Arts 4 - Q4 - M5 - Kahulugan NG Mga Disenyo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

4

Sining
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Kahulugan ng mga Disenyo, Kulay at Anyo
na Ginamit sa Likhang-Sining

CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Sining – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 4– Module 5: Kahulugan ng mga Disenyo, Kulay at Anyo na Ginamit sa
Likhang-Sining
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rejean Cabarles Macansantos
Editor: Francis Durante
Tagasuri: Cynthia T. Montanez
Tagaguhit: Emma S. Malapo
Tagalapat: Rejean Cabarles Macansantos, Jogene Alilly C. San Juan
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad
Francisco B. Bulalacao, Jr.
Grace U. Rabelas
Ma. Leilane R. Lorico
Jerson V. Toralde
Belen B. Pili
Cynthia T. Montanez

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500


Telefax: 0917 178 1288
E-mail Address: [email protected]
4
Sining
Ikaapat na Markahan – Module 5:
Kahulugan ang mga Disenyo, Kulay at
Anyo na Ginamit sa Likhang-Sining
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Isang maganda at makabuluhang araw sa iyo kaibigan!


Sa pamamagitan ng modyul na ito ay mabibigyan ng
kahulugan ang disenyo, kulay at anyo na ginamit sa likhang-sining.
Sa araling ito ay matututuhan mo ang iba’t ibang disenyo, kulay at
anyo na ginamit sa likhang-sining.
Sa pagpatuloy ng modyul na ito ay matatamo mo ang layunin
na mabigyan ng kahulugan ang kulay, linya, hugis, disenyo, at ayos
(pattern) na ginamit sa likhang-sining at makagawa ng isang basket
na papel, placemat at sock puppet. Maipaliwanag ang kahulugan
ng mga ginawang likhang-sining.

1
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Subukin

Bago mo simulan ang modyul na ito, subukin muna natin


kung hanggang saan ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Iguhit
sa sagutang papel ang masayang mukha 😊 kung ang mga
sumusunod na pangungusap ay tamang hakbang sa paggawa ng
banig na papel at malungkot na mukha ☹ kung hindi.

1._________ Ibabad ang tela sa tubig para maalis ang mantsa.

2._________ Pagdikit-dikitin ang mahahaba at makikitid na piraso


ng papel habang naglalala.

3._________ Ilagay ang tinaliang tela sa timpla mula 5 hanggang 15


minuto sa unang kulay.

4__________ Upang mapantay ang paggupit sa papel na gagamitin


sa paglalala, maaaring lagyan ng patnubay na linya
ang mga bahaging gugupitin.

5._________ Gamitan ng pandikit o glue ang dulo ng mga pira-


pirasong papel pagkatapos ng paglalala.

MAGALING! 😊

2
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Aralin Pagbibigay ng Kahulugan sa

1 Disenyo, Kulay, at Ayos sa


Likhang-Sining

Likas sa mga Pilipino ang pagiging malikhain. Gumagawa tayo


ng mga kaakit-akit na disenyo hango sa imahinasyon, malikhaing
pag-iisip, o teknikal na husay na nagnanais mapahalagahan dahil
sa kagandahan o sa kakahayan na magpaantig ng damdamin. Ang
ating talino at kasanayan sa paglikha ay naipapakita sa ating mga
kagamitang pantahanan katulad ng banig na nilala.

Ang paglalala ay isang paraan ng pagsasalit-salit ng materyal


gaya ng buri, karagamoy o pira-pirasong papel na iniaayos na
pahaba at pabalagbag upang makabuo ng kahanga-hangang mga
disenyo.

Source: In Focus: Banig: The Art of Mat Making https://ncca.gov.ph/about-culture-and-


arts/in-focus/banig-the-art-of-mat-making/

3
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Balikan

Lagyan ng tsek ( ) kung ang mga sumusunod na larawan ay


nagpapakita ng hakbang sa paggawa ng tie-dye at ekis ( ) naman
kung hindi.

1. 2. 3.

4. 5.

Source: Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral p. 238, 257

4
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Tuklasin

Magsimula ka rito.

Source: “Banig”, http://manila-photos.blogspot.com/2013/10/banig.html

Tanong:

Nakatulog ka na ba sa banig?

Alam mo na maaari din gamitin ang banig bilang disenyo ng mga


bagay na katulad ng mga bag, alkansiya, atbp.

5
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Suriin

Tingnang mabuti ang mga sumusunod na larawan.

Source: Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro p.317-318

Source: Unknown, “Banig”, https://sportdocbox.com/94901294-Cheerleading/Deped-


copy-s-i-n-i-n-g-kagamitan-ng-mag-aaral.html

Tanong:

Ano ang nakikita mong kulay, linya, hugis, disenyo, at ayos


(pattern) sa mga banig?

6
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Ang bawat kulay na ginamit sa nilalang mga banig ay may
kahulugan katulad ng kulay ng kalikasan, halimbawa ay asul
na kulay ng langit at dagat.

Mahalaga ang kulay, linya, hugis, disenyo, at ayos


(pattern) na maipakita sa isang likhang-sining dahil ito ay
nakakatulong upang mas mapaganda at makapukaw ng
atensyon ng mga nanonood sa isang likhang-sining.

Ang bawat likhang sining ay gumagamit ng ayos (pattern)


bilang dekorasyon at pamamamaraan upang makapukaw ng
atensyon ng mga nakakakita nito.

Narito ang mga ilan sa mga halimbawa ng mga kagamitan


na nagpapakita ng iba’t ibang kulay, linya, hugis, disenyo, at
ayos (pattern).

Source: “Banig”, https://allaboutbanig.wordpress.com/2013/02/12/banig-its-


wondrous-applications/

7
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Kaya mo ring bang makagawa ng mga bagay kagaya ng
nasa larawan?

Anong mga kulay, linya, hugis, disenyo, at ayos (pattern)


ang nais mong gamitin sa iyong likhang-sining?

Makikita sa larawan ang banig, bag, basket, tsinelas,


sombrero, at pamaypay na ginamitan ng iba’t ibang kulay,
linya, hugis, disenyo, at ayos (pattern) upang maging mas
maganda at makapukaw ng atensyon ng mga makakakita nito.

Karamihan ng mga disenyo na makikita natin sa


likhang-sining sa iba’t ibang pamayanang kultural ay
nababatay sa kanilang paniniwala, tradisyon, at kultura kaya
dapat natin itong igalang at pahalagahan.

Kailangan tingnan ang uri ng kulay, linya, hugis, disenyo,


at ayos (pattern) para matukoy ang kahulugan ng bawat
likhang-sining.

Kung pagbabatayan natin ang pagpapakahulugan sa


sining at disenyo, matutukoy natin ang kaugnayan ng bawat
isa. Nagtatagpo ang sining at disenyo bilang larangan ng
paglikha at pagpapahayag sa malayang paraan na
nangangailangan ng kakayahan at sistematikong pagpaplano
sa pagbuo. Hindi magkabukod na larangan ang dalawa kundi
magkaugnay. Hindi maitatangging ang sining at disenyo ay
magkakambal na may proseso, tungkulin at layunin sa
paglikha. Sa pagbibigay ng mensahe at kahulugan katulad ng
wika, ang sining at disenyo ay ginagamit din sa komunikasyon.
Ito na mismo ang nagsisilbing wika na nagpapahayag at
nakikipagtalastasan. Nagkakaroon lamang ng pagbabago sa
pagbibigay kahulugan ng tumitingin sa likhang sining batay sa
anyo, nilalaman at tagatangkilik.

8
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Narito ang mga kulay at ang kahulugan nito:
 Pula o Red – ito ay kulay na nagpapahayag ng pag-ibig
ganun din ng kasiglahan sa damdamin, kilos at isip.
Ginagamit din ang kulay pula sa pagbibigay babala o
hudyat.
 Kahel o Orange – kulay ng pakikipag-kaibigan, pag-asa
at kababaang-loob. Ito ay kulay ng positibong pananaw,
pagkamasiglahin at pagkamalikhain.
 Dilaw o Yellow – kagaya ng kahel, ito ay kulay na
nagpapahiwatig ng masiglang kaisipan at damdamin
kagaya ng katalinuhan at kumpiyansa.
 Berde o Green – kulay ng katarungan, pag-unlad,
kasaganaan, ganun din ng pagkakaisa at kalusugan. Ito
ay nakakarelaks na kulay. Sinasabi na ang berde ay
nagbabalanse ng emosyon at nagbibigay sigla at pag-asa.
 Asul o Blue – kulay ng kapayapaan, kaligtasan, tiwala,
katapatan, karangalan, at kapahingahan ng diwa o isip.
 Lila o Violet – kulay na may kaugnayan sa spiritwalidad
at imahinasyon ganun din nang pagiging mapamaraan at
idealistiko. Ito ay madalas na nauugnay sa kaharian at
karangyaan.
 Kayumanggi o Brown – kulay nang pagiging
palakaibigan at kababaang-loob. Ito ay “earth color” o
kulay ng kalikasan Dahil dito, ito ay sumisimbolo ng
katatagan at katapatan.
 Itim o Black – kulay ng lihim o anumang misteryoso.
Ang itim ay karaniwang nakakatakot at kadalasang
naiuugnay sa kababalaghan. Minsan, ito ay
nangangahulugan ng pagiging elegante at maganda.
 Puti o White – kulay na sumisimbolo ng kadalisayan o
kalinisan. Nagbibigay kaaliwasan sa isipan.

Sources: Sikolohikal na Kahulugan ng mga Kulay.Wattpad.


https://www.wattpad.com/106679949-anong-kulay-mo-sikolohikal-na-
kahulugan-ng-mga

9
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Ang linya ay masasabing pinakasimple, pinakaunibersal,
at pinakauna sa mga 10ombrer sa paglikha ng sining-biswal.
Nagpapakita ito ng mga mosyon, oryentasyon o direksyon ng
isang likha. Ito ang humahatak sa paningin kapag binibigyang-
pansin o pinagmamasdan ang obrang sining. Sa sinumang
tumutunghay o nag-aabang sa likhang-sining,
nakapagpapahayag ng damdamin, saloobin o pananaw ng
manlilikha sa pamamagitan ng iba’t ibang anggulo ng linya.
Bawat linya ay nagsasaad ng kahulugan o naghahayag ng
nilalaman o may expressive content. May mga ideya, damdamin
o pakiramdam itong ipinipresenta sa obrang-sining.

Narito ang mga halimbawa ng linya at kahulugan nito:

 Linyang Patayo (Vertical) – katatagan at dignidad


 Linyang Pahalang (Horizontal) – kapayapaan at
katiwasayan
 Linyang Pahilis/pahilig (Diagonal) – walang katiyakan,
panganib o peligro
 Linyang Kurbado (Curve), Maalon (Wavy) o Zigzag –
umuusbong o namamayaning damdamin

Ang repetisyon o paguulit-ulit ng mga kurbabong linya ay


nagpapatindi sa kilos, sigla at lakas. Nagpapahiwatig ito nang
emosyunal na intensidad, masimbuyong personalidad, at
dinamikong karakter.

Sources: KOMPOSISYON 1 ELEMENTO NG SINING


https://www.coursehero.com/file/54513146/grva-mid2pdf/

Handa ka ka na bang gumawa ng sarili mong likhang-


sining?

10
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Pagyamanin

Gawain: Paggawa ng basket na papel

Kagamitan:
Papel na konstruksyon na may iba’t ibang kulay
(Depende sa kulay na gusto mong gagamitin, maaring
gumamit ng 2 o higit pang kulay upang makabuo ng nais
mong disenyo)
Gunting o cutter
Pandikit
Ruler o tape measure
Lapis

Paraan:
 Kumuha ng isang piraso ng
konstruksyon na papel (depende
sa kulay na gusto mo), gamit ang
ruler o tape measure sukatin ng
(1) isang pulgada ang papel at
markahan ito ng lapis. Itupi ang
mga bahagi ng papel na may sukat
na (1) isang pulgada bawat isa.
Gupitin ang strip.

 Itabi ang lahat ng apat na strip ng


papel sa ibabaw ng mesa.

 Kumuha naman ng isa pang


piraso ng konstruksyon na papel
(depende sa kulay na gusto mo),
gamit ang ruler o tape measure
sukatin ng (1) isang pulgada ang
papel at markahan ito ng lapis.
Itupi ang mga bahagi ng papel na
may sukat na (1) isang pulgada
bawat isa. Gupitin ang strip.

11
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
 Ilagay ang (4) apat na strip ng
papel sa pagitan ng unang apat
na papel na naunang ginupit.

 Habiin ang gitnang bahagi ng


mga papel at itira ang mga gilid.
Pagkatapos mahabi ang gitnang
bahagi itupi ang dulo ng mga ito
upang maging gabay sa
paghabi ng natitirang bahagi ng
mga papel.

 Idikit na ang kaunting bahagi


ng papel sa bawat dulo.

 Panghuli, gumamit ng dalawang


strip ng papel na magsisilbing
handle o hawakan ng basket at
idikit ito sa dalawang gilid ng
basket.

Anong mga kulay, linya, hugis, disenyo, at ayos (pattern) ang ginamit
mo sa iyong likhang-sining?

Bakit ito ang napili mong kulay, linya, hugis, disenyo, at ayos
(pattern) sa iyong likhang-sining?

Ano an naramdaman mo habang at pagkatapos mong magawa ang


iyong likhang-sining?

12
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Isaisip

TANDAAN

Ang kulay, linya, hugis, disenyo, at ayos (pattern) ng mga


likhang-sining ng iba’t ibang pamayanang kultural ay
nababatay sa kanilang paniniwala, tradisyon, at kultura kaya
dapat natin itong igalang at pahalagahan.

Ano-ano ang mga kailangan tingnan para matukoy ang


kahulugan ng bawat likhang-sining?

Ano-ano ang iba’t ibang kulay, linya, hugis, disenyo, at


ayos (pattern) ang iyong natutuhan sa modyul na ito?

Bakit kailangan nating matukoy ang kahulugan ng kulay,


linya, hugis, disenyo, at ayos (pattern) ng isang likhang-sining?

13
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Isagawa

Paggawa ng Sock Puppet

Kagamitan: Medyas (sock), gluestick, sinulid (depende sa


kulay na gusto mo), karayom, marker, flannelette, pompons,
crayons at iba pang palamuti na magagamit mo sa iyong sock
puppet.

Hakbang sa Paggawa
 Ihanda ang medyas o sock, isuot ito sa isang kamay.
 Gamit ang marker, gumawa ng marka kung saang bahagi
ng medyas mo ilalagay ang mga mata.

Sa paggawa ng mga mata ng puppet. Maaari mong gamitin


ang iba’t ibang mga bagay bilang mata ng iyong sock puppet.
Narito ang ilan sa iyong mapagpipilian:
 Mga mata ng manika. Mahahanap mo sila sa mga
tindahan ng bapor o sa seksyon ng bapor ng mga
pangunahing tindahan.
 Maaari mo ring iguhit ang mga mata sa isang piraso ng
papel sa konstruksyon.
 Maari mo ring gamitin ang botones at itahi ito sa medyas
o sock, kung gagamit ka naman ng mainit na pandiki o
gluestick, tiyaking alisin 14ombrer ang mga medyas mula
sa iyong mga kamay upang hindi mapaso ang iyong mga
kamay.
 Gumawa ng bibig para sa iyong sock puppet.

Maaari kang gumawa ng isang bibig para sa iyong sock


puppet sa kasing simple o kasing kumplikado hangga’t gusto
mo.
Maari mong gawin ang mga sumusunod:
 Maari kang gumamit ng mga krayola o isang marker ng
tela upang iguhit ang mga labi. Ipasok ang iyong kamay
sa sock puppet at tukuyin kung saan mo ilalagay ang
bibig batay sa lapad ng iyong kamay. Iguhit ang bahagi
ng mga labi sa pagitan ng mga daliri na bumubuo nito.

14
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
 Maaari mo ring gawing mas kumplikado ang mga labi.
Maaari mong isaalang-alang ang paggawa ng isang dila
mula sa konstruksiyon ng papel o flannel, pag-beading ng
ngipin, o pagguhit ng isang mas malinaw na bibig.
 Gumawa ng buhok para sa iyong sock puppet.

Kung magpapasya kang ang iyong puppet ay mayroong


buhok, madali mong magagamit ang sinulid, string, o kung ano
pa ang nais mong likhain. Gupitin lamang ang 15ombrero sa
isang tukoy na sukat at itahi o idikit ito sa tuktok ng medyas
pagkatapos na tukuyin ang linya ng buhok para sa iyong
puppet.

 Gumawa ng ilong para sa iyong sock puppet.

Mayroon kang higit pang mga pagpipilian para sa ilong ng


manika kaysa sa natitirang bahagi ng mukha. Maaari mong
gamitin ang flannelette, pompons, crayons, marker, o kahit na
iwan ang iyong manika nang walang ilong.

Para sa karamihan ng mga puppet, ang pagguhit ng mga


butas ng ilong na may isang itim o kulay na marker ay sapat
upang ibunyag ang hugis ng ilong.

 Palamutihan ang iyong sock puppet.

Huwag mag-atubiling magdagdag ng anumang mga


dekorasyon na gusto mo. Gawin ang mga tainga sa
pamamagitan ng pagtitiklop sa kanila o paggamit ng flannel,
pagdaragdag ng baso atbp.
Source: Unknown, “3 MGA PARAAN UPANG GUMAWA NG KAMAY NA PUPPET – TIP –
2021, January 01, 1970, https://tl.845audio.org/Membuat-Boneka-Tangan-5203

Hanep! Natapos mong maisagawa ang gawain. Nagustuhan


mo ba ang iyong ginawang sock puppet?

15
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
1. Anong mga kumbinasyon ng kulay ang ginamit mo sa sock
puppet mo?
2. Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang iyong
sock puppet?
3. Nasunod ba ang mga pamamaraan sa paggawa ng sock
puppet?

Tayahin

Paggawa ng Placemat
Kagamitan: Gunting, buri o dahon ng niyog o anumang bagay na
maaaring gamitin sa paglalala
Hakbang sa Paggawa
1. Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at
mapusyaw (light) na kulay bago magumpisa sa paglalala, at
gumawa ng sariling disenyo sa paggawa ng placemat.

2. Lalahin nang salitan ang buri o dahon


ng niyog na ginagawa ang disenyong
napili.

3. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at


itupi sa gilid para malinis tingnan.

4. Iligpit ang mga materyales na hindi


nagamit at linisin ang lugar na
pinaggawaan.

Source: Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-aaral p.260-261

16
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Ipaliwanag ang kahulugan ng disenyo, kulay at ayos (pattern) na
ginamit sa iyong likhang-sining.

Base sa iyong ginawang placemat, suriin ang iyong ginawa gamit


ang rubric sa ibaba. Sagutan ito ng matapat.

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang hanay ng inyong sagot sa tapat


ng bawat sukatan.

Nakasunod
Nakasunod
sa Hindi
sa
pamantayan nakasunod
pamantayan
PAMANTAYAN subalit sa
nang higit sa
may ilang pamantayan
inaasahan
pagkukulang (1)
(3)
(2)
1. Naipapamalas ko
ang kakayahan sa
paglalala.
2. Ang kumbinasyong
ng kulay, disenyo
at ayos (pattern) ay
nakikita sa
likhang-sining.
3. Nasusunod ng
tama ang mga
pamamaraan sa
paggawa.
4. Natutukoy ang
pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga
disenyo sa
paglalala.

17
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Karagdagang Gawain

Idikit ang banig na papel sa kahon (box) na ginawang alkansiya,


pagandahin at ipaliwanag ang kahulugan ng napiling disenyo,
kulay at ayos (pattern) na ginamit sa iyong likhang-sining.

18
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Susi sa Pagwawasto

19
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, Musika at Sining 4, Kagamitan ng Mag-


aaral p.249-252, Book Media Pres Inc., 2015
Kagawaran ng Edukasyon, Musika at Sining 4, Patnubay ng Guro
p.316-320, Book Media Pres Inc.
Banig-Hilda, My Manila, October 25, 2013.
http://manila-photos.blogspot.com/2013/10/banig.html

Ramirez, Alea. Banig.: It’s Wondrous Applications. Banig. February


2013. https://allaboutbanig.wordpress.com/2013/02/12/banig-
its-wondrous-applications/

Zilyonaryo. Sikolohikal na Kahulugan ng mga Kulay.Wattpad.


https://www.wattpad.com/106679949-anong-kulay-mo-
sikolohikal-na-kahulugan-ng-mga

anu ano ang kahulugan ng bawat kulay - Brainly.ph, Learvy,


https://brainly.ph/question/185526

grva mid2 - B KOMPOSISYON 1 ELEMENTO NG SINING


Mahalagang magtaglay ng malawak na kaalaman sa mga
elementong ng sining biswal upang matamo ang: Course Hero,
February 05, 2020,
https://www.coursehero.com/file/54513146/grva-mid2pdf/

3 MGA PARAAN UPANG GUMAWA NG KAMAY NA PUPPET - TIP -


2021, January 01, 1970,
https://tl.845audio.org/Membuat-Boneka-Tangan-5203

Baradas, David B. In Focus: Banig: The Art of Mat Making. April


19, 2004. National Commission for Culture and the Arts.
https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/in-focus/banig-the-
art-of-mat-making/

20
CO_Q4_Arts 4_ Module 5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like