Ano Ang Kumpil
Ano Ang Kumpil
Ano Ang Kumpil
ANG PAGPAPAKUMPIL
Mahalaga na pagdaanan ng mga kukumpilan ang seminar bago ang
pagdidiriwang ng Kumpil. Ang kumpil ay sakramento ng pag-papatibay ng
pananampalataya na tinanggap nuong binyag. Ang taong kukumpilan ang siya na
mismong magpapahayag ng kanyang pananampalataya. Ang di pagdalo sa
nakatakdang seminar ng kandidato sa kumpil ay hindi makatatanggap ng sakramento.
Ang hindi makapagsumite ng tamang requirements sa araw ng pagpapalista ay
bibigyan lamang ng isang linggo upang kumpletuhin ang nasabing
requirements.Tiyaking tama at kumpleto ang mga datos ng requirements na isusumite
upang tama rin ang record ng batang kukumpilan. Walang pananagutan ang parokya
kung hindi maitala ng tama ang pangalan ng bata o sa maling impormasyon na
maisusulat sa Aklat ng Kumpil.
Ang mga magulang o ang mga kukumpilan ay dapat pumili ng isang ninong at
ninang. Ang ninong o ninang ay dapat Katolikong tumanggap na ng mga Sakramento
ng Binyag, Kumpil at Eukaristiya.
Inaasahang darating ang mga kukumpilan 30 minutes bago mag-umpisa ang
pagpapakumpil. May katekista na magtsetsek ng attendance ng lahat ng
magpapakumpil.
http://mostholytrinityparish.com/services3.html
Ang Kumpil ay isang sakramento na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng
espiritu santo ay higit na napalalapit ang ugnayan ng binyagan sa simbahan at
napagkalooban ng lakas na aktibong ipalaganap ang ebanghelyo.
Ang Kumpil ay bahagi dati ng pinalawak na ritual ng binyag. Subalit nang higit na
dumami at lumaki ang simbahan, nabuo bilang hiwalay na sakramento ang
biyaya ng espiritu sa pagpapatong ng mga kamay na siyang nagpapanatili ng
biyaya ng pentekostes. Naipagkaloob ang kumpil sa pagpapahid ng banal na
krisma sa noo, ang pagpapatong ng mga kamay at ng panalangin,
“TANGGAPIN MO ANG TATAK NG KALOOB NG ESPIRITU SANTO.”
Pinalalakas at pinatotohanan ng kumpil ang grasya ng binyag, pinalalakas at
pinatotohanan ng kumpil ang misyon na magbigay ng pampublikong saksi
kay Kristo at sa simbahan.
Nagmumula itong pagsasaksi sa di-nawawalang karakter na itinatak ng
sakramento sa mga taong nakumpilan.
https://sharinginthenet.wordpress.com/2015/05/23/ano-ang-sakramento-ng-kumpil/