig na hindi maganda tungkol sa kanya.Paano mo maipakikita sa kanya
na ikaw ay tunay niyang kaibigan?
A. Iiwasan mo na siya upang hindi ka masangkot sa gulo.
B. Pagsasabihan siya tungkol sa mga bagay na naririnig mo.
C. Maging maayos ang pagpapaliwanag ng mga bagay bagay sa kanya.
D. Hindi mo na lang pakikialaman ang bagay na iyon dahil baka mga-away pa kyo.
8. Matalino si Loidina sa magkakaklase at siya ang pinakamatalik na kaibigan mo.Minsan
nakasama ka sa bahay nila at nasaksihan mo kung paano siya sumagot nang pabalang sa mga
magulang niya.Paano mo maisasaayos ang lahat nang ito hindi maaapektuhan ang inyong
pagkakaibigan?
A. Lahat ng nabanggit.
B. Magkwento ng mga bagay na tungkol sa paggalang sa magulang.
C. Yayain siyang magbasa ng mga librong tungkol sa pagmamahal sa magulang.
D. Ipaliwanag ang kahalagahan ng magulang at kung bakit dapat itong igalang.
9. May hindi magandang nangyari sa relasyon ninyong magkakaibigan.Paano kaya ninyo
mapanananitili ang inyong pagiging magkakaibigan?
A. Laging maging maayos sa harapan ng guro.
B. Lumabas nang madalas upang mag outing sa beach.
C. Magkayayaan laging kumain upang maging masaya ang bawat isa.
D. Magkaroong ng panahon sa isa’t isa upang magkakilala pa nang mas malalim.
10. Napansin mong mainit ang pag-uusap ng iyong mga barkada tungkol sa inyong pangkatang
gawain. May ilan sa kanila ang sumisigaw at nagtataas ng boses.Paano mo mapaaala sa kanila
na kayo ay magkakaibigan at hindi dapat magtalo nang ganoon?
A. Lahat ng nabanggit ay tama.
B. Maging mahinahon sa pakikipag usap upang magkaunawaan.
C. Hikayatin silang magkaunawan nang maayos upang mag kaintindihan.
D. Huwag na lang umanib sa kanilang pangkatang gawain upang makaiwas.
11. Kasama mo sa opisina si Denise Lloyd. Napansin mong kapag may proyekto ang kanyang anak
e doon siya kumukuha ng mga gamit para dito upang hindi na siya bumili.Sa palagay mo ba ay
tama ang gawaing ito at bakit?
A. Opo, sapagkat makakatipid siya.
B. Opo dahil bahagi iyon ng kanyang buwis.
C. Hindi po dahil ito ay hindi nagpapakita ng katapatan.
D. Hindi po dahil dapat makilala ka ng lahat na ikaw ay isang ulirang manggagawa.
12. Madalas gabihin si Mang Dennis mula sa trabaho.Napag-alaman mo na iniisa-isa niyang
alamin ang kalagayan ng mga kagamitan sa opisina.Tama ba ang gawaing ito ni Mang Dennis
at bakit?
A. Walang tamang sagot na nabanggit.
B. Opo dahil ito ang magpapapromote sa kanya.
C. Opo dahil napagkakatiwalaan siya ng boss dahil sa katapatan.
D. Opo dahil ikasisikat niya ito sa buong opisina upang mabibigyan siya ng bonus.
13. Nakita mo si Ella na kumuha ng paninda sa tray ng pagkain nang walang bayad.Paano mo
maitututro sa kanya ang pagiging matapat?
A. Sabihin sa kanya na mali iyon.
B. Humingi sa kanya para hindi mo siya maisumbong.
C. Pangaralan mo siyang mabuti at ipabalik sa kanya ang pagkain.
D. Isusumbong mo siya sa titser ninyo upang mapagalitan siya sa ginawa niya.
14. Nagkamali ng sukli si Aling Tekla sa kaibigan mo nang bumili kayo ng papel at bolpen.Labis ito
ng bente pesos.Itinago na agad ito ng kaibigan mo sa kanyang bulsa.Paano mo siya
matutulungang maibalik ang sukli kay Aling Tekla?
A. Pagsabihan siya na tama iyon.
B. Sabihin sa kanya ang halaga ng katapatan.
C. Humati ka sa sukli upang hindi mo ito masabi sa iba.
D. Isumbong kay Aling Tekla ang pangyayari upang maibalik ito.
15. Mabait na bata si Loidina.Matulungin din siya sa kapwa.Minsan nakita nitong nahulog ang
wallet ng isang matanda sa daan.Kinuha niya ito nang dahan-dahan at ipinasok sa bulsa ng
short niya sabay alis a lugar na iyon.Paano mo maipakikita ang kahalagan ng katapatan sa
pangyayaring ito?
A. Dapat ibinalik niya sa matanda ang wallet.
B. Itutulong mo rin ito sa mga nangangailangan.
C. Ibigay sa nanay upang makatulong sa pambili ng kailangan.
D. Ipambili ng pagkain at ipamahagi sa mga batang pulubi sa lansangan.
16. Nasa camping ang iyong Ate Lorianne.Kailangan mo ng gunting para sa ginagawa mong
proyekto.Alam mo na nasa loob ng kwarto niya ang gunting.Ano ang gagawin mo upang
maipakita ang paggalang sa kanya?
A. Mg tetext ka sa kanya upang mahiram ang gunting sa kanya.
B. Magpapaalam sa iyong ina kase siya naman ang bumibili ng gamit ninyo.
C. Hindi mo na lang ipapaalam sa kanya ngunit kinuha mo ito sa kwarto niya.
D. Pumasok sa loob ng kwarto at kunin ang gunting tutal magakapatid naman kayo.
17. Naiwala mo nang hindi sinasadya ang ruler ni Liza. Paano mo mapahahalagahan ang
paggalang sa kanya at sa kanyang gamit?
A. Ibabalik mo ito sa kanya.
B. Sasabihin sa kanya na nawala mo ito.
C. Ipaalam sa kanya na hiniram ng pinsan mo.
D. Saka mo na lang ibabalik sa kanya dahil ginamit ng kapatid mo.
18. Napansin mong hindi sumasali sa pagbibigay ng suhestiyon si Benjie dahil hindi niya
magustuhan ang ideyang napagksunduan ng kanilang pangkat. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko na wag na lang magsalita.
B. Ipaliliwanag sa kanya na hindi iyon maganda,
C. Ipababatid nang maayos ang tamang paggalang sa suhestiyon ng iba.
D. Ipaalam sa kanya na mas maganda ang ideya ng nakararami kaysa sa kanya.
19. Napagpasyahan ninyong magbabarkada na pumunta sa mall pagkatapos ng klase.Ngunit
naalala mo ang bilin ng iyong mga magulang na umuwi agad pagkatapos ng klase.Sinabi ni
Glenda na hindi ka marunong tumupad at gumalang sa pinagkasunduan ng nakararami. Paano
mo ito haharapin?
A. Hihingi ng pasensya sa mga barkada.
B. Sasama na lang sa kanila upang hindi magalit.
C. Sabihin mo na ayaw mong suwayin ang iyong magulang.
D. Magpapaalam ka muna sa iyong mga magulang bago sumama.
20. Lider si Corazon ng inyong pangkat na mag uulat. Maraming ideya ang bawat isa tungkol sa
paksa. Bilang lider, ano kaya ang dapat gawin ni Corazon?
A. Pag-usapan kung ano ang tama sa nakararami.
B. Bilang lider , ang iyong ideya ang susundin mo at iuulat.
C. Hayaan mong sila ang mga-ulat upang maiwasan ang gulo.
D. Huwag mo na lang pakinggan ang suhestiyon ng iba para maging maayos.
21. Si Denise ay may balak na lumahok sa pagsulat at pagbasa ngunit hindi pa siya handa para rito
dahil kulang pa siya sa pag eensayo. Paano mo igagalang ang plano ni Denise?
A. Huwag na lang sumali.
B. Umurong na lang dapat siya.
C. Pag-aralang mabuti ang plano.
D. Sumali na lang at hayaan na lng matalo.
22. Gustong- gusto ng mga magulang mo na kumuha ka ng pagkaguro bilang kurso.Subalit nais
mo namang maging doktor. Ano kaya ang dapat maging desisyon ng mga magulang mo?
A. Igalang mo ang iyong mga magulang.
B. Maging masunurin s iyong mga magulang.
C. Tumigil ka na lang ng pag-aaral dahil hindi ka magiging guro.
D. Sabihin nang maayos sa magulang ang nais mo para sa iyong sarili.
23. Si Jomar ang lider ng inyong pangkat. May pangkatang gawain sa ESP. Nais ni Jomar na gawin
ninyo ang suhestiyon niya. Ano ang gagawin mo?
A. Igalang ang opinyon ng nakararami.
B. Hayaan ninyong mag isa si Jomar tutal siya ang lider.
C. Magsumbong sa guro na tamad ang iyong mga kasapi kaya huli kayo,
D. Papag-isahin si Jomar sa pag- uulat tungkolsa kanyang sariling ideya.
24. Mabait na bata si Kazzy ngunit hindi siya marunong gumalang sa opinyon ng kanyang
kapwa.Minsan pinipilit niya ang gusto niya para sa kanilang grupo. Paano mo siya tutulungan?
A. Sabihin mo sa kanya na ipilit ang kanya.
B. Igalang dapat niya ang ideya ng ibang tao.
C. Hayaan mo na lang si Kazzy sa kanyang gusto.
D. Huwag mong pabayaan ang gusto ni Kazzy dahil mas matalino ka sa kanya.
25. Gusto ng Pamilya Ovilla na pumunta sa Vigan. Nais naman ng kamag-anak niya na sa Cam Sur
na lang sila pumunta para maging mas masya.Pinipilit niya kayo. Ano ang gagawin ninyo?
A. Ipaliwanag na hindi sila makararating.
B. Sumama na lang kayo s kanilang lakad.
C. Igalang dapat ang karapatan at gusto ng iba.
D. Dapat igalang ang nais ng iba para sa kapwa.
26. Ibig na ibig ni Kate ang gunting ng kanyang kapatid.Minsan wala ang Ate niya, pumasok siya
sa loob ng silid nito upang kunin ang gunting.Tama ba ang gagawin niya? Bakit?
A. Magsabi siya sa nanay nila.
B. Tama upang matapos siya sa kanyang proyekto.
C. Mali, dapat mag paalam siya sa nanay at tatay nila.
D. Mali,dapat igalang niya ang mga gamit ng kapwa niya.
27. Tumatakbo at sumisingit sa pila patungo sa kantina Si Gary.Paano natin siya tutulungang
gumalang sa iba?
A. Pagsabihan mo siya sa maling gawain.
B. Itulak siya habang naghihintay sa pila.
C. Suriin mo munang mabuti ang pangyayari.
D. Awayin mo sila dahil mali ang ginagawa nila.
28. Nabasag mo ang halaman ni Aling Tesa habang naglalaro kayo ng mga kaibigan mo.Paano mo
kaya ito haharapin?
A. Magtago ka na lang kay Aling Tesa.
B. Magpabili ka sa ina mo upang mapalitan.
C. Hihingi ng paumanhin sa may-ari ng paso.
D. Hayaan mo na lang tutal luma na naman ang paso.
29. Sumama si Jonel sa camping ng Boy Scouts.Kitang-kita mo kung paano niya ikinakalat ang
mga apoy at basura sa kagubatan.Paano mo siya tutulungang igalang ang lugar at kapwa
naroon?
A. Sisigaw ako ng Tulong! Tulong!
B. Hihingi agad ako ng tulong sa mga kasama.
C. Sasabihin ko agad sa Scout Master ang pangyayari.
D. Agad ko siyang pupuntahan upang pagsabihan sa nangyari.
30. Nakita mo si Arthurna sinusulatan ang dingding ng gusali ninyo sa likod na bahagi nito.Paano
mo kaya ituturo sa kanya ang paggalang sa kapwa na may ari ng gusali?
A. Aawayin ko siya.
B. Ituturo ko kung paano mgasulat.
C. Pagsasabihan ko siya sa kanyang maling ginagawa.
D. Iuutos ko na iwasan siya ng lahat ng kakilala niya dahil sa maling ginawa.
31. May dala-dala kang pagkain upang iyong iuwi sa bahay upang ipasalubong sa mga kapatid
mo.Maya-maya, may pulubing lumapit sa iyo at hinihingi ang dala mo.Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi mo na lang siya papansin.
B. Hahatian mo siya ng dala –dala mo.
C. Hindi mo ito ibibigay para sa mga kapatid mo.
D. Ihihingi ko sila sa ibang mga taong dumaraan sa lugar.
32. Nag-iipon ka ng pera para sa bagong cellphone. Sa hindi inaasahang pangyayari, nasunugan
ng bahay ang iyong matalik na kaibigan.Ano ang gagawin mo para sa kaibigan upang
maipakita ang pananagutan mo sa kanya?
A. Ibibigay mo na muna ang naipon mo sa kanya.
B. Itatago mo dahil iyon ay para sa cellphone mo.
C. Ipapautang mo muna sa iyong matalik na kaibigan.
D. Hihingi ng pera sa mga magulang upang hindi mabawasan ang ipon.
33. Nakita mo ang iyong kapatid na kumukuha ng pera sa drawer ng ina mo. Paano mo maipakikita
ang pananagutan para sa kanya?
A. Pagsasabihan ko siya.
B. Hahayaan ko na lang siya sa kanyang ginagawa.
C. Tutulungan ko siyang maitama ang mali sa kanyang ginagawa.
D. Isusumbong ko siya sa nanay namin upang magtanda sa mali niya.
34. Si Alice ay nangangailangan ng tulong tungkol sa kanyang asignatura.Alam mong may
pananagutan ka sa kanya bilang kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Pababayaan ko siya upang matuto.
B. Tutulungan ko siya pero may kapalit.
C. Sasabihin kong dapat siyang matuto sa sarili niya.
D. Ituturo ko ang paraan sa pagsasagawa nito upang matutunan niya.
35. May sakit si Lea,ang iyong kababata.Lumiban siya sa klase.Tinatanong na siya ng inyong
guro.Paano mo maipakikita ang pananagutan sa kanya?
A. Saka ko na lang sasabihin sa guro.
B. Ipapaalam ko sa guro na may sakit siya.
C. Padadalhan ko siya ng prutas sa bahay nila.
D. Dadalawin ko siya sa bahay nila at yayaain ko ang aming guro.
36. May nais kumursunada kay Jonas.Pagtutulungan daw nila ito sa labas ng paaralan. Narinig mo
ang lahat ng ito sa mga kaklase mo.Paano mo maipakikita ang pagiging mahabagin sa
kalagayan niya?
A. Iiwas ka at hindi makikialam.
B. Isusumbong mo sa janitor ng paaralan.
C. Sasabihin mo agad sa kanya ang mangyayari.
D. Ipapaalam mo agad ito sa mga guro sa paaralan.
37. Isinama ka ng Ate mo sa bahay- ampunan.Nasaksihan mo ang mahirap na kalagayan ng mga
bata roon.Awang –awa ka sa kanila.Paano mo sila matutulungan?
A. Lahat ng mga nabanggit ay gagawin.
B. Hihingi ng tulong sa mga taong malaki ang puso.
C. Tumulong sa pagbibigay ng lumang mga damit at ibang kailangan.
D. Makiisa sa mga gawaing tumutulong para sa mga batang nasa loob ng ampunan.
38. May nakita kang matandang pulubi na nanginginig sa gutom. Nanghihingi ng tulong ngunit
walang pumapansin. May baon ka pero kakaunti lang. Ano ang iyong gagawin?
A. Ihihingi ko siya sa iba kong mga kakilala.
B. Manghihingi ako sa aking mga magulang
C. Hahatiin ko ang baon ko para sa aming dalawa.
D. Hindi ko ibibigay ang baon ko dahil mawawalan ako.
39. Maraming batang pulubi ang nagnanais na magkaroon ng mga laruan. Marami ka namang mga
pinaglumaang laruan sa bahay. Paano mo siya matutulungan.
A. Ibibili ko sila ng mga bagong laruan.
B. Ihihingi ko sila sa aking mga kaklase.
C. Hindi ko na lamang papansinin ang kanilang gusto.
D. Ibabahagi ko ang mga pinaglumaan kong mga laruan.
40. Maraming squatters ang nabahaan dahil sa magdamag na pag-ulan. Ginaw na ginaw ang mga
bata sa lugar na iyon.Paano mo maipakikita ang habag sa kanila?
A. Bibigyan ko sila ng jacket.
B. Lahat ng nabanggit ay gagawin ko.
C. Tutulungang makaalis sa lugar na iyon.
D. Sasamahan ko sila sa evacuation center.
41. Dapanood mo sa TV ang daan-daang residente na nasunugan malapit sa inyong lugar. Paano
mo maipakikita ang pagkakawanggawa sa sitwasyong ito.
A. Sisigaw ako ng “ Tulong! “
B. Tatawag ako sa kinauukulan.
C. Papanoorin ang mga pangyayari.
D. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya.
42. May welga sa isang planta sa tabi ninyo.Nagkakagulo ang mga tao. Biglang may nagbatuhan.
Nakita mong maraming duguan. Ano ang maaari mong gawin?
A. Tumawag sa kapitbahay.
B. Magsumbong sa may ari ng planta.
C. Iwasan ang lumabas at baka madamay ka.
D. Tumawag ka sa istasyon ng ng pulis o sa barangay hall.
43. Nagbabantay ka sa tatay mo sa ospital. May katabi kayong may sakit na walang bantay o
dalaw man.Kailngan niyang kumain ngunit hindi niya maabot ang pagkain dahil hindi pa siya
nakakabangon. Ano ang gagawin mo?
A. Lalabas na lang muna ako.
B. Ako na lang ang magpapakain.
C. Tatawagan ko ang doktor at nars.
D. Hindi ko na lang siya titingnan upang di ko makita.
44. Nagpapalimos si Joe sa kalye. Bawat tumigil na kotse ay kinakatok niya.Sinigawan siya ng
isang babae na nasa loob ng kotse upang paalisin. Ano ang gagawin mo?
A. Sasamahan ko siya sa paglilimos.
B. Aalalayan ko siya sa pagtawid sa kalye.
C. Hahanap ako ng taong aampon sa kanya.
D. I rereport ko siya sa DSWD upang matulungan.
45. Dating mayaman ang pamilya ni Kelly.Mabait siya at matulungin. Nasunog ang bahay niya at
nawala ang kanilang mga ari-arian. Kasamang namatay ang kanyang mga magulang. Wala
siyang matuluyan. Ano ang gagawin mo?
A. Patutuluyin ko siya sa bahay namin.
B. Hahanapin ko ang kanyang mga kamag-anak.
C. Bibigyan ko siya ng baon para lagi siyang makapasok.
D. Ipapaalam ko sa mga taong kinauukulan ang pangyayari.
46. Nagpapalimos si Dennis para maibili ng gamot ang may sakit niyang kapatid.Ni isang tao ay
walang magbigay sa kanya.Ano ang gagawin mo?
A. Pagmamalasakitan ko siya.
B. Pababayaan ko na lang siya.
C. Isusumbong ko siya sa mga pulis.
D. Ikukwento ko ito sa aming mga guro.
47. Bago ang t-shirt mo ngunit nagustuhan ito ng anak ng kasambahay ninyo na alam mong
walang kakayahang makabili nito dahil sa hirap ng buhay.Paano mo siya pagmamalasakitan?
A. Hindi ko na lang papansin.
B. Ibibigay ko na lng sa kanya.
C. Itatago ko na lang ito sa kanya.
D. Ireregalo ko ito sa matalik kong kaibigan.
48. Naulila na si March sa mga magulang. Nag-iisa na lang siya sa buhay. Paano mo maipakikita
ang malasakit sa kanya?
A. Ipababatid ko ang kalagayan niya sa DSWD.
B. Ipapaampon ko siya sa mag asawang walang anak.
C. Ipaaalam ko ito sa mga taong walang anak at kapatid.
D. Ikukwento ko ang mga ito sa mga magulang ko at kaibigan ko.
49. May mga Itang nagpupunta ng Maynila tuwing Pasko upang mamasko sa mga sasakyan. Paano
mo tutulungan ang mga ito?
A. Sasabihin kong delikado iyo.
B. Pagsasabihan ko na tumigil na siya.
C. Sabihin sa mga barangay at mga tanod,
D. Sasabihin ko sa mga magulang ko na tulungan namin sila.
50. Paano mo pagmamalasakitan ang nakita mong bata sa isang mall na nagnanakaw ng mga
gamit upang ipagbili sa mga tao para siya kumita ng pera?
A. Lahat ng mga ito ay dapat kong gawin.
B. Pagsasabihan ko siya na mali ang gawain niya.
C. Tatawagan ko ang mga pulis para sa pangyayaring ito.
D. Ipaaalam ko sa may ari ng mga paninda sa mall ang ginawa niya.
KEY TO CORRECTION
ESP –V1

1. D
2. D
3. D
4. A
5. C
6. C
7. C
8. A
9. D
10. C
11. C
12. C
13. C
14. B
15. A
16. A
17. A
18. C
19. D
20. A
21. C
22. D
23. A
24. B
25. C
26. D
27. A
28. C
29. D
30. C
31. B
32. A
33. C
34. D
35. D
36. D
37. A
38. C
39. D
40. B
41. D
42. D
43. B
44. D
45. D
46. A
47. B
48. A
49. D
50. A

You might also like