EPP5 IE Mod8 WriteMeUp v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

5

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
ICT and Entrepreneurship –
Modyul 8:
“Write Me Up!”

CO_EPP5_IE_Modyul8
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
ICT and Entrepreneurship – Modyul 8: “Write Me Up!”
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gary B. Mosquito
Editor: Wilma S. Carreon, Jenita D. Guinoo
Tagasuri: Medarlou A. Genoguin, Bernaldo A. Basiano
Tagalapat: Eugene S. Ignacio, Joy B. Bihag
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Judella R. Lumpas
Margarito A. Cadayona, Jr.
Jose B. Mondido
Francisco L. Bayon-on, Jr.
Amer L. Santolorin
Medarlou A. Genoguin

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Regional No. VIII


Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 832-2997
E-mail Address: [email protected]
5
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
ICT and Entrepreneurship –
Modyul 8:
“Write Me Up!”
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Tungkol saan ang modyul na ito:

Ang modyul na ito ay tungkol sa basic encoding o paggawa ng simpleng


dokumento gamit ang Word Processing Tool. Madalas gamitin and mga ito sa
paaralan, negosyo, trabaho at maging sa pansariling gawain. Kapag may mga
dokumentong nais gawin, pagpapadala ng mga mahahalagang mensahe, may mga
nais ipaliwanag at ipa-abot na mga mahahalagang ulat, ang lahat ay napapadali
gamit ang tool na ito.

Ano-ano ang mga matutuhan mo sa modyul na ito?

Matutuhan mo sa modyul na ito ang mga hakbang sa basic encoding o


paggawa ng simpleng dokumento gamit ang Word Processing Tool.

Ang modyul na ito ay naka-pokus kung paano ang basic encoding o paggawa
ng simpleng dokumento gamit ang Word Processing Tool. (EPP5IE-0j-21)

Pagkatapospag-aaralan ang modyul na ito, inaasahang kaya mo nang:

• gumawa ng simpleng dokumento gamit ang Word processing tool,


• masunod ang mga hakbang sa basic encoding o paggawa ng simpleng
dokumento gamit ang Word processing tool.

1 CO_EPP5_IE_Modyul8
Subukin

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa basic encoding o paggawa ng


simpleng dokumento gamit ang Word Processing Tool. Isulat sa patlang ang
tamang bilang (1-7).

_______ Hanapin ang Word.

_______ I–save ang ginawang dokumento at i-print sa papel upang aktuwal na


magamit.

_______ Hanapin sa ribbon ang layout at piliin ang tamang sukat ng papel,
margin at orientation na nais gamitin.

_______ Pagbukas ng Word, hanapin at piliin ang blank document para


makapag-umpisa sa paggawa ng dokumento.

_______ Kung gusto mong lagyan ng table, object, chart at iba pang disenyo, i-
click ang insert tab sa ribbon at piliin ang mga nais gamitin at kung
gusto mong dagdagan ng border, maaaring i-click ang design tab sa
ribbon at hanapin ang page borders at malayang pumili ng nais mong
disenyo.

_______ Ilagay ang mga datos na gusto mong isulat sa buong dokumento.
Maaaring gumamit ng iba’t ibang uri ng font, font size at i-highlight
ang mga mahahalagang salita na matatagpuan sa Home tab tulad ng
Bold, Italic at Underline icons.

_______ Buksan ang personal/desktop computer o laptop.

2 CO_EPP5_IE_Modyul8
Aralin

1 Write Me Up!

Ang paggamit ng Word Processing Tools ay malaking bagay para mapabilis at


maging epektibo ang paggawa ng mga dokumento at paglalahad ng mga
mahahalagang impormasyon sa paaralan, trabaho at negosyo. Napapabilis din nito
ang paggawa ng mga mahahalagang dokumento na kapaki-pakinabang sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga tao.

Balikan

Ano ang pagbabagong dala ng modernong teknolohiya sa larangan ng


edukasyon, komunikasyon at pagnenegosyo? Ano-ano ang mga mahahalagang
bagay na naidudulot nito sa pang-araw-araw na kilos ng mga tao?

Upang sukatin ang mga bagay na natutuhan mo sa nakaraang aralin,


maaaring sagutin ang sumusunod na pagsubok.
Panuto: Kunin ang tamang sagot mula sa kahon na inilalarawan sa bawat pahayag.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Sum Function Min Function Column

Average Function Count Function Row

Max Function Spreadsheet Workbook


Table

1. Kinukuha nito ang kabuoang numerical na datos sa mga piniling cells.


2. Hanay ng mga cells sa worksheet ng spreadsheet na nakahilira nang
pababa. Ito ay may titik sa itaas.
3. Ibinibigay nito ang bilang ng mga naitalang halaga sa mga piniling cells.
4. Ibinibigay nito ang pinakamalaking bilang mula sa mga piniling numerical
na datos.
5. Isang grupo ng spreadsheet na nakasave sa isang file, kadalasan ito ay
may tatlong workbook.
6. Kinukuha nito ang kabuoang bilang ng mga numerical na datos sa mga
piniling cells.

3 CO_EPP5_IE_Modyul8
7. Ibinibigay nito ang pinakamaliit na bilang mula sa mga piniling numerical
na datos.
8. Hanay ng mga cells sa worksheet ng spreadsheet na nakahilira nang
pahalang. Ito ay may numero sa kaliwang bahagi nito.
9. Isang computer application program para sa maayos na presentasyon ng
impormasyon; nakatutulong din sa pagsusuri ng nakalap na
impormasyon.
10. Ang tawag sa pagkakaroon ng mga hanay at hilera ay nakatutulong upang
maging mas madali at mabilis gawin ang pagsusuri ng impormasyon lalo
na kung kadalasan nito ay mga numero.

Tuklasin

Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang isinasaad ng
bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

Word Processing Tool


Ribbon blank document

layout tab Insert tab

1. Ang paggamit ng ___________________________ ay malaking bagay para


mapabilis at maging epektibo ang paggawa ng mga dokumento at
paglalahad ng mga mahahalagang impormasyon sa paaralan, trabaho
at negosyo.
2. Ang isang dokumento ay nagiging mas epektibo ang pagpapahayag ng
mga impormasyon kung ginagamitan ng iba’t ibang konsepto o proseso
gamit ang iba’t ibang command na matatagpuan sa _______________.
3. Mga features kagaya ng shapes, smartchart at charts na nasa
____________.
4. Pagbukas ng Word, hanapin at piliin ang _______________________ para
makapag-umpisa sa paggawa ng dokumento.
5. Hanapin sa ribbon ang ________________ at piliin ang tamang sukat ng
papel, margin at orientation na nais gamitin.

4 CO_EPP5_IE_Modyul8
Suriin

Ang paggawa ng isang dokumento gamit ang Word Processing Tool na may
kasamang mahahalagang impormasyon na ginamitan ng iba’t ibang commands na
matatagpuan sa ribbon tulad ng layout, design, insert at marami pang iba para
maging epektibo ang paglalahad ng mga konsepto o impormasyon tungkol sa pag-
aaral, negosyo o trabaho.

Pagmasdan ang mga sumusunod.

• Ano ang mga nakikita mo?


• Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng paggamit ng Word sa paggawa ng mga
dokumento?

5 CO_EPP5_IE_Modyul8
Ang nakikita mo ay isang halimbawa ng dokumento na gamit ang Microsoft
Word. Ilan sa mga kasama rito ang ilan pang mga halimbawa na matatagpuan sa
internet gaya ng Word Perfect, Text Maker, CorelWrite, Google Docs, Kingsoft Writer,
Ability Write at Ragtime. Ang mga nabanggit na Word Processing Tools ay may mga
katangian at kakayahan na pagandahin, ayusin at gawing malinaw ang isang
dokumento sa pamamagitan ng pag highlight sa mga text, pag-layout ng pahina,
paglalagay ng watermark, pag-outline, paglalagay ng mga kulay at marami pang iba.
Ang paggamit ng word processing tools ay nakatutulong sa mga tao sa paggawa ng
anomang dokumento na puwedeng maging mas makahulugan sa pamamagitan ng
pagdadagdag ng object, table, graph, diagram at iba pa.

Ang isang dokumento ay nagiging mas epektibo ang pagpapahayag ng mga


impormasyon kung ginagamitan ng konsepto o proseso gamit ang commands na
matatagpuan sa ribbon. Ang lahat ng ito ay makikita sa word processing tool na may
mga features kagaya ng shapes, smartchart at charts na nasa insert tab, maaari rin
gamitin ang iba pang mga command sa ribbon gaya ng design tab, layout tab at iba
pa upang mabuo ang isang maliwanag at mahusay na dokumento.

Sa paggawa ng isang simpleng dokumento na naglalaman ng impormasyon


gamit ang Word Processing Tool ay nakatutulong upang mapadali at maging malinaw
ang mga impormasyon na matatagpuan dito. Gamit ang katangian na matatagpuan
sa ribbon, maaari nang mapaganda at malagyan ng mga disenyo ang isang
dokumento.

Ang Word Processing tool ay may iba-ibang bagahi:


Title bar
Quick Access toolbar Ribbon Ruler

Home Tab Dialog Box Launcher

Document Area

Status bar
Zoom control

View buttons
Para hindi mahirapan sa paggamit ng Word processing tool, mainam na
sundin ang mga hakbang na ito;

6 CO_EPP5_IE_Modyul8
1. Buksan ang personal/desktop computer o laptop.
2. Hanapin ang Word Processing tool icon.
3. Pagbukas ng Word, hanapin at piliin ang blank document para makapag-
umpisa sa paggawa ng dokumento.
4. Hanapin sa ribbon ang layout tab at piliin ang tamang sukat ng papel,
margin at orientation na nais gamitin.
5. Ilagay ang mga datos na gusto mong isulat sa buong dokumento. Maaaring
gumamit ng iba’t ibang uri ng font, font size at i-highlight ang mga
mahahalagang salita na matatagpuan sa Home tab tulad ng Bold, Italic at
Underline icons.
6. Kung gusto mong lagyan ng table, shapes, pictures, chart at iba pang
disenyo, i-click ang insert tab sa ribbon at piliin ang mga nais gamitin at
kung gusto mong dagdagan ng border, maaaring i-click ang design tab sa
ribbon at hanapin ang page borders at malayang pumili ng nais mong
disenyo.
7. I–save ang ginawang dokumento at i-print sa papel upang aktuwal na
magamit.

7 CO_EPP5_IE_Modyul8
Pagyamanin

Panuto: Gawin ang mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng simpleng


dokumento gamit ang Word. Ito ang Sample Output:

1. Buksan ang Word.

2. Pagbukas ng Word, hanapin ang blank document at i- click ito.

8 CO_EPP5_IE_Modyul8
3. Pagkatapos i-click ang blank document, hanapin sa ribbon ang layout tab at
piliin ang mga ito: sukat ng papel= A4, margin= normal at orientation= Portrait.

4. Ngayon, pwede mo nang i-encode o isulat ang mga datos o


impormasyon na nasa sample output sa itaas.

5. I-save ang ginawang dokumento sa pamamagitan ng pagclick ng File tab, i-


click ang Save, i-click ang This PC, i-click ang Documents, i-type ang
filename= “Word1” at i-click ang Save button.

9 CO_EPP5_IE_Modyul8
6. I-print ito sa pamamagitan ng pagclick ng File tab, i-click ang Print, Piliin ang
printer na mayroon sa loob ng Printer box, i-type ang “1” sa loob ng Pages box,
at i-click ang print button.

Isaisip

Sa paggawa ng isang simpleng dokumento na naglalaman ng impormasyon


gamit ang Word Processing Tool ay nakatutulong upang mapadali at maging malinaw
ang mga impormasyon na matatagpuan dito.

Ang isang dokumento ay nagiging mas epektibo ang pagpapahayag ng mga


impormasyon kung ginagamitan ng konsepto o proseso gamit ang mga commands
na matatagpuan sa ribbon. Ang lahat ng ito ay makikita sa word processing tool na
may mga features kagaya ng shapes, smartchart at charts na nasa insert tab, maaari
rin gamitin ang iba pang mga command sa ribbon gaya ng design tab, layout tab at
iba pa upang mabuo ang isang maliwanag at mahusay na dokumento.

10 CO_EPP5_IE_Modyul8
Isagawa

Gumawa ng isang simpleng dokumento gamit ang Word batay sa mga naging
karanasan mo ngayong panahon ng Covid-19 pandemic. Lagyan ito ng disenyo at
larawan para maging epektibo ang paglalahad nito.

Tayahin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang tutugon sa patlang sa bawat


pangungusap.

Word Processing Tool


Ribbon blank document

layout tab Insert tab

1. Ang paggamit ng ___________________________ ay malaking bagay para


mapabilis at maging epektibo ang paggawa ng mga dokumento at
paglalahad ng mga mahahalagang impormasyon sa paaralan, trabaho
at negosyo.
2. Ang isang dokumento ay nagiging mas epektibo ang pagpapahayag ng
mga impormasyon kung ginagamitan ng iba’t ibang konsepto o proseso
gamit ang iba’t ibang command na matatagpuan sa _______________.
3. Mga features kagaya ng shapes, smartchart at charts na nasa
____________.
4. Pagbukas ng Word, hanapin at piliin ang _______________________ para
makapag-umpisa sa paggawa ng dokumento.
5. Hanapin sa ribbon ang ________________ at piliin ang tamang sukat ng
papel, margin at orientation na nais gamitin.

11 CO_EPP5_IE_Modyul8
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutan ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag. Gawin ito sa
inyong kuwaderno.

____ 1. Ang isang dokumento ay maaaring gawin sa Word Processing tool.

____ 2. Ang MicrosoftWord ay isang halimbawa ng Word Processing Tools.

____ 3. Ang paggamit ng iba’t ibang disenyo sa paggawa ng dokumento ay hindi


pinapayagan sa Word Processing Tool.

____ 4. Sa pag-save ng ginawang dokumento, i-click ang File tab, i-click ang Save, i-
click ang This PC, i-click ang Documents, i-type ang filename = “Word1” at i-
click ang Save button.

____5. Ang paggamit ng Word ay nakatutulong para mapadali ang paggawa ng isang
dokumento.

____6. Sa paglagay ng table, at objects, i-click ang Layout tab sa ribbon.

____7. Gumamit ng Word Processing Tools para makalikha ng isang makahulugan at


maliwanag na mga datos sa isang dokumento.

____8. Makikita sa ribbon ang mga command na maaaring gamitin sa pagpapaganda


at paglalagay ng mga disenyo sa ginagawang dokumento.

____9. Ang Design tab sa ribbon ay naglalaman ng page borders at watermark.

____10. Matatagpuan sa Insert tab ang sukat ng papel, margin at orientation na


maaaring gamitin sa paggawa ng dokumento.

12 CO_EPP5_IE_Modyul8
CO_EPP5_IE_Modyul8 13
Subukin Balikan: Tuklasin:
1. 7 1. Sum Function 1. Word Processing Tool
2. 1 2. Column 2. Ribbon
3. 4 3. Count Function 3. Insert tab
4. 3 4. Max Function 4. Black document
5. 6 5. Workbook 5. Layout tab
6. 5 6. Average Function
7. 2 7. Min Function
8. Row
9. Spreadsheet
10. Table
Tayahin: Karagdagang Gawain
1. TAMA
2. TAMA
1. Word Processing Tool 3. MALI
2. Ribbon 4. TAMA
3. Insert tab 5. TAMA
4. Black document 6. MALI
5. Layout tab 7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Peralta, Gloria A., Arsenue, Ruth A., Ipolan, Catalina R., Quiambao, Yolanda
L., de Guzman, Jeffrey D., Kaalaman at Kasayan Tungo sa Kaunlaran
Batayang Aklat sa Grade 5 p 29,52.

Curriculum Guide EPP5IE-0g-21 p 18-19

14 CO_EPP5_IE_Modyul8
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like