Posisyong Papel
Posisyong Papel
Posisyong Papel
Ang Pilipinas ay popular bilang transit hub ng pangangalakal ng ilegal na droga sa iba’t
ibang bahagi ng mundo. Dahil ito sa magandang puwesto ng bansa sa pagitan ng mga
kontinente. Sikat sa bansa ang poor man’s cocaine, o ang shabu, at siyempre, ang marijuana.
Daan-daang milyong piso ang halaga ng industriyang ito, na kinasasangkutan ng
multimilyonaryong mga smuggler at drug lord mula sa iba’t ibang panig ng mundo. At dahil sa
saklaw o laki na inaabot ng naturang industriya, imposibleng hindi ito alam ng matataas na
opisyal ng pulisya, militar at/o gobyernong sibilyan. Sistematiko ito, at sukdulang sinasangkot pa
ang kawawang kapit-patalim na mga OFW (Overseas Filipino Workers) bilang “drug mules” o
tagapagdala ng droga sa ibang bansa.Kaya naman hindi nakapagtataka na popular ang
kampanya kontra-drogang ito ni Duterte. Kahit ang Kaliwa, nagpahayag ng suporta sa naturang
kampanya ng bagong pangulo. Sabi pa nga ng rebolusyonaryong New People’s Army (NPA),
matagal na nitong ipinatutupad ang pagpuksa sa ilegal na droga sa kanilang mga teritoryo.
Buong puwersa nang umaarangkada ang giyera ng administrasyong Duterte kontra sa
ilegal na droga. Ang sabi pa ng iba, nagsimula na ito bago pa man umupo si Pang. Rodrigo
Duterte sa puwesto. Araw-araw na laman ng mga balita sa telebisyon at radyo ang mga
pagpatay, pagsuko o paghuli sa adik o pusher ng ilegal na droga.Ang gamot ay sinadya sa
mundo na gawin upang makapagbigay lunas ngunit sa kasabihan nga “hindi mo malalaman
kung ano ang mabuti kung wala ang masama”. May mga gamot na bawal tulad ng ginagamit ng
kabataan ngayon.Mahigit 300 katao na diumano ang napatay sa “giyera kontra droga” ng
administrasyon. Karamihan sa mga napaslang, mga durugista o nagtutulak ng droga na antas-
kalye.Samantala, ibinalita rin ang pagtukoy ni Duterte sa limang heneral ng Philippine National
Police (PNP) na pangungunang protektor ng mga operasyon ng ilegal na droga sa bansa.
Inutusan na niya umano ang National Police Commission na imbestigahan ang tatlong aktibong
heneral at dalawang retiradong heneral ng PNP.Sa pahayag nito noong Hulyo 2, sinabi ng
mismong Communist Party of the Philippines (CPP) na nakikiisa ito sa pagkamuhi ni Duterte sa
ilegal na droga (“My God, I hate drugs,” minsan nang sinabi ni Duterte sa isang campaign ad
noong panahon ng eleksiyon). “Nagsisilbi sa pananatili ng naghaharing sistema ang
paglaganap ng ilegal na droga, lalo ng shabu, gayundin ang kasabay nitong pagsirit ng bilang
ng mga insidente ng marahas na krimen (sa bansa).”
Sa hanay naman ng legal na kilusang masa, itinuturing ng Bagong Alyansang Makabayan
(Bayan) na “positibo” ang pagtarget ni Duterte sa mga opisyal ng PNP na sangkot sa
pagpoprotekta sa industriya ng ilegal na droga. Dapat lang ito, ayon sa Bayan, dahil matagal
nang pinaniniwalaan na protektor ang maraming opisyal ng pulisya at militar ng
pinakamalalaking sindikato ng droga at mga kriminal sa bansa.Para sa CPP, mahihirap ang
pinaka-biktima sa paglaganap ng ilegal na droga sa bansa. “Sa kasaysayan,” ayon sa
rebolusyonaryong partido, “sadyang hinihikayat ng mga naghaharing uri at mga kolonisador ang
paglaganap ng droga bilang paraan ng pagpapamanhid sa pandama ng mga inaapi at
pinagsasamantalahang masa. Namamanhid sila ng paggamit ng droga para di maramdaman
ang matinding epekto ng kahirapan, gutom at pandarahas ng estado.”Maikukumpara ito,
marahil, sa pagpapalaganap ng ilegal na droga sa kilusan kontra sa giyera sa Vietnam at para
sa pagpapalaya sa mga Aprikano-Amerikano noong dekada ’60 sa Amerika. Sa kanyang
sanaysay sa Harper’s Magazine nitong Abril 2016, isiniwalat ng manunulat na si Dan Baum na
may isiniwalat sa kanyang interesanteng impormasyon ang dating aide ni US Pres. Richard
Nixon na si John Ehrlichman kamakailan.
Sinabi ni Ehrlichman na pinalaganap ni Nixon ang paggamit ng marijuana sa mga kalahok
sa kilusang kontra-giyera sa Vietnam (tinaguriang hippies). At sa mga Aprikano-Amerikano o
itim na lumalaban sa gobyerno, pinalaganap niya ang heroin.Sa Amerika man o sa Pilipinas,
lumalabas na aktibong kalahok ang mga opisyal ng militar at pulisya sa pagpapalaganap ng
ilegal na droga. Ito ang mismong dahilan kung bakit pinapayuhan ngayon ng mga progresibo si
Duterte na ituluy-tuloy na ang pag-iimbestiga at pagsampa ng kaso sa mga heneral, lokal na
mga opisyal at mayayamang indibidwal—habang maghunus-dili sa paggamit ng kamay-na-
bakal (at paglabag sa batayang mga karapatan) sa mga kriminal na antas-kalye.
Ang pilipino ay naniniwala na ang lahat ng problema may solusyon. Madugo man ang
laban dahil sa giyera kontra droga nais lamang ng presidente duterte na maging ligtas ang
kanyang sinasakupan ika nga niya “kaya kong maging masama, kung ang idudulot nito ay
kabutihan sa aking nasasakupan”.
Sanggunian: