Disenyo NG Gawain

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Immaculate Conception Academy

10 Grant Street, Greenhills, San Juan City, Metro Manila

GRADE SCHOOL DEPARTMENT STUDENT ACTIVITY PROGRAM


K-PaP 3 at 4

DISENYO NG GAWAIN
(Activity Design)

T.A 2017-2018

I. Klasipikasyon: Ekstra kurikular/Filipino


Antas: Ikaltlo at Ikaapat na Baitang
Bilang ng Pagkikita: 1 beses sa isang siklo (alternating cycle)

II. Introduksyon:

Ang K-PaP 3 at 4 ay binuo bilang tugon sa pagkakaroon ng dagdag na ekstra


kurikular na gawain para sa Filipino sa Ikatlo at Ikaapat na Baitang. Ito ay may layuning
makilala at mapahalagahan ang kulturang Pilipino gayundin ang mga tampok na
pagkain at panghimagas na matatagpuan sa iba't ibang rehiyon sa Pilipinas. Ito ay
magsisilbing pangmulat sa mga mag-aaral ng ICA tungkol sa kagandahan at
kahalagahan ng pagiging isang Pilipino.

III. Deskripsyon:

Ang K-PaP 3 at 4 ay pangkat ng mga mag-aaral na nais makilala at


mapahalagahan ang kulturang Pilipino. Ang pag-alam sa iba’t ibang paraan ng
pagdiriwang ng pista sa bawat rehiyon ng bansa at ang mga tampok na pagkain at
panghimagas ay mahalagang bahagi ng pagdiriwang ng kasaganahan at pagkakaisa ng
mga mamamayan
Ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na maging mulat at
magkaroon ng pagpapahalaga, pagmamahal at pagtangkilik sa kultura nilang katangi-
tangi.
Panghuli, ito ay magbibigay-daan sa pagsasakatuparan ng hangarin ng
paaralan na maasimila ng mga mag-aaral ang pagpapahalaga at pagpapasalamat sa
kanilang pagiging espesyal na mamamayang Pilipino.
IV. Paraan ng Pamimili ng mga Miyembro:
Ang K-PaP 3 at 4 ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral na may interes sa pag-
alam sa ibat ibang paraan ng pagdiriwang ng pista sa bawat rehiyon ng bansa at
ang mga tampok na pagkain at panghimagas ay mahalagang bahagi ng
pagdiriwang ng kasaganahan at pagkakaisa ng mga mamamayan.

V. Inaasahang Bunga
Ang mga miyembro ng K-PaP 3 at 4 ay inaasahang maisagawa nang lubos
ang mga sumusunod:

A. Pamumuno (leadership)
1. Napamumunuan nang kusang-loob ang iba’t ibang gawain sa bawat pagkikita.
2. Nahihikayat ang bawat miyembro sa wastong pagsasagawa ng bawat gawain.
3. Nakapaglalaan ng tulong sa mga miyembrong nangangailangan.

B. Pagtatanghal (Performance)
1. Nakalilikha ng mga panghimagas na itinakda para sa bawat pagkikita.
2. Nagagamit ang angking talento sa paglikha ng isang kaaya-ayang presentasyon
ng panghimagas na itinakda para sa bawat pagkikita.

C. Karakter at Pag-uugali (Character and Behavior)


1. Nabibigyang-diin ang pagtutulungan at pakikibahagi sa mga gawaing iniatas.
2. Nabibigyang pansin ang kakayahan at talento ng bawat kasapi.
3. Nabibigyang halaga ang pantay na karapatan ng bawat kasapi ng club.

VI. Tsart ng Gawain


Pamagat ng Bilang ng Pagkikita Gawain
Gawain Petsa
Pagpapalista Unang Pagkikita - Pagpapalista
Hulyo 11 - Palaro: Bato, bato-bato, batotoo

Pagkilala Ikalawang Pagkikita - Pagpapakilala ng Modereytor at mga kasapi


Hulyo 20 - Palaro: Human Bingo
- Pagbibigay suhestiyon para sa mga planong gawain para
sa buong taon
Tayo na at Ikatlong Pagkikita - Eleksyon: Pagpili ng Pangulo at Kalihim
Magplano Agosto 15 - Palaro: Pinoy Henyo
- Pagpaplano ng mga gawain para sa mga darating na
pagkikita

Halina sa Luzon Ikaapat na Pagkikita - Pagkilala sa kultura ng isang lalawigan o probinsya


Agosto 25 (Antipolo at Abra)
- Pagtalakay sa mga pagkaing tampok sa lugar na ito
- Pagpili at pagpaplano ng isang panghimagas mula sa lugar
na ito
- Ebalwasyon ng kabuuang gawain para sa sesyon

Luzonense Ikalimang Pagkikita - Pagbabalik-tanaw sa lalawigang napili noong nakaraang


Setyembre 18 pagkikita
- Pagtalakay sa panghimagas na tampok sa lugar
- Paghahanda ng bawat pangkat ng mga gagamitin para
panghimagas (Suman at Mangga)
- Ebalwasyon ng kabuuang gawain para sa sesyon

Luzonense Ikaanim na Pagkikita - Pagbabalik-tanaw sa lalawigang napili noong nakaraang


Setyembre 27 pagkikita
- Pagtalakay sa panghimagas na tampok sa lugar
- Paghahanda ng bawat pangkat ng mga gagamitin para
panghimagas (Mais con Yelo)
- Ebalwasyon ng kabuuang gawain para sa sesyon

Visayas Ikaw Ikapitong Pagkikita - Pagkilala sa kultura ng isang lalawigan o probinsya


Naman! Oktubre 23 (Cebu at Bohol)
- Pagtalakay sa mga pagkaing tampok sa lugar na ito
- Pagpili at pagpaplano ng isang panghimagas mula sa lugar
na ito
- Ebalwasyon ng kabuuang gawain para sa sesyon

Malinamnam Ikawalong Pagkikita - Pagbabalik-tanaw sa lalawigang napili noong nakaraang


sa Kabisayaan Nobyembre 8 pagkikita
- Pagtalakay sa panghimagas na tampok sa lugar
- Paghahanda ng bawat pangkat ng mga gagamitin para
panghimagas (Pastillas)
- Ebalwasyon ng kabuuang gawain para sa sesyon

(M. B.) Ikasiyam na Pagkikita Pagpaplano ng gawain para sa REACH IN


Maghanda para Nobyembre 28 Pag-iisa-isa ng mga handog sa mga bisitang mag-aaral
sa Bisita Pag-aayos ng mga gagamitin para sa REACH IN
(K. K. K.) Ikasampung Pagkikita REACH IN
Kain na Disyembre 11
Kaibigan Ko
Mahal Ikalabing-isang - Pagkilala sa kultura ng isang lalawigan o probinsya
kong Pagkikita (Visayas)
Mindanao Enero 12 - Pagtalakay sa mga pagkaing tampok sa lugar na ito
- Pagpili at pagpaplano ng isang panghimagas mula sa lugar
na ito
- Ebalwasyon ng kabuuang gawain para sa sesyon

Malasa Ikalabindalawang - Pagbabalik-tanaw sa lalawigang napili noong nakaraang


sa Pagkikita pagkikita
Mindanao Enero 24 - Pagtalakay sa panghimagas na tampok sa lugar
- Paghahanda ng bawat pangkat ng mga gagamitin para
panghimagas
- Ebalwasyon ng kabuuang gawain para sa sesyon

(M, M, M sarap Ikalabintatlong RESOURCE SPEAKER


talaga!) Pagkikita
Pebrero 13
Makinig,
Matuto at
Maghanda

K-PaP Ikalabing-apat na Pag-iisa-isa ng mga gawaing natapos


Tayong Lahat Pagkikita Paglalahad ng mga suhestiyon at mungkahi para sa
Pebrero 23
ikagaganda ng K-PaP
Ebalwasyon ng mga natapos na gawain

Ipinasa ni Inaprobahan ni

Gng. Jesusa D. Dineros Gng. Mary Anne Ceniza


Modereytor K-PaP 3 at 4 SAS GS FILIPINO

Ipinasa kay

Bb. Veronica Que


SAC GS Department

You might also like