Banghay Aralin Sa Kontemporaryong Isyu G10

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

COMPREHENSIVE SEXUALITY EDUCATION

INTEGRATION

Banghay Aralin sa Kontemporaryong Isyu G10


Ikatlong Markahan

I. Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex AP10KIL-IIIa2.
Layunin:
1. Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex
2. Naipapahayag ang sariling pakahulugan sa kasarian at sex
3. Nakakabuo ng damdaming naghahangad ng pagkapantay-pantay sa
usapin ng kasarian (sex at gender).

CSE Integration
Pamantayan sa Pagkatuto (CSE)
Identify personal example of the ways in which gender affects
people’s lives and explain the meaning of and provide examples of
gender bias and discrimination.

II. Nilalaman/Paksa: • Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan


-Konsepto ng Kasarian at Sex
III. Sanggunian:
Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu,Deped
Gabay ng Guro: Pahina 220 – 225
Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu,Deped
Modyul para sa Mag-aaral: Pahina 262 -266
Karagdagang Kagamitan: Powerpoint Presentation
IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Pagganyak ( 2 minuto)
Gawain I. Simbolo, Hulaan Mo!
Ipakikita ng guro ang tatlong larawan. Subukan ipasagot kung
ano ang Kahulugan at ipinahihiwatig ng kasunod na mga simbolo.

Pamprosesong mga Tanong


1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan ng unang dalawang
simbolo? Ng pangatlo?
2. Ano ang ipinahihiwatig ng mensahe ng mga simbolo?
3. Ano ang naging batayan mo sa daglian mong pagtukoy sa
kahulugan ng bawat simbolo?

B. Aktibiti

Gawain 2 : Ipakita Ko, Tukuyin Mo!

Magpapakita ang guro ng mga larawan at susubukang


sagutin ng mga mag-aaral kung sino , ano ang pangalan at ano
ang uri ng kasarian ng nasabing larawan sa pamamagitan ng
paunahan ng pagsagot gamit ang metacards.

1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan o ipinahihiwatig ng


bawat larawan?
2. Ano-ano ang iyong naging basehan sa pagtukoy ng kasarian ng
bawat larawan?

Gawain 2: Pangkatang Gawain (25 minuto)


Pagpapangkatin ng guro ang mga mag-aaral para sa
malayang talakayan tungkol sa konsepto ng kasarian at
oryentasyong sekswal gamit ang iba’t ibang pamamaraan.

 Ang pangkat isa ay pupunan ang isang grapikong


pantulong para mas maunawaan ang pagkakaiba ng
panglalaki at pangbabaeng kasarian
 Ang pangkat dalawa ay ibibigay ang kahulugan ng
salitang may kaugnayan sa usaping kasarian tulad ng
Homoseksuwal, Heteroseksuwal, Transeksuwal,
Lesbian, Gay,at Transgender at ibibigay ang katangian
ng mga ito.
 Ang pangkat tatlo ay magtatanghal ng isang maikling
dula tungkol sa paggalang sa bawat kasarian
 Ang pangkat apat ay gagawa ng slogan, kampanya sa
paggalang ng pagkakapantay pantay ng bawat kasarian

Ibabatay ang pagmamarka ng gawain sa Rubriks

Paalaala sa Guro: Pagkatapos maisagawa ang pangkatang


gawain siguraduhing maipakita sa bawat mag-aaral ang kung
ano ang pagkakaiba ng sex at gender.
C. Analisis: (10 minuto)
1. Ano ang kahulugan ng salitang kasarian?
2. Ano ang napansin mong pagkakaiba sa sex at gender? Isa-
isahin ang mga tiyak na katangiang pagkakaiba ng dalawang
konsepto
3. Bukod sa lalaki at babae ano-ano pang ibang tawag sa
pagkakakilanlang pangkasarian?
4. Bakit sinasabing ang pag-uugali o pagkilos ay batayan ng
gender?

D. Abstraksyon (15 minuto)


1. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa katangian at
pagkakaiba ng sex at gender?
2. Anu-ano ang inyong natuklasan sa ating sekswalidad at mga
gampanin sa lipunan?
3. Nakakaapekto ba ang gampanin/katatayuan ng babae , lalaki
at LGBT sa lipunan/pamayanan? Pangatwiranan.
4. Bakit mahalaga ang ang pantay na pagtingin sa bawat isa?
5. Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa bawat kasarian?
6. Bilang isang mag-aaral ng Baitang 10, natuklasan mo na ang
kaibigan mo ay isang bi-sexual. Siya ang lagi mong kasama
simula pa noong kayo ay mga bata pa, para na kayong
magkapatid hanggang sa matuklasan mo ang kanyang
oryentasyon sekswal. Ano ang iyong gagawin?

E. Aplikasyon: (5 minuto)
Gawain 3: Komento Mo! Post Mo!
Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay dapat na maging
isang buhay na katotohanan. - Michelle Bachelet

F. Pangwakas: (5 minuto)
Ang pagkakapantay-pantay ng bawat indibiduwal anuman ang
kaniyang kasarian ay kailangang makamtan sa lipunang kaniyang
ginagalawan.

VI. Repleksyon

VII. Mga Tala

You might also like