Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1
Ang paborito kong Pelikulang Pilipino ay ang “Four Sisters and a Wedding”, isang
komedya-drama na idinirekta ni Cathy Garcia Molina na nagpapakita ng realidad sa
relasyon ng mga pamilyang Pilipino. Bukod sa marami itong elemento ng komedya na naging dahilan para ito ay maging kawili-wili panoorin, madami ring mapupulot na aral sa pelikulang ito. Ang mga linyahan ng mga karakter ay talagang tumatak sa mga Pilipino kaya’t hanggang ngayon ay ginagamit ito sa iba’t ibang social media platforms bilang memes. Malaki ang naging epekto ng pelikulang ito sa maraming manonood marahil nakikita nila ang kanilang mga sarili kina Teddie, Bobbie, Alex, Gabbie, CJ o sa iba pang karakter ng pelikula. Talaga namang maiintindihan nila ang pinagdadaanan at damdamin nito. Masasabi kong naging mabisa ang pagganap ng mga artista sa kani-kanilang mga karakter dahil talaga namang maiintindihan at mararamdaman mo ang emosyon na kanilang nais ipahiwatig. Sa huli, napagtanto ng mga karakter na ang pinakamahalaga sa lahat ay pag-intindi, pagpapatawad, at paggalang sa pagkakaiba ng bawat isa. Pagmamahal pa rin ang nangibabaw sa kabila ng kanilang mga di pagkakasunduan. Dahil sa pelikulang ito, nagkaroon ako ng maraming realisasyon sa buhay ukol sa pamilya, pag-ibig at pangarap na trabaho sa hinaharap. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako magsasawang panoorin ito ng paulit-ulit.