Mga Nilalaman

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 67

Mga Nilalaman

1. Paunang Salita
2. Panimula
3. ANG KANLUNGAN
A. Baliktanaw - Ang Kasaysayan ng Parokya
B. Nuestra Senyora De Candelaria , Ilaw at Tanglaw ng Parokya
C. San Pedro Bautista – Ang Misyonero
4. ANGKANG – KATIWALA
A. Mapagpalang Paglilingkod Para sa Sambayanan
i. Ang Munting Sambayanang Kristiyano
ii. Mga Konseho at Kasapi Nito
1. PCEA
2. PPC
3. ST-MSK
5. GABAY
A. KAMANLALAKBAY
Ang mga Pari
i. Rev. Msgr. Juan T. Rapinan, H.P.
ii. Rev. Msgr. Simeon S. Racelis H.P.
iii. Rev. Msgr. Mariano P. Melicia P.C.
iv. Rev. Msgr. Luis Allarey , H.P.
v. Rev. Msgr. Beato R. Racelis, P.C.
vi. Rev. Msgr. Alfredo V. Lao, P.C.
vii. Rev. Msgr. Carlos Pedro A. Herrera, P.C.
viii. Rev. Msgr. Dennis M. Imperial, P.C., E.V.
ix. Rev. Msgr. Melecio V. Verastigue , P.C.
B. KAAGAPAY
Ang mga Pari
i. Rev. Msgr. Melecio V. Verastigue , P.C.
ii. Rev. Fr. Raisun John Placino
iii. Rev. Fr. Russell Habito
6. PAGNINILAY

7. MGA KATUWANG
Paunang Salita

Kung naniniwala ang isang tao sa Diyos, paano nga ba niya dapat Siya

paglingkuran? Anong mga kundisyon at katotohanan ang dapat maunawaan ng mga

naglilingkod sa Diyos? 

Ang mga isyung ito ay masasagot ng ating pananalig sa Diyos na nagbibigay

gabay sa pagtahak ng landasin para magampanan ang mga tungkulin at

makapaglingkod sa pamamatnubay ng Banal na Espiritu. Ito rin ay mabibigyang

linaw ng ating kagustuhang nagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos sa lahat

ng bagay, at hahayaan ka ng mga iyon na malaman ang bawat hakbang ng gawain

ng Diyos sa iyo. Ang kalooban ng Diyos para sa atin minsan ay matalinhaga.

Maraming pagkakataon na halos hindi natin agad maunawaan ang mga ginagawa

Niya at ibinibigay sa atin upang mailagay tayo sa ating minimithing biyaya.

Mahalagang maunawaan natin ang mga kaloob na ito upang mapahahalagahan ang

pananampalataya sa Diyos, ang maniwala nang wasto sa Diyos, na magiging gabay

upang malaman ang dapat gawin at kumilos nang kaayon sa kalooban ng Diyos

Ang paglilingkod sa kapwa at sa sambayanan ay isang sa mahalagang

katangian ng mga disipulo ni Hesus. Sa mga oras na binibigyan tayo ng

pagkakataon upang makapaglingkod binibiyayaan tayo ng Diyos mahalagang

gampanin para sa ating kapwa, mga pagkakataong makapagbigay at

makapaglingkod sa iba ayon sa ating kakayahan maliit man o malaki bilang

pagtugon at pagbabalik sa mga biyayang ating natatanggap. Ito ang mga oras na

handang pasanin ng isang disipulo ang problema o kakulangan ng ibang tao at

bigyang kapanatagan ang mga nangangailangan. Sa ganitong pamamaraan

tinutugunan ng Panginoon ang mga pangangailangan ng iba sa pamamagitan natin.


Hindi lahat ng taong gustong maglingkod ay matatawag, napipili o nabibigyan ng

pagkakataon upang makapaglingkod. Ito ay naaayon sa kaloob ng Diyos.

Ang Mahal na Birhen at Patron ng Candelaria ang nagsisilbing tanglaw at

inspirasyon ng mga kasapi ng Parokya ni San Pedro Bautista upang maibigay ang

kanilang sarili sa paglilingkod sa kapwa at sa Diyos. Ang buhay, pag-ibig at

pananampalataya nila ang nagsilbing hiyas na nakatago sa bawat puso ng

mamamayan at liwanag na laging nagbibigay tanglaw upang ipagpatuloy ang

pagganap sa mga tungkulin ng paglilingkod sa parokya. Saksi nito ang bawat bahagi

at sulok ng simbahan ng Candelaria na hindi iginupo ng mga matitiding pagsubok sa

loob ng mahabang panahon. Hindi ni minsan nawala ang liwanag ng tanglaw ng

kandila ni Nuestra Senyora de Candelaria. Ito ang nagsilbing giya upang mas

maging kapuri puri ang mga gawain ng sambayanan para mas makapaglingkod sa

Diyos. Gayundin, ang katatagan at sakripisyo ni San Pedro Bautista upang

maisakatuparan ang misyon para sa sambayanan ng Diyos ay naging

pinakakatangi-tanging hiyas na iniingatan at lubhang pinapahalagan ng bawat

mamamayan ng Candelaria.

Sa loob ng halos isang daan at tatlumpu’t pitong taon mula ng pagkakatatag

ng parokya, ang bawat hakbang at yugto na tinutungo ng sambayanan ay

nasaksihan ng kanyang simbahan na nagkandili sa mga mamamayan sa lahat ng

oras at panahon. Dito nakalagak ang buhay at kasaysayan ng parokya na

pinagyaman ng mga pari ng naglingkod simula pa noon. Ang mga lingkod ng Diyos

na naging bahagi na ng buhay ng bawat mamamayan ng Candelaria.


Ang munting aklat na ito ang magsisilbing susi upang mabuksan ang mga

natatagong kasaysayan ng parokya. Sa pagbubukas nito, tayo ay inaanyayahang

pumasok at saksihan ang naging landasin ng panananampalataya ng mga taong

kumilala sa tawag upang makapaglingkod ng ayon sa kakayahan at kalooban ng

Panginoon. Ang haligi, mga bintana , batong pader at lahat ng bahagi ng simbahan

ay hindi lamang estraktura nito, ang mga ito ay simbolo na kumakatawan at

naglalarawan ng paglilingkod, pagmamahal at pananampalataya ng sambayanan ng

parokya bunga ng sama-samang pagkilos na binigkis ng pananalig sa Diyos sa

patnubay ng Inang Birhen at Patron ng Candelaria. Ang bawat sulok, disenyo at

pagkakagawa ng lahat ng bahagi ng simbahan ay may sariling kwento at sariling

kasaysayan. Tayo ay inaanyayahan upang maging bahagi ng kwento at maging

tagapagpahayag ng tanging yaman ng kasaysayan ng parokya.


Panimula

Maraming taon na ang nakalipas nang isugo ng Diyos ang kanyang Anak sa

mundo upang ipahayag ang Mabuting Balita, ang mensahe ng kaligtasan para sa

lahat. Ito ang palatandaan nang pinakamalalim na pagmamahal sa atin ng Diyos

lahat tayo iligtas, para panumbalikin sa atin ang kanyang mga pagpapala; ibalik sa

atin ang katarungan at kabanalan. Ang mga handog na ito ay nagsaad ng walang-

hanggang pagmamahal sa atin ng ating Diyos lalo na sa mga makasalanan, dukha,

inaapi, maysakit, tinalikuran at pinabayaan.

Sa Krus, inialay ni Jesus ang Kanyang buhay para sa atin at Siya ay nabuhay

na mag-uli upang tayo ay tubusin at ipagkasundo sa Panginoon. Ang pagkamatay sa

krus ay perpektong pag-aalay ng sariling buhay para sa kapatawaran ng ating mga

kasalanan Ito ang naging simula ng kaganapan ng ipinangakong buhay na walang

hanggan ng Diyos sa mga nananalig at nananampalataya kay Hesukristo.

Ang Espiritu Santo ay isinugo ng Diyos sa mga Apostol upang ang gawain ni

Hesus ay maipagpatuloy at akayin ang lahat patungo sa landas ng kaligtasan. Ang

pagsusugo ng Diyos ay naghahayag ng Kaniyang dakilang pag-ibig sa tao. Ang

Diyos ay nagsusugo ng mangangaral ng Kaniyang mga salita sa  tuwing mayroong

Siyang gawaing paglilitas. Sa panahon ng mga magulang ay isinugo ng Diyos sa

Noah na “nangaral tungkol sa matuwid na pamumuhay” upang ang tao ay

magbagong-buhay at huwag mapahamak sa bahang gunaw (II Pet. 2:5, Magandang

Balita Biblia; I Ped 3:20). Sa panahon ng mga propeta ay isinugo Niya si Moises

upang ilabas ang bayang Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto upang sila’y muling

makapaglingkod sa Kaniya (Exo. 3:10, 12). Sa panahong Kritiayano ay isinugo ng

Diyos ang pinakadakilang Sugo, ang Kaniyang bugtong na Anak (Juan 3:16), ang
Panginoong Jesucristo (Lucas 4:17-21), upang ang sinumang sa Kaniya’y

sumampalataya ay maligtas sa kaparusahan. Magiging mapalad ang taong

tumanggap at sumampalataya sa sugo ng Diyos dahil ang Diyos at si Kristo

ang kaniyang tinatanggap. Sa pamamagitan ng sugo ay nalaman ng mga tao

ang mga kalooban ng Diyos na dapat gawin upang muling malapit sa Diyos at

magtamo ng kaligtasan.  

Simula pa noon hanggang ngayon hindi tayo iniwan ng Diyos, mula sa dilim

inakay Niya ang sanlibutan patungo sa liwanag. Hindi Siya nauubusan ng

pagkakataong maipamalas ang Kanyang kagandahang-loob sa sinuman. May

kapangyarihan ang kagandahang-loob ng Diyos upang palayain tayo mula sa pangit

na damdaming bunga ng kasalanan na pumaparalisa sa ating buhay espirituwal at

pumipigil sa paglago sa ating kaugnayan sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga

Apostol at mga Santo nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos ay nagdudulot

ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang nagturo sa upang talikuran ang makamundong

pamumuhay at damdaming makalaman, at upang makapamuhay tayo ngayon nang

may pagpipigil, matuwid at karapat-dapat sa Diyos.

Itinakda ng Panginoon sa nakalipas na limandaang taon, marating ng mga

misyonero ang Pilip[inas para mahayag sa mga ninuno ang Ebanghelyo ni Hesus na

nagtatag sa sambayanan ng Diyos at humubog sa Iyong Simbahan. Marso 16,1521

ang dumaong ang barko lulan ang mga Kastila na pinamunuan ni Ferdinand

Magellan kasama si Paring Valderama sa isla ng Cebu. Ang pagdating ng mga

Galleon ng Espanyol ang naging hudyat ng pagkakaroon ng malaking pagbabago sa

panahanan ng mga Pilipino dahil sa pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko. Dito

nagsimula ang pagtataminm ng binhi ng pananamplatayang Kristiyanismo sa ating

bayan.
Ang masidhing pag-aalay ng sarili ng mga misyonero para ipalaganap ang

kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng mabuting balita ay isang alay na di

matutumbasan. Ang damdaming ito ang naging pinakamakapangyarihang

motibasyon upang mamayani sa puso ng mamamayanan ang mabuting aral at

pahayag ni Kristo. Ngunit hindi naging madali para sa mga misyonero ang bawat

hakbang ng pagsasakatuparan ng mga nakaatang tungkulin ng pagpapalaganap ng

pananampalataya at pagpapakilala sa Diyos. Maraming nag-alay at nagbuwis ng

buhay sa isang labanan, marahil ito ang lakas upang ipagpatuloy ng mga misyonero

ang kanilang misyon kasama sina Fray Andres Urdaneta, paring Agustino at Miguel

Lopez de Legaspi noong 1565.

Ang nasimulang gawain upang hubugin ang mga binhi ng pananampalataya

naitanim ng mga misyonero sa puso at isipan ng ating mga ninuno ay matiyagang

nadiligan ng sambayanang unti-unti lumalago. Mula sa isang lugar , sa tulong

dumaraming misyonerong pari lumaganap ang pananampalataya sa mas maraming

isla at kalupaan ng bansa. Sa kanilang pagsisikap, unti-unting nagkarron ng

katuparan ang kanilang misyon.

Ang Ebanghelyo ni Hesus ang nagtatag sa sambayanan ng Diyos at humubog sa

bawat Simbahan sa Pilipinas. Ang pananampalatayang Katoliko ay orihinal na

nakabase sa Kredong Niceno, ito ang iisang, Banal na Katoliko at

Apostolikong simbahan na itinatag ni Hesukristo noong Unang siglo sa Herusalem.

Ang mga obispo nito ay ang naging kahalili ng mga apostol ni Kristo, at

ang Papa ang kahalili ni San Pedro na kung saan ipinagkaloob ni Kristo ang

primasiya. Naipanatili ang orihinal na pananamapalatayang Kristiyano, sa

pamamagitan ng sagradong tradisyon. Ito ang biyaya ng pananampalataya na


nagtaguyod sa sambayanan sa panahon ng kadiliman at liwanag, sa mga pagkabigo at

tagumpay sa kasaysayan bilang iyong sambayanan.

Ang paglago ng pananampalataya sa bansa ay nag-udyok upang gawing

Diyosesis ang Maynila sa ilalim ng Mexico bilang “Mother Diocese” na unang

pinamunuan ni Domingo Salazar bilang kauna-unahang Obispo. Sa paglipas ng

panahon, nakita ng Obispo ang pangangailangang madagdag ng Obispo upang

matugunan ang lumalaking pangangailangang espiritwal ng mga mamamayan ng

Pilipinas. Sa pagsang-ayon ng Santo Papa sa Roma, naitatag ang mga Diyosesis ng

Cebu, Nueva Segovia at Caceres. Taong 1595 nang naitatag ang Diyocesis ng Caceres

na kinabibilangan ng Candelaria, dahil sa nag-aalab na damdamin ng mga paring

Franciscano na nagpatuloy ng mga gawain ng mga naunang misyonero sa bansa. Sa

loob ng isang daan at tatlumpu’t pitong taong pag-iral ng parokya ni San Pedro Bautista

nagpatuloy sa pag-unlad ang sambayanan sa pangangasiwa ng mga paring

nanungkulan at pakipipagtulungan ng mga pangsimbahang samahan.


ANG KANLUNGAN

Ang bayan ng Candelaria sa paanan ng Bundok Banahaw ay pinagkalooban

ng maraming kayamanan ng kalikasan. Ang natural na luklukan ng bayan ay

napangangalagaan ng napakayamang bundok na sumasanggalang laban sa mga

sakuna ng napakaraming bagyong laging dumadaan rito bago lumabas ng

Karagatang Pasipiko. Pinagkaloob din ng Diyos ang masagana at matahimik na

pamumuhay ng mga mamamayan. Idagdag pa dito ang kaiga-igayang panahon sa

tuwina sa anong araw ng taon na laging nagpapaganda at nagpapayabong ng

natural na kapaligiran ng bayan. Bukod sa mga dagat at kabundukan pumapalibot sa

bayan, hindi pa rin matutumbasan ang biyaya ng napakayamang kasaysayan ng

bayang nabuo noong December 26, 1878 na lalong pinagyaman nang matatag ang

parokya ni San Pedro Bautista noong 1884. Ang pagkakatatag ng parokya ang

naging hudyat ng unti-unting pag-unlad ng simbahan, ang gusaling bato na naging

kanlungan ng mga kasapi ng sambayanan. Mas nagkaroon ng kabuluhan ang

kasaysayan ng bayan dahil sa pagkakatatag ng parokya na lalong nagpalalim at

nagbigay kulay sa kasaysayan nito.

Dumaan sa mahabang paglalakbay ang tahakin ng parokya para sa

kabanalan. Naging saksi ng kasaysayan nito ang bawat bahagi ng simbahan na

nagsilbing matibay ng luklukan ng mga alaala ng pagmamahal at pananampalataya

sa Diyos ng mga kasapi ng sambayanan. Ang pananampalataya ang naging tunay

na ilaw na nagniningning sa kabila ng kadiliman lalo na sa panahon ng pagsubok.

Sa ilalim ng anumang mga pangyayari, ang pananampalataya ng mamamayan ng

sambayanan ang magiging sandigan upang magkaroon ng pag-unawa sa kaloob ng

Diyos, bilang mga Kanyang mga anak, at harapin ang hamon ng buhay na may

isang pusong masunurin. Simbahan ang naging kanlungan ng sambayanan upang


sama-samang tahakin at gupuin ang hampas ng mga pagsubok sa buhay. Ito ang

naging takbuhan ng mga taong nangangailangan ng pagkalinga at pagmamahal.

Simbahan ni San Pedro Bautista ang naging kanlungan ng mga mamamayang

nagdurusa mula sa paglalim ng kahirapan, pang-aapi at pagsasamantala na

nagpapababa sa kanilang pagkatao. Sa tanglaw at gabay ng Mahal na Birheng

Maria ng Cadelaria nagbago at nag-alab ang pagmamahal at pananalig ng

mamamayan upang maging mga saksi ni Hesus sa mundong winawasak ng

kasakiman, ng karahasan, ng kawalan ng katarungan, ng sakit at pagdurusa.


Baliktanaw - Ang Kasaysayan ng Parokya

Parokya ni San Pedro Bautista ay isang magandang larawan ng

pagtutulungan ng klero at layko. Sa humigit kumulang na 137 taong pag-iral nito

mula nang itatag ito noong 1824 ay nagpatuloy ang pag-unlad nito sa pangangasiwa

ng mga paring nanungkulan sa parokya. Sa ilalim ng Royal Decree bilang 30

( Pebrero, 1884 ) at Royal Ordinance ( Hunyo 31, 1854 ), pormal na kinilala ito bilang

Parokya ni San Pedro Bautista noong Marso 24, 1885.

Itinindig ang unang simbahan na yari sa kugon noong 1875 na pinamunuan

ng kauna-unahang kura paroko na si P. Apolinario Villafuerte na namahala sa

parokya kasama sina Donya Sofia Nadres at Evarista Ona Nadres na nanguna rin

sa pagpapagawa ng kumbento. Taong 1883 nang naganap ang unang misa at

unang seremonya ng binyag para kay Maria Consuelo Nadres. Malugod namang

tinanggap ni Don Gregorio Ramos, Gobernadorcillo ng bayan, si Obispo Tomas

Villanueva sa pagdalaw niya sa parokya sa kauna-unahang Visita Paroquial noong

1885.

Simula 1885 hanggang 1898 ang mga naging pari ng parokya ay nasa ilalim

ng pamamahala ng gobyerno ng Espanyol. Napagyaman ng iba-ibang paring ito

bilang kura paroko ang ating simbahan at parokya. Kasama sa mga paring

nabanggit ay sina Fr. Eriberto Bobeda ( 1885 ), Fr. Luis Mansanilla (1886 ); Fr.
Perfecto Mendoza (1890); Fr. Telesforo de Pio ( 1891 ); Fr. Severino Marcos (1897);

Fr. Greogorio Alma ( 1898 ).

Nang lagdaan ang Kasunduan Paris (Treaty of Paris 1898 ) sa pagitan ng

Espanyol at Amerikano, isinuko ng Espanyol ang Pilipinas at ang buong bansa ay

napailalim sa pamamahala ng Amerikano. Noong panahong iyon, ang buong

sambayanan ay kinupkop ng bayan ng Sariaya hanggang 1902 nang sumiklab ang

digmaan sa pagitan ng mga Filipino at Amerikano. Nagpatuloy ang pagpapaampon

ng sambayanan sa katabing bayan ng Sariaya hanggang 1905.

Nang matapos ang digmaan ng Filipino at Amerikano noong 1905,

natalagang lingkod pari ang parokya ni San Pedro Baustista si Fr. Moises Ella .

Ngunit simula 1905 hanggang 1920, ang parokya sa kalagitnaang panahon ng

kolonyal na pamahalaan ng Amerikano ay nakaranas ng matinding pagsubok dahil

sa pagpasok ng bagong uri ng pamahalaan. Isa ang parokya natin sa sobrang

naapektuhan ng digmaan. Nanamlay ang dating magandang ugnayan ng

pamahalaan at simbahan at halos nawala ang mga apostolikong gawain sa parokya.

Sa kabila nito, hindi pa rin nawalan ng lakas ng loob at determinasyon ang mga

sambayanan sa tulong at gabay ng Banal na Espirito Santo kahit sa napakahirap ng

sitwasyon patuloy pa ring naglingkod ang pari sa parokya. Kasama sa mga paring

nanungkulan ay sina Fr. Pablo Fajarillo (1908); Fr. Estanislao Gran (1912); Fr.
Nicolas Gonzales ( 1916); Fr. Valentin Pagkalinawan (1918); Fr. Victorino Lagumen

(1919); Fr. Aniceto Cordero (1920)

Sa pagdating ng mga bagong pangkat ng mga misyonero noong 1921, ang

mga Amerikanong Heswita, nagsimula ang positibong pagbabago sa Simbahang

Katoliko. Sa mumunting mithiin at pagkilos ng mga kasapi ng parokya unti unting

nabuong muli ito hanggang sa pagdating ni P. Toribio Ilao noong Mayo 4, 1925 at

manungkulan bilang kura paroko. May 24, 1925, sinumulang itayo ang simbahang

konkreto sa mismong kinaluluklukang nito sa kasalukuyan sa kanyang

panunungkulan sa pagtututulungan ng mga kasapi ng parokya. Naging malaking

tulong din ang suporta at tulong ng Presidente Municipal na si Don David Reyroso.

Ito ang naging panibagong kanlungan ng mga Katoliko sa parokya ni San Pedro

Bautista.

Sumunod na nanungkulang bilang kura paroko si Fr. Raymundo Esquinet,

isang Belgian missionary. Sa tulong nina Rustica de Gala, Doña Adriana Villadiego,

at Senyor Angel Velasco naipagawa ang altar at tabernakulo ng bagong simbahan.

Taong 1928 habang ginagawa ang bagong simbahan ay naaksidente si Padre

Esquinet habang siya ay tumutulong sa pagpapagawa ng bakod ng simbahan.

Nagpabalik-balik si Padre Esquenet sa Belhika upang ipagamot ang kanyang

kapansanan sa paa. Si Padre Eufrocino Lusterio ay napadestino rin ng ilang

panahon bilang paroko bilang katulong ni Padre Raymundo Esquinet.


Muli na namang naitalaga si Padre EsquInet bilang paroko noong 1934. Noong

panahon ng digmaan si Padre Esquinet ay napailalim na magbigay ng suporta sa

mga gerilya kaya siya ay dinakip kasama sina Florencio Abaca Sr., Gregorio Siscar

at Isabelo Martinez. Sila ay pawang sinunog ng buhay noong Pebrero 10, 1945.

Muli ay itinalagang kura paroko si Padre Crispino Racelis. Sinimulang gawin

ang simbahan na sinunog ng mga Hapon sa tulong ni Howard Hicks General

Manager ng Peter Paul Corp., G. Pastor Dalmacion at Dr. Jose Sales. Taong 1949,

naitatag ang Lady Mediatrix Institute sa pamamahala ng Padre Racelis, Francisco

Malabanan at Abogado Isidro Rodriguez.

Hunyo 5, 1956, nagkaroon muli ng bagong anyo parokya sa pamamahala ni

Msgr. Juan Rapiñan. Sa sama-samang pagkilos ng sambayanan sa pangunguna gn

PPC President Pastor Dalmacion at Paterno Alcantara naipagtuloy ang

pagsasaayos ng simbahan. Ipinagawa ang marmolisadong altar, sina Gng. Clarita

de Leon at Bb. Guadalupe Gonzales naman ang nagpagawa ng Tableau sa itaas ng

altar. Sina Gng. Florentina Dalmacion at Maxima Garcia ang nagpagawa ng

kumulgatorio katulong ang Pamilya Marquez ng Lucena. Sina Don Paulo Macasaet

at Doña Agueda de Gala ang namahala sa pagsasa-ayos ng Granolithic na sahig at

galbanisadong yero bubong.


Sa pamamahala ni Msgr. Juan Rapiñan, pinaganda ang koro sa pamamahala ni

Gng. Nenita Montecilla at Gng. Evelina Burgos. Ipinagawa ng Kapisanan ni San

Jose ang mga bintana, grills at mga Chandeliers ng simbahan. Pinangasiwaan

naman ni Gng. Lolita Maliwanag ang pagsasaayos at pagpapaganda ng patio ng

simbahan, katulong niya ang Candelaria Jaycees at Sputnik. Sa panahaon ding ito

nang ipagawa ni Padre Delfin V. Babilonia ang Catholic Center. Sumigla ang Cursillo

Movement (Lingkod ng Panginoon at Date with the Lord) sa Candelaria sa

pamamagitan ni Padre Babilonia at nagkaroon din ng Charity Clinic Inc.

Ang Buklod Diwa, Charismatic Movement, Munting Sambayanan, Family Life,

Music Ministry ,Mother Butler Guild, Knights of Columbus at Knights of the Altar ay

isinilang sa panahon naman ni Msgr. Simeon Racelis katulong ang dalawang pari

sina Padre Ramon Tiama at sinundan ni Padre Alberto Aller. Kasama sa mga

Ipinagawa niya ang opisina parokyal.

Naganap noong Nobyembre 1983 ang re-shuffle ng kaparian sa Diocesis sa

ilalim ng panunungkulan ni Obispo Ruben Profugo. Itinalaga niya na kura paroko ay

si Msgr. Mariano P. Melicia at katulong na pari na si Padre Noe Loredo. Sa matalino

at maayos ng pamamahala naging masigla ang Gawain ng Kapisanang Banal hindi

lang sa parokya lalo na ang Munting Sambayanang Kristiyano ( MSK ). Isa sa

pinakamahalagang Gawain sa panahon ni Msgr. Melicia ay pagdaraos ng


Centennial Year ng parokya na nagbigay gawad sa mga mananampalataya na

nagkaroon at nakatapos ng mahalagang gawain sa parokya.

Taong 1989 nang naging lingkod pari ng parokya si Msgr. Luis Allarey

katuwang sina Padre Roberto Andrey at Padre Pedro Obon.

Msgr. Beato S. Racelis ang natalagang kura paroko noong 1992. Nabuo niya

ang ilang samahan upang mapag-ibayo ang gawaing katekesis sa parokya. Ilan sa

mga naitatag ay ang Catholic Teachers Guild, ang samahan ng mga gurong katoliko

na ang layunin ay magbigay ng pinansyal na suporta sa mga katekista, at ang

Confraternity of San Pedro Bautista bilang samahan ng mga dating active catechists

ng parokya. Itinatag ang Tindahan ng parokya na sa ilalim ng pamamahala ng Kura

Paroko bilang Chairman at Sis. Delia Vargas bilang Vice-chairman upang maisaayos

ang pinansiyal ng kakayahan ng parokya. Nang tumaas ang bilang ng

mananampalataya sa parokya, naipagawa sa ilalim ng panunungkulan ni Msgr.

Racelis ang mezzanine ng simbahan.

Abril 29, 1992 nang maitatag ang Parokya ni Sta. Catalina De Sienna bilang

sariling parokya ng Barangay Sta. Catalina Norte, Sta. Catalina Sur , San Andres,

Kinatihan 2 at San Isidro.

Msgr. Alfredo V. Lao kasama sina Padre Aurelio Reyes, Padre Rommel

Limbo at Padre Paquito Moreno ang natalagang pari noong 1997. Pinangunahan ni

Msgr. Lao ang pagbuo ang plano para sa pagsasaayos ng simbahan ng parokya. Sa
pagtutulungan ng Parish Pastoral Council ( PPC ) at Parish Council on Economic

Affair ( PCEA ) , mga samahang banal ng parokya, samahang sibiko ng bayan at

mga Candelariahing Pinoy sa abroad , naipagawa ang bubong ng simbahan.

Dumating ang bagong lingkod pari , Msgr. Carlos Pedro A. Herrera kasama

ang mga katulong na pari, Padre Virgilio NAdres, Padre Dennis Vargas, Padre Dan

Manuel, Padre Dan Calvedra, Padre Franz Clarence Ilagan at Padre Robin Cruz

noong Pebrero 17, 2003.

Sa anim na taong panunungkulan ni Msgr. Herrera mapalawak at napaganda

ang simbahan ng parokya upang matugunan ang paglilingkod para sa dumaraming

mananampalataya. Nabuo ang Left at right wing ng simbahan, Bahay pari, Adoration

Chapel, Sea of Galilei at Gallery of Saints. Pinasigla rin niya ang Parish Renewal

Experience Seminar (PREX) at pinag-alab ang malawakang debosyon sa Nuestra

Senora de Candelaria sa paglulunsad ng Candle Festival.

March 3, 2008 nang gawaran Pro Ecclesia et Pontifice , Pontifical Award , isa

sa pinaka mataas ng karangalan mula sa Santo Papa ang tatlong lider layko ng

parokya. Sina Bb. Edelia R. Vargas, Gng. Lolita R. Maliwanag at Emilia Panaligan

ang mga lider layko ng parokya na pinarangalan sa St. Ferdinand Parish , Lucena

City sa pamamagitan ng Papal Nuncio na si Most Rev. Edward Joseph Adams D.D.

Sa unang bahagi ng 2009, ika-2 ng Pebrero natatag ang Parokya ng Birhen

ng Guadalupe na kinabilangan ng mga Barangay ng Mangilag Sur, Mangilag Norte


at Masalukot 5. Bago matapos ang buwan ng Pebrero, 2009 nang muling

magkaroon ng pagpapalit ng mga pari sa mga parokya, dumating at itinalagang

lingkod pari si Msgr. Dennis Imperial kasama ang katuwang na lingkod pari na sina

Reb. Padre Marcelo Cabarrubias, Reb. Padre Jerome Escasa, Reb. Padre Quirino

Roy Macatangay at Rev. Padre Misael Hernandez.

Taong 2009 – 2015 tumingkad ang parokya bunga pagpapatupad ng mga

gawaing simbahan na nilahukan ng mga lider layko at kasapi ng sambayanan.

Maging aktibo ang MSK at PREX sa mga gawaing pang-diyosesis. Naisakatuparan

ang pagdiriwang ng Liturhiya ( Lakan Samba ) sa mga MSK ng parokya. Nanguna

ang parokya sa loob ng apat na taong sunod-sunod sa Programang Alay Kapwa ng

buong Diyosesis ng Lucena. Pinangunahan ni Sis. Adelia R. Vargas ang PPC sa

pagsasakatuparan ng gawain ng pang pastoral at apostoliko. Pinamahalaan ng

Health Care Committee ang Feeding Program at Lingguhang Bantay Presyon. Ang

Social Communication Committee naman ay namahala sa paglilimbag at

distribusyon ng pamparokyang pahayagan, ang Liham ni San Pedro. Ang komite rin

ang naatasang mamamahala sa kauna-unahang Parish Library sa Diyosesis ,

Biblioteca De San Pedro Bautista na paglalagakan ng mga mahahalagang tala at

impormasyong may kaugnayan sa ika- isang daan at tatlumpong taong

pagkakatatag ng parokya. Nabuo ang Ministry of Gifts, Apostles Group, Deboto sa

Mahal na Poong Nazareno at Sakristana.


Ang Parish Council on Economic Affairs (PCEA) sa pangunguna ni Dr.

Alfredo Cornejo ay nagsasakatuparan ng mga Fund Raising Projects para

makalikom ng pondo para sa mga proyekto at gawain ng parokya. Dahil dito ,

naipagawa ang mga restrooms para sa mga naninimba , napaayos at pinaganda

ang Bahay Pari at napabago ang disenyo ng Chapel sa ikalawang palapag ng

Bahay Pari.

Sa kasalukuyan, 2015-2021, ang parokya ay nasa ilalim ng pamumuno ni

Msgr. Melecio V. Verastigue kasama ang mga katuwang na pari , Reb. Padre Arvin

Pitahin, Reb. Padre Mariano Rubio, Reb. Padre Gilbert Samarita, Reb. Padre.

Raisun John Placino, Reb. Padre Raul Macaraig at Reb. Padre Russel John Habito.

Sa pamamahala at paggabay ni Msgr. Veratigue, naipagpatuloy ang

programang pangkaunlaran ng parokya. Aktibong ginampanan ng Kura paroko

kasama ang mga katuwang na pari ang mga tungkulin ng pagpapa-unlad at

pagsasaayos ng mga pasilidad ng simbahan upang mas mapaglingkuran ang

sambayanan. Sa tulong at suporta ng mga kasapi ng PCEA, PPC, at ST-MSK na

pinangunahan ng mga pinuno ng tatlong konseho, Sis Anatalia Atienza , Bro. Raul

Bayona at Bro. Eric Libuet naisakatuparan ang mga layunin ng parokya. Naging

kasama rin ni Msgr. Boy Verastigue ang buong sambayanan ng parokya na buong

pusong nagbigay ng yaman, oras at talento sa abot ng kanilang makakaya.


Sa mithiing mas mapabuti ang pasilidad at serbisyo ng simbahan para sa

sambayan, naisakatuparan ang pagpapatayo ng Pavilion de Sagrada Familia.

Nanggaling sa tulong pinansyal na nakalap ng tatlong konseho mula sa mga bukas-

palad na mamamayan ng Candelaria at ilang piling mamamayan ng lalawigan, unti-

unti naisagawa at naipatapos ang Pavilion mula Hunyo, 2015 hanggang Nobyembre,

2019.

Dahil sa masigasig na puso at determinasyon ni Msgr. Boy, matiyagang

niyang nagabayan ang pagsasaayos ng bawat sulok ng simbahan katuwang niya

ang mga inspiradong kasapi ng PCEA ( 2016 – 2021 ) sa pangunguna ni Mam Naty

Atienza. Kasabayan ng pagpapagawa ng Pavilion, naipatapos rin ang

pagpapaganda at pagsasaayos ng mga pasilidad ng simbahan at paligid nito

kasama rito ang CCTV sa loob at labas ng simbahan, pagpapaunlad ng Centro

Catolico (Meeting Place, Lobby, Comfort Rooms at AVR) at pagsasa-ayos ng CR sa

Bulwagan noong 2015 – 2017. August, 2018 nang matapos ang Pergola at Holy

Family na nagpatingkad lalo sa kagandahan ng Pavilion Area. Taong 2019, mula

Hulyo hanggang Nobyembre, naipasaayos ang kanang bahagi ng parokya kasama

rito ang pagpapabago ng SPBP Chapel, Bahay Pari , CR sa guest room, Choir area,

roof top at paglalagay ng spotlight sa patio.

Marso, 2021 nang lumaganap ang sakit dulot ng COVId 19 sa buong mundo.

Sa kabila ng banta ng sakit dulot ng pandemya, hindi natinag o nagpahina ng loob ni


Msgr. Boy patuloy niyang ginabayan ang mga taong tumugon sa panawagan ng

parokya. Naipagpatuloy pa rin ang pagawain upang maipatapos ang naudlot ng

konstruksyon ng multi-purpose hall na dating LMI Building.

Naging kahanga-hanga rin ang naging pagkilos ng Banal na Espiritu upang

laging gabayan ang mga pari ng parokya at mga taong tumugon sa pagkilos na

maipagpatuloy ang apostolikong tungkulin ng simbahan upang maging instrumento

ng paghahatid ng pag-asa sa mga mamamayan ng lahat ng sulok ng Candelaria.

Naipagpatuloy ang misa sa simbahan at mga MSK sa mga barangay. Sa katatagan

ng kura paroko, naging bukas ang isip at damdamin ng mga mananampalataya ng

parokya. Hindi nawala ang diwa ng pagkakaisa, pagtutulungan at pananampalataya

sa parokya ni San Pedro Bautista.

Simbahan na dinala sa lahat sulok ng parokya ang naging KANLUNGAN ng

mamamayan sa napakahabang panahon. Ito ang naging isa sa haligi ng

kasaganaan at kasiyahan. Ang simbahan ang naging kasalo ng bawat isa sa oras ng

pagdalamhati dulot ng mga di maiiwasang pangyayari sa buhay. Sa panahon ng

karahasan at kaguluhan, ang simbahan ang pader ng naging kubli ng lahat at

nagbigay proteksyon. Ito ang nagsilbing pribadong silid ng bawat katolikong

mamamayan ng Candelaria upang makasama ang Panginoon. Simbahan ang

kusinang walang pagod na nagbibigay ng pagkain para sa ating kaluluwa upang


ihanda tayo sa ating paglalakbay patungo sa buhay na walang hangang kasama ang

Panginoon.

Nuestra Senyora De Candelaria , Ilaw at Tanglaw ng Parokya

Ang pagiging ina ay napakalaking tungkulin.  Ang iba sa atin ay mga ina,

ngunit lahat tayo pinanganak at pinalaki ng ating mga ina.Kasabihan ng mga Judio,

“God can not be anywhere so he made the mothers.”  Ang ina ang nagsisilbing

presensya ng Diyos na kumakalinga sa kanilang mga anak. Ang pagiging ina ay

isang pagtawag ng Diyos. 

Si Maria ay tinawag ng Diyos upang maging lalagyanan (vessel) ng ating

Panginoong Jesus. Ang Ebanghelyo ni Lucas ay kapansin-pansing may

pagpapahalaga sa mga babae. At sinumulan niya ito sa paglalarawan kay Maria na

isang babaeng itinaas ng Diyos, upang maging ina ng Tagapagligtas.

Ang debosyon ng Candelariahin kay Nuestra Senora de Candelaria ay naging

bahagi na ng buhay ng bawat kasapi ng sambayanan sa loob ng daang taon na at

hindi maitatago na ang debosyon na ito ay yumabong at lumago sa mga nagdaang

taon. Sa mahabang panahon, ang pananampalataya at pagmamahal na ito sa Mahal

na Birhen ng Candelaria ay hindi humina bagkus lumakas nang lumipas ang mga

panahon. Pinapaliguan ng Birhen ang sambayanan ng maraming mga biyaya at

nagbigay ng proteksyon sa mga tao ng Candelaria laban sa mga kalamidad na

nagaganap.

Ang imahe ng Mahal na Birheng Maria, ang Mahal na Ina ay hindi lamang

humahawak sa Batang Hesus kundi pati sa isang kandila nagpapahiwatig na ang

kanyang Anak ay ang Liwanag ng Mundo at sa tradisyon ng simbahan, ang isang


kandila ay sumasagisag kay Kristo bilang Liwanag ng Mundo at ng Liwanag na

magtagumpay sa matinding kadiliman.

Ang pagdiriwang ng Kapistahan ni Nuestra Senyora de Candelaria ay

nakapaloob sa Candle Festival ng bayan at idinaraos tuwing ika -2 ng Pebrero

apatnapung-araw makaraan ang Pasko. Ito ay gumugunita sa ritwal ng Paglilinis kay

Maria at sa Paghahain kay Hesus sa Templo. Ang pangyayaring ito ay isinalarawan

sa ebanghelyo ni San Lukas II, 22-40. Nang lumaon, ang tradisyon ay lumalaganap

sa buong sangkristiyanuhan. Ang pagggamit ng mga kandila ay ipinaliwanag ni Papa

Inosente XII sa kanyang sermon na nagparangal sa Mahal na Birhen bilang

tagapagdala ng liwanag.

Ayon sa nakasanayang tradisyon na naka-ugat sa buhay at kultura ng

Candelaria tuwing ika-2 ng Pebrero, ang mga mamamayan ay maagang nagsisimba

kasama ang mga batang babaeng nakabihis anghel dala-dala ang ibong bato bato.

Pagkatapos ng misa ang lahat ay babasbasan pati ang mga kandilang dala-dala nila

na simbolo ng liwanag mula sa Diyos na siyang gagabay sa kanila sa buong taon.

Ang pagdiriwang ng Kapistahan ni Nuestra Senora de Candlearia ay nakasentro sa

pagbabasbas ng mga kandila na siyang dala-dala ng Mahal ng Birhen ng

Candelaria.

Ang apoy ng isang kandila ay sumisimbolo sa parehong pagkakaroon ng Diyos

na nag-iilaw sa mundo at ang ating panalangin na nagpapatuloy na tumataas

patungo sa kanya. Taong 2004 , nang sinimulang ipahayag ang kulay ng mga

kandilang ginagamit sa pagdedebosyon ay luntian (tanging kahilingan ng deboto sa

Mahal na Birhen), rosas (nababanaag na katuparan ng kahilingan), pula ( mga

kahilingang natupad na), lila (pakikipagkasundo at pagbabalik-loob), puti ( mga

kahilingang itinataas sa Diyos matapos ang Nobena o matagalang panalangin).


Ang Candle Festival na nagsentro sa pagkilala at pagpapahalaga sa Mahal na

Birhen ng Candelaria ay binigyan ng higit pang malawak na pagdiriwang sa

pangunguna ng dating lingkod-pari , Rev. Msgr. Carlo Pedro A. Herrera, P.C., noong

2004, sa okasyon ng pag-alala sa araw pagkakatalaga sa Mahal na Birhen ng

Candelaria bilang Patrona ng bayan. Ang matagal nang tradisyon ng pagdiriwang

Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Candelaria lalong naging maligaya

Tampok sa Candle Festival ang pagbabahay-bahay ng mga katekista upang

ipaliwanag ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Candelaria. Sa madaling araw ng ,

Pebrero 2, isinasagawa ang pagbabasbas ng mga kandilang nakapalamuti sa mga

tahanan sa daraanan ng prusisyon. Sa madaling araw ng kapistahan, binabasbasan

ang mga kandila sa simbahan at sa hapon ng kapistahan ginaganap ang Turumba

para kay Maria, sa karangalan ng Mahal na Birhen sa saliw ng Tuos Tuos Maria .

Kasama rin sa pagdiriwang ang Glow Award, Candle Float Parade at Kandelawan

Village . Ang una ay pagbibigay parangal sa natatanging Candelariahin na nagbigay

liwanag sa bayan ng Candelaria bilang pagkilala sa mga pinagtagumpayan sa kani-

kanilang larangan; ang pangalawa ay ang parada ng mga naglalakihang kandilang

ginawa ng mga mamamayan sa iba’t-ibang barangay at ang pangatlo ay

pagdedekorasyon sa isang lugar gamit ang mga kandila at katutubong bagay ng

Candelaria. Masasaksihan din ang paglilipat o pagdalaw ng orihinal imahen ng

birhen ng Candelaria sa Bahay Pamahalaan kung saan isinasagawa ang bihilya.

Ang mga naging tagapamuno ng ng Candle Festival :

Rev. Msgr. Carlos Pedro Herrera (2005),

dating Punong Bayan David V. Emralino( 2006),

Marinelo F. Emralino (2007),

dating punong Bayan Ferdinand R. Maliwanag (2008),


Kalihim Proceso J. Alcala (2009),

Pangalawang Punong Bayan Anatalia D. Atienza (2010),

Rev. Msgr. Dennis M. Emperial P.C.E.V. Lingkod Pari (2011),

Gng. Josefina L. Cantos , Pangalawang Pangulo gn PCEA (2012),

G. Apolonio M. Sugay, Chairperson Worship Committee ng PPC (2013),

G. Prudencio Dennis Ebora, Vice-Chairperson PPC (2014),

G. Antonio V. De Luna, Chaiperson FLM (2105),

Gng. Benilda R. de Guia, Pambayang Tagapagtuos (2016),

Rev. Msgr. Melecio V. Verastigue P.C. E.V., Lingkod Pari (2017),

Punong Bayan Kgg Macario D. Boongaling (2018),

G. Ferdinand O. de Gala at Gng. Gigi S. de Gala (2019).

G. Roberto at Gng. Arlene Emralino (2020)

G. Renie at Gng. Charito Seraspe ( 2021 )

San Pedro Bautista – Ang Misyonero


ANGKANG – KATIWALA
Kung ano ang iyong natanggap bilang isang regalo, ibigay bilang isang regalo (Mat
10: 8). Tayo ay pinagpala upang magbigay. Pahalagahan natin ang regalo ng
pananampalataya na natanggap at naisin na ibahagi ang regalong ito sa iba.

Ang misyon ng ebanghelisasyon ng Simbahan ay nakasentro sa

pagpapahayag ng proklamasyon ng Ebanghelyo at ang pagbabago ng

sakramento ng mundo, na ginagawa ang lahat ng mga tao na mga alagad na

misyonero ng Panginoong Jesus. Ang ating misyon bilang angkang - katiwala ay

tumutugma sa natural na pangangailangan na inilagay sa puso ng bawat isa

upang maligtas, iyon ay upang maranasan ang kabuuan ng buhay at

mapagtagumpay ang laban sa kasalanan, sakit at kamatayan.


Ang Munting Sambayanang Kristiyano
Pagkakapatiran ng mga pamilyang nagkabuklod-buklod na may pagmamahalan
at responsibilidad sa sarili, sa kapwa at pamayanan bilang isang Angkan ng Diyos
sa patnubay ng Mahal na Birhen ng Candelaria at San Pedro Bautista.

Ang pagbubuklod ng mga MSK sa Kawan ay naging instrumento ng

mabisang ugnayan ng mga Katoliko sa parokya kung saan naiparating at

naipadama ang misyonerong Simbahan at maipahayag ang Mabuting Balita ng

Diyos sa mga nayon at maliliit na komunidad.

Simula taong 2016-2019, naisakatuparan at naisagawa ang pag-papaunlad

ng MSK sa parokya sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal na MIsa,

Sambayanang Pagdiriwang at mga gawaing pang-ebanghelisasyon na lalong

humubog at nagpatatag sa pananampalataya ng mga kasapi ng MSK.

Naging makulay, makabuluhan at maningning ang gawain sa MSK bunsod ng

malikhaing pamamaraan ng Lingkod Pari, Msgr. Verastigue sa loob ng halos

anim na taon saksi nito ang bawat pamunuan at kasapi ng 95 na MSK mula sa

labing-tatlong kawan sa parokya.

KAWAN NI SAN ANDRES


Barangay Malabanban Norte
Our Lady of Piat Our Lady of Remedies
Del Valle Tibanglan CTC Manggahan

President:
Russel Leviste
Vice-President: Marvin
Contreras
Secretary: Rose Ann

Our Lady of Light Virgen De Regla


CTC Subd. Del Carmen Subd.

President: Beth
Briones
Vice-President: Michelle
Balidoy
Treasurer : Daisy

Our Lady of Most Holy Rosary Our Lady of Sorrow


Donya Margarita MGR Subd.

President: Vency President: Melody


C. Barraca Abandia
Vice-President: Ruben La Vice-President: Maria Elden
Rosa Marasigan
Treasurer : Mercy Treasurer : Eva Marasigan

Nuestra Senora delos Remedios Our Lady of Aranzazu


MGR Ilaya Sampaloc Lake
Our Lady of the Rule Birhen ng La Naval
Nadres Subd. San Pedro Subd.

Our Mother of Perpetual Help


Centro

KAWAN NI STO. TOMAS


Malabanban Sur
Immaculate Concepcion Birhen ng Penafrancia
Barangay 14 Eastern Spring Subd.

President:
Francia Escalona
Vice-President: Dhel
Atienza
Secretary: Nora Medina

Our Lady of Lavang Mary, Star of the Sea


Golden East Pinag-ulingin

Our Lady of Salambao Our Lady of Good Events


Gonzales Kabilang Ilog

President:
Analyn Mendoza
Vice-President: Maria
Theresa Delgado

Our Lady of Abandoned Immaculate Heart of Mary


PNR Purok I
President: Sotera
Magtipon
Vice-President: Edna
Macatangay
Secretary: Sheila

Mary, Queen of the Family Our Lady of the Eucharist


Purok I Bago Purok 5

President:
Michelle Linatoc
Vice-President: Edna
Macapugay
Secretary: Agnes

Our Lady of the Blessed Sacrament Mary, Queen of Angels


Purok 6 Sapili

Birhen ng Fatima Our Lady of the Angels


Purok I Centro
KAWAN NI SAN PEDRO APOSTOL
MASALUKOT 1
Birhen ng Awa Nuestra Senora LA Paz
Looban/Villa Ma. Cristina Subd. Monserat

Birhen ng Medjugore Birhen ng Garabandal


School View Park Subd. St. Anthony Subd.

President: President: Rose


Manuella Opriasa Dimayacyac
Vice-President: Dely De La Vice-President: Beinvinida
Vega Panganiban
Treasurer : Elena De Treasurer : Evelyn

Birhen ng Casaysay Birhen ng Lourdes


Talaga Villa Macaria

President: President: Malou


Charito De Silva G. Marasigan
Vice-President: Neneth Vice-President: Lito Isaias
Perez Treasurer : Marlyn
Treasurer : Chona Balmes

Nuestra Senora La Paz


Dita
KAWAN NI SAN MATEO
BARANGAY MASALUKOT 2
Our Lady of Presentation Our Lady of Altagracia
Boundary De Luna Site

Our Lady of Consolation Our Lady of Annunciation


Diwa ng Pagkakaisa Quinte

Our Lady of Visitation Our Lady of All Nations


Robles Bagong Silang

Our Lady of Pilgrims


School Ilaya
KAWAN NI SAN JUDAS THADEO
MASALUKOT 3

Our Lady of Solitude


Bagong Pook

Virgen de la Soledad
Sentro
President:
Jennifer De Leon
Vice-President: Lilia Ona
Treasurer : Cel Cuasay
Secretary: Lhea Atienza

Our Lady of Loreto


Dulong Ibaba

Our Lady of the Gate


San Isidro

KAWAN NI SAN JUAN


MASALUKOT 4

Our Lady of Dinagat Our Lady of Pillar


Adarna Sitio Palos

President:
Jocelyn Guevarra
Vice-President: Venancia
Magmanlac
Secretary: Marinel
KAWAN NI SAN FELIPE
MASIN NORTE

Mary, Mystical Rose


Purok IV Bago

Mother of Fairest Love


Ibaba

Mother of Reconciliation
Ilaya

President:
Rochelle Caringal
Vice-President: Anna
Serenilla
Treasurer : Carmen

Mother of Divine Hope


Ilaya Base
Our Lady of Assumption
Malasinya Ibaba

Our Lady of Salvation


Malasinya Tabi

Our Lady of Mount Carmel


Nursery Site
Mater Dolorosa
Pottery

President:
Teresa Atienza
Vice-President: Vicky Sy
Treasurer : Witchie de
Chavez
Secretary: Ginalyn

Nuestra Senora de las Flores


Sentro

President: Nitz
Bautista
Vice-President: Tancing
Espelita
Treasurer : Precy

Nuestra Senora de Guia


Tagumpay 1
Our Lady of Guidance
Tagumpay II

President:
Vice-President:
Treasurer :
Secretary:

Our Lady of Mediatrix


Town View Park of Fatima

President: Letty
Guico
Vice-President: Sonia
Maghirang
Treasurer : Penny
KAWAN NI SAN BARTOLOME
MASIN SUR

Mary, Seat of Wisdom


Centro

Mary, Mother of the Church


Baloyboy Labak

Mary, Cause of our Joy


High Way View Subd.

President: Crisanta
Predilla
Vice-President: Atty. Sherwin
Gatdula
Secretary: Maritess
Nuestra Senora La Divina Pastora
Labak Valencia

Mary, Comforter of the Afflicted


Sitio Manggahan

Mary, Queen of Mission


Sto. Nino
Our Lady of La Salette
Baloyboy Riles

President:
Imelda Copuz
Vice-President: Lina de la
Cruz
Secretary: Edith

Our Lady of Cenacle Sacred Heart


Mary, Mother of the Savior
Crossing

President:
Melanie Atienza
Vice-President: Mylene
Pestijo
Secretary: Banyang
KAWAN NI SAN SIMON
MAYABOBO

Birhen ng Nazareth - Burol Itaas

Birhen ng Cana – Ibaba

Birhen ng Edsa - Labak I

President:
Myrna Javier
Vice-President: Henie Ilao
Treasurer : Jonalyn
Montales
Our Lady of Peace - Labak 2

President:
Analyn Mendoza
Vice-President: Maria
Theresa
Delgado

Our Lady of Divine Providence – Riverside


KAWAN NI SANTIAGO MAYOR
PAHINGA NORTE

Birhen ng Antipolo - Antipolo Tree

Mary, Queen of the Rosary - Bagong Silang

Mary, Queen of the Apostle- Bro. & Sis


Mary, Queen of Prophets – Mayor

President: Marlene
De Ocampo
Vice-President: Isabel De Castro
Secretary: Marilou Sarcino
Treasurer: Benigna Castillo

Mary, Queen of the World - Pag-asa

Our Lady of Czestochowa – Pinagpala


Mary, Queen of All Saints – Riverside

Mary, Queen of Patriachs – School

Mary, Queen of Confessors - Sto. Nino


Nuestra Senora de la Merced - New Hill Site

Our Lady Guide of the Way – Bodadilla

Alliance of Two Hearts - Public Market


Our Lady of Lourdes
KAWAN NI SANTIAGO MENOR
PAHINGA SUR

Mary, Star of Evangelization – Boundary

Mother of Good Counsel - Brgy. Hall


KAWAN NI SAN MATIAS
KINATIHAN 1

Mary Help of Christians


Bulihan

President: Eugenia
Umali
Vice-President: Maria Theresa
Delgado

Our Lady of Mediatrix


KAWAN NI SAN PABLO
POBLACION

Madonna & Child - Bagong Pook Riles

Birhen ng Guadalupe – Ramced

Nuestra Senora de Buen Viaje - Labak I


Our Lady of Peace and Good Voyage - Labak 2

Our Lady of Mediatrix - Almasarinian


Mga Konseho at Kasapi Nito

PARISH COUNCIL ON ECONOMICS AFFAIRS 2015 - 2021


PARISH PASTORAL COUNCIL 2015 - 2021
SANGGUNIANG TAGAPAG-UGNAY – MSK 2015 - 2021

Ang tagapag-ugnay ng PPC sa MSK at ng MSK sa PPC.

MSK - Our Lady MSK – Mary,


of Assumption Star of the Sea
Kawan ni San Kawan ni Sto.
Felipe Tomas

MSK - Our
MSK - Our Mother of
Mother of Perpetual Help
Perpetual Help Kawan ni Sto.
Kawan ni San Tomas
Andres
ANG MISYON
Ang misyon ng parokya ay akayin at gabayan ang sambayanan nito tungo sa daan na may
katarungan, kapayapaan, kalayaan at makatarungang pag-unlad. Kahit saan man at paano ang Parokya
ni San Pedro ay mananatili sa kanyang matapat na paglilingkod sa Diyos at sambayanan.

Katulad ng mga butil na tinipon upang maging tinapay na nagbibigay buhay,

kami nawa’y matipon din at maging bayan ng Diyos, liriko ng isang awit na

nagbibigay mensahe ng kahilingan ng sambayanan upang maging instrumento sa

pagsasakatuparan ng mga kalooban at misyon ng Panginoon para sa kanyang

sambayanan. Ang mga kasapi ng parokya ay may pusong handang panatagin ang

mga nangangailangan ng kapanatagan at maging kasangkapan ng Diyos para

pagpalain ang buhay ng mga anak Niya.

#unangmisyon

Sa kabila ng hirap na pinagdaraanan ng mga mamamayan dahil sa unti-

unting pagkawasak ng mundo dahil sa kasakiman , karahasan , kawalan ng

katarungan, pagdurusa at sakit, nabiyayaan ang parokya ng mga piling manlilingkod

na ginabayan ng Banal na Espiritu upang magkaroon ng tamang lakas at

determinasyon na naging frontliners ng parokya sa pagpapatuloy ng gawain nito.

Marso, 2021 ng mabilis na kumalat ang Covid 19 at kinailangang ideklara ng halos

buong mundo ang Total Lock down para sa kaligtasan ng lahat. Maging isang

malaking pagsubok para sa parokya ang pagpapatuloy ng apostolikong gawain.

Hindi nawalan ng pag-asa at determinasyon si Msgr. Verastigue, ginabayan

niya ang mga kasapi ng Social Communication Committee ng parokya upang

makabuo ng programa na makakapag hatid ng Mensahe ng Diyos gamit ang Social

media at Virtual World. Naisakatuparan ang misa at naipahatid ito sa sambayanan


via Soccom page sa Facebook sa pamamagitan ng mabilisang pagtugon nila Sis.

Joy Burgos, Bro. Nathan Mendoza ,Bro. John Ray Amo at mga kasama nila.

Sa layuning makapagpahatid ng mensahe ng Diyos, nabuo ang TV San

Pedro at Oras ng Kaparian, mga serye ng programang regular na nagpalabas sa

FaceBook simula nang nagkaroon ng quarantine sa Candelaria. Naging mahirap at

banta sa kalusugan nila at mahal sa buhay ang gawain sa patnubay ng liwanag ng

mga mahal na patron ng Candelaria, naging daan sila ng katuparan ng gawaing ito.

#ikatlongmisyon
#pagigingbukas palad

Sa isang napahirap na panahon, sa kawalan ng hanapbuhay,sa gitna ng

matinding takot dulot walang kasiguraduhan dahil sa sakit dahil sa patuloy na

pagkalat ng virus hindi nawala ang diwa ng pagmamalasakit at pagdadamayan sa

oras ng pangangailangan, pinatawag ni Mgsr. Verastigue ang lider ng PPC , Bro.

Raul Bayona , ST-MSK Bro. Eric Libuet at PCEA , Sis. Naty Atienza upang buuin at

isagawa ng programa bilang sama-samang umagapay sa mga kasapi ng parokyang


matinding na aapektuhan ng paglaganap ng Covid-19. Nailunsad ang “Butil ng

Bigas”.

#ikatlongmisyon
#pasasalamat
#mamaschildren
#lakbaypapuri

Ang ating panalangin at pagtawag sa Mahal na Birheng Maria ay tanda ng

ating kalakasan sapagkat tayo ay nananampalataya at nakakatiyak na tayo’y hindi

niya pababayaan. Ang pagiging Ina ng Diyos , si Maria nararapat na bigyang

parangal at papuri. Ito ang natatanging debosyon ng parokya kay Maria ng

sambayanan. Katulad pa rin ng dati, naging matatag at masigasig ang lingkod pari

sa gawain para sa Marian Devotion. Nailunsad ang Lakbay Gawad para kay Maria

noong October, 2020 at nailibot sa Candelaria ang imahe ng Birheng Maria na

nilahukan ng mga MSK gamit ang tricycle. Sa kabila ng ganitong mithiin, kailangan

pa ring sumunod sa mga alituntunin ng Inter Agency Task Force


#ika-apatnamisyon
#angpaskoaysumapitwagkayong magsilapit

Dahil sa pandemyang dulot ng COVID 19, nagbago ang naging pagdiriwang

ng Pasko, 2020. Ang bagong tema, “ Ang Pasko ay sasapit, sa akiý wag kayong

magsisilapit ” kaya nga , ito ang Paskong galit-galit muna , may Covid-19 pa rin kasi.

Ang nakasanayang pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus ay biglang nabago.

Naging kakaibang pasko para sa sambayanan ng SPB. Sa napahigpit na protocol ng

IATF , naging isang hamon para sa simbahan kung paano isasakatupang ang

gawaing ebanghelisasyon para pahalagahan at paghandaan ang pagdating ni Kristo.

Isang napakalaking biyaya mula sa Panginoon, na sa kabila ng sitwasyong ito

dulot ng pandemya, malugod na sinuportahan ng Punong Bayan Macario

Boongaling at halos lahat ng kapitan ng mga barangay ang pagpapatuloy ng

gawaing paghahanda para sa pagdating ng araw ng Pasko. Simula December 15 –

24, 2020 naganap ang Simbang Gabi sa MSK, isang patunay na hindi kayang igapi

ng Covid 19 ang tunay na diwa ng Pasko na nakasentro sa pagmamahalan,

pagpapatawad, pagsasama-sama, pasasalamat at pagtutulungan.


Hindi rin napigilan ang mga mananampalataya ng parokya sa pagdalo sa

misa sa bayan.Naipagpatuloy ang Simbang Gabi at Madaling Araw simula

December 15 – December 23, 2020.

Simbang Gabi 2020


Simbolo at Patunay ng Pananampalataya ng Candelariahin

Maipagmamalaki talaga ang pusong-makatao at maka Diyos ng mga

mamamayan ng Candelaria, sa kabila ng walang katiyakan at kasiguraduhan dulot

ng lumalaganap na Covid-19, pinili pa rin nilang magbigay ng ayon sa kanilang

kakayahan lalo nan g panahon ng Kapaskuhan.


Pictures Belen Sponsors

Palamuti ng Krismas Tree

Pagtataas ng tala

Lantern Ceremony and sponsors

Love offering project

You might also like