Sample Essay - Buwan NG Wika
Sample Essay - Buwan NG Wika
Sample Essay - Buwan NG Wika
Arats, lodi, bes, charot, yataps, gg, carps, pics, BV, anue, aqouh, at oppa ay kilala bilang balbal,
conyo, Korean, English, at jejemon. Ito ang mga lingguahe na uso sa mga kabataan ngayon. Dahil na rin
sa impluwensya ng social media at mga nauuso ngayon, madalas mas nauunang matutunan ng mga bata
ang ang mga ito kaysa sa purong kinagisnang katutubong wika. Sa katunayan, ang wika ay tunay ngang
nagbabago at kabilang dito ang patuloy na pagdaragdag ng mga salitang sinalin sa Filipino. Masama ba
ang impormal na pananalita at dayuhang wika para sa ating kultura? Kung tunay ngang mahal natin ang
ating bansa, bakit iniiwasan natin gamitin ang wikang Filipino ayon sa layunin ng kanyang pagkatatag?
Nawawala na ang mga bihasang kabataan sa pananlita ng sariling wika habang lumilipas ang panahon,
napag-isipan mo ba kung hindi tayong mga susunod na henerasyon ng Pilipinas ang magpapayabong
nito, sino?
Ang wikang Filipino na kinikilala bilang pambansang wika, ay ang pinakamabisang palatandaan
ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Ito rin ay isang yaman na ipinamana sa atin ng ating hinalinhang
henerasyon, simula pa sa kapanahunan ni Manuel L. Quezon. Pasulat man o pabigkas ang ating wika ay
syang nagbubukod sa atin sa ibang bansa. Ito’y nagsisilbing bigkis na nag-uugnay sa mahigit pitong-
libong isla ng Pilipinas upang makapagpahayag at magkaunawaan tayo sa ating kapwa na siyang bubuo
ng mas mabuti at nagkakaisang samahan. Hindi pa ito nagtatagal mula ng maitatag ang wikang Filipino
kaya’t patuloy pa rin ang paglinang nito kaya dapat nating alagaan at igalang ang wikang Filipino hindi
lamang para sa ating pagkakakilanlan ngayon kundi sa darating pang henerasyon.
Hindi niyo ba alam noong unang lumapag ang barko ng mga kastila sa Pilipinas, nakalimbag sa
baybayin ang kanilang panitikang ibinahagi sa bansa. Isa itong patunay na ang halaga ng wika ay
nakaayon sa gumagamit nito. Kung paano natin gamitin ang wikang Filipino at pahalagahan ito ay siya
rin ang magtatala ng kanyang kahalagahan sa mundo. Sa isang daan at pitongpu’t lima na wika sa
Pilipinas, ang Agta Dicamay at Villaviciosa, Ayta Tayabas, Katabaga, at Ermitano creole ay mga wikang
hindi na ginagamit at kinalaunan ay nawala na. Huwag natin hintayin na maging lipas rin ang purong
wikang Filipino. Isa itong ebidensya ng ating ipinaglabang kalayaan sa mga dayuhan mananakop,
ebidensya ng ating kultura, at ng pagmamahal sa Pilipinas. Ang wika ay binubuo ng mga hibla ng titik,
simbolo, at bigkas na walang katuturan ‘pag nag-iisa ngunit naipapakita ang tunay na halaga kung
pagsasamahin upang bumuo ng isang munting salita na maaaring maging pangungusap na lilikha ng
kuwento hanggang sa dahilan kung bakit alam natin ang kasaysayan ng bansa. Tulad ng bansa, kung saan
ang nag-iisang mamamayan ay limitado sa paggawa ngunit mahalagang pagkaisahin upang buuin at
isakatuparan ang tunay na layunin ng bayan. Kung hindi ka ang Pilipinong minamahal ang inang bayan,
sino ka?