EPP5 HE Mod6 PagpaplanoNgMasustansiyangPagkain v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

5

Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Home Economics – Modyul 6:
Pagpaplano ng Masustansiyang
Pagkain

CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Modyul 6: Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elvira G. Dapiton
Editor: Idah M. Sayre, Gary B. Mosquito, Henry T. Jarina
Tagasuri: Annie Vir D. Tariao, Luzviminda A. Ortega
Tagalapat: Junrell R. Lora
Tagapamahala:

Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Lani H. Cervantes
Alejandro S. Almendras
Maria Pia B. Chu
Allan O. Celedonio
Imelda A. Amodia

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – SDO - Region VIII


Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 832 2997
E-mail Address: [email protected]
5
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Home Economics – Modyul 6:
Pagpaplano ng Masustansiyang
Pagkain
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Alamin

Ang pagkain ay isa sa mga pinakamahalagang kailangan ng tao. Dito


nanggagaling ang enerhiya at lakas na kinakailangan ng katawan upang
magampanan nang maayos ang pang-araw araw na mga tungkulin.

Kaya, bilang mag-aaral mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa


pagpaplano at pagluluto ng masustansiyang pagkain para sa pamilya.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na naisasagawa ang pagpaplano at


pagluluto ng masustansiyang pagkain (almusal, tanghalian, hapunan) ayon sa
badyet ng pamilya.

1
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Subukin

Kilala mo ba ang mga pagkaing ito? Saang pangkat kaya ito nabibilang?

Panuto: Pangkatin ang mga pagkain na makikita sa ibaba ayon sa tatlong pangkat.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

isda pinya tinapay


ampalaya kanin kalabasa
manok kangkong manga
itlog monggo kamoteng kahoy
gatas kamote asukal

Pangkat Go Pangkat Grow Pangkat Glow

Mga Tala para sa Mag-aaral


Iwasto ang iyong sagot batay sa Susi sa Pagwawasto sa Subukin na nasa
hulihan ng modyul na ito. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang modyul. Ngunit kung ikaw ay
nakakuha ng iskor mula (50-99%), kinakailangan mong magpatuloy sa
pag-aaral at pagsagot sa mga gawain ng modyul na ito.

2
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Aralin
Pagpaplano ng
1 Masustansiyang Pagkain

Balikan

Panuto: Iguhit ang trayanggulo kung ang mga sumusunod na pagkain ay


mainam kainin sa agahan at hugis bilog kung hindi. Iguhit ito sa iyong
kuwaderno.

_______ 1. daing na may kamatis

_______ 2. kilawin na isda

_______ 3. champorado

_______ 4. ice cream

_______ 5. hinog na papaya

_______ 6. halu-halo

_______ 7. nilagang itlog

_______ 8. bulalo

_______ 9. pritong isda

_______ 10. tinolang manok

3
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Tuklasin

Basahin ang talatang nasa ibaba at bigyang pansin ang mga ginawa ng nanay.

Kinagabihan bago mamalengke ang Nanay, nagbabasa siya ng aklat tungkol


sa paghahanda ng pagkain. Nabasa niya ang tungkol sa paggamit ng meal pattern
at nagustuhan niya ito. Agad-agad na kumuha siya ng bolpen at papel at nagtala ng
mga masustansiyang pagkain ayon sa kaniyang nabasa.

Tinitingnan niya ang kanyang badyet kung paano ito pagkakasyahin. Naglaan
siya nang kaunting pera para sa matatamis at maaalat na pagkain. Kinabukasan,
pumunta siya nang maaga sa palengke para makapamili ng sariwa at
masustansiyang pagkain.

1. Tungkol saan ang aklat na binabasa ni nanay?

2. Gaano kahalaga ang meal pattern para sa pagplaplano ng pagkain?

3. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagkain ng masustansiyang pagkain?

Suriin

Mahalagang malaman mo ang araling ito para makatulong sa pagpaplano ng


pagkain para sa pamilya. Ang pagpili ng mga masusustansiyang pagkain na ihahain
sa pamilya araw-araw ay isang gampanin na dapat matutunan.

Paano ang pagpaplano ng pagkain para sa pamilya?

Ang pagpaplano ng pagkain sa pamilya ay isang kasanayang dapat pag-aralan.


Maraming salik ang dapat isaalang-alang tulad ng bilang ng mga taong kakain,
kalusugan o pangangailangan ng katawan, edad o gulang, badyet para sa pagkain
at oras sa paghahanda. Magiging matagumpay ang pagpagpaplano kung isaisip rin
ang mga sumusunod na salik.

Mga Salik sa Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain Para sa Pamilya

1. Alamin ang uri ng sustansiya na kailangan ng ating katawan. Gaya ng fats,


Carbohydrates, Protein, Vitamins and Minerals. Ito ay mga mahahalagang
sustansiya na kinakailangan ng ating katawan.

2. Isaalang-alang ang Tatlong Pangkat ng Pagkain:

4
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Go Foods – ito ay mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya sa katawan tulad
ng fats at carbohydrates. Halimbawa nito ay kanin, mga
pagkaing may starch at mga bungang-ugat.

Grow Foods – ito ay mga pagkaing mayaman sa protina at tumutulong ito


sa paglaki at pag-unlad ng mga buto at kalamnan. Halimbawa
nito ay gatas, karne, isda at itlog.

Glow Foods – ito ay mga pagkaing pananggalang sa sakit at impeksyon


tulad ng prutas at gulay. Vitamins at Minerals ang sustansiya
na dulot nito.

Kung nais ng pamilya na manatiling malakas at malusog, kailangang


kumain ng mag-anak ng mga pagkaing nasa tatlong pangkat. Dapat gamitin
din itong gabay sa pagbabalak at paghahanda ng pagkain para sa mag-anak.
3. Talaan ng Putahe (Menu Pattern) - dito makikita ang mga pagkain na dapat
ihanda. Sa agahan, unang isusulat ang prutas bago ang pagkaing mayaman
sa protina kasunod ang kanin at inumin. Sa pananghalian at hapunan ay
nauuna ang pagkaing may sabaw, kasunod ang pagkaing mayaman sa
protina, gulay, kanin, at prutas. Magagamit ito para sa paghahanda ng mga
kagamitan sa pagluluto, tinitingnan kung napapanahon ba ang sangkap na
kailangan sa pagluluto.

4. Pagsunod sa resipe - mahalaga ito upang masunod ang paraan sa pagluluto


at tamang dami ng sangkap upang makuha ang inaasahang templa.

5. Kailangang tatlong beses maghanda ng pagkain:

Agahan- Ito ang pagkain na unang inihain sa loob ng isang araw at


hindi dapat ipagpaliban dahil sa mahabang oras na walang
laman ang tiyan sa buong magdamag. Ihahain ito mula 5:00
hanggang 9:00 ng umaga. Tingnan ng maigi ang mga
sustansiya na kailangan ng katawan ay taglay sa ihahanda
na pagkain para sa agahan.
Tanghalian- sa paghahanda ng tanghalian tingnan kung ang mga
pagkain ay nabibilang sa tatlong pangkat ng pagkain:
Go, Grow at Glow upang makuha ang tamang sustansiya
na kailangan ng katawan. Inihain ang tanhalian mula 11:00
hanggang 1:00 ng hapon. Bahagi ng tanghalian ang sabaw,
kanin, ulam, na sagana sa protina, gulay at himagas.
Hapunan- Inihain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00ng gabi. Katulad
din ng tanghalian ang pattern na ginagamit sa hapunan.

5
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Tingnan ang halimbawa ng Menu o Meal Pattern sa isang araw.

Araw Agahan Tanghalian Hapunan

prutas sabaw sabaw

pangunahing pangunahing pangunahing


pagkain mayaman pagkain mayaman pagkain mayaman
sa protina sa protina sa protina

kanin kanin kanin

inumin prutas prutas

Pagyamanin

May natutunan ka ba? Tingnan natin sa pamamagitan ng pagsagot sa


sumusunod na gawain.

Gawain 1:

Basahin at suriin ang mga mahalagang salita sa ibaba. Gamitin ang


diksyonaryo sa pagkuha ng kahulugan. Isulat ito sa kuwaderno.

Panuto: Punan ng tamang titik ang nasa bilang 1-5 upang mabuo ang
mahahalagang salita na tinutukoy nito. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1. b _ d _ et - Nakalaang pera para sa paghahanda ng pagkain.

2. t _ ngh _ lian - Inihahain mula 11:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon

3. _ ga _ an - Pinakamahalagang pagkain sa buong araw.

4. p _ oti _ a - Sustansiyang taglay sa mga pagkain na nasa

Pangkat Grow.

5. r e _ i p _ - Talaan ng mga sangkap at paraan sa pagluluto.

6
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Gawain 2

Panuto: Basahin at suriin ang mga kaisipan sa ibaba. Iguhit sa kuwaderno ang

hugis puso kung wasto ang kaisipan at hugis araw ☼ kung hindi. Isulat
ang iyong sagot kuwaderno.

__________ a. Iba-iba ang pangangailangan sa pagkain ng bawat miyembro ng mag-


anak ayon sa gulang, kalusugan, kasarian, at uri ng gawaing
ginagampanan.

__________ b. Kailangan ng mag-anak ang malaking badyet para sa pagkain upang


matugunan ang kanilang pangangailangan.

__________ c. Ang agahan ay mahalaga bago magsimula sa maghapong paggawa.

__________ d. Ang huwaran ng pagkain o meal pattern ay nagsasaad ng mga uri ng


pagkaing dapat ihain sa agahan, tanghalian at hapunan.

__________ e. Dapat higit na marami ang kinakain sa hapunan kaysa tanghalian.

Gawain 3: Suriin ang menu sa ibaba.

Panuto: Tiyaking tama ang pagkapangkat-pangkat sa mga pagkain para sa araw ng


Lunes at ilagay ang mga ito sa tamang talaan. Isulat sa kuwaderno ang
iyong sagot.

a. pinya c. ginataang monggo

pritong Itlog /daing pritong isda

ginisang kanin kanin

tsokolate saging

inumin

b. spaghetti d. nilagang baka


tinapay adobong kangkong
kanin kanin
pakwan
inumin

Araw Agahan Tanghalian Hapunan

Magaling! May natutunan ka ba sa mga gawain? Kung ganun, susukatin


natin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain.

7
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Isaisip

Basahing mabuti ang talatang nasa ibaba. Punan ang patlang ng tamang
sagot upang mabuo ang kaisipan ng talata.

Magiging matagumpay ang pagpaplano sa paghahanda ng pagkain sa agahan,


pananghalian o hapunan kung ibabatay ito sa __________ng pagkain. Dito mo
makikita kung kompleto ba ang sustansiya na makukuha mo sa mga pagkain na
inihanda at ang mga uri ng pagkain sa bawat pangkat. Dapat, kompleto sa bawat
kainan, may mga pagkain na nasa pangkat Go, Grow at Glow.

Ang __________ naman, ay isa ring batayan na mahalaga sa isang


nagpaplanong maghanda ng pagkain para sa pamilya, dahil dito makikita ang
sustansiya at ang dami ng pagkaing kinakailangan ng katawan. Makikita natin dito
na kunting bahagi lang ang matatamis na pagkain kaysa mga pagkain mayaman sa
protina.

Isaisip din natin ang paggamit ng _______ sa pagpaplano ng menu ay para


maiwasan ang pag-uulit ng mga putahing inihanda at upang malaman kung anong
mga sangkap ang maaaring bilhin, kung ito ay napapanahon ba o hindi. Dahil kung
napapanahon ang mga sangkap na maaring gamitin ito ay may mataas na uri, sariwa
at nakatitipid ng _______.

Maging matagumpay ang kasanayan sa pagpaplano sa paghahanda ng pagkain kung


isaalang-alang rin ang sumusunod: dami o bilang ng taong kakain, gulang, _______
sa paghahanda, badyet at pangangailangan ng taong paghahandaan.

8
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Isagawa

Panuto: Batay sa mga halimbawa ng mga gawain sa paggawa ng talaan ng mga


putahi. Gumawa ng “meal plan o meal pattern” ayon sa gusto mo sa araw ng Sabado.
Tingnan ang gabay na nasa unang bahagi ng kahon. Isulat sa kuwaderno ang iyong
sagot.

Araw Agahan Tanghalian Hapunan


Prutas Sabaw Sabaw

pangunahing pangunahing pangunahing


Biyernes pagkain pagkain pagkain
mayaman sa mayaman sa mayaman sa
protina protina protina

kanin kanin kanin

inumin prutas prutas

Araw Agahan Tanghalian Hapunan

Sabado

Tala para sa Guro: Ang bahaging ito ay kusang iwawasto ng guro sa pamamagitan
ng rubrics sa ibaba.

9
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Rubrics sa Paggawa ng Meal Plan/Talaan ng Putahi

PUNTOS

3 2 1

A. Ang talaan ng putahi o Ang talaan ng putahi o Ang talaan ng putahi


meal plan ay tama lahat ang meal plan ay may 1-3 o meal plan ay may 4-
pagkasulat o pagkasunod- mali ang pagkasulat o 5 mali ang pagkasulat
sunod. pagkasunod-sunod. o pagkasunod-sunod.

Ang pagkaing
Ang pagkaing inihanda
B. Ang pagkaing inihanda ay inihanda ay may 4-5
ay may 1-3 na hindi
lahat masustansiya. na hindi
masustansiya.
masustansiya.

Ang lahat ng pagkaing


Ang lahat ng pagkaing
C. Ang lahat ng pagkaing inihanda ay may 4-5
inihanda ay may 1-3 na
inihanda ay napapanahon at na hindi
hindi napapanahon at
sariwa. napapanahon at
sariwa.
sariwa.

Ang lahat ng pagkaing Ang lahat ng pagkaing


D. Ang lahat ng pagkaing
inihanda ay may 1-3 na inihanda ay may 4-5
inihanda ay naaayon sa
hindi naaayon sa na hindi naaayon sa
pangangailangan ng mga
pangangailangan ng mga pangangailangan ng
taong kakain.
taong kakain. mga taong kakain.

Tala para sa Mag-aaral:


Kung nakakuha kayo ng 6 anim -10 sampung puntos maaaring sagutin ang
tayahin.
Kung nakakuha kayo ng 5 puntos pababa. Muling balikan kung paano ang
paggawa ng talaan ng putahi o meal pattern.

10
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto


at kalamnan.
a. taba
b. bitamina C
c. protina
d. madadahong gulay

2. Aling sustansiya ang makukuha sa mga pagkaing tulad ng kanin, tinapay,


mais, patatas, at ubi na nagbibigay init ng katawan.
a. taba at langis
b. carbohydrate
c. bitamina
d. mineral

3. Anong uri ng sustansiya ang makukuha sa mga prutas at gulay tulad ng suha,
kamyas, bayabas, guyabano, malunggay at kangkong na nabibilang sa pangkat
glow na may taglay na sustansiyang pananggalang sa sakit at impeksyon.
a. protina
b. bitamina A
c. bitamina C
d. mineral

4. Sa pagpaplano at paghahanda ng pagkain, dapat isaalang-alang ang mga


sumusunod na salik maliban sa isa, alin dito?
a. kasarian
b. gulang
c. oras sa paghahanda
d. ugali

5. Alin dito ang inihain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi?
a. agahan
b. hapunan
c. tanghalian
d. meryenda

11
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
6. Paano bilhin ang mga prutas at gulay na may mataas na kalidad at may mataas
na uri?
a. napapanahon
b. laki
c. dami
d. presyo

7. Alin dito ang sinusunod upang matiyak ang dami at wasto ang sangkap na
gagamitin sa pagluluto ng pagkain.
a. talaan ng paninda
b. resipe
c. meal plan
d. talaan ng putahe

8. Sa paggawa ng talaan ng putahi o meal pattern, ano ang unang isinulat para
sa agahan?
a. prutas
b. inumin
c. kanin
d. pagkaing mayaman sa protina

9. Sa anong pangkat ng pagkain nabibilang ang mga gulay at prutas?


a. Go
b. Glow
c. Grow
d. Fats

10. Alin dito ang hindi puwedeng ipagpaliban dahil sa mahabang oras na walang
pagkain sa loob ng tiyan.
a. tanghalian
b. meryenda
c. hapunan
d. agahan

12
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng Talaan ng Putahe o Menu Pattern para sa isang lingo. Gawing
basehan ang mga natutunan sa aralin.

Araw Agahan Tanghalian Hapunan

Lunes

Martes

Miyerkoles

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

13
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
14
Subukin
Pangkat Go Pangkat Grow Pangkat Glow
Kanin isda ampalaya
Kamote manok pinya
Tinapay itlog kangkong
kamoteng kahoy gatas kalabasa
asukal monggo mangga
Tayahin Pagyamanin Balikan
1. c Gawain 1 1. 6.
2. b a. badyet
3. c b. tanghalian 2. 7.
4. d c. agahan 3. 8.
5. b d. protina 4. 9.
6. a e. resipe
5. 10.
7. b
8. a Gawain 2
Tuklasin
9. b
10. d a. b. ☼ c. d. e. ☼
Malayang
Gawain 3 makapagbigay ng
sagot ang mag-
Araw Agahan Tanghalian Hapunan aaral.
pinya ginataang nilagang
Lunes pritong monggo baka
itlog/daing pritong adobong
ginisang isda kangkong
kanin Kanin kanin
tsokolate Saging pakwan
inumin inumin
Isaisip
tatlong pangkat
food pyramid
meal pattern
badyet
oras
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide 2016 – EPP5-HE? (kulang ang code)
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan p.4-7,
MISOSA V:
Pangkalinisan at Pangkalusugan sa Pagdadalaga at Pagbibinata
T. G. in EPP 5
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pp.100-111
Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5
Masayang Paggawa Maunlad na Pamumuhay 5
Patnubay ng Guro sa EPP 4

15
CO_Q1_EPP5_HE_Module6
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like