Epp Exemplar

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Lesson Exemplar sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4- EA

Gamit ang IDEA Instructional Process


Online Distance Learning Modality

Paaralan Eulogio Rodriguez, Jr. ES Baitang 4


Guro Jonalyn M. Antonio Asignatura EPP-EA
LESSON Pangalawang
EXEMPLAR Petsa at Oras Markahan
Kwarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa
pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan.

B. Pamantayan sa
Pagganap Ang mag-aaral ay naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani at pagsasapamilihan ng
halamang ornamental sa masistemang pamamaraan.

C.Pinakamahalagang
Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa pamilya at
sa pamayanan (EPP4AG-0a-2)

D. Pagpapaganang
Kasanayan
II. NILALAMAN
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

III. Kagamitang Panturo

A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa
MELC EPP-EA, pahina 400
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pivot 4A Modyul sa EPP-EA 4, pahina 7- 9
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan
mula sa Portal
ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at Google meet platform, Powerpoint, larawan, Quizzis, Google form
Pakikipagpalihan

IV. Pamamaraan
A. Introduction
(Panimula)  Balik-aral
Gamit ang inyong mga whiteboard at pentel pen, nais kong ibigay ninyo ang
pangalan ng halamang ornamental na ipapakita.
IANAMYO

1. Gu_a_el_

2. rosas

3. mayana

4. espada

5. orchids

 Pangganyak na Gawain
Sa panahon ng pandemya, ano ano ang mga bagay na naging libangan ng mga
Pilipino?

Ang paghahalaman ay isang sining ng pag- aalaaga at pagtatanim ng mga


halamang ornamental, gulay at mga punungkahoy. Ito’y isang kasiya-siyang gawain na
nakalilibang sa atin at nagdudulot ng maraming kapakinabangan sa mag-anak,
pamayanan, at sa bansa.

 Paghahawan ng Balakid
Basahin ang pangungusap. Ayusin ang jumbled letters na nasa kahon upang
maibigay ang kahulugan ng salitan nakasalungguhit.

1. Nagkaroon ng landslide sa bayan ng Montalban.


GMUUHO
2. Nagkaroon ng lilim ang malaking puno ng ito ay sikatan ng araw.

3. PANAPIK
Mayabong ang punong ASnaGANAWIL
mangga aming nakita sa bukid ng San Rafael.

4. Mahalaga sa kalusugan ang sariwang hangin na ating nilalanghap.


MAALGO
5. Mahalimuyak ang amoy ng mga bulaklak sa hardin ng aking Lola Anna.
B. Development Pagpapakita ng larawan:
(Pagpapaunlad)

AMBAONG

Itanong:
- Ano ang pagkakaiba ng dalawang larawan?
- Ano sa tingin mo ang naging epekto ng pagkawala ng mga puno sa ating bayan?
-Mahalaga ba na magkaroon ng mga halamang ornamental sa ating pamayanan?

Pagbabahagi ng Kaalaman:

Ating alamin ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental.

1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at baha.

2. Naiiwasan ang polusyon.

3. Nagbibigay ng lilim at sariwang hangin


4. Napagkakakitaan

5. Nakapagpapaganda ng Kapaligiran

C. Engagement Pangkatang Gawain:


(Pagpapalihan) Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat, babae at lalaki. Isulat ang kasagutan sa
inyong drill board at unahan sa pagpapakita ang kasagutan. Ang pinakamaraming
puntos ang magwawagi.

1. Kumakapit ang mga ugat ng punong ornamental sa lupang


taniman kaya nakakaiwas sa landslide o ______ ng lupa.
Sagot: pagguho

2. Nililinis ng mga halamang/punong ornamental ang maruruming


______ na nagmumula sa mga sasakyan.
Sagot; hangin

3. Ang matataas at mayayabong na mga halamang ornamental ay


nagbibigay ng ___.
Sagot: lilim

4. Nakapagpapaganda ng _____ang mga halamang ornamental.


Sagot: kapaligiran

5. Maaring pagkakitaan ng buong _____ ang paghahalaman.


Sagot: pamilya

Isahang Gawain:

Piliin ang MASAYANG MUKHA kung sumasang-ayon at


NAKASIMANGOT NA MUKHA kung hindi.

______1. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nagbibigay kasiyahan


sa nagtatanim bukod pa sa ito ay nagsisilbing daan upang may bagong
pagkakitaan.
______2. Naiiwasan ang polusyon dahil nililinis ng mga punong ornamental ang
maruming hangin na dulot ng usok ng sasakyan, usok mula sa pabrika, usok mula
sa sigarilyo, at usok mula sa sinigaang basura.
______3. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa
pamilya at iba pang tao sa pamayanan.
______4. Ang pagkakaroon ng sariwang hangin ay biyaya ng kalikasan na hindi
dapat pangalagaan.
______5. Maaring ipagbili ang mga itinanim na halamang ornamental.

D. Assimilation  Paglalahat
(Paglalapat) Ano-ano ang pakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental?
Paano mo mapapahalagahan ang mga halamang ornamental?

 Pagtataya
Sagutan ang Gawain Sa Pagkatuto, Titik B, pahina 11(Google Form)

1. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang ornamental sa


pamilya at pamayanan?
A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
C. Lahat ng mga sagot sa itaas
D. Nagpapaunlad ng pamayanan.

2. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang


ornamental maliban sa isa?
A. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran
B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
C. Nagiging libangan ito na makabuluhan.
D. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke.

3. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng mga halamang


ornamental?
A. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating pamilya ang
maruming hangin sa kapaligiran.
B. Lahat ay tamang sagot
C. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
D. Naiiwasan nito ang pagguho ng lupa at pagbaha.

4. Ang mga halaman sa ibaba ay ginagamit bilang palamuti sa loob ng ating tahanan,
maliban sa isa?
A. Fortune Plant
B. Rosas
C. Narra
D. Sampaguita

5. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong hindi lamang sa atin kundi sa ating
kapaligiran. Alin sa mga ito ang mabuting naidudulot ng halamang ornamental?
A. napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
B. nakadadagdag ng polusyon ang halamang ornamental
C. Nakasisira ito ng lupa
D. Nakatutulong ito sa paglala ng baha.
V. PAGNINILAY
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kuwaderno, dyornal o portfolio ng kanilang
nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na _________________
Nabatid ko na ____________________

You might also like