Kabanata 2 (Sa Ilalim NG Kubyerta)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

Kaiba sa ibabaw ng bapor, nagtungo si Simoun sa ilalim ng cubierta. Masikip at


siksikan doon dahil may mga Indio at mga Tsino. Naroon din ang mga bagahe at
cargamento.

Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata


mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga
mag-aaral tungkol sa pagtatayo ng Akademya na magtuturo ng wikang Kastila na hindi
naging matagumpay.

Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez,


pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña.

Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio


si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina
Basilio at Isagani dahil wala namang bibili ng alahas dahil sa karalitaan.

Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng cerbeza ang


dalawa. Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya
mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at ‘di alak.

You might also like