Mala

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 4

Pang-abay

I. Layunin

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang

a. natututukoy ang pang-abay sa isang pangungusap;

b. nagagamit ang pang-abay upang makabuo ng pangngusap; at

c. nauuri ang pang-abay

II. Paksang Aralin

a. Paksa: PANG-ABAY

b. Sanggunian:

· Lalunio, Lydia P., Hiyas sa Wika. LG & M Corporation, Quezon City. 2007

· Dayog, Alma M. Pluma 4. Phoenix Publishing House. Quezon city. 2002

c. Kagamitan: flash card ng mga bugtong, mga bagay, kahon, larawan ng isang pamayanan, tourist
spot, pista, activity card

d. Pagpapahalaga: pagmamalaki sa kultura at pagiging Pilipino

III. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal

2. Pagbati

3. Balik-aral

Ipapasa ng mga mag-aaral ang isang kahon na naglalaman ng mga bagay. Gagamit sila ng angkop na
pang-uri upang ilarawan ang bagay na kanilang nabunot. Maaaring ipahula ang bagay na nabunot sa
mga kaklase.

b. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

· Itanong :

Ø Sino sa klase ang may alam kung ano ang bugtong? Sinu-sino ang mahilig sa bugtong?

Ø Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino? Bakit?

· Sagutin ang mga sumusunod na bugtong:

a. Nagsaing si Insiong, sa ilalim ng gatong. (Kinakain ito, lalong masarap kung may tsaa)

b. Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. (Dito nagmumula ang iyong sinasabi)

c. Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumakad ay patihaya. ( isang sasakyan ito sa tubig)

d. Wala na ang tiyan, malakas pa ang sigaw. (pinatutugtog ito sa simbahan tuwing umaga)

e. Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap. ( isinasabit ito tuwing pasko o di kaya ay kung
malapit na ang pasko)

2. Paglalahad

Itanong:

Sa unang bugtong, saan daw nagsaing si Insiong?

Sa ikatlong bugtong, papano lumakad ang tinutukoy na bagay?

Sa ikalimang bugtong,kailan naman kumikislap ang bituing buto’t balat?

Ipasuri ang mga sumusunod na pangungusap:

· Nagsaing si Insiong sa ibabaw ng gatong

· Patihayang lumakad ang bangka

· Tuwing pasko kumikislap ang bituing buto’t balat.

Anong bahagi kaya ng pananalita ang mga salitang may salungguhit?

Ano ang pang-abay?

Suriin ang iba pang pangkat ng pangungusap:


Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na pang-abay.

Masarap lumangoy sa dalampasigan ng Palawan.

Ø Anong inilalarawan ng salitang masarap? (lumangoy)

Ø Anong bahagi ng pananalita ang lumangoy? (pandiwa)

Tunay na masaya ang mag-anak nang mamasyal sa Palawan.

Ø Ano inilalarawan ng salitang tunay? (masaya)

Ø Anong bahagi ng pananalita ang lumangoy? (pang-uri)

Talagang masayang mamamasyal sa Palawan.

Ø Ano inilalarawan ng salitang talaga? (masaya)

Ø Anong bahagi ng pananalita ang ? (pang-abay)

Samakatuwid, anu-ano ang mga salitang inilalarawan ng mga pang-abay?

Pangkatang Gawain:

Bumuo ng 3 grupo. Bawat pangkat ay bibigyan ng Folder. Bibigyan ng guro ang bawat grupo ng oras
upang matapos ng grupo ang lahat ng kailangang sagutin sa Activity Card. Kapag natapos ang mga
Gawain sa Activity Card, ipapasa ito sa kabilang grupo at gagawin naman ang panibagong Activity Card
na naipasa sa sariling grupo. Kailangang masagutan ang 3 Activity Card na ibibibgay sa inyo.
Maghandang ibahagi ang inyong gawa sa klase.

Activity Card 1

Pang-abay na Pamaraaan

Pansinin at suriin ang mga pangungusap:

Magaling sumayaw ng Tinikling si Ana

Matulin tumakbo ang kabayo ni Mang Ben.

Nagdasal nang taimtim si Janna.


Ano ang inilalarawan ng mga salitang may salungguhit?

Anong tanong ang sinasagot ng mga ito (na kung ang magiging sagot ay ang mga salitang may
salungguhit)?

Ang pang-abay na pamaraan ay mga pang-abay na naglalarawan o nagsasabi ng paraan kung paano
ginagawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na paano.

Activity Card 2

Pang-abay na Pamanahon

Suriin ang mga pangungusap:

Ang buong pamilya ay nagsisimba tuwing Linggo.

Mamaya kami bibili ng pagkain

Maghahanda kami ng pagkain pagkatapos ng simba.

Ano ang inilalarawan ng mga salitang may salungguhit?

Anong tanong ang sinasagot ng mga ito (na kung ang magiging sagot ay ang mga salitang may
salungguhit)?

Ang pang-abay na pamanahon ay mga pang-abay na naglalarawan o nagsasabi kung kailan ginagawa ang
kilos o pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na kailan.

Activity Card 3

Pang-abay na panlunan

Suriin ang mga pangungusap:

Pumasok sa paaralan ang kambal.


Hinintay nila ang kanilang nanay sa harap ng gate.

Kumain sila ng cake sa bakery.

Ano ang inilalarawan ng mga salitang may salungguhit?

Anong tanong ang sinasagot ng mga ito (na kung ang magiging sagot ay ang mga salitang may
salungguhit)?

Ang pang-abay na panlunan ay mga pang-abay na naglalarawan o nagsasabi kung saan ginawa ang kilos
ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.

c. Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat

Magpangkat-pangkat. Batay sa larawang hawak, gumawa ng 3 pangungusap na may pang-abay. Maari


itong may pang-abay na pamaraan, panlunan o pamanahon. Salungguhitan ang pang-abay at bilugan
ang salitang inilalarawan ng pang-abay.

2. Paglalagom

Ano ang pang-abay?

Anu-ano ang uri ng pang-abay?

IV. Pagtataya

A. Salungguhitan ang pang-abay sa bawat pangungusap.

1. Nagbakasyon ang mag-anak sa Tagaytay.

2. Babalik na sila sa isang lingo.

3. Magkikita kami ng aking pinsan sa restoran.

4. Masayang ikinuwento ni Lisa ang kanyang mga naging karanasan.

5. Tahimik naman akong nakining sa kanyang mga kwento.

B. Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay pang-abay na pamaraan, pamanahon o panlunan.
1. Maagang pumasok si Noel.

2. Sinagot nang mabilis ni Jessie ang bugtong ng guro.

3. Tuwing hapon, naglalaro ng bugtungan ang mga magkakaibigan.

4. Dadalaw kami sa bahay nina Lola Nena.

5. Masayang nagbugtungan ang mga magkakaklase.

V. Kasunduan

Magsalaysay ng isang karanasan sa isang pagdiriwang na hindi malilimutan tulad ng pasko, pista,
kaarawan at iba pa. Gumamit ng mga pang-abay sa pagsasalaysay.

Inihanda ni:

Botayna P. Ablona
Malamasusing banghay Aralin sa Filipino

Grade IV

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nalalaman ang kahulugan ng pang-abay at pagkakaiba nito sa pang-uri.


b. Nakikilala at nagagamit ang pang-abay sa pangungusap
c. Nagagamit ang pang-abay upang makabuo ng pangungusap, at nauuri ang pang-
abay.
II. Paksang Aralin
a. Pang-abay at uri ng pang-abay
b. Sangunian : Pinagyamang Pluma Grade pahina 365- 366
c. Kagamitan:
III. Pamamaraan
A. Balik- aral
Ang kahulugan ng pang-uri
Ang pang-uri ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay turing sa
pangangalan o panghalip.
Halimbawa:

Nagging mabuting kapatid si Ava.

(Ang mabuti ay isang pang-uring nagbibigay turing sa pangngalang kapatid)


Ang dalawang bata ay magkasundo narin sa wakas
(Ang dalawa ay isang pang-uring nagbibigay turing sa pangngalang bata)
B. Paglinang na Gawain
a. Paglalahad
Ibigay ang katuturan ng pang-abay at magbigay ng halimbawa nito.
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita nagbibigay turing sa isang pandiwa,pang-uri
at kapwa pang-abay
Halimbawa:
Pang-abay na nagbibigay turing sa pandiwa
Masayang nagseserbisyo sa mga batang may sakit ang manunulat na doctor.
Pang-abay pandiwa
Pang-abay na nagbibigay turing sa isang pang-uri
Lubhang maganda ang mga kwentong isinulat niya.
Pang-abay pang-uri
Pang-abay na nagbibigay bturing sa isang kapwa pang-abay
Tunay na masarap makipagkwentuhan sa kanya.
Kapwa pang-abay pang-abay pandiwa

You might also like