E.P.P 5 - Reviewer

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

E.P.

P 5 3rd Quarter Reviewer Questionnaire

Pangalan:__________________________________________ Iskor:_____

I. A. Pananahi: Ibigay ang pangalan ng mga larawan sa ibaba. Hanapin sa kahon ang
mga pangalan.

butones gunting karayom didal medida


sinulid sirang tela pin cushion

B. Lagyan ng biglang 1-5 ang patlang ayon sa wastong pagkasukasunod-sunod ng


pagsususulsi.

_____ Gumawa ng tahing tutos o pantay-pantay


_____ Paglapitin ang gilid ng punit, iayos ang hilatsa ng tela.
_____ Ibuhol o isara ang kabaligtaran ng damit at iwasang maging kulubot.
_____ Ihanda ang karayom, sinulid at tela.
_____ Ipagpatuloy ang tahing tutos hanggang lumagpas ng 5-6 na milimetro.
II. Paglalaba: Lagyan ng bilang 1-10 upang maitala ang wastong pagkakasunud-sunod
ng mga hakbang sa paglalaba.

_____ Kusutin ang mga damit


_____ Paghihiwalay ng mga labahin ayon sa kulay
_____ Tiklupin ang mga tuyong damit
_____ Banlawang mabuti ang mga damit
_____ Isampay ang mga puti sa maaraw na lugar at ang mga may kulay naman ay sa lilim
_____ Paghahanda ng mga kagamitan sa paglalaba
_____ Basain ang mga puti at isunod ang mga may kulay
_____ Sabunin ang mga puting damit bago ang may kulay
_____ Ipagpag o iwasiwas muna ang mga damit

III. Pag-alis ng Mantsa sa Damit: Isulat sa kahon ang mga kailangang kagamitan
upang maalis ang mga sumusunod na mantsa sa damit.

Mantsa Mga Kailangang Kagamitan

dugo

putik

kalawang

tsokolate o kape

mantika o langis

pintura o barnis

IV. Pamamalantsa ng Kasuotan: Lagyan ng letrang A-I upang maitala ang wastong
pagkakasunud-sunod ng mga hakbang sa pamamalantsa.

_____ Kung tapos ng mamalantsa pihitin ang kontrol sa off at bunutin sa pagkakasaksak
ang plantsa
_____ Ibalik sa karagayan ang damit
_____ Plantsahin ang ibabang bahagi ng damit
_____ Ihanda ang mga kasuotang paplantsahin, plantsahan, at ang plantsa
_____ Plantashin ang balikat, isuot ito sa dulo ng palantsahan upang maunat ng husto
_____ Itupi ng maayos ang naplantsang damit o kaya ay ihanger ang mga ito
_____ Isunod ang pamamalantsa sa mga manggas sa likuran bago sa harapan
_____ Iligpit ang mga damit na pinalantsa ayon sa uri bago itago sa aparador o kabinet
_____ Iunat ang kasuotan sa plantsahan
V. A. Pagpapanatili ng Maayos na tindig: Pagmasdan ang mga larawan. Bilugan ang
letra ng may wastong tindig ng pag-upo, pagtayo at paglakad.

1. Maayos na Pag-upo 2. Maayos na Pagtayo

A. B. C. A. B. C.

3. Maayos na Paglakad

A. B. C.

B. Basahin ng mabuti ang mga pahayag. Lagyan ng T kung tama at M kung mali ang
pangungusap.

_______1. Ang maayos na tindig ay nagiging sanhi ng pagiging kuba.


_______2. Kaaya-ayang tingnan ang magandang posisyon ng pag-upo.
_______3. Ang pagtulog ng maaga ay mabuti sa ating katawan.
_______4. Kailangang kumain ng kahit na anong pagkain upang maging malusog.
_______5. Ang pag-eehersisyo ay maganda sa ating kalusugan.
_______6. Ang pagsasabi ng “po” at “opo” sa nakatatanda ay tanda ng pagiging magalang.
_______7. Makakabuti sa katawan ang pagpigil sa pagdumi.
_______8. Wasto ang pananamit ng mga kabataang maayos ang tindig.
_______9. Ugaliin ang pag-inom ng malinis na tubig.
_______10. Iwasan ang pag-inom ng mga matatamis na inumin tulad ng softdrinks.

VI. Mga Bahagi ng Tahanan at mga Gawain Dito: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong tawag sa parte ng tahanan na kung saan dito nagsasalo-salong kumain ang
pamilya at masayang nagkwekwentuhan?
a. Sala b. Kusina c. Silid-Kainan d. Silid-Tulugan

2. Anong tawag sa parte ng tahanan na kung saan itinuturing itong pribadong lugar na
tanging may-ari lamang ang may karapatang magpapasok at dito tayo natutulog?
a. Kusina b. Palikuran c. Silid-Kainan d. Silid-Tulugan
3. Anong tawag sa parte ng tahanan na madalas dito natin tinatanggap ang ating mga bisita
at madalas dito tayo nanonood ng telebisyon?
a. Sala b. Palikuran c. Silid-Kainan d. Silid-Tulugan

4. Anong parte ng tahanan na kung saan dito tayo naliligo. naglilinis ng ating katawan at
,umiihi?
a. Sala b. Palikuran c. Silid-Kainan d. Silid-Tulugan

5. Anong parte ng tahanan na kung saan dito tayo nagluluto at naghuhugas ng mga
pinggan, baso ,kaldero at iba pa?
a. Kusina b. Palikuran c. Silid-Kainan d. Silid-Tulugan

6. Anong parte ng tahanan na kung saan may makikita kang ilang silya, mesa, at mga
halamang palamuti? Ginagawa rin itong pahingahan.
a. Banyo b. Sala c. Balkon d. Silid-Lutuan

VII. A. Pagsasaayos at Pagpapaganda ng Tahanan: Lagyan ng bilang 1-5 upang


maitala ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng plano
sapag-aayos ng tahanan.

_____ Kung maliit lamang ang inilaang badyet, piliin ang disenyo na maaaring magamit ang
kasaluyang kasangkapan at kagamitan.
_____ Magsaliksik ng mga ideya o modelong diisenyo sa Internet
_____ Tukuyin ang layon ng silid na aayusin.
_____ Iguhit ang plano. Itala ang muwebles at markahan ang magiging lugar ng bawat
muwebles, kasangkapan, palamuti, at iba pang bagay na ilalagay rito.
_____ Alamin ang sukat at hugis ng silid.

B. Magbigay ng dalawang kasangkapan, kagamitan, o palamuti na makikita sa mga


sumusunod:

1. Sala

2. Silid-Kainan

3. Silid-Lutuan

4. Silid-Tulugan

5. Paliguan
VIII. Mga Bahagi ng Makinang Panahi na de-Padyak

A. Tingnan ang larawan ng makinang de-padyak sa ibaba. Suriin nang mabuti at isulat
sa patlang ang tamang bahagi nito na tinutukoy sa bawat bilang.

pedal arm kama kabinet balance wheel koreya malaking gulong

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong bahagi ng makina ang nagsisilbing bahay ng makinang panahi?


a. koreya c. kama
b. pedal d. arm

2. Anong bahagi ng makina ang kinakabitan ng karayom?


a. presser foot c. needle bar
b. bobbin d. tension regulator

3. Anong uri ng makina ang ginagamitan ng motor na nakasaksak sa kuryente na


nagpapaandar sa karayom ng makina?
a. makinang de-kuryente c. makinang de-padyak
b. makinang de-motor d. makinang de-sipa

4. Anong uri ng makina ang ginagamitan ng pagtapak sa pedal na siya namang nagpapaikot
sa gulong habang ginagalaw ng isa pang kamay ang tinatahi sa ilalim ng karayom.
a. makinang de-kuryente c. makinang de-padyak
b. makinang de-motor d. makinang de-sipa
5. Anong bahagi ng makina ang nagpapakilos at nagpapausad ng sinulid kapag nananahi?
a. bobbin case c. tension regulator
b. thread take-up level d. feed dog

6. Anong bahagi ng makina ang pinipihit upang luwagan o higpitan ang tahi ng makina?
a. bobbin case c. tension regulator
b. thread take-up level d. feed dog

7. Anong bahagi ng makina ang nagbababa o nagtatas ng presser foot?


a. presser bar lifter c. needle plate
b. thread take-up level d. presser foot

8. Anong bahagi ng makina ang pinaglalagyan ng sinulid sa ilalim ng makina malapit sa


balance wheel?
a. needle plate c. needle bar
b. bobbin d. feed dog

9. Anong bahagi ng makina ang kinakabit na kordon sa gulong sa ibabaw at sa ilalim ng


makina?
a. kama c. koreya
b. kabinet d. Karayom

10. Anong bahagi ng makina ang tinatawag na ngipin ng makina na nasa ilalim ng presser
foot?
a. needle plate c. needle bar
b. feed dog d. Bobina

C. Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahon at isulat ang
tamang sagot sa patlang.

kama karayom bobbin case presser foot needle plate arm


needle bar malaking gulong pedal balance wheel

________1. Ito ang tumatahi sa tela sa tulong ng sinulid.


________2. Ito ang lalagyan ng bobbin bago ikabit sa makina.
________3. Ito ang bahaging pumipigil at gumagabay sa tela habang nananahi.
________4. Ito ang patag na bahagi ng makina kung saan nakapatong ang tela habang
tinatahi.
________5. Ito ang nasa ilalim ng presser foot, may maliit na butas na dinaraanan ng sinulid
galing sa bobbin.
________6. Ito ang kinakabitan ng karayom.
________7. Ito ang pang-itaas na bahagi na kung saan isinusuot ang sinulid na siyang
nagdala rito papunta sa karayom.
________8. Ito ang gulong sa ibabaw na pinapaikot ng kamay upang mpatakbo ang makina.
________9. Ito ay makikita sa kanang bahagi sa ilalim ng makina.
________10. Ito ang tinatapakan ng dalawang paa upang umikot ang malaking gulong at
mapaandar ang makina.

You might also like