Esp 6 - ST1 - Q1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ECHAGUE SOUTH DISTRICT

ARABIAT ELEMENTARY SCHOOL


TABLE OF SPECIFICATION
SUMMATIVE TEST # 1 IN ESP 6
QUARTER I, WEEK 1 & 2

SUBJECT ESP TOTAL NO. OF 10


INSTRUCTION
DAYS
GRADE LEVEL 6 TOTAL NO. OF 20
ITEMS
TEST ITEM PLACEMENT

UNDERSTANDIN
REMEMBERING

EVALUATING
ANALYZING

CREATING
APPLYING
Actual Total
LEARNING COMPETENCIES Weight
Instruction No. of
(Include Codes if Available) (%)

G
(Days) Items

               
3,4,5,6,
Nakapagsusuri nang mabuti sa 7,8,9,1
1,2, 14,1
5 100% 20   15 0,11,12
1 mga bagay na may kinalaman 13 9
sa sarili at pangyayari ,16,17,
18,20  

  TOTAL 5 100.0% 20 0 1 14 3 2 0

Prepared by:

CATHERINE J. SIONEL Checked by:


T3/ Adviser
EMMA M. DACQUEL
Master Teacher 1

Noted by:
JOCELYN M. FIGURACION
Principal 1
ECHAGUE SOUTH DISTRICT
ARABIAT ELEMENTARY SCHOOL

PANGALAN: ________________________________________________ ISKOR: _______________

SUMMATIVE TEST # 1 IN ESP 6


QUARTER I, WEEK 1 & 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat aytem at sagutin ang
katanungang kasunod nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
_____1. Bakit mahalaga ang pagsususuri sa pagkatao ng isang tao?
A. Upang malaman niya ang kanyang kamalian sa buhay.
B. Upang malaman ng bawat indibidwal ang tama at mali.
C. Dahil ito ay sinasabi ng iba.
D. Para sa sariling kapakanan lamang.
_____2. Kung ikaw ang papipiliin, ano ang mas hangarin mo sa buhay?
A. Magkaroon ng malayang pananaw at tamang desisyon sa buhay.
B. Piliing maging tama sa bawat sitwasyon.
C. Maging alipin ng sarili at ng ibang tao.
D. Magkaroon ng malawak at malayang paghangad ng opinyon ng ibang tao.
_____3. Ano ang gagawin mo kapag sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging
lumiliban sa klase?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.
C. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
D. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya
lumiliban sa klase at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang
kahihinatnan ng kaniyang madalas na pagliban sa klase
_____4. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan. Pagkatapos mong
bumili, nalaman mong sobra ang isinukli sa’yo ng tindera. Ano ang gagawin mo?
A. Ipambibili ko ng kendi ang sobrang sukli para sa aking nakababatang kapatid.
B. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
C. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
D. Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli.
_____5. Nakita ni Kate na umiiyak ang kapatid niyang si Nicole habang nakikipaglaro sa batang
kapitbahay nila. Ano ang dapat gawin ni Kate?
A. Pagagalitan ni Kate ang kanyang kapatid.
B. Pagagalitan ni Kate ang batang kapitbahay nila.
C. Tatanungin niya ang kanyang kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin.
D. Sasali siya sa kanilang laro at aawayin niya ang batang kapitbahay nila.
_____6. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit
na ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasama kang maligo sa ilog.
B. Sasama ka ngunit hindi maliligo.
C. Hindi ka sasamang maligo sa ilog.
D. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.
_____7. Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may idinadaos na
misa. Biglang sumigaw nang malakas ang iyong mga kasama Ano ang gagawin mo?
A. makisabay ka sa pagsigaw
B. Suwayin sila at pagsabihang tumahimik
C. suntukin sila
D. pabayaan sila dahil “trip” nilang sumigaw

_____8. Bakit kinakailangang maintindihan nang mabuti ang mga pangyayari bago magpasiya?
A. Upang maging sikat.
B. Upang maging magaling na mananaliksik
C. Upang hangaan ng iba.
D. Upang makapagbigay ng angkop na pasya.
_____9. Gustong sumali sa inyong grupo si Edward na isang sabadista. Dahil dito inayawan siya
ng iyong kagrupo. Ano ang dapat mong sabihin sa kaniya?
A. Opps” di ka pwede sa aming grupo.
B. Alis, ayaw namin sa Sabadista.
C.Halika, welcome ka sa grupo.
D. Layas, di ka bagay ditto.
_____10. Isang muslim si Kareem na kaibigan ni Alex. Araw ng Biyernes , isinama ni Kareem si
Alex sa loob ng Moske. Ano ang dapat gawin ni Alex?
A. sasama siya ngunit magtext – text lang sa loob
B. matutulog sa loob ng moske
C. sasama at makinig sa sinasabi ng Imam
D. pagtawanan ang paraan ng kanilang pagsamba
_____11. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong
paaralan at ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali sa paligsahan.
B. Hindi ka sasali sa paligsahan.
C. Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan.
D. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban.
_____12. Lahat ng mga ito ay tamang pahayag tungkol sa pagpapasya sa sarili MALIBAN sa isa,
alin dito?
A. Dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbuo ng pasya.
B. Isang mabuting katangian ang paghingi ng gabay ng Panginoon sa tuwing gagawa ng
desisyon sa buhay.
C. Nararapat na suriing mabuti ang sitwasyon bago bumuo ng pasya.
D. Agad gumawa ng isang pasya kahit di pinag-iisipan kung nahaharap sa isang mahirap
na
sitwasyon sa buhay.
_____13. Sa iyong palagay, paano ka bumubuo ng pasya?
A. Iniisip lamang ang kapakanan.
B. Tinitimbang ang makabubuti at ang makasasama bago ka gumawa ng isang pasya
C. Agad-agad na gagawa ng desisyon kapag may problema.
D. Hindi isaalang-alang kung makakasakit ka ng damdamin ng iba.
_____14. Bakit kailangan mong maging mapanuri?
A. Upang sa ano mang gagawing desisyon o pasya ay maisasaalang-alang ang sarili at ang
kabutihan ng nakararami.
B. Upang kagigiliwan ka ng lahat ng tao.
C. Para purihin ka ng mga kasamahan mo.
D. Upang ang gagawing desisyon ay magdudulot ng masama sa iba.
_____15. Ano ang kahalagahan ng pananampalataya sa paggawa ng isang pasya?
A. Ang pananampalataya sa Panginoon ay kaakibat nito ang pagpili ng relihiyong
kinabibilangan.
B. Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay pagpapakita ng pagmamahal sa Panginoon
na
kung saan ito ang nag- uudyok sa isang tao na piliin ang tamang gawain sa lahat ng oras,
lugar at pagkakataon.
C. Ito ay makakatulong sa paghubog ng pagkatao ng isang tao.
D. Walang kinalaman ang pananampalataya sa pagbuo ng pasya.
_____16. Inimbita ka ng iyong kaklase na magpunta pagkatapos ng klase sa kanilang bahay.
Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka ng maaga dahil babantayan mo ang nakababata
mong kapatid. Ano ang gagawin mo?
A. Ipapaliwanag ko sa aking kaklase kung bakit kailangan kong umuwi ng maaga.
B. Makipaglaro lang sa kaklase, hayaan muna ang kapatid.
C. Huwag na lang pansinin ang bilin ng nanay.
D. Sasabihin na lang sa nanay na nakalimutan mo ang bilin niya.
_____17. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon o pangyayari ang nagsasaad ng tamang hakbang
sa pagpapasya?
A. May meeting ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na sasama sa
Clean up drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.
B. Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng inyong lider na magdala ng matulis na bagay
para
madaling pumutok ang lobo sa magiging laro ninyo sa paaralan upang manalo ang inyong
pangkat.
C. Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa
paaralan.
Isa ka sa napili ng nakararami na maging lider. Bagama’t labag sa kalooban ay tinanggap
mo rin ang iyong pagkalider.
D. May nabasa kang isang private message mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng
masama laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam kung ano ang pinagmulan
nito.

_____18. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng maling hakbang sa pagpapasya


maliban sa isa, alin dito?
A. Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay nangongopya ng
sagot sa katabi niya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulag-bulagan lamang.
B. Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na
napagkasunduan, tumanggi ka at nanood ng sine.
C. Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-aral siya ng
Pamahalaan. Nang makatapos bilang iskolar sa pagiging doktor, nagdesisyon siya na
magtatrabaho sa America dahil mas malaki ang sweldo doon.
D. Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna Ecocentrum.
Nakarating ka na roon, subalit sumama ka pa rin.

_____19.Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa barkada. Lagi
siyang pinagsasabihan at pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Gusto na lang ni Luisa na
mag-asawa kahit walang trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila. Tama ba ang
desisyon ni Luisa? Bakit?
A. Hindi, dahil bata pa siya at hindi pa sapat ang kaniyang kaalaman sa pag-aasawa.
B. Oo, dahil alam na niya ang kanyang ginagawa.
C. Hindi, dahil pagagalitan lang siya ng kanyang magulang.
D. Oo, dahil desisyon niya ito.

_____20. May usapan kayong dadalo sa pulong ng “No to Drugs” sa Barangay Hall ng iyong
kaibigan, pero natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela. Ano ang gagawin mo?
A. Sabihin sa kaibigan na siya na lang ang pumunta.
B. Sumama sa kaibigan kasi ito ang iyong napagkasunduan.
C. Huwag na lang pansinin ang napagkasunduan.
D. Magdahilan na lang na may sakit.

Lagda ng Magulang:
________________________________________

You might also like