Manwal para Sa Kumpirmasyon
Manwal para Sa Kumpirmasyon
Manwal para Sa Kumpirmasyon
KUMPIRMASYON
MGA NILALAMAN
Mga Paunang Salita
Pagkilala at Pasasalamat
Panimula/Konsepto ng Kumpirmasyon
Paglilinaw sa mga Paksang Tatalakayin
Misyon at Kalikasan ng Iglesya
Ang Kasaysayan ng UCCP
Ang Pananampalataya ng UCCP
Ang Trinitaryong Saligan
Sa Wangis ng Diyos
Ang Bahagi ng Bibliya
Tungo sa Isang Bagong Pagkatao at Isang Bagong Sanlibutan
Ang Kabilang Buhay
Pag-unawa sa Bibliya
Ang Liturhiya
Ang Bawtismo
Ang Eukaristiya
Ang Hamon ng Pagiging Alagad
Tungkulin at Pananagutan ng Isang Kaanib ng iglesya
Isang Mungkahing Kaayusan ng Pananambahan
Mula sa Obispo
Narito na ang isa sa napakatagal na nating hinihintay - ang Manwal Para sa Kumpirmasyon o Pagiging Ganap na
Kaanib ng lglesya. Isa ito sa mahahalagang pangangailangan na malaon na nating hangad na maisakatuparan. Kaya
naman heto't pinagsumikapan nating ito'y magawa at matapos sa tulong at paggabay ng ating Asembleya Heneral.
Ang konsepto nito'y binalangkas ng Christian Education and Nurture Desk ng Asembleya Heneral at ating isinalin sa
tagalog upang higit na maging angkop sa ating pangangailangan. Kalakip na rin ng manwal na ito ang mga
mungkahing aralin na tatalakayin at pag-aaralan sa buong panahon ng paghahanda ng mga nagsisipagsanay na
mag-aaral at ang isang mungkahing daloy ng pananambahan para sa gawain ng kumpirmasyon.
Layunin ng manwal na ito na magabayan ang ating mga iglesya lokal at matugunan ang kanilang pangangailangan
para sa mga isinasagawa nilang paghahanda sa mga kukumpirmahang kaanib ng iglesya. Ito'y ating ginawa sa diwa
ng paniniwala na ang edukasyon at pangangalaga (education and nurture) ay mahalagang sangkap para sa
makabuluhang paghubog sa mga indibidwal nating kaanib at sa kabuuang buhay na rin ng ating iglesya.
Dahil dito, ating marubdob na hinihikayat ang lahat nating mga iglesya lokal at mga manggagawa na gamitin ang
gabay na ito sa kani-kanilang mga "communicants classes".
Dalangin namin na nawa’y makatulong at makapag-ambag ito sa ating layunin at misyon na linangin at paunlarin
ang pananampaLataya ng ating mga kaanib tungo sa isang tunay na mapanagutang paglilingkod at
pagkakatiwalang Kristiyano.
Sumainyo ang pagpapala ng ating Panginoong Diyos!
Panimula
Ang manwal na ito ay binalangkas ng Tanggapan ng Edukasyon at Pangangalagang Kristiyano bilang tugon sa
malaon nang panawagan ng mga iglesya lokal na magabayan ang kanilang mga pag-aaral sa paghahanda bilang
ganap na kaanib ng iglesya. Mula pa nang simuIan ng ating mga iglesya ang paghahanda sa mga bata para sa
kumpirmasyon ay nadarama na ang pangangailangan sa isang manwal na gagabay sa mga guro, bagama't
kadalasang di inihahayag. Ang mga katanungang, "Anu-ano ang mga paksang dapat talakayin sa pag-aaral sa
pagiging ganap na kaanib?" "Paano isasagawa ang mga klase?" "Saan kukuha rig mga kinakailangang materyales?"
"Bakit nga ba kailangan pang magsagawa ng pag-aaral sa pagiging kaanib?" "Gaano katagal ang gagawing pag-
aaral?", ay mga palatandaan ng pangangailangang ito. Kaya, ang manwal na ito ay nilikha sa pagtatangkang
tugunin ang naturang pangangailangan.
Kump irmasyon
Ang kumpirmasyon sa sakramento ng banal na bawtismo ay isang seremonyang isinasagawa ng Iglesyang
Kristiyano upang palakasin o pagtibayin ang pag-aangkin ng Diyos sa tao na inihayag sa pagbawtismo sa sanggol.
"Sa bawtismo ay pinagiging Kristiyano tayo, sinimulang maging bahagi ng katawan ni Kristo minsan at kailan man."
Sa seremonya ng kumpirmasyon, ang mga taong kinukumpirmahan ay nagpapasyang ariing kaniyang sarili ang mga
pangakong ginawa para sa kanila ng kanilang mga magulang at mga pangunahing saksi nang sila ay bawtismuhan.
Sa pamamagitan nito, ang kinukumpirma han ay nagpapahayag din sa pamayanan ng kanilang paglagpas sa
pagiging maygulang at sa pagiging mapanagutang kaanib ng pamaya nan ni Kristo. "Ang kumpirmasyon ay isang
seremonya ng kakanyahan, pananagutan, at ng ganap na pagkatalaga para sa misyon at sa ministeryo.
Ang kasaysayan ng kumpirmasyon ay mauugat sa seremonyang "bar mitzvah" ng relihiyong Hudaismo. Ang
seremonya ng kumpirmasyon bilang isang gawaing Kristiyano ay halos huli nang dumating nang ang
pagbabawtismo sa sanggol ay isinasagawa na.
Mga Motibo
Kaalaman
Malalaman ng mag-aaral ang mga paniniwalang tiyolohikal at mga Gawain ng iglesya, pati na ang mga sakramento;
ang kasaysayan, istraktura at programa ng UCCP; ang mga pananagutan at mga karapatan ng isang lumalagong
kaanib ng iglesya.
Mga Kakayahan
Matututuhan ng nakikibahagi na manalangin at manguna sa pananalangin, ang paggamit ng Bibliya sa pagninilay at
pag-aaral, makahulugang makibahagi sa samasamang pananambahan, at maging sa pangunguna sa pag-aaral at
grupo-grupong pananalangin.
Mga Pagpapahalaga
1. Ang nakikibahagi ay magkakaroon ng pagkilala at mapapanday sa gawi ng pakikipagtulungan at paggalang sa
kapwa.
2. Matututuhan ng mag-aaral na kilanlin ang kahalagahan ng aktibong pakikibahagi sa mga gawain ng iglesya at
ang paggamit ng mga mapanglikhang pamamaraan ng pagkatuto.
3. Magpatuloy ang mag-aaral sa pag-ibig sa iglesya at kusang-loob na makikisangkot sa buhay at misyon nito ng
may kasiyahan.
MOISES: (1250 c)
Mula noong 1700 c inalipin sa Egipto ang lahi ni Jacob. Mula noon, dumanas sila na kaapihan sa kamay ng mga
Egipcio. Sa kalagayang ito ipinanganak si Moises. Bagama’t ang Israelitas ay dumaranas ng matinding
paghihirap, isang katangian nila ang mapagpahalaga sa pananampalataya ng kanilang mga ninuno at
nanghahawakan sa mga pangako ng Diyos sa kanilang mga magulang.
Si Moises ay lumaki sa palasyo sa Egipto. Kaalinsabay nito, siya ay inalagaan ng sariling ina hanggang sa siya ay
maging isa sa mga tagapamahala sa Egipto sa mga pagawaan. Minsan dinalaw niya ang kanyang mga
kababayan, at nakita niya ang mga tiisin na dinaranas ng mga ito. Nang Makita niya na isa sa mga ito ay
pinahihirapan ng isang Egipcio, piñata niya at ibinaon sa buhangin ang nabanggit na Egipcio. Nalaman ng
Paraon ang nangyari, at siya ay tangka nitong ipapatay. Dahil dito, si Moises ay tumakas at nakarating sa lupain
ng Median at doon niya nakilala si Zipora na nagging asawa niya.
Mga Implikasyon:
ISAIAS
Mula sa paglaya ng mga Israelitas sa pagkaalipin sa Egipto, kanilang sinakop at pinamayanan ang Lupang
Pangako (Canaan) sa pangunguna ni Josue. Ang Israel ay nanatiling isang malayang kalipunan ng mga lipi.
Pinamunuan ang bansa ng mga Hukom sa loob ng 900 na taon, B.C. Hanggang sa ito ay maging isang kaharian
na pinagharian nina: Saul (1030-1010 c); David (1010-970); at Solomon (970-931 c). Nang taong 950 B.C.
nahati ang Israel sa dalawang kaharian – ang Judas a Timog; at ang Israel sa Hilaga. Nagpalit-palit ang mga hari
sa dalawang kaharian; may mabuti at matuwid na hari at may masama at likong mga hari na sumulpot.
BAGONG TIPAN
Ang Palestina ay sakop ng Emperyo ng Roma. Ito ay kontrolado ng mga opisyales na Romano, katuon o kakutsaba
ang mga lokal na opisyal na Hudyo at ang marurunong ng mga panahong iyon. Ang paghahari ng Emperyo ng Roma
sa Palestina ay pampulitika at pang-ekonomiya. Ang mga pangkaraniwang mamamayan ay pinapatawan ng
mabigat na buwis.
- “tributum” – ikaapat na bahagi ng ani ay ibinubuwis sa pamahalaan;
- “Anona” – buwis na pangsuporta sa hukbo;
- “publikum” – buwis sa mga binibili at ipinagbibiling produkto.
Buwis sa Templo:
- “didrachma” – buwis na ibinabayad ng bawa’t Hudyo;
- “ikapu” – ikasampung bahagi ng kinikita.
Ang mga buwis na ito ay tinataasan pa ng mga lokal na maniningil ng buwis hanggang sa ikaapat na patong.
Bumibili pa sila ng talagang pera na inihahandog sa templo sapagka’t hindi maaari ang salapi na mayroong imahe
ng emperador ng Roma.
Humigit-kumulang ito ang kalagayan ng mga Hudyo nang ang Panginoong Jesus ay dumating. Tatlumpong taon siya
nang magsimula sa kanyang ministeryo: nagpagaling, nagturo at nangaral na ang pinakasentro ng kanyang
pagtuturo ay ang Kaharian ng Diyos.
Tumawag siya ng 12 mga alagad na siya niyang nagging kasa-kasama sa pangangaral, pagtuturo at pagpapagaling.
Matindi ang reaksyon ng mga mamamayan, at maimpluwensiyang mga Hudyo, particular ang mga Eskriba, Pariseo
at mga Saserdote ng templo. Nakikita nilang malalagay sa panganib ang kanilang mga interes sa uri ng pagtuturo at
pangangaral ni Jesus. Binabago at binabaligtad ng Jesus na ito ang mga katuruan at kaugalian sa templo
(halimbawa, ang Sabbath) at napapansin nila na ang kiling ng Jesus na ito ay ang mahihirap, mga api at
pinagsasamantalahan.
Ipinako siya at pinatay sa krus, sa dalawang kadahilanan: Una, traydor sa pamahalaan (pampulitika) at
pamumusong sa Diyos (pang-kultura).
Ang maliit na grupo ng mga alagad ni Jesus ay nangalat at nangatakot dahilan sa kamatayan ng kanilang guro at
lider. Datapuwa’t ito ay pansamantala lamang, lumakas ang kanilang loob at tumapang nang kanilang maranasan
at masaksihan ang pagkabuhay na mag-uli ng kanilang guro.
Araw ng Pentecostes, samantalang sila ay nagkakatipon sa isang lugar, nilukuban sila ng Espiritu Santo at binigyan
ng kapangyarihan. Dito nagsimula ang isang kilusan na kung tawagin ay Tagasunod ng Daan. Dumami ang bilang
KAHULUGAN
Ang misyon ay pagpapalawak at pagpaparami ng bilang Ang misyon ng simbahan ay ang pagpapatuloy ng
ng kasapian ng simbahan. Ang Gawain ng simbahan ay misyon ni Kristo, ito ay ang pagtataguyod ng pagbabago
nakatutuk sa pangangalap ng mga bagong kaanib, ng buhay ng tao sa anumang sistema at istruktura na
pagpapatatag ng samahan at ng kapatiran. umaalipin sa mga tao at humahadlang upang
maranasan ng tao ang buhay na ganap at kasiya-siya.
MGA TAONG MIMISYONIN
Ang lahat ng mga tao na nasa labas ng simbahan. Sila ay Ang mga nawawalang mga tupa, mga publikano, mga
marapat na maging bahagi ng isang katawan na walang makasalanan, mga naghihirap, mga api at
iba kundi ang Iglesya. pinagsasamantalahan. Ang pangunahing layunin ay ang
mahango sila sa kanilang kinasasadlakan.
ANG SAKLAW NG MINISTERYO NG SIMBAHAN
Ang simbahan ay para sa mga bagay na pang-moral at Ang daigdig ay nilikha ng Diyos na buo at hindi
pang-espirituwal at hindi siya dapat na makialam magkahiwalay, gayundin ang tao. Ang misyon ng Iglesya
tungkol sa mga bagay na temporal at pangsanlibutan. ay sumasaklaw sa kabuuang pangangailangan ng tao at
ng sanlibutan.
Ang United Church of Christ in the Philippines ay pormal na naitatag noong ika-25 ng Mayo, 1948. Matapat na
tumatalima sa Mabuting Balita ni JesuKristo, ang UUCP ay itinataguyod sa ilalim ng atas ng Dakilang Pagsusugo:
"Humayo kayo at gawin ninyong alagad ang lahat ng bansa, bawtismuhan sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo, at turuang sumunod sa Lahat ng ipinag-uutos ka sa inyo: Tandaan ninyo: ako'y kasama ninyo
hanggang sa katapusan ng sanlibutan." (Mateo 28:19-20) ayon sa simulain ng ministeryo ni Jesus na:
“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon
Sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral
sa mga dukha ang Mabuting Balita. Sinugo
niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya;
at sa mga bulag na sila'y makakakita;
upang bigyang kluwagan ang mga sinisiil at
ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon."
(Lucas 4:16-19)
Siya'y may mga suliranin dala ng pagkatao ng kanyang mga kasapian. Datapuwa’t ang mga problema niya'y hindi
nakabawas at di kailanman makapagbabawas na kanvang kasigasigan sa pagsunod kay Kristo at sa pagkamasugid
ng kanyang pamunuan upang “ipangaral ang Mabuting Balita sa kapanahunan at di kapanahunan” at sa “pagsunod
sa batas na Dios kaysa sa batas ng tao."
Ang kanyang kinabukasan ay maaaring hindi "kasingdami ng mga buhangin” subalit, tiyak na "kasingliwanag ng
mga pangako ng Diyos."
SULYAP SA KASAYSAYAN
Ang mga iglesiyang nagsanib noong 1948 para mabuo ana United Church of Christ in the Philippines ay nadala at
naipunla sa bansang ito noong mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Ang mga Iglesiyang nagsugo ng
mga misyonero sa ating bansa ay malaon nang nakatatag sa Estados Unidos, subalit ang mga ito mismo ay mga
immigrant churches, bilang nagmula sa England, Scotland at Germany tungong U.S.A. Ang limang pinagmulang
iglesia ay ang Methodist Episcopal Church, ang Presbyterian Church, ang United Brethren Church, ang
Congregational Church at ang Church of Christ (Disciples). At lahat ng ito’y tumatanaw ng pinagmulan sa unang
iglesia kristiana sa pamamagitan ng Iglesia Romano Katoliko.
Ang mga misyonerong dumating sa Pilipinas sa panahong nabanggit ay mga masusugid na bunga ng Reformation.
Dumating silang nakahanda upang humikayat sa mga-Romano Katoliko gayon din sa mga Buddhist, Hindus,
Muslims at mga spirit-worshippers para sa Pananampalatayang Protestante: ang pananalig sa Diyos na inihayag sa
pamamagitan ni JesuKristo sa Banal na Kasulatan.
Bagama't marubdob ang kanilang pananampalataya, hindi nila nai na palawigin pa ang kalituhang dulot ng
pagkakaiba-iba ng denominasyon ("scandal of denominationalism") sa bamsang ito. Kaya't noong 1901, binuo ng
mga misyonero ang Evangelical Union na ang Iayunin ay magtaguyod ng isang "diwang magpapahinto sa
kompetisyon at pairalin ang pag-uunawaan/pagtutulungan para sa pagsusulong ag pinagkakaisahang Gawain." Ang
Evangelical Union na sa simula’y binubuo ng mga misyonero ay kinabibilangan na rin ng mga Pilipinong lider ng
iglesia simula 1921 hanggang ito'y mapalitan ng isang kapulungang nagluwal sa National Council of Churches in the
Philippines (NCCP).
Kinikilala ng mga kaanib ng Evandelical Union na mayroong dalawang uri ng pagkakaisaang kristiano; yaong bunga
ng paggasanib ng dalawa o higit pang mga iglesia para mabuo ang isang bagong iglesia; at kooperasyon ng iba’t-
ibang mga iglesia sa pagtataguyod ng mga tiyak na gawain sa pamamagitan ng mga federation o councils.
Itinaguyod niIa kapwa ang dalawang uring ito: ang pakikisanib sa mga nais sumama; at pakikisa/kooperasyon sa
*Ito'y mula sa UCCP Calendar Planbook and Directory 1985-86 na malayang isina-Pilipino ni Rev. Eliezer Pascua
para higit na mapakinabangan lalo ng mga layko ng iglesia. Ang pagtalakay dito'y kaugnay ng Circuit Rally ng mga
UCM, CWA at CYF ng ikalawang distrito ng Batangas (Agosto 18, 1985)
Sumasampalataya Kami Na
Ang Banal na Kasulatan, ang Luma at Bagong Tipan, ay isang matapat na saksi sa kapahayagan ng Diyos sa
Kanyang sarili sa kasaysayan ng Kanyang bayan at sa buhay ng mga tao.
Bilang pinili at kinasihang kasangkapan, ito ay tumatanglaw, gumagabay, nagtutuwid at nagtuturo sa Kanyang
bayan sa kanilang pananampalataya at pagsaksi.
Sumasampalataya Kami Na
Ang Diyos ay gumagawa upang lubusin ang Kanyang gawain na pagtubos sa pamatnagitan ng pagkasi sa
bawa't tao tungo sa isang bagong katauhan at ng buong sanlibutan tungo sa kanyang kaharian.
Ang kaharian ng Diyos ngayon ay naroon sa kung saan:
Ang pananampalataya kay Hesukristo ay ipinahahayag;
Ang pagpapagaling ay ibinibigay sa mga may karamdaman;
Ang pagkain ay ibinibigay sa rnga nagugutom;
Ang liwanag ay ibinibigay sa mga bulag;
Ang kalayaan ay ibinibigay sa mga bihag at mga inaapi;
Ang pag-ibig, Icatarungan at kapayapaan ay namamayani.
Sumasampalataya Kami Na
Ang pagkabuhay na muli ni Hesukristo ay nagpapatunay na ang kapangyarihan ng kamatayan ay
napagtagumpayan na.
Mayroong buhay maging sa kabila ng kamatayan at tumitingin kami sa panahon na Si Hesukristo ay muling
magbabalik. Sa katapusan ay titipunin ng Diyos ang lahat ng kanyang mga Anak, bibigyang kaganapan ang
kanyang kaharian, at gagawing bago ang lahat ng nilikha.
Sumasampalataya Icami
- pagbibigay-diin sa ating pagkaunawa sa iglesya;
- pagpapatotoo ng pag-alinsunod sa kautusang banal sa panalangin ni Hesus na "sila nawa'y maging isa ...
upang ang sanglibutan ay magsisampalataya" (Juan 17:21)
- kapahayagan ng ating sama-samang pamumuhay bilang komunidad ng mananampalataya.
Sa iisang Diyos: ang Manlilikha; ang Manunubos, at ang Tagapagtaguyod.
- nagpapahiwatig ng ating malinaw na pagpapatibay sa Trinitaryong saligan ng Iglesya
- pagpapahayag ng ganap na pagsunod sa iisang Diyos
- bilang Manlilikha, siya ang sukdulang pinagmumulan ng lahat ng lakas at lahat ng kaayusan sa sangnilikha;
ang kahulugan ng lahat ng buhay ay nagmumula sa Kanya.
- bilang Tagapagtaguyod, Siya ang nagbibigay-katiyakan na ang mabuhay ay may kahulugan at may layunin.
- bilang Manunubos, Siya ay isang mapagpalayang Diyos na nasa ating panig; nasa ating kalagitnaan,
umaalalay, tumutulong, nagpapalakas at nagpapalaya.
Kay HesuKristo, Siya ay nagkatawang-tao at naghahari bilang makapangyarihang Panginoon ng buhay at ng
kasaysayan.
- isang dakilang gawa ng pagliligtas ng Diyos, na sa kaniya tayo ay naging bagong nilalang.
- pagpapatibay na si HesuKristo ay isang makasaysayang tauhan; na siya ang dakilang guro ng etikal na
relihiyon na nakikilala ng sanglibutan; na siya ang pinakamalinaw na kapahayagan ng kalooban ng Diyos
para sa buhay ng sangkatauhan.
- Si HesuKristo ang nagpahayag kung sino ang Diyos at kung maaring maging/magawa ng tao sa
pamamagitan niya. Siya ang kasukdulan ng ating buhay.
- nagbukas ng pinto para sa mapanghamon, may layunin, at masaganang pamumuhay sa pamamagitan ng
wastong pakikipag-ugnayan sa ating kapwa sa bigkis ng kalooban at pag-ibig ng Diyos.
- nagbukas ng pinto para sa mapagpatawad na pag-ibig upang maharap ang malulubhang suliranin ng
sanglibutan.
sa Espiritu Santo, na sumasa-sanglibutan, na nagbibigay kapangyarihan at gumagabay sa mga mananampalataya
upang maunawaan at maisapamuhay ang kanilang pananampalataya kay HesuKristo.
- siyang bumibigkis sa buhay ng iglesya, bilang isang organikong katawan.
- ang Diyos ay laging gumagawa sa buhay ng kanyang bayan upang matubos sa kasalanan at maiangat sila
sa bagong antas ng buhay at ng kahulugan nito.
- ang Diyos ay laging gumagawa sa sanglibutan; ang Diyos ay laging gumagawa sa komunidad ng mga
mananampalataya.
Ang pananampalataya sa Espiritu Santo ay pananalig na ang kamay ng Diyos ay laging nasa ating mga balikat na
nagnanais na akayin tayo sa tunguhin ng Kanyang lubos na kalooban para sa atin at sa ating buhay. Ang
pananampalataya sa Espiritu Santo ay pananalig na ninanais ng Diyos na magbigay ng kaayusan mula sa kalituhan
at kaguluhan ng ating kasaysayan. Ang pananampalataya sa Espiritu Santo ay pananalig na ang Diyos ng nakaraan
at kasalukuyan ay siya ring Diyos ng hinaharap.
Ang Bibliya ay ang tala ng kaugnayanng Diyos at ng kanyang piniling bayan, na isinaayos sa tanghalan ng
pampulitika, panlipunan, at relihiyosong kasaysayan ng tao, na natatala sa iba't-ibang anyo ng panitikan na nag-
uugat sa kultura at partikular na kasaysayan ng bayan ng Diyos.
Ang Tatlong Paraan ng Pag-unawa sa Bibliya.
1. Teolohikal
ang Bibliya ay salita ng Diyos, at isang saksi sa at pagpapatibay ng pananampalataya sa Diyos na inihahayag ng
mga pahina into. Ang Bibliya ay isang kasulatang naglalaman ng malalim na pagninilay-teolohikal ng bayan ng
Diyos, ng kanilang kapahayagan ng pananampalataya sa Diyos na kanilang kinikilala bilang tanging Panginoon
at manlilikha ng langit at lupa at bilang dakilang hukom at nagpanibagong-likha ng lahat. Ipinahahayag din nila
ang pananampalataya sa Diyos na gumagawa sa kasaysayan upang iligtas at palayain ang mga inaapi, naparito
upang makiisa sa kanyang bayan.
2. Tekstuwal
Ang bawa't pampanitikang anyo ay naglalarawan ng partikular na salalayang kultural at sitwasyong
pangkasaysayan kung saan ang salita ng Diyos ay itinutuon, upang sa huli ay datnin natin ang mensahe ng
teksto.
3. Pangkasaysayan
Ito ay isang talang kasaysayan ng bayan ng Diyos; kasaysayan ng mga kaisipan at ng pananampalataya.
Ang Bibliya ay isang saksi ng sariling pagpapakahayag ng Diyos at sa pagtatagpo ng banal at ng tao. Dito nakikita ng
tao ang presensya, pagkilos, katangian at layunin rig Diyos. Ito ay matapat na tala at saksi sa pagtatagpo ng Diyos
at ng tao na naganap sa tanghalan ng kasaysayan.
Ang Bibliya ay nagtutuon ng pansin sa pangyayaring nagpapahayag ng presensya at layunin ng Diyos, at ang
pangyayaring yaon ay siyang nagiging tagapagdala ng mensahe ng Diyos sa kanyangg bayan. Ang pangyayari ay
pinagbabalikan upang makapagbigay ng kahulugan na may mahalagang implikasyon sa buhay ng bayan ng Diyos;
upang makapagturo at humamon sa kanila tungo sa matapat at mapanagutang buhay kaugnay ng Diyos. "Ang mga
natatalang pangyayari ay di lamang mga payak na katotohanan kundi mga binihisan ng mga interpretasyon ng mga
manunulat ng Bibliya. Dapat nating tandaang ang interpretasyon ang nagpagiging pangyayari sa isang pangyayari.
Ang Bibliya ay isang interpretasyon ng kasaysayan. Ang kasaysayan ay isang malayuning paglalantad ng
kapangyarihan ng Diyos sa mga pangyayari at bayan. Gayundin, ang mga kasulatan ay naglalahad ng ebalwasyon
ng mga tugon ng bayan ng Diyos sa Kanyang mga hinihingi sa daloy ng kanilang kasaysayan.
Ang Bibliya ay maituturing na isang kinasihang instrumento ng Diyos, di dahil sa perpekto ang paggkasulat. Ang
pagkasi ay mula sa Diyos habang inihahayag niya ang kaniyang sarili sa nilalaman ng bawa't aklat ng Bibliya, at
habang kanyang nililinaw sa mambabasa ang pagiging nasa kanyang presensya, habang pinasisimula niya sa
mambabasa ang proseso ng pagbabago ng pagkatao, isang konbersyon, na umaakay sa kaniya upang italaga ang
buhay ayon sa kalooban ng Diyos na nabasa sa kasulatan at inililiwat sa kanyang sariling buhay sa kasalukuyang
pamumuhay at kasaysayan. Ang Bibliya ay isang kasangkapan at biyaya ng Diyos sa atin upang bigyang kakayahan
tayo na lalong maunawaan ang mga bagay tungkol sa kanya at upang maisagawa natin ang kanyang kalooban dito
sa sanglibutan. Layunin nitong buksan ang ating mga paningin sa maraming mga pagkakataon sa paglilingkod sa
mga aktibong pakikisangkot sa buhay ng ating lipunan. Layunin nito na linangin ang pagiging sensitibo natin sa mga
nagaganap sa ating kasaysayahn at sa presensya ng Diyos at sa tunguhin ng Kanyang pagkilos sa lipunan. Tinatawag
siya nito upang makibahagi sa gawain ng Diyos sa kaniyang lipunan, sa pakikibaka upang tamuhin ang Kaharian ng
Ang ikalimang artikulo sa Kapahayagan ng Pananampalataya ay misyolohikal at direksyonal. Inihaharap nito ang
buhay ng Kristianong komunidad at ng mananampalataya sa mga bagay na nagaganap sa labas ng komunidad at sa
marapat gawin ng iglesya at ng Kristiano kaugnay ng sanglibutan na kaniyang pinaninirahan. Ito ay nagnanais na
makapagbigay ng oryentasyon at layunin sa mga pagkilos at mga anyo ng kaasalang maaring isagawa ng iglesya at
ng Kristiano bilang kapahayagan ng kanilang buhay, at gawain sa sanglibutan. Sa proseso, ito ay nagbibigay din ng
pahiwatig sa mga mithiing maaring bigyang-laman ng iglesya sa kaniyang pakikisalamuha sa kaloob ng mas
maLawak na komunidad kung saan marapat niyang gawain ang pagsaksi.
Ang Diyos na Patuloy na Gumagawa.
Ang Diyos na ating sinasampalatayanan ay isang Diyos na gumagawa. Ang kapangyarihan ng Diyos ay isang
kapangyarihang kasangkot sa daloy ng kasaysayan ng kaniyang bayan at ng boong sangnilikha. Ang kanyang
paglikha, pagtubos at pagtataguyod ay hindi humihinto, kunti patuluy ang gawain ng Diyos. Kaya, ang ating buhay
bilang tao, bilang mananampalataya, at bilang kaanib ng iglesya ay dapat maging katugma ng patuluyang pagkilos
ng Panginoon, upang ang ating gawain ay makita sa liwanag ng Kanyang gawain. Ito ang batayan kung bakit ang
pananampalataya ay di lamang pagsang-ayon sa kalipunan ng doktrina kundi ang aktibong pakikitugma ng ating
buhay at ng lahat nating ginagawa sa aktibo at kasalukuyang kalooban ng Diyos yamang ito ay patuloy na
gumagawa sa sanglibutan.
Aug pananalig na ang Diyos ay gumagawa sa ating buhay at sa ating daigdig ay sentral sa tradisyon ng
Repormasyon at sa boong saklaw ng pananampalatayang biblika. Sa gitna ng kasaysayan ng bayan ang Diyos ay
Iumitaw na siyang pangunahing kumikilos sa paglikha, pagtubos, pagtataguyod at pagtulak sa bayan tungo sa
lupang pangako at sa pangakong hantungan..
Ang simbolo ng Kaharian ng Diyos ay nagbibigay-diin sa kaanyuang pulitikal ng mithiin ng Diyos sa sangkatauhan at
sa katangiang pulitikal ng misyon ng iglesya sa sanglibutan. Ang kaharian ng Diyos ay simbolong ginamit ni Jesus
upang ipahayag ang natatanging layunin at inaasahan ng Diyos para sa sanglibutan. Ito ang kahariang ipinahahayag
ng iglesya bilang lubos na kaganapan ng kanyang pag-asa at kaligtasang nasa sanglibutan. Kaya ang saklaw ng
ministeryo ng iglesya ay ang saklaw ng kaharian ng Diyos, at di natatalian ng mga hangganan ng kasalukuyang
kaayusang panlipunan. Dahil dito, ang misyon ng iglesya bilang saksi sa Kaharian ay nalalagay sa pagitan ng
nabubulok at nakikibakang sanglibutan at ng kahingian at pangako ng Kaharian. At ang mga kahingian at
pangakong ito ng kaharian ang nagtatakda ng kanilang paggawa at pakikiisa, na siyang dahilan ng pakikipagtunggali
sa kasalukuyan.
Ang Mga Tanda ng Presensya ng Kaharian.
"Ang Kaharian ng Diyos ay naroon" (hindi nagiging ganap) ay isang paglilinaw na ang kaganapan (fulfillment) ay di
posibilidad sa kasalukuyang panahon, ni hindi saklaw ng ministeryo ng iglesya; kundi tanging sa gawa at panahon
ng Diyos. Ang pagka-naroon (presence) ng Kaharian bilang katotohanan at bilang kapangyarihan sa kasalukuyang
daigdig ang dahilan ng pagkatawag sa iglesya upang sampalatayanan at magbigay patotoo sa pamamagitan ng
kanyang buhay at gawain.
Aug mga tanda ng presensya ng Kaharian ng Diyos ay mga pagkilos, mga pangyayaring kung saan binibigyang hugis
at kapahayagan ang layunin ng Diyos sa sanglibutan, maging sa pamamagitan ng iglesya o hindi man.
ANG LITURHIYA
A. Katuturan
Ang liturhiya (leitourgia), sa matandang Atenas, ay nangangahulugan ng paglilingkod sa bayan ng isang tao sa
kanyang sariling gastos.
Sa relihiyong gamit, ito ay nangangahulugang ang sinasalita at ginagawa sa pampublikong pananambahan, o ang
kaayusan sa pagsamba at rituwal.
B. Mga Katangian ng Pagsamba
1. Ang pagsamba ay pangunahing iniuukol sa Diyos, at gayundin naman, iniuukol sa isa't-isa sa
kongregasyon.
2. Ito ay dapat na gawing may boong paggalang; kaya ang mga pagkilos ay mahalaga.
3. Dito ay walang pagtatangi ng mga tao.
4. Sa pagsambang espirituwal ay walang tanging lugar na kinakailangan.
K. Pamantayan sa Pagsamba
Ang tunay na pagsamba ay kinakailangang 1) lumuluwalhati sa Diyos, at 2) nagpapatibay so mga nagsisisamba.
(Basahin ang I Corinto 10:23; 14:3 sumusunod, 12, 17,26).
D. Nilalaman ng Karaniwang Liturhiya
(2) Titik Griyego ng alpha at omega - Ito ay nangangahulugang si HesuKristo ang una at ang huli, ang
simula at ang wakas.
(3) Daong (ark) - Ito ay nangangahulugan naman ng Iglesya.
(4) Krus - Ito ay naglalarawan ng Nabuhay na Mag-uling Kristo.
(5) Mga Kulay sa Kalendaryong Kristiyano.
Pagdatal o Advento - apat na Linggo bago sumapit ang Pasko -Kulay Ube
Christmastide (Disyembre 25 - Enero 5) - Kulay Puti
ANG BAWTISMO
Ang bawtismong Kristiyano ay nakaugat sa ministeryo ni Jesus ng Nazareth, sa kanyang kamatayan at pagkabuhay
na muli. Ito ay isang paglahok kay Kristo, ang Panginoong napako at muling nabuhay; ito'y isang pagpasok sa
Bagong Pakikipagtipan sa pagitan ng Diyos at ng kanyang sambayanan. Ang bawtismo ay isang kaloob mula sa
Diyos, at isinasagawa sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Banal na Espiritu. ItinaIa ni San Mateo na ang nabuhay na
Panginoon, nang sinusugo ang Kanyang mga disipulo sa sanlibutan, ay nag-atas sa kanila na mag-bawtismo (Mateo
28:18-20). Ang pandaigdigang pagsasagawa ng bawtismo ng Apostolikong Iglesya mula noong una pa ay
pinatutunayan sa mga liham sa Bagong Tipan, ang mga Gawa ng mga Aspotol, at ang mga sinulat ng mga Ama. Ang
mga iglesya ngayon ay nagpapatuloy sa pagsasagawa nito bilang isang ritwal ng pagtatalaga sa Panginoon na
nagpapataw ng kanyang biyaya sa kanyang sambayanan.
ANG KAHULUGAN NG BAWTISMO
Ang bawtismo ay ang tanda ng bagong buhay sa pamamagitan ni Hesukristo. Pinag-iisa nito ang binawtismuhan
kay Kristo at sa mga tao. Ang Bagong Tipan at ang liturhiya ay nagbubukas ng kahulugan ng bawtismo sa iba't-ibang
anyo o larawan na ipinahahayag ng kayamanan ni Kristo at ang mga kaloob ng Kanyang kaligtasan. Ang mga anyo o
larawang ito kung minsan ay iniuugnay sa mga simbolikong gamut ng tubig sa Lumang Tipan. Ang Bawtismo ay
"pakikilahok sa kamatayan at pagkabuhay na muli ni Kristo (Roma 6:3-5; Colosas 2:12); isang pagbibigay liwanag ni
Cristo (Efeso 5:14); isang pagbibihis muli kay Kristo (Galacia 3:27); isang pagpapanibago ng Espiritu (Tito 3:5); ang
karanasan ng kaligtasan mula sa baha (I Pedro 3:20-22); isang paglalakbay mula sa pagkaalipin (I Corinto 10:1-2) at
ang kalayaan tungo sa bagong katauhan na kung saan ang mga hadlang ng paghahati-hati, maging kasarian o lahi o
katatayuang panlipunan ay naiigpawan (Galacia 3:27-28; I Corinto 12:13). Ang anyo ay marami nguni't ang
katotohanan ay iisa.
Pakikilahok sa Kamatayan at Muling Pagkabuhay ni Kristo
Ang bawtismo ay nangangahulugan ng pakikilahok sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Si
Jesus ay lumusong sa ilog ng Jordan at binawtismuhan sa pakikipagkaisa sa mga makasalanan upang matupad ang
lahat ng kabanalan o katuwiwran (Mateo 3:15). Ang bawtismong ito ay nagbunsod kay Jesus tungo sa landas ng
pagiging Nagdurusang Lingkod, na ipinahayag sa kanyang paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay (Marcos
10:38-40, 45). Sa bawtismo, ang mga Kristiyano'y inilulubog sa mapagpalayang kamatayan ni Kristo kung saan ang
kasalanan nila'y inililibing, kung saan ang matandang Adan ay ipinako kasama ni Kristo, at kung saan ang
Habang sila ay lumalago sa Kristiyanong buhay ng pananampalataya, ang mga nabawtismuhang mananampalataya
ay nagpapakita na ang sangkatauhan ay maaring mapabuti at mapalaya. Sila ay mayroong iisang tungkulin, dito at
ngayon, na sama-samang sumaksi sa Ebanghelyo ni Kristo, ang Tagapagpalaya ng lahat ng tao. Ang konteksto ng
iisang pagsaksing ito ay ang Iglesya at ang sanlibutan. Sa boob ng pagsasamang ito ng pagsaksi at paglilingkod, ang
mga Kristiyano ay nakakatagpo ang ganap na kabuluhan ng bawtismo bilang kaloob ng Diyos sa buong
sambayanan. Gayundin, kanilang kinikilala ang bawtismo, bilang bawtismo sa kamatayan ni Kristo, ay mayroong
etikal na kahulugan na di lamang tumatawag para sa pansariling kabanalan, kundi nagbubunsod rin sa mga
Kristiyano na magpunyagi para sa katuparan ng kalooban ng Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay (Roma 6:9 ff;
Galacia 3:27-28; I Pedro 2:21-4).
ANG GAWAING BAWTISMO
Pagbabawtismo sa mga Mananampalataya at mga Sanggol
Bagama't ang posibilidad na ang pagbabawtismo sa sanggol na ginagawa din sa apostoliko ay di maihihiwalay, ang
bawtismo matapos ang pansariling pagpapahayag ng pananampalataya ay isang pinakamalinaw na pinatutunayan
ng mga dokumento sa Bagong Tipan.
Sa daloy ng kasaysayan, ang pagsasagawa ng bawtismo ay nalinang sa iba't-ibang kaanyuan. Ang ibang mga iglesya
ay nagbabawtismo ng mga sanggol na dinadala ng mga magulang o ng tagapangalaga na handang dalhin ang mga
bata sa pananampalatayang Kristiyano ng Iglesya. Ang ibang Iglesya' y sarilinang isinasagawa ang pagbabawtismo
ng mga nananampalataya na personal na nagpapahayag ng pananampalataya. Ang ilan sa mga iglesyang ito ay
hinihikayat ang mga sanggol o bata na ihaharap at pagpapalain sa isang gawain na kadalasa'y kinapapalooban ng
pagpapasalamat para sa kaloob na sanggol at gayundin ng mga pagtatalaga ng ma at ama sa pagiging Kristiyanong
magulang.
Lahat ng iglesya ay nagbabawtismo ng mga nananampalataya na mula sa ibang relihiyon o mula sa pagiging di-
mananampalataya na tumatanggap sa pananampalatayang Kristiyano at nakikilahok sa katekismong alituntunin.
Ang pagbabawtismo sa mga mananampalataya at sa mga sanggol ay kapwa ginaganap sa iglesya bilang pamayanan
ng nananampalataya. Kapag ang sinoman na makatutugon para sa kanyang sarili ay nabawtismuhan, ang isang
pansariling kapahayagan ng pananampalataya ay isang mahalagang bahagi ng gawain ng pagbabawtismo. Kapag
ang sanggol ay binabawtismuhan, ang personal na tugon ay gagawin sa hinaharap pa ng buhay. Sa parehong
kalagayan, ang binawtismuhang tao ay dapat lumago sa pagkaunawa sa pananampalataya. Para doon sa mga
binawtismuhan matapos ang kanilang paghahayag ng pananampalataya, laging mayroong namamalaging
pangangailangan na nagpapatuloy na paglago ng personal na tugon sa pananampalataya. Sa bahagi ng mga
sanggol, ang pansariling tugon ay inaasahan sa hinaharap pa, at ang pangangalagang Kristiyano ay itinutuon sa
pagtatamo ng kapahayagang yaon. Lahat ng bawtismo ay nakaugat sa at nagsisiwalat ng katapatan ni Kristo
hanggang kamatayan. Ito ay nakaangkop sa kalagayan ng buhay at pananampalataya ng Iglesya, at sa
pamamagitan ng pagsaksi ng kabuuang Iglesya, nakatuon sa katapatan ng Diyos, ang saligan ng lahat ng buhay sa
pananampalataya. "Sa bawa't bawtismo ang buong kapulungan ay muling pinagtitibay ang kanyang
pananampalataya sa Diyos at nangangako na maglalaan ng isang kapaligiran ng pagsaksi at paglilingkod". Ang
bawtismo, kung gayon, ay dapat laging ipinagdiriwang at binubuo sa kalagayan ng Kristiyanong pamayanan.
Ang iba't-ibang pagkilos ay naging kaugnay na sa pagkakaloob ng Espiritu. Para sa ilan, ito na mismo ang ritwal ng
tubig. Para sa iba, ito ay pagpapahid na may pagtatalaga at/o pagpapataw ng mga kamay, na tinawag ng maraming
iglesya na kumpirmasyon o pagpapatibay. Sa iba naman, ito ay ang kabuuan ng tatIong yaon, yamang nakikita nila
ang Espiritu na kumikilos sa kabuuan ng ritwal, Lahat ay sumasang-ayon na ang bawtismong Kristiyano ay sa tubig
at sa Banal na Espiritu.
Tungo sa Nagkakaisang Pagkikilala sa Bawtismo
Ang mga iglesya ay unti-unting kinikilala ang bawtismo ng isa't-isa bilang ang iisang bawtismo kay Kristo nang si
Hesukristo ay ipahayag na Panginoon ng kandidato o, sa usapin ng bawtismo ng sanggol, ay kapag nagpahayag ang
iglesya (magulang, tagapangalaga, ninong at ninang at kapulungan) at pinagtitibay sa bandang huli ang pansariling
pananampalataya at pagtatalaga. Ang nagkakasundong pagkilala sa bawtismo ay pagsasaalang-alang bilang isang
mahalagang tanda at pamamaraan ng pagpapahayag sa kaisahang bawtismo na bigay ni Kristo. Hangga't posible,
ang iisang pakilala ay dapat ipahayag ng lantaran ng mga iglesya.
Upang maigpawan ang kanilang pagkakaiba-iba, ang mga mananampalatayang bawtista (baptists) at yaong
nagsasagawa ng bawtismo sa sanggol ay dapat muling isaalang-alang ang ilang mga aspeto ng kanilang
nakagawian. Ang una'y maaring magpahayag ng higit na lantaran ang katotohanan na ang mga bata ay inilalagak sa
lilim ng pangangalaga ng biyaya ng Diyos. Ang huli ay dapat bantayan ang kanilang mga sarili laban sa gawi ng tila
walang pagtatanging bawtismo at gawin ng higit pang seryoso ang kanilang tungkulin para sa pangangalaga ng mga
nabawtismuhang bata tungo sa ganap na pagtatalaga kay Kristo.
ANG PAGDIRIWANG NG BAWTISMO
"Ang bawtismo ay isinasagawa ng may tubig sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Banal, na Espiritu."
Sa pagdiriwang ng bawtismo ang simbolikong paglalarawan sa tubig ay dapat seryosong tingnan at hindi
pinabababa. Ang gawa ng paglulubog ay malinaw na maipahahayag ang katotohanan na sa bawtismo, ang
Kristiyano ay lumalahok sa kamatayan, paglilibing at muling pagkabuhay ni Kristo.
Tulad ng kalagayan sa unang mga siglo, ang kaloob ng Espiritu sa bawtismo ay maaring magtanda sa mga dagdag
na pamamaraan; halimbawa, sa tanda ng
pagpapatong ng mga kamay, at sa pagpapahid o "pagtatalaga". Ang tanda ng krus ay nagpapaalala sa ipinangakong
kaloob ng Banal na Espiritu na siyang panunumpa at pangako sa kung ano ang darating pa kapag ang Diyos ay
lubusan nang natubos yaong mga inari na Niyang ganap (Efeso 1:13-14). Ang pagpapanumbalik ng nasabing
malinaw na tanda ay maaasahang mapagyaman sa liturhiya.
Sa boob ng anomang komprehensibong kaayusan ng bawtismo, dapat malagay sa wastong lugar ang mga
sumusunod: ang "pagpapahayag ng kasulatan" na tumukoy sa bawtismo; ang "pagtawag o paghingi sa Banal na
Espiritu"; "ang pagtatatwa sa kasalanan"; ang "pagbabandila ng pananampalataya" kay Kristo at sa Banal na
Trinidad (Tatlong Persona); ang "paggamit ng tubig"; ang "pagsisiwalat na ang mga tao na nabawtismuhan ay
nakakuha ng bagong kakanyahan bilang mga anak ng Diyos, at bilang mga kaanib ng Iglesya, ay tinawag upang
maging mga saksi sa Ebanghelyo." Ang ilang mga iglesya ay itinuturing na ang pagtanggap Kristiyano ay di sapat
kung wala ang pagtatatak ng nabawtismuhan ng kaloob ng Banal na Espiritu at pakikilahok sa banal na komunyon.
ANG EUKARISTIYA
(Aug Banal Na Komunyon)
Ang anamnesis ni Kristo ang batayan at pinagmumulan ng lahat ng pananalangin ng Kristiyano. Kaya ang ating
panalangin ay umaasa at pinagkakaisa sa pamamagitan ng pamamagitan ng isang nabuhay na Panginoon. Sa
eukaristiya, pinagkakalooban tayo ng kapangyarihan ni Kristo upang mabuhay na kasama niya, upang makiisa sa
kaniyang paghihirap at manalangin sa pamamagitan niya bilang isang binigyang-katarungang makasalanan,
maligaya at malayang tinutupad ang kaniyang kalooban.
Kay Kristo, inihahandog natin ang ating sarili bilang isang buhay at banal na sakripisyo sa ating pang-araw-araw na
buhay (Roma 12:1; 1 Pedro 2:5); ang epsirituwal na pagsambang ito, katanggap-tanggap sa Diyos ay pinalulusog sa
eukaristiya, kung saan tayo ay pinapagiging banal at pinagkakasundo sa pag-ibig, upang maging lingkod ng
pakikipagkasundo sa sanglibutan.
Pinagkaisa kay Kristo at sa pakikipag-ugnayan sa mga banal at santo, tayo ay muling pinalalakas sa ating
pakikipagtipan na tinatakan ng dugo ni Kristo.
Dahil sa ang anamnesis ni Kristo ang pinaka-laman ng mga salitang ipinahahayag, katulad sa hapunang pang-
eukaristiya, nagtutulungan ang bawa't isa. Ang pagdiriwang ng eukaristiya ay kalakip din ang paghahayag ng Salita
ng Diyos.
Ang salita at gawa ni Kristo sa pagtatalaga ng eukaristiya ay tumatayong pinaka-puso ng pagdiriwang; ang
hapunang pang eukaristiya ay ang sakramento ng katawan at dugo ni Kristo, ang sakramento ng kaniyang tunay na
presensiya. Tinutupad ni Kristo sa iba't-ibang pamaraan ang kaniyang pangako na siya ay kasama nila hanggang sa
katapusan ng sanglibutan. Subali't ang presensiya ni Kristo sa eukaristiya ay di-pangkaraniwan: Ito ang aking
katawan ... ito ang aking dugo … Kung ano ang ipinahahayag ni Kristo ay totoo, at ang katotohanang ito ay
nagaganap tuwing ipagdiriwang ang eukaristiya. Ipinahahayag ng Iglesya ang tunay, buhay, at aktibong presensiya
ni Kristo sa eukaristiya. Samantalang ang tunay na presensiya ni Kristo sa eukaristiya ay hindi batay sa
pananampalataya ng isang tao, ang lahat ay sumasang-ayon na upang makilala ang katawan at dugo ni Kristo,
kailangan ang pananampalataya.
ANG EUKARISTIYA: ISANG PAGHIBIK NG ESPIRITU
Ginagawa ng espiritu na ang napako at nabuhay na Kristo ay presente sa hapunang eukaristiya, tinutupad ang
pangako na nakapaloob sa pananalita ng pagtatalaga. Ang presensiya ni Kristo ay maliwanag na pinakasentro ng
eukaristiya, at ang pangako na nakapaloob sa pananalita ng pagtatalaga ay kailangan sa pagdiriwang. Nguni't ang
Ama pa rin ang pinagmulan at katapusang katapuran ng pangyayaring eukaristiko. Ang nagkatawang tao na Anak
ng Diyos na siya ang dahilan at sa pamamagitan niya nagawa ang lahat ang siyang buhay na sentro ng eukaristika.
Ang Banal na Espiritu ang di-masukat na lakas ng pag-ibig upang ito ay maganap at magpatuloy na naging mabisa.
Ang tali sa pagitan ng eukaristikong pagdiriwang at ang lihim ng tatIong persona ng Diyos ang nagsasaad kung ano
ang ginagampanan ng Banal na Epsiritu kung paanong ang makasaysayang salita ni Hesus ay buhay. Dahil sa
katiyakan ng pangako ni Hesus nakapaloob sa pananalita ng pagtatalaga na ito ay tutugunin, ang iglesya ay
nanalangin sa Ama para sa kaloob ng Banal na Espiritu upang ang pangyayaring eukaristika ay maging
makatotohanan: ang tunay na presensiya ng isang ipinako at nabuhay na Kristo, ipinagkaloob ang buhay para sa
sangkatauhan.
Dahil sa buhay na salita ni Kristo at ang kapangyarihan ng banal na Espiritu kaya ang tinapay at alak ay nagiging
sakramental na simbolo ng katawan at dugo ni Kristo. Ito ay nananatili para sa layunin ng komunyon.
Ang buong gawain ng eukaristiko ay mayroong katangiang "epikletic" dahil sa ito ay umaasa sa gawa ng Banal na
Espiritu. Sa salita ng liturhiya, ang aspetong ito ng eukaristiko ay may iba't ibang uri ng kapahayagan.
Ang eukaristiya ay yumayakap sa buong aspeto ng buhay. Ito ay kumakatawan sa gawa ng pasasalamat at
paghahandog sa pangalan ng buong sanglibutan. Ang eukaristiyang pagdiriwang ay humihingi ng pagkakasundo at
pagbabahagi sa kapatirang lalaki at babae sa isang tahanan ng Diyos at ito rin ay isang nagpapatuloy na hamon
upang saliksikin ang akmang ugnayan sa panglipunan, pangkabuhayan, at pangpolitikal na buhay (Mateo 5:23f; I
Cor. 11:20-22; Gal. 3:28). Ang lahat ng uri ng di-makatarungan, pag-uuri, paghihiwalay at pagkawala ng kalayaan ay
isang radikal na hamon kapag tayo ay nagsasalo-salo sa katawan at dugo ni Kristo. Sa eukaristiya, ang patuloy na
nagbabagong biyaya ng Diyos ay tumitiim at muling nagbabalik ng personalidad at dignidad ng isang tao. Ang isang
mananampalataya ay nagkakaroon ng bahagi sa kasaysayan ng sanglibutan sa pamamagitan ng eukaristiya. Bilang
may bahagi sa eukaristiya, hindi tayo nagiging tapat o totoo kung hindi makikibahagi sa patuloy na pagbabalik ng
kalagayan ng sanglibutan at kalagayan ng tao. Ipinakikita sa atin ng eukaristiya na ang pag-uugali natin ay pabago-
bago sa harap ng presensiya ng Diyos sa sanglibutan na ang layunin ay pagkakasundo: tayo ay nalalagay sa isang
nagpapatuloy na paghatol sa pamamagitan ng iginigiit na di-makatarungang ugnayan ng lahat ng uri sa ating
lipunan, ang maramihang pagkakahati-hati sa bahagi ng kataasan ng tao, pagnanasa sa materyal na bagay, at
kapangyarihang politikal, at higit sa lahat, ang pagiging suwail at di maikakatwirang pagtutunggalian sa loob ng
katawan ni Kristo.
Ang ating pagkakaisa sa eukaristiyang pagsasama-sama sa katawan ni Kristo at ang responsableng pagkalinga sa
isa't isa bilang Kristiyano at sa buong sanglibutan ay may tiyakang kapahayagan sa liturhiya: paghingi ng
kapatawaran sa mga kasalanan; ang tanda ng kapayapaan; pamamagitan para sa lahat; ang pagkain at pag-inom ng
sama-sama; ang pagdadala ng mga elemento sa may karamdaman at gayon din sa mga bilangguan o kaya naman
kasama sila sa pagdiriwang ng eukaristiya. Ang lahat ng kapahayagang ito ng pag-ibig sa eukaristiya ay may
tuwirang kaugnayan sa pagpapapatotoo ni Kristo bilang tagapaglingkod, na kung saan din ang mga Kristiyano ay
may bahagi sa paglilingkod. Kung paanong ang Diyos kay Kristo ay pumasok sa kalagayan ng tao, gayon din ang
eukaristiyang liturhiya ay malapit sa isang konkreto at tiyakang kalagayan ng lalaki at babae. Sa mga unang Iglesya,
ang paglilingkod ng mga diakono at diakonesa ay nagbigay pahayag sa isang natatanging paraan ng aspeto ng
eukaristiya. Ang lugar ng "ministeryong ito sa pagitan ng hapag at mga nangangailangan ay akmang patotoo ng
isang nagliligtas na presensiya ni Kristo sa sanglibutan.
Sa isang lipunan na kakikitaan ng tunggalian ng mga uri, yaong mga bumabalikat sa mga pinakamabigat na dalahin
— ang mga taong isinasantabi o itina-tatwa ng lipunan — ay pumapaloob sa katangian ng "nonpersons" o "di-tao".
Ipinaliwanag ni Robert McAffee Brown, isang bantog na tiyologo, na ang pag-uusap hinggil sa mga "di-tao"
(nonpersons) "ay isang pagpuna sa panlipunang katotohanan na sila'y tinitingnan natin bilang "di-tao", na parang
di na mga kailangan, na maaring isantabi na lamang kapag ang kanilang "kahalagahan" ay naubos na.
Sa daigdig na pinangingibabawan ng teknolohiya, ang mga lipunan ay tina-trato ang maliliit na mga tao na para
bang hindi sila nabubuhay. Sila yaong ang kalagayan ay di natutugunan ng sapat ng mga nasa kapangyarihan at ang
mga tinig ay di naririnig. Datapwa't sila rin yaong ang mga katanungan ay nakapagdudulot ng wastong direksyon at
laman sa tiyolohiyang Kristiyano. lsaalang-alang halimbawa, ang mga sumusunod na tinig mula sa mabababa — o
ng mga tao sa Ikatlong Daigdig: "Paano kami maniniwala sa Diyos sa isang lipunan na sistematikong nagwawasak at
sumisira sa amin? Paano kami maniniwala sa Diyos bilang personal gayong halos lahat ng bagay sa mundo ay
nagkakasundo na pagkaitan kami ng aming pagkatao?" Ang pagiging alagad para sa mga "di-tao" sa mundong ito
ay isang hamon para sa ating lahat sa panahong ito.
Kadalasan, kapag tayo ay nakikinig sa mga sermon o nagbabasa ng mga paglalahad ng mga bantog na tiyologo,
tayo'y nadadala ng kanilang kahusayan at nakahihikayat na ideyalismo. Nguni't kapag atin nang sinubukang
isagawa ang mensahe na kanilang nais iparating, doon natin natutuklasan ang ating mga kahinaan at wala tayong
nagagawa. Para kay Jesus, iisa lamang salita ang katumbas ng pagiging alagad -- pagsunod. Tulad ng sinasabi sa
talata ... "bawtismuhan ninyo sila sa Pangalan ng Ama, ng Anak at ng Banal ma Espiritu at "turuang sumunod" sa
lahat ng ipinag-uutos ko sa inyo."
Ang pagiging alagad, sa pag-unawa ni Jesus, ay ang tungkulin na turuan ang mga tao ng hinggil sa kabutihan ng
pagsunod. Sinasang-ayunan ng iglesya ang salalayang paniniwalang ito, sapagka't sa buong buhay ni Jesus, Kanyang
Para kay Jesus, ang mapanagutang pagsunod ay dapat, higit sa lahat, siyang palatandaan ng tunay na katapatan sa
Diyos. Subali't kung ang katapatan kay Kristo ay rtagiging parang isang lisensya lamang para sa politikal o
idiyolohikal na alyansa, at kapag ang mga idiyolohikal na mga alyansa ay dumarating sa wangis Jamang ng
Kristiyanong pagsunod, dapat tayong mabahala, pagka't ang diwa ng tunay na katapatan kay Kristo ay
nanganganib.
Isang napapanahong paalala ang dapat bigyang diin sa yugtong ito.
"Kapag ang iglesya ay piniling ipanig ang kan yang sarili sa mga idiyolohikal na balangkas ng anumang kalikasan,
kanyang isinasakripisyo ang moral na integridad ng pagkatawag sa kanya." Ang pagka-alagad sa gayon ay nagiging
pagsunod lamang sa tao at ang katapatan kay Kristo ay nagiging isang simpleng doktrinang pantasya o
kababalaghan.
Ang pagka-alagad sa daigdig ay hindi isang tungkulin ng pagpapahintulot sa kalagayang umiiral, lalo pa't ang
kalagayan ay nasa ulap ng laksang katanungang moral. Kung ang iglesya ay isang mapagpalayang puwersa sa
kasaysayan, ang mga alagad nito ay dapat magbigay ng ganap at huling katapatan lamang sa Kaharian ng Diyos na
magaganap pa Iamang sa ating kalagitnaan. Walang ibang makalupang ideyolohiya ang maihahalili sa
maluwalhating kahariang yaon na ngayo'y umuusbong na sa ating kasaysayan. Upang lalo pang bigyang linaw ang
nais nating ipahayag, narito ang sinabi ng isang Pilipinong ethicist:
"Hindi ito nangangahulugan na ang Kristiyano bilang mamamayan ay dapat tratuhin ng iba... Hindi nito
ibig sabihin na ang katapatan ng Kristiyano sa kapangyarihang politikal ay may pasubali... At ito'y
nangangahulugan, higit sa lahat, na mayroong natatanging damdamin sa "mga mata ng
pananampalataya", sa ano mang pahiwatig, sa ano mang pag-usbong ng kakila-kilabot na idolatriya sa
buhay politikal, sa ano mang pagkilos na kung saan ang kapangyarihang politikal ay nabubunsod sa walang
pasubaling pagsandig sa kanilang paghahari mula sa kanilang sambayanan, at magsimulang tiyakin na ang
kanilang bayan ay responsable sa kanila sa halip na sila ang responsable para sa bayan.''
Mayroong malaking pagkakaiba sa pagitan ng pagiging alagad at idolatriya. Ang pagka-alagad ay isang
mapagpakumbabang pagkilala ng tao sa pagkapanginoon ni Jesukristo sa lahat ng buhay na inihahayag sa kanyang
paglilingkod sa iba at sa sanlibutan; samantalang ang idolatriya ay ang pagmamalaki ng tao sa kanyang sarili — ang
pagpapapahalaga sa mga tagumpay at pag-uugali ng tao, sa kabila man ng lantad na kontradiksyon at kahirapan.
Sa daigdig na lipos ng pandaraya, tunggalian at karahasan na tulad ng sa atin, ang kailangan natin ay mga tapat na
alagad na mayroong maaalab na ideyalismo at kasigasigan na maglingkod. Ang kailangan natin ay mga alagad na
ang katapatan kay Kristo ang siyang tanging kailangan para sa pagsunod. Pagka't hanggang tayo'y nananatiling mga
bihag ng sarili nating mga idolatriya, ang katapatan kay Kristo ay mananatili ring isang hungkag na salita.
Bilang pag-uulit, ang kabuuang kahulugan at lawak ng Kristiyanong pagsunod ay sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng
buhay at pakikipag-ugmayan. Sa daigdig ng kawalan ng pagkakapantay-pantay at kaapihan na tulad ng sa atin,
marami — maging sa boob ng mga pamayanang Kristiyano at institusyon ang itinuturing na ''di- tao'' (nonpersons)
sa simpleng kadahilanan na sila'y di kabilang sa mga malalapit sa atin. Matiyaga nilang binabalikat ang sarili nilang
mga pighati hanggang sa kalaunan ay sila'y mamamatay sa gutom at ginaw.
Salamat sa makasaysayang Jesus na sa Kanyang pagpapamalas ng katapatan sa Diyos, ay nagbunsod sa atin na
maunawaan ang pinakamalalim na kahulugan ng pagsunod. Kaya, tayo'y masigasig na magsikap na sumunod sa
Kanya bilang kanyang mga tapat na alagad, at di magtatagal ay ating mapupuna ang ilang mga pagbabago sa ating
mga buhay at sa ating lipunan.
Halaw mula sa sermon ni Reb. Oscar S. Suarez na inilathala sa kanyang aklat na Liberating the Pulpit.
Kukumpirmahan: Opo
Ministro: Hinahangad ba ninyong maging alagad niya, upang sumunod sa Kaniyang mga salita at upang
ipamuhay at ipakita sa sanglibutan ang Kaniyang pag-ibig?
Kukumpirmahan: Opo, sa tulong ng Banal na Espiritu.
Ministro: Kayo ba ay magiging tapat na kaanib ng kongregasyong ito, magkakaloob ng inyong sarili sa lahat ng
paraan, hahanapin ang pakikialamuha sa iglesya saan man kayo naroon, at maglilingkod sa nangangailangan
saan man kayo naroroon?
Kukumpirmahan: Opo, gagawin po namin. Tulungan nawa kami ng Diyos.
Ministro: Bilang mga magulang, tagapangalaga, mga ninong at ninang, tinamo ninyo ang karapatang
makibahagi sa gawaing ito ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng pagpapatong ng inyong mga kamay sa balikat
ng inyong mga anak. Bagama't sila ay mangagiging ganap nang kaanib ng iglesyang ito, sila ay patuloy na
mangangailangan ng inyong pagtataguyod at ng inyong mapagmalasakit na pangangalaga habang
nagpapatuloy sa pagiging maygulang sa pananampalataya.
(Kung ang mga kukumpirmahan ay nangagsisulat ng kanilang sariling kapahayagan ng pananampalataya
bilang bahagi ng mga klase sa Kumpirmasyon, maaring gamitin ito sa halip na ang nasa itaas.)
ANG PAGPAPAHAYO (Ministro)
Mga kaibigan, kayo ay mga alagad ni HesuKristo. Tinawag Niya kayo at ngayon ay itinalaga kayo. Mamuhay kayo sa
Kanyang pag-ibig at maglingkod sa Kanya.
At mapuspos kayo ng pagpapasalamat. Ang mensahe ni Kristo ang manahan sa inyo ng buong kasaganaan.
Anoman ang inyong ginagawa, sa salita man o sa gawa, gawin ninyo ang lahat ng bagay sa pangalan ng Panginoong
Hesus na nagpapasalamat sa ating mapagmahal na Diyos sa pamamagitan Niya. Amen.
ANG PANALANGIN NG MINISTRO, MGA PRESBITERO AT KINUKUMPIRMAHAN (pangungunahan ng isang
presbitero.)
(Ang kinukumpirmahan ay magsisiluhod sa harap ng Ministro, habang ang mga Presbitero kasama ng mga
magulang, mga tagapangalaga, at mga ninong at ninang ay tatayo sa kanilang likuran. Ipapatong ng Ministro at
mga Presbitero ang kanilang mga kamay sa ulo ng mga kinukumpirrrudran, at ang mga magulang naman ay sa
balikat.)
"0 Diyos, aming Manglilikha: pinupuri ka namin sa pagtawag mo upang maging aliping bayan, at sa pagtitipon sa
amin sa katawan ni Kristo. Pinasasalamatan ka namin sa pagkahirang sa mga kabataang ito upang madagdag sa
komunidad ng pananampalataya. Sama-sama nawa kaming mamuhay sa iyong Espiritu, at lubos na mag-ibigan sa
isa't-isa, upang kami ay magkaroon ng kaisipan ni HesuKristo ang aming Tagapagligtas, na sa kaniya namin
ibinibigay ang karangalan at kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
PAG-AABOT NG KAMAY NG PAKIKIISA
(laabot ng ministro at mga presbitero ang kanilang mga kanang kamay bilang tanda ng pakikiisa sa mga bagong
nakumpirmahan.)
Halina kayo sa ministeryo ni HesuKristo sa pamamagitan ng iglesyang ito.
Humayo kayo at maglingkod sa Panginoon.
Ang biyaya ng ating Panginoong HesuKristo, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikisama ng Espiritu Santo ay
sumainyong lahat. Amen.
PAGHAHARAP SA KAPULUNGAN (Ang mga kinumpirmahan ay haharap sa kapulungan)