9 Edukasyong Multilingual
9 Edukasyong Multilingual
9 Edukasyong Multilingual
Monolingguwalismo
-Ito ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang
England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo
sa lahat ng larangan o asignatura.
Bilingguwalismo
-Binigyang-pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935), isang Amerikanong lingguwista ang
bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay
kanyang katutubong wika.
John Macnamara (1967), isa pa ring lingguwistang nagsabing ang bilingguwal ay isang taong may sapat
na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika.
Isang lingguwistang Polish-American, na nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan
ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas sa
lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na ito, dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang
halos hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at pangalawang wika.
Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon natin ng interaksiyon,
maging sa mga taong may naiibang wika. Sa ganitong mga interaksyon nagkakaroon ng pangangailangan
ang tao upang matutuhan ang bagong wika at nang makaangkop siya sa panibagong lipunang ito.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hulyo 10, 1974): Itinakda ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng
Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralan na nagsimula sa taong panuruan 1974-1975.
Ang patakarang ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng
pagtuturo ng mga tiyak na asignatura sa primary, intermedya at sekundarya.
Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa Pilipino ay Social Studies/Social Science, Work Education,
Character Education, Health Education, at Physical Education. Ingles naman ang magiging wikang
panturo sa Science at Mathematics.
Ayon sa aklat nina Melvin B. De Vera et. Al., sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987), isinasaad
ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong Bilingguwal nang ganito:
Multilingguwalismo
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya naman
bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa atin, lalo na sa mga nakatira sa labas ng
Katagalugan ay nakapagsasalita at nakauunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo na
karaniwang ang wika o mga wikang kinagisnan.
Ang mga pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa Do 16, s. 2012 na kilala rin bilang Guidelines
on the Implementation of the Mother Tongue BasedMultilingual Education (MTB-MLE).
Sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang
panturo sa mga unang taon ng pag-aaral. Ayon sa kanila, mahalaga ang unang wika sa panimulang
pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng
pangalawang wika.
Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang nagtalaga ang DepEd ng walong pangunahing wika
o lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamiting wikang panturo at ituturo din bilang
hiwalay na asignatura.
Ang walong pangunahing wika ay ang sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano,
Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, at Chavacano.
Ybanag para sa mga mag-aaral sa Tuguegarao City, Cagayan, at Isabela; Ivatan para sa mga taga-Batanes;
Sambal sa Zambales; Aklanon sa Aklan, Capiz; Kinaray-a sa Antique; Yakan sa Autonomous Region of
Muslim Mindanao; at ang Surigaonon para sa lungsod ng Surigao City at mga karatig-lalawigan nito.
Isang malaking hakbang ang ginawa ng ating bansa sa pagkakaroon ng pambansang polisya para sa
multilingguwal na edukasyon. Ito ay isang magandang modelo ng pagtuturo para sa isang bansang tulad
natin na may heograpiyang pinaghiwa-hiwalay ng mga pulo at mga kabundukan at may umiiral na
napakaraming pangkat at mga wikain sapagkat mapalalakas muna nito ang pagkatuto ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang unang wika.