Epektibong Komunikasyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Page 2-3: Anu-ano na ang mga Alam mo?

A.
Mababasa sa ibaba ang bahagi ng isang sulat ni Bb. Hellen Keller sa isang
kaibigan. Isulat na muli ang sulat na ito sa sarili mong mga salita. Alamin
kung anong mga bagay ang nakapagpapasaya o nakapagpapaligaya sa
kaniya. Paano niya inilalarawan ang lahat ng ito? Tandaang isulat ang
sagot sa sarili mong mga salita.
1. Lagi kong hinahamak ang aking mga kakilala na walang problema sa
paningin na tingnang mabuti ang kanilang mga nakikita sa paligid.
Dumating araw na dinalaw ako ng aking kaibigan na naglakbay sa gitna ng
kagubatan, sa aming pagtatagpo ay agad ko siyang tinanong kung ano ang
nakita niya roon subalit subalit isang tipid na salitang “wala naman” ang
aking natanggap. Napakadali sanang maniwala sa mga ganoong kilos
kung talagang hindi lang ako sanay sa ganoong uri ng sagot, dahil alam
kong mayroon at mayroon kang makikita kung pagmamasdan mo itong
mabuti.
2. Napatanong ako sa aking sarili na kung posible nga bang wala kang
matandaan kahit isang bagay man lamang na nadaanan mo sa kagubatan
kung naglakad ka dito sa loob ng isang oras. Dahil ako na nga lamang na
hindi nakakakita ay nagagawa kong madama ang paligid; mahawakan ang
dahon, maamoy ang bulaklak, marinig ang huni ng mga ibon paano pa ang
mga taong biniyayaan ng paningin. Ito ang kadalasang palatandaan na
ginagamit ko upang matiyak na ako ay nasa tamang landas pa pauwi sa
aming tahanan.
B.
Nagpapakita ng iba’t ibang damdamin ang mga mukha sa ibaba. Sumulat
ng talata na may tatlong pangungusap para mailarawan ang damdaming
ipinahahayag ng bawat mukha at ang posibleng dahilan ng mga
damdaming ito.
1. Ang taong ito ay malungkot marahil ay nabigo
ito sa pag-ibig o hindi kaya ay nasibak sa
trabaho. Posible ring nalaman niyang may
malubha siyang sakit, o nawalan siya ng pera
habang naglalakad. Maaari ring ang problema
niya ay dulot ng kaniyang stress o
anxiety na nakuha niya sa kaniyang
trabaho.
2. Ang taong ito ay galit base sa kaniyang
ekspresyon. May posibilidad na may
ibang tao itong nakaaway o nakaalitan, o
nairita sa isang bagay. Pwede rin na
galit siya dahil sa natuklasan niyang pagloloko ng kaniyang asawa.

3. Kakikitaan ng masayang emosyon


ang taong ito. Ito ay marahil
nagbubunyi sa kaniyang pagtatapos
sa paaralan o sa kaniyang nakamit
na gantimpala. Ang ganitong
emosyon ay positibo at nakaluluwag
sa damdamin.

ARALIN 1: Paghalaw at Pag-unawa


Page 6: Basahin Natin Ito
Hindi ba isa itong makapangyarihan at nakahihimok na talumpati? Sa sarili
mong mga salita, tungkol saan sa palagay mo ang talumpati?
 Para sa aking pananaw ang talumpating ito ay patungkol sa isang
masidhing pagnanais na makamtam ng bayan at ng mga mamamayan nito
ang inaasam-asam na kalayaan; ang pagkakakapantay-pantay ng bawat
isa ano ma ang kanilang lahi, kulay, kultura, paniniwala o pangkat
napapabilang – at ang pagkakaisa upang marating ang tanging pangarap
nating lahat, ang lumaya. Lumaya mula sa tanikalang gumagapos sa ating
mga paa na siyang pumipigil sa ating paghakbang, lumaya mula sa mga
sinulid na nakabusal sa ating mga bibig upang pigilan tayong magsalita at
magpahayag ng ating damdamin, at higit sa lahat ay lumaya mula sa
pangangarap at gawin itong makatotohanan – gawing reyalidad ang isang
munting pangarap.
Page 8-9: Subukan Natin Ito
Narito ang talata na hango sa Reader’s Digest tungkol sa mga saging.
Gawin ang BTI.
1. Basahin ang talata
2. Tanungin ang sarili: Ano ang pangunahing ideya at mga detalye sa
talatang ito.
Ang talatang ito ay tungkol sa saging
Sinasabi nito sa akin na maraming benepisyong pangkalusugan at
maraming maitutulong sa ating katawan at ganoon na rin sa ating
kalusugan
3. Ipahayag sa sariling mga salita ang pangunahing ideya at mga kaugnay
na detalye.
 Ang saging ay maraming benepisyo sa katawan, ugaliin itong ilagay
sa hapag-kainan upang araw-araw makamit ang sustansyang kailangan
natin at sa ikagaganda ng ating kalusugan at pagpapanitili ng kaligtasan
natin mula sa mga sakit na maaari nating makuha kung mahina ang ating
pangangatawan

Page 9: Magsanay ka Pa
2. Ang pag-uusap ay tungkol sa ulat-panahon
Sinasabi nito sa akin na may posibilidad na magkaroon ng pag-ulan
bukas
3. Ipahayag sa sariling mga salita ang pangunahing ideya at mga kaugnay
na detalye.
 Magkatotoo man ang balitang uulan bukas o hindi, mainam na handa
tayo sa ganitong sitwasyon. Panatilihing may baong payong kapag lalabas
o pagmasdan ang kaulapan kung sakaling makulimlim ay magdala na rin
ng kapote. Panatilihing ligtas ang sarili mula sa sakuna at ibayong pag-
iingat ay kailangan.
Page 9-10: Alamin Natin
Magsaliksik at isulat ito sa nakalaang espasyo. Tiyakin na sarili mong
mga salita o halaw ang gagamitin sa iyong pananaliksik. Tukuyin agad ang
pinagsanggunian pagkatapos ng pananaliksik.
 Mula sa simula ng panahon na naituro sa atin ng agham ang tungkol
sa gravity, natutuhan din natin na ang ugat nito ay ang pagkakahulog ng
isang mansanas sa ulo ni Sir Isaac Newton; ito ay nakasulat sa mga libro
na siyang itinuturo magpahanggang-ngayon. Subalit ito ay isang dagdag
na impormasyon lamang sa tunay na pangyayari.
Walang anomang ebidensya na nagsasabing may nahulog
talagang mansanas sa ulo ni Isaac Newton kaya nabuo sa kaniya
ang ideya ng gravity, bagkus ang pinaghanguan niya ng ideyang ito
ay ang direktang pagkakahulog ng mansanas sa lupa sa halip pataas
o sa ibang direksyon. Ang kuwento tungkol sa mansanas na nahulog
sa kaniyang ulo ay idinagdag na lamang sa biograpiya niya bilang
pagkilala sa kaniyang nagawa.

PINAGHANGUAN: Nix, E. (2015, November 13). Did an Apple really


fall on Isaac Newton's head? History.com. Retrieved February 1,
2022, from https://www.history.com/news/did-an-apple-really-fall-on-
isaac-newtons head#:~:text=There's%20no%20evidence%20to
%20suggest,his%20law%20of%20universal%20gravitation.

Page 10-11: Subukan Natin Ito


Ipahayag sa sariling halaw ang “Ang Pambansang Awit.”
 (Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan) ang tinutukoy nito ay ang
bansang Pilipinas, ang mayamang bansa sa Silangan, ito ang
natatangi nating tahanan – kung saan isinilang ang lahing Pilipino.
(Alab ng puso, sa dibdib mo’y buhay) sa linyang ito ay madadama
mo ang tinatawag na nasyonalismo, ang nag-aalab na damdamin ng
Pilipinong nagpasiklab sa kagustuhang makalaya mula sa mapang-
aping kaaway – ito parati, sa puso natin ay buhay. (Lupang
hinirang, duyan ka ng magiting) ang Pilipinas ay lunduyan ng mga
lahing matatapang, kanlungan ng mga diwang handang lumaban sa
kahit na anong uri ng digmaan, isang tahanang kumakalinga sa mga
damdaming ang tanging hangarin ay tunay na paglaya. (Sa
manlulupig, ‘di ka pasisiil) patunay dito ang mga digmaang ating
nilahukan, himagsikang sinimulan ng ating mga bayaning naging
sanhi upang makamtan natin ang minimithing pag-alpas mula sa
kadenang gumagapos sa ating mga paa. (Sa dagat at bundok, sa
simoy at sa langit mong bughaw) ibig lang sabihin na sa kahit na
ano mang dako maparoon, gaano man kalayo ang tanaw; iyong
madadama at mapapansin ang lahing sa kahit na ano mang uri ng
pagsubok ay hindi mo mapapasuko at hindi mapapadapa. (May dilag
ang tula at awit sa paglayang minamahal) para sa akin ito ang
tumutukoy sa mismong Lupang Hinirang, ito ang awit sa paglayang
ating minamahal na kapag narinig mo ay talaga namang iyong
hihintuan at bibigyang pagpupugay. (Lupa ng araw ng luwalhati’t
pagsinta) ang Pilipinas ang tunay na Perlas ng Silanganan, kung
saan sumisikat ang araw – lupain ng kapurihan, kagitingan at
pagmamahalan. (Buhay ay langit sa piling mo) datapuwa’t ang
Pilipinas ay isang maliit na bansa subalit kapag sinabi mong “Pilipino
Ako” nakararangal ito, tunay na ang buhay ay langit sa piling ng
Inang Bayan. Walang ibang bayang dapat dakilain at ipagmalaki
kundi ang ating sariling pinagmulan – ang bansang Maharlika.
(Aming ligaya na ‘pag may mang-aapi, ang mamamatay nang
dahil sa iyo) ito ang pinakapuso ng Lupang Hinirang, na kapag
narinig ang linyang ito ay siyang magsisilbing sulo na bubuhay sa
damdaming Makabayan upang ipagtanggol ang bayan sa kahit na
sinomang magtangkang hamakin o agawin ito mula sa atin;
hanggang sa kamatayan ang Pilipinas ay ating ipaglalaban dahil ito
ay atin at mananatiling sa atin lamang.
Page 11-12: Alamin Natin ang Iyong Natutuhan
1. Ang paghalaw ay ang paraan ng pagpapayag sa sarili mong salita o
ideya ang mga kontekstong nakasulat, nabigkas, nabasa o narinig.
2. Ang B ay nangangahulugang Basahin ang talata, ibig sabihin bago
ka gumawa ng panibagong ideya ay dapat nabasa o inunawa mo
muna ang kontekstong nakasaad sa iyong binasa. Ang T ay tungkol
sa Tanungin ang sarili, dito naman kailangan mo itanong sa sarili mo
kung para saan ba ang nabasa mo o tungkol saan bai to para madali
mo itong mailipat sa sarili mong salita. At ang I ay para Ipahayag sa
sarili mong salita ang naunawaan mo tungkol sa iyong nabasa, dito
makikita kung may nalaman ka ba talaga sa tekstong iyong binasa.
3. Ang paghalaw ay malaking bagay sa pagsasanay ng iyong
bokabularyo at pag-unawa sa kontekstong iyong nababasa,
nasusulat, nabibigkas o naririnig; dito mas napapalawak ang ating
kaalaman sa pagsasalin na siyang mas magpapaunlad sa ating
pagkatuto.

ARALIN 2: Pakikinig at Pagsusuri


Page 18-19: Subukan Natin Ito
1. Ang sulat ay patungkol sa perang hinihingi ng kaniyang anak
2. Hindi nagustuhan ng panganay na anak na lalaki ang nabasang
sulat, may posibilidad na siya ang naiinggit sa kaniyang kapatid
3. Gaya nga ng kasabihan “walang magulang na kayang tiisin ang
anak” ang isang Ina kailanman ay parating mayroong habag, at
matinding pagmamahal sa kaniyang mga anak. Ano man ang mga
ugali o pagkatao nito ay kaniyang inuunawa at tinatanggap at laging
gumagawa ng paraan para ibigay ang kailangan ng kaniyang anak.
4. Ang pagbasa ng kaniyang ina batay sa kung paano niya nilikha ang
sulat
5. Mas nagustuhan ko ang interpretasyon ng ina sa sulat ng kaniyang
anak. Tunay nga talagang ang isang magulang ay hindi kayang tiisin
sino man sa kaniyang mga anak; naunawaan niya ang sitwasyon ng
kaniyang anak, hindi gaya ng panganay na anak na talagang may
bahid lamang ng inggit ang interpretasyon at hindi magandang
tularan.
Page 19-20: Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan
1. A
2. B
3. D
4. B
5. B
ARALIN 3: Pagmamasid at Pagbibigay-Kahulugan
Page 21-22: Alamin Natin
1. Larawan ng isang babaeng masaya at malungkot
2. Larawan ng isang opisyal na nagbibigay ng kaniyang pahayag sa
publiko
3. Larawan ng isang taong nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang
bagay, desisyon o usapin o pagsang-ayon sa tinuran ng kaniyang
kausap
4. Larawan ng isang taong nagluluksa, may problema o may
dinaramdam at larawan ng kaibigang natutuwa sa nakikita niya o
nagpapakitang-tao lamang
5. Larawan ng dalawang taong nag-uusap sa isang pang-aliwang lugar;
ang isa ay nagkukwento, ang isa ay nag-aalok ng inumin.
Page 25-26: Alamin Natin
1. Nayayamot ang lalaki sa isang bagay o may kinaiinisan ito o may
hindi nagustuhang narinig tungkol sa kaniya
2. Marahil may naalala ang binatang ito na isang masayang alaala o
hindi kaya ay pinansin siya ng kaniyang nagugustuhang dalaga
3. Iniisip ng babaeng ito ang mga pangyayari o hindi kaya ay hindi siya
kumbinsido sa sinabi ng kaniyang kausap
4. Sumesenyas na lapitan siya ng kaniyang tinatawag
5. Naghahanda ang dalagang ito sa kaniyang pag-awit sa harap ng
madla o entablado
Page 27: Pag-isipan Natin
Ang mga ‘di pasalitang sensyas ay mga instiktibong bagay na kusa natin o
ating nagagawa bilang reaksyon sa isang pangyayari o dahil lang din sa
tugon natin sa isang usapin. Halimbawa nito ay ang agarang pagtaas ng
ating kamay at pagwagayway nito sa hangin kapag tayo ay napaso na para
bang maiibsan ang kirot kapag ginawa ito. Isa pa ay pag-iling-iling tanda ng
hindi pagsang-ayon sa isang bagay. Isa pa ay pagtalon tuwing sasapit ang
bagong taon na para bang makakatulong ito sa ating pagtangkad.
Page 28-30: Subukan Natin Ito
1. Ang bida sa palabas ay kinompronta ang kaaway habang nakatutok
ang baril niya rito, sinusubukan niya itong pasukuin. Ang kalaban ay
humaraw at tila inaalok siya na tanggapin ang perang laman ng
kahang hawak niya kapalit ng kaniyang Kalayaan ngunit matigas ang
pulis dahil may paninindigan ito. Napilitang lumaban ang kalaban
kaya binaril siya ng bida at agarang namatay
2. Sa mall may nakita akong magkasintahang nag-uusap, tila sila ay
nagtatalo dahil medyo tumataas ang boses ng babae ganoon na rin
ang lalaki. Marahil hindi sila nagkasundo sa kung saan sila kakain o
marahil may isyu sila gaya ng selosan o iba pa. Matapos nito iniwan
ng babae ang lalaki sa kaniyang kinatatayuan
3. May dalawang dayuhan na naglalakad sa kalye, may kasama rin
silang isang mistulang tour guide na nagpapaliwanag sa kanila ng
lugar na iyon. Sa kanilang pag-uusap may tinuturo rin sila sa paligid,
marahil ay naeenganyo sila sa kanilang nakikita base na rin sa
reaksyon nilang nakangiti at tumatawa pa kung minsan.
4. Ang interpretasyon sa mga sumusunod na damdamin ng aking mga
kaibigan;
a) Masaya – humahalakhak, nanghahampas, nakangiti
b) Malungkot – Tahimik, laging nasa sulok,nakatungo sa kawalan
c) Nagulat – nakabuka o nakatakip ang kamay sa bibig, lumalaki
ang mata
d) Galit – nakakunot ang noo, sinisipa ang madadaanang bagay,
nakatiklop ang kamay
e) Nag-iisip ng malalim – tulala, madalas magbuntung-hininga
f) Nag-uusisa – kumukunot ang noo, naghahalungkat ng mga
gamit, hindi mapakali
g) Ninenerbyos – pinagpapawisan, natataranta, hindi mapakali
sa paglalakad, kinakagat ang daliri
h) Nahihiya – tahimik, namumula, nakayuko parati
i) Natatakot – nanginginig, balisa, hindi mapakali
j) Nag-aalala – hindi mapakali, maya’t maya ang pabalik-balik na
lakad, balisa
k) Nasasabik – natutuwa, laging nakangiti, talon ng talon,
umiindak
Page 31: Magbalik-aral Tayo
Ilahad ang pagkakaiba ng mga senyas na likas at natututuhan.
Magbigay ng halimbawa sa bawat isa.
 Ang senyas na likas ay kusa nating nagagawa, biglaan at hindi
kailangan nang ibang tao para ating matutuhan. Halimbawa ay ang
pagkurap ng mata na kung minsan ay nangangahulugang nagpapa-
cute o nagpapalambing. Ang senyas na natututuhan ay ang mga
bagay kinakailangan nating maaral upang magawa ng maayos o
itinuturo sa atin bilang parte ng ating pakikipagkapwa o
pakikipagkomunikasyon. Halimbawa nito ay pagmamano na tanda ng
paggalang sa nakatatanda o ang paglalahad ng kamay sa upuan
bilang pagbibigay daan na makaupo ang ibang nangangailangan
gaya ng matanda, buntis o may kapansanan.
Page 31: Alamin Natin ang Iyong Natutuhan
1. Di-pasalitang komunikasyon
2. Damdamin
3. Mga senyas na likas
4. “Poker face”
5. Kumpas
6. Pustura
7. Kontak o agwat
8. Mga hayop at mga bata
9. Pagpapahayag ng itsura ng mukha
10. Mapagmasid
Page 32-34: Anu-ano ang mga Natutuhan mo?
A. Basahin ang mga talata. Pagkatapos, isulat ang mga ito sa sariling
mga salita.
1. Sa ating pagkabata, hindi natin masyadong napapansin ang
ating mga magulang; hindi natin lubusang maunawaan ang
kanilang ginawa, ang kanilang kinikilos o kung bakit at para
kanino nila ‘yon ginagawa. Subalit habang tayo ay nagkakaisip,
dito natin nakikilala at mas nabibigyang pansin lahat ng
kanilang ginagawa, mga hirap at sakripisyo para rin sa atin.
Dito natin mas napapahalagahan ang ating mga magulang,
mas minamahal at mas dinadakila.
2. Pinagmamalaki ni Helen ang kaniyang mga nagawa. Kakikitaan
siya ng magandang pag-uugali sa kapwa man o kustomer. Ang
ganito niyang pag-uugali ay siyang mas nagpakilala sa kaniya,
katangi-tanging ugali na hinahangaan ng mga nakakakita sa
kaniyang ginagawa at saksi sa kaniyang pagkilos. Tinuruan
niya ang mga taong magpursigi at gawin ang mga bagay na
magpapasaya sa kanila dahil walang ibang mas
makakapagpalabas ng iyong galing kundi ang iyong sarili
lamang.
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong
1. Ang pasalitang-komunikasyon ay mga bigkasing pahayag na
siyang nagagamit upang lubusang maunawaan ng mga tao ang
ating sinasambit, sa pamamagitan nito mas naipapahayag natin
ang ating sarili na maluwag sa damdamin at maginhawa sa
pakiramdam. Ang ‘di pasalitang-komunikasyon ay mga
nasusulat o nababasang konteksto na naghahatid ng mensahe
sa mga makababasa o makasusuri nito, ito ang kadalasang
kinakasangkapang paraan kapag may hindi mabigkas na ideya,
opinyon, damdamin o suhestiyon ukol sa isang bagay.
2. Sa aking palagay pareho silang mahalaga nakaayon na lang
din sa kung saan at paano ito nararapat na gamitin – kung hindi
kayang bigkasin ay dinadaan ito sa pasulat na pareho namang
epektibong paraan ng komunikasyon. Datapuwa’t magkaiba
ang gamit, ngunit sa kahalagahan ay pareho lamang itong
mahalaga.
3. Isang halimbawa nito ay kapag nagpapahayag ka ng opinyon o
ideya, mas kapani-paniwala ang iyong pagpapahayag dahil sa
karanasang mayroon ka sa pananalastas, at mas mabilis
makahikayat ang ganitong kalamangan dahil sa ito ang mas
epektibo at kapaki-pakinabang.
C. Tingnan ang mga larawan. Sa palagay mo, anu-ano ang damdaming
ipinahahayag ng tao? Ilarawan ang mga ito sa isa o dalawang
pangungusap.
1. Ang taong ito ay malungkot, marahil siya ay nasisante sa
trabaho o hindi kaya ay nakipaghiwalay sa kaniya ang kaniyang
kasintahan
2. Ang taong ito ay nagbubunyi at tuwang-tuwa sa kaniyang
nakamtan, pinapakita nito ang isang positibong damdamin sa
pagharap sa isang mahalagang kaganapan sa ating buhay
3. Ang babaeng ito ay halatang gulat sa kaniyang natuklasan
base na rin sa ekspresyon ng kaniyang mukha o talagang hindi
lang siya makapaniwala sa kaniyang nalaman.

You might also like