Demo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

WEEK 34 DAY 13

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN X


MGA KONTEMPORARYONG ISYU
G10-COMP.PROG. (Wed. 11:30-12:30)
DEMONSTRATION TEACHING

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naiisa-isa ang mga karapatan ng bata;


2. Nakagagawa ng gawain na nagpapakita ng kahalagahan ng
karapatan ng bata; at
3. Nakapagmumungkahi ng mga hakbang kung paano mapagtitibay
ang mga karapatan ng bata.

II. NILALAMAN

A. Paksa
Mga Karapatan ng Bata

B. Batayan
Batayang aklat, p.388

C. Kagamitan
Batayang Aklat, colored paper, marker, Manila paper

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtsek ng attendance
 Pagtsek ng paghahandang ginawa ng mga magaaral
 Balik – aral
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ano-ano ang ilang sa mga  Ang iba’t ibang organisayon na
organisasyon na nagtataguyod sa nagtataguyod sa mga karapatang pantao
mga karapatang pantao? ay ang mga sumusuonod: Amnesty
International, Human Rights Action
Center (HRAC), Global Rights, Asian
Human Rights Commission (AHRC), at
African Commission on Human and
People’s Rights.

 Pagganyak na Gawain
 Magpapaskil ang guro ng larawan na may nakalagay na
salitang “Bata”. Ang bawat mag-aaral ay bibigyan ng
metacards at isusulat nila dito ang mga bagay na naiisip
nila patungkol sa larawan. Matapos nito ay ididkit nila
ang mga salita sa pisara.Sila ay gagabayan ng guro sa
pamamagitan ng mga pamprosesong tanong:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Nahirapan ba kayong mag isip ng  Sasagot at magbibigay ng ideya ang
salitang maaari ninyong iugnay sa mga mag aaral.
larawan?
Ano- ano ang mga bagay na  Sasagot at magbibigay ng ideya ang
inyong naiisip tungkol sa larawan? mga mag aaral.

Bakit ito ang iyong naiisip?  Sasagot at magbibigay ng ideya ang


mga mag aaral.

B. Panlinang na Gawain

a. AUDIO PRESENTASYON.
 Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat.
 Ang guro ay magpapatugtog ng kantang “Ang bawat
Bata” ng Itchyworms.
 Ang bawat pangkat ay itatala ang mga karapatan ng
bata na nasa awit.

b. PANGKATANG GAWAIN. Mula sa mga naitalang karapatan


ang bawat pangkat ay gagawa ng presentasyon na nagpapakita
kung bakit mahalaga ang karapatan ng bata.
PANGKAT 1- Tula
PANGKAT 2- Awit
PANGKAT 3- Dula- Dulaan
PANGKAT 4- Islogan

Gamitin and rubrik sa ibaba sa pagwawasto ng mga aktibi. (100%)


Criteria Indicator Iskor
Nilalaman (40%) Ebidensiya ng kaalaman sa
paksang gagawin
Presentasyon (30%) Mapagpahiwatig ang mukha at
maganda ang posture
Projection ng Tinig Malinaw at malakas
(10%)
Kabuuang Epekto Epekto sa Audience
(20%)
Kabuuang Iskor ____________

Katumbas na Interprestasyon:
Iskala Katumbas na Interpretasyon Kabuuang Iskor
5 Magaling 17 -20
4 Lubhang Kasiya – siya 13 – 16
3 Kasiya – siya 10 – 12
2 Hindi gaanong kasiya – siya 7–9
1 Dapat pang linangin 4–6
2. Pagsusuri

Ipepresent sa klase ang ginawang output. Gagabayan ito ng


guro sa pamamagitan ng mga pamprosesong tanong.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Sino ang mga tinatawag na bata?  Ang tinatawag na
Ano ano ang mga karapatan ng bata?  Ang ilan po sa karapatan ng mga bata
na nabanggit ay karapatang maglaro,
karapatang magkaroon ng pangalan, at
karapatan sa pagkakapantay-pantay.
Lahat ba ng mga karapatang nabanggit  (Tatawag ang guro ng mag-aaral at
ay natatamasa mo? Magbigay ng magbibigay ng kani-kanilang sagot)
halimbawa.

3. Paghahalaw

Magbibigay ng pagpapalalim ang guro upang isaayos ang


mga ideya at madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Magpapakita ng larawan ang guro  Isang bata po na nagtatrabaho sa
patungkol sa kalagayan ng mga bata pagawaan.
noong panahon ng Industrial
Revolution

Ano ang nakikita nyo sa larawan?


Bakit kaya nakakaranas ang mga  Isa sa mga maaaring dahilan nito ay
batang ito ng sitwasyon na nasa ang kahirapan na kanilang
larawan? nararanasan. Dahil dito napipilitan
silang magtrabaho upang may
maitustos sa kanilang pang araw –araw
na pamumuhay.
Mayroon kayang paglabag sa  Opo.(Tatawag ang guro ng mag-aaral
karapatan ng mga bata? Ipaliwanag. at magbibigay ng kani-kanilang
paliwanag.)
Paano at bakit nagsimula ang ganitong  Nagsimula po ito noong umusbong ang
klaseng gawain? industrial revolution taong 1750-1850.
Nangyayari ito dahil na rin po sa
kahirapan at dahil may mga
pagkakataong takot silang
magsumbong.
Saan nakabatay ang mga karapatan  Ang mga karapatan ng mga bata
ng bata at ano ang mga halimbawa ng inilahad sa Artikulo 6 hanggang 40 ng
mga karapatang nakapaloob dito? UNCRC (United Nations Covention on
the Rights of Children). Ang ilan sa mga
halimbawa nito ay ang: magkaroon ng
ligtas at malusog na buhay, at legal at
rehistradong pangalan, nasyonalidad,
manirahan at maalagaan ng kanilang
magulang, at magkaroon ng
proteksiyon laban sa lahat ng pang-
aabusong pisikal, seksuwal, at mental
gayundin ang child labor, drug abuse,
kidnapping, sale, at trafficking.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Bakit mahalagang magkaroon ng  Mahalaga po ang pagkakaroon ng
karapatan ang mga bata? karapatan ng mga bata sapagkat, ito
ang magsisilbing proteksyon nila laban
sa anumang uri ng karahasan oh
diskriminasyon na maaari nilang
maranasan.

2. Pagpapahalaga

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ipapapanood ng guro sa mga mag-
aaral ang video ng mga batang hamog
sa taft avenue na nangkuyog sa
matandang driver ng jeep.
 Ang aming pong napanood ay tungkol sa
mga batang hamog na nang-agaw ng
Ano ang napanood ninyo?
bag sa isang matandang driver sat aft
avenue.
Bakit kaya ito nangyayari sa ating  (Tatawag ang guro ng mag-aaral at
lipunan? magbibigay ng kani-kanilang sagot.)
Matapos mapanood ang video, pabor  (Tatawag ang guro ng mag-aaral at
ba kayo na ibaba ang age of criminal magbibigay ng kani-kanilang sagot.)
responsibility sa ating bansa? Bakit?
3. Paglalapat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Bilang isang mag aaral na  (Tatawag ang guro ng mag-aaral at
maituturing na bata, anong mga magbibigay ng kani-kanilang sagot.)
hakbang ang iyong maimumungkahi
upang maitaguyod ang mga
karapatan mo bilang bata?

IV. EBALWASYON
Kumuha ng kalahating bahagi ng papel. Pumili ng isang karapatan ng
bata na inilahad ng UNCRC at ipaliwanag ang kahalagahan nito.

Paalala: Ang ginawang pangkatang gawain ay magsisilbi ding ebalwasyon.

V. TAKDANG ARALIN
Pag aralan ang susunod na aralin. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang Karapatang Pantao? Ano ang pagkamamamayan?


2. Ano ang kaugnayan ng karapatang pantao sa pagkamamamayan?

Prepared By:

LIEZZA O. BACERDO
Practice Teacher

Checked By:

DARYL I. QUINITO
Cooperating Teacher

Noted By:

ALBERTO A. BELISARIO
HT1-Araling Panlipunan

You might also like