ESP 9 Diagnostic Test

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Schools Division of South Cotabato
Tampakan District 1
TAPLAN INTEGRATED SCHOOL

DIAGNOSTIC TEST
EDUKASYON SA PAG PAPAKATAO 9

Name: ___________________________________ Date: _____________ Score: _________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa samahan ng mga taong may iisang layunin at nag-uugnayan sa isa’t isa sa
pamamagitan ng pinagkasunduang sistema at pamamaraan?
A. Lipunan C. Institusyon
B. Komunidad D. Pamahalaan

2. Ano ang kabutihang panlahat?


A. Kabutihan ng nakararami.
B. Kabutihan ng mga mayayaman.
C. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan.
D. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng kabutihang panlahat?


A. Kapatiran
B. Kapayapaan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat?

4. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung
ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Sino ang nagwika nito?
A. Aristotle C. Bill Clinton
B. St. Thomas Aquinas D. John F. Kennedy

5. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:


A. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
B. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
C. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng
iba.
D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit tumatanggi sa
pagbabahagi para sa pagkamit nito.
6. Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang kilalanin
ang bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kaniyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang
buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang kabutihan o
kapakanan. Mula sa mga pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop?
A. Kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila
B. Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili
C. Mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
D. Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao
7. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
A. pagmamahal c. hustisya
B. paglilingkod d. respeto

8. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon.
Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na
dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
A. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo
B. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa
C. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
D. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
9. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
A. kakayahang mag-abstraksiyon c. pagmamalasakit
B. kamalayan sa sarili d. pagmamahal

10. “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin
nito?
A. Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito.
B. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan.
C. May kasama akong nakakita sa katotohanan.
D. Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao.

11. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
A. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama.
B. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip.
C. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama at kakayahan ng isip.
D. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyong naihahatid dito.

12. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano
ang kahulugan nito?
A. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob.
B. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
C. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
D. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito.

13. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang
bigyan ito ng kahulugan?
A. mag-isip c. maghusga
B. makaunawa d. mangatuwiran

14. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
A. Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa
tamang direksiyon.
B. Ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kanya ng kailangan niyang
gawin.
C. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit.
D. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi.

15. Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya
sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at
ang udyok ng kanyang damdamin?
A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.
B. Malaya ang taong pumili o hindi pumili.
C. May kakayahan ang taong mangatuwiran.
D. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.

16. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?


A. mag-isip
B. umunawa
C. magpasya
D. magtimbang ng esensya ng mga bagay

17. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa
niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging
sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa
pagkakataon na ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang pagkakamali.
C. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit.

18. Paano ang tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


A. sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
B. sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
D. sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan

19. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang ________________.


A. kabutihan c. katotohanan
B. kaalaman d. karunungan

20. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:


A. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.
B. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
C. Mali, dahil nakikilala nito ang gawaing mabuti at masama.
D. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.
21. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng pagtupad sa layunin ng lipunan na ― kabutihang
Panlahat‖?
a. Pagpapatupad ng contact tracing
b. Panggap ng mga pasyenteng may-kaya sa buhay
c. Pagsasara ng mga establisyemento
d. Pamamahagi ng ayuda sa bawat pamilyang nangangailangan

22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?


a. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamaya.
b. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno
c. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan
d. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang

23. Sa Lipunang Politikal, Alin ang pangunahing gampanin o katungkulan ng pinuno?


A. Pagsasamantala sa yaman ng bayan.
B. Pagsuko sa mga karapatan ng taong bayan
C. Ingatan at paunlarin ang mga karapatan at kalayaan ng taong-bayan
D. Pag-aabuso sa kapangyarihan

24. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng prinsipyo ng Solidarity?


A. Pagkakaroon ng kaalitan
B. Bayanihan at kapit-bahayan
C. Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
D. Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

25. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
A. Pagkapanalo sa halalan
B. Angking talino at kayamanan
C. Kakayahang gumawa ng batas
D. Angking talino at katangiang pinagkakatiwalaan ng mga tao

26. Ano ang tawag mga aktibidad ng produksyon at pagkonsumo na nagpapasiya kung gaano kakulang ang
mga mapagkukunan sa isang lugar?
A. Ekonomiya C. Institusyon
B. Lipunan D. Pamahalaan

27. Ang salitang ekonomiya ay ang mga griyegong salita na “oikos” at “nomus” na ibig sabihin ay ______?
A. Bahay at pamahalaan
B. Bahay at pamamahala
C. Lupa at bahay
D. Pamahalaan at negosyo

28. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng mabuting ekonomiya?


A. May pag – uuri – uri sa estado ng pamumuhay
B. Mabuting pamamahala
C. May pananagutan
D. D. Makatarungan

29. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang – ekonomiya, maliban sa:
A. Maihahalintulad ito sa pamamahala ng budget sa isang bahay
B. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
C. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa
ng yaman ng bayan
D. Pagbabahagi ng yaman ng bansa sa lahat ng mamamayan nito ng pantay – pantay at walang pag – uuri.
30. Ano ang tawag sa mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan?
A. Lipunang Sibil C. Lipunan
B. Lipunang Pang – ekonomiya D. Ekonomiya

31. Bakit gumagawa at nagpapatupad at ang pamahalaan ng batas? A. Upang matiyak ang lahat ay maging
masunurin.
B. Upang matiyak na walang magmamalabis sa lipunan.
C. Upang matiyak na matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
D. Upang matiyak na bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.

32. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?


A. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
B. Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan.
C. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan.
D. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.

33. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?


A. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin
B. Sa ganito natin maipapakita an gating pagkakaisa
C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain
D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon

34. Ano ang kahulugan ng mass media?


A. Impormasyong hawak ng marami
B. Paghahatid ng maraming impormasyon
C. Impormasyong nagpapasalin-salin sa marami
D. Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon

35. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
A. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
B. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
C. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
D. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
36. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?
A. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman
B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari
C. Lahat ay iisa ang mithiin
D. Lahat ay likha ng Diyos

37. Bakit mahalaga ang pagbabahagi ng yaman ng ating bansa?


A. Malikha ng bawat isa ang sarili ayon sa kani-kaniyang mga tunguhin at kakayahan.
B. Masiguro na ang bawat isa ay mabigyan ayon sa kaniyang mga pangangailangan.
C. Maging pantay ang mga tao sa matatanggap na yaman at walang lamangan.
D. Magkaroon ng patas na pag-unlad sa iba’t ibang lugar ng bansa.

38. Sino ang nagsabi na, “bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at
kahinaan”?
A. Dr. Manuel Dy C. Malala Yousafzai
B. Martin Luther King D. Max Scheler
39. Ano ang mabuting gawin ng mga tagapangasiwa ng Local Govenment Unit (LGU) upang malutas ang
problema sa kakulangan ng tubig?
A. Siguraduhing pantay ang rasyon ng tubig sa bawat barangay na nasasakupan.
B. Ayusin ang sirang tubo kung nag-uumapaw na ang tubig nito sa kalsada.
C. Siyasatin kung maayos ang mga koneksiyon ng tubo na daluyan ng tubig.
D. Maghanap ng panibagong pagkukunan ng tubig ng mga sirang tubo

40. Ano ang prinsipyong gagabay sa pamilya upang ang bahay ay magiging tahanan?
A. Prinsipyo ng Proportio C. Prinsipyo ng Lipunang Pampulitika
B. B. Prinsipyo ng Pagkakaisa D. Prinsipyo ng Lipunang ekonomiya

41. Ito ay isang grupo ng mga Pilipino na nagsusulong ng mga isyu patungkol sa mga kababaihan.
A. Gabriella c. Gabriela Silang
B. Gabriela d. Gabrieilla

42. Ano ang ibig sabihin ng PAZ?


A. Professional Act in Zamboanga
B. Peoples Action in Zamboanga
C. Peace Advocates Zamboanga
D. Peace Act in Zamboanga

43. Ang pangunahing layunin ng ________ ay ang pagbabahagi ng makatotohanang impormasyon.


A. Gabriela Movement c. Simbahan
B. PAZ d. Media

44. Sino ang batang blogger na nagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan na makapag-aral sa bansang
Pakistan at Afghanistan.
A. Malala Yousafzai c. Flor Contemplacion
B. Gabriela d. Nur Misuari

45. Si Nelia ay sobrang sikat at mayaman ngunit may nararamdaman pa rin siyang kahungkagan/kakulangan,
at kawalan ng katuturan sa kanyang buhay. Anong lipunang sibil ang maaring makatulong sa kanya?
A. Gabriela c. Media
B. PAZ d. Simbahan

46. Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito.
B. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan.
C. May kasama akong nakakita sa katotohanan.
D. Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao.

47. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
A. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama.
B. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip.
C. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama at kakayahan ng isip.
D. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyong naihahatid dito.

48. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano
ang kahulugan nito?
A. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob.
B. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
C. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.
D. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito.

49. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang
bigyan ito ng kahulugan?
A. mag-isip c. maghusga
B. makaunawa d. mangatuwiran

50. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
A. Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa
tamang direksiyon.
B. Ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kanya ng kailangan niyang
gawin.
C. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit.
D. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi.

You might also like