THESIS

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KAGANAPAN

PANIMULA
Ang wika ay kasangkapan upang tayo ay magkaunawaan at ang tanging daan upang tayo
ay matuto. Sa araw-araw nating pamumuhay hindi natin maiiwasang hindi magsalita, magbasa,
makinig o magsulat. Ang wika ay ang isang paraan ng komunikasyon na kadalasang ginagamit
ng tao sa isang lugar. May apat na uri ang wika, ito ay ang Balbal, Lingua Franca, Pambansa o
Pampanitikan. Sa gagawing pananaliksik, pag-aaralan ang wikang Balbal, Ang balbal ay ang
pinakamababang antas ng wika na binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran.
Ang wika ayon kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) at Gleason (sa Tumangan, et al., 2000) ang
wika ay dinamiko o nagbabago. Sa pagdaloy ng panahon mas marami pa ang nalilikhang mga
salita at napapasa pasa sa mga tao sa iba't ibang lugar.
Mas mabilis ang pagkalat nito dahil sa umuusbong na teknolohiya na bahagi nito ay ang
mga gadgets tulad nalang ng cellphone, laptop, computer na kinahihiligan ng mga kabataan
ngayon. Nakapaloob sa mga ito ang Social Media na tumutukoy sa sistema ng pakikipag-
ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.
Ang mga kabataan ngayon ay nahuhumaling na sa iba't ibang social media sites na kung
saan gumagamit ng iba't ibang diyalekto na kanilang nakasanayan. Kung papansinin may mga
hindi angkop na mga salita ang ginagamit sa bawat caption ng mga posts, comments,
pakikipagpalitan ng mensahe at kung ano pa. Kung ano ang uso iyon ang sinusunod, mabilis nga
naman kasi na ma impluwensiyahan ang mga kabataan sa kung ano ang patok sa karamihan.
Minsan hindi na naiisip kung may mga mali sa mga ito basta ba't makasabay lang.
Karamihan sa mga salitang nakikita sa social media sites ay salitang balbal, wala namang
masama sa paggamit ng mga balbal dahil likha ito ng tao at ginagamit sa pakikipag
komunikasyon, nakadepende na lamang kung ito ba ay nagpapakita pa ba ng paggalang o hindi.
Sa pananaliksik na ito nais malaman ng mananaliksik kung mas marami ba ang
gumagamit ng mga salitang balbal sa pakikipagkomunika sa social media ng mga mag-aaral na
nag mimidyur sa Filipino sa Ramon Magsaysay Memorial Colleges.
Sa kabila ng munting kakayahang taglay ng mananaliksik na hindi pa gaanong sanay sa
gawaing ito ay maglalakas loob paring mangangalap ng mga datos upang masagot lamang ang
suliraning isinaad ng mabigyan linaw ang mga mag-aaral at ibang mambabasa sa kung hanggang
saan na ba nakarating ang salitang balbal at kung marami nga bang nag mimidyur sa Filipino ang
gumagamit nito sa social media.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang mananaliksik ay naglalayong mapag-aralan ang paggamit ng salitang Balbal sa Social
Media ng mga mag-aaral na nag mimidyur sa Filipino ng Ramon Magsaysay Memorial Colleges
sa lungsod ng Heneral Santos na nasa ikatlong taon na sa kolehiyo sa taong 2019-2020.
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, hinahangad ng mananaliksik na matugunan at
masagot ang sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang mga balbal na salitang ginamit ng mga mag-aaral sa Filipino sa kanilang mga
posts sa social media?
2. Paano ipinapakita ng mga pahayag na ito ang paggalang bilang pagpapanatili ng mabuting
relasyon sa mga tagatanggap ng mensahe?

BALANGKAS NG KAISIPAN
Ang balangkas na ito ay naglalahad ng mga kaisipan, diwa, konseptong may tiyak na
kaugnayan sa paksang pinag-aralan.

INPUT OUTPUT
1. Ano-ano ang mga balbal na Paggamit ng salitang
salitang ginamit ng mga mag- Balbal sa Social
aaral sa Filipino sa kanilang PROSESO Media ng mga mag-
mga posts sa social media?
QUALITATIVE aaral na nag
2. Paano ipinapakita ng mga mimidyur sa Filipino
PHENOMENOLOGICAL
pahayag na ito ang paggalang
STUDY ng Ramon
bilang pagpapanatili ng
mabuting relasyon sa mga Magsaysay
tagatanggap ng mensahe? Memorial Colleges

FIGURE 1. Balangkas ng Kaisipan


BALANGKAS TEORITIKAL
Ayon kay Henry Gleason ang wika ay sinasalitang tunog na may masistemang balangkas
na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong
kabilang sa iisang kultura. Ang wika ay dinamiko na patuloy na nagbabago sa paglipas ng
panahon. Nakasalalay ang pagbabago ng wika sa taong gumagamit at kulturang nabuo sa
lipunan. Lumalago ang bokabularyo ng wika kapag may nadadagdag sa mga bagong salita na
dulot ng pagkamalikhain ng tao at pagsabay nito sa modernong panahon. May mga salita ring
namamatay dahil hindi na ginagamit at itinuturing sa kasalukuyan na hindi na naaayon sa
panahon o luma na. Mula sa teoryang cognitive, sa mga modernong pag-aaral na isinagawa,
napag alaman na sa pagitan ng biswal na pagkilala at pagsasalita malaki ang papel na
ginagampanan ng kamalayan ng bata sa kanyang kapaligiran, na siya namang nagtatakda ng
kanyang pagkatuto.
Teoryang Kognitib
Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong
dinamiko kung saan angnag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip atgawing may
saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at mailipat
ang mga ito upangmakabuo ng orihinal na pangungusap. Habang isinasagawa ang prosesong
ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mag-aaral ng wika o di
kaya nama‘y naiilapat nang mali ang mga ito. Dito malalaman kung ang mga balbal na salita ba
ay tama ang pagkakagamit o hindi na angkop.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing patnubay sa mga sumusunod:
Sa mga Mag-aaral
Sila ang tinutukoy sa pananaliksik na ito na magbibigay linaw kung ang ginagamit ba nilang mga
salita sa social media ay nakakabuti o nakakasama o bahagi pa ba ng paggalang o hindi.
Sa mga Guro
Magiging gabay ang mga guro para sa mga estudyante sa kung ano ang magiging asal o ang
dapat na gamitin na mga salita sa Social Media at makakapagbahagi pa ng ibang ideya sa kung
paano matuturuan pa ang mga ito.
Sa Komunidad
Maiisip ng mga tao kung ano ba ang resulta sa paggamit ng salitang balbal sa social media at
magiging maingat na sila sa paggamit nito.
Sa susunod na Mananaliksik
Maaaring maging isa ito sa magiging basehan kung may pananaliksik man na gagawin na may
kaugnayan dito.

SAKLAW AT LIMITASYON
Sa pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang paggamit ng salitang Balbal sa Social Media ng
mga mag-aaral na nag mimidyur sa Filipino ng Ramon Magsaysay Memorial Colleges sa lungsod
ng Heneral Santos na nasa ikatlong taon na sa kolehiyo sa taong 2019-2020.

KATUTURAN AT KATAWAGAN
Importanteng mabigyang linaw ang mga mambabasa sa pag-aaral na ito kaya naman bibigyan
ng katuturan ng mananaliksik ang bawat terminolohiyang ginamit sa pag-aaral.
 Balbal - Ang balbal ay ang pinakamababang antas ng wika na binubuo ng mga salitang
kanto na sumusulpot sa kapaligiran.
 Social Media - Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao
na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga
ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat
ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na
pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na
binuo ng gumagamit.
KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

TEKNOLOHIYA AT INTERNET
Ang Teknolohiya ay isa sa pinaka importanteng mapagkukunan ng impormasyon at
mapanggagamitan ng mga mag-aaral sa panahon ngayon sa pamamagitan ng cellphone, laptop,
computer, at projectors. Nakakatulong ang teknolohiya dahil magkakaroon ng access ang mga
estudyante sa ano mang social media sites. Halimbawa nang naimbento na teknolohiya ay ang
kompyuter na kung saan ay maaari kang magsuri, magsiyasat at magsaliksik ng mga bagay na
ninanais mong malaman o kinakailangan sa eskwelahan o maaaring gamiting pampalipas oras.
Sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na
ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring maka-access ng internet.
Ang Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung walang internet ay di mo magagamit
ang kahalagahan ng kaalaman o di ka makakapagsiyasat ng iyong hinahanap. Mas epektibong
naibabahagi ng mga estudyante ang kanilang leksyon nang dahil sa internet o makakapagbahagi
ng kanilang kaalaman lalong lalo na sa kanilang wikang nalalaman. Hindi ito ginawa para
makagawa o magbunga ng kasamaan. Maaring may masamang epekto ito sa kabataan ngunit
kung ang paggamit ng mga teknolohiyang ito ay may kasamang disiplina, maari itong maiwasan.
Ayon kay Bertilo (2011) sa kasasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng
teknolohiya. Sa katunayan, ito ang pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagging
madali at mabisa kung kaya naman marami sa mga mag-aaral ngayon ang sumasangguni sa
teknolohiya sa kanilang pag aaral.
Ang teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at libangan sa mga mag-aaral.
Bukod sa personal computer, cellphone at dala nitong internet. Masasabi natin na
napakaraming maitutulong ng teknolohiya sa ating buhay, lahat ng sector sa ating komunidad
ay madama natin ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa pang araw-araw nating
pamumuhay. Tunay nga’t nabago na ng teknolohiya ang paraan ng mga mag-aaral. Ang dating
imposibleng gawin ay nagagawa na dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya.
Ayon sa Filipino Juanbee (2014) inilahad nila ang mga Positibo at negatibong epekto ng
Teknolohiya. Sa panahon ngayon, nagkalat ang iba’t ibang makabagong teknolohiya sa ating
mundong patuloy na umuunlad katulad ng kompyuter ang isa sa mga teknolohiya na sikat sa
mga mag-aaral dahil sa pamamagitan ng kompyuter ay makakagawa sila ng isang account sa
ano mang social networking sites tulad ng facebook, twitter at iba pa at dito din napapadali ang
mga gawain ng mga mag-aaral.
Sa kasalukuyang panahon na kinabibilangan natin ngayon, ang paggamit ng internet ay
talamak sa mga kabataan lalong lalo na sa mga mag-aaral. Ang pagiging uso nito sa mga
kabataan ay may iba't ibang dahilan at nagkaroon ng mga epekto sa pang-araw-araw nilang
pamumuhay.
Ayon kay M. R. Magnaye (2016), ang internet ay isang sistema na ginagamit ng buong
mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa
iba't ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites at ibang
komunikasyon na hindi gumagamit ng kable (wireless) na kung saan ang mga iba't ibang
impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.
Ang mga dahilan ng mga mag-aaral kung bakit sila gumagamit ng internet ay para
mangalap ng mga impormasyon, madagdagan ang mga kaalaman na may kinalaman sa
paaralan at maghanap ng mga kasagutan sa mga asignatura. Ayon kay A. Palbacal (2018), sinabi
niya na napakalaki ng naitutulong ng internet sa trabaho lalong lalo na sa edukasyon.

SOCIAL MEDIA
Ayon kay Oro (2013), ang social media ay isang bahagi ng makabagong teknolohiya at ito
ay may malaking epekto sa mga mag-aaral na kabataan. At dahil dito maaari nitong mabago ang
pananaw ng mga mag-aaral na kabataan. Sa ngayon, nauso na ang facebook, twitter, blogs, at
chatting, na mas nagpabilis ng pagpapakalat ng mga impormasyon at mas madali na itong
makita para sa marami. Nang dahil dito ang edukasyon ay naging mas madali, at mas epektibo.
Ano-ano ba ang iba’t ibang uri ng social media at paano ito nakatutulong sa
akademikong pag-aaral? Isa sa pinakakilala at pianakamaraming gumagamit na social media ay
ang Facebook. Ito ay isang application na kung saan maaari kang magpahayag ng iyong
nararamdaman, katanungan at nais mong malaman at ipost. Maaari itong makita ng mga
friends o kaibigan mo sa app din na ito, maaari silang magreact base sa kanilang nais hinggil sa
paksa na iyong ipinahayag. Maaari din silang magkumento rito at maaari nila itong ibahagi sa
iba. Ito ay nakatutulong sa paraang maaari kang magpost ng mga katanungang na nais mong
alamin at maaari itong sagutin ng iyong mga kaibigan. Dahil na rin sa maaari namang ibahagi
ang post ng iba mabilis na kumakalat ang isang impormasyon na at nagiging dahilan ng
pagkakabasa ng mga estudyante na maaaring magdulot ng pagkatuto ng mga bata.
Isa pa ay ang Messenger, ito naman ay parang pagtetext lamang ang tanging kaibahan
lamang ito ay konektado sa internet at Facebook. Marami pang ibang uri ng social media na
maaaring makatulong sa akademikong pag-aaral. Isa itong magandang senyales na ang mga app
na ito ay nagagamit ng tama. Ngunit laging tatandaan ang lahat ng sobra ay maaaring
makasama.
WIKA AT BALBAL NA SALITA
Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang sistema ng
mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.
Ayon naman kay Bouman (1990) ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan
ng mga tao.
Ang sabi naman ni Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at
naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.
Samakatuwid, tama si Brown (1980) sa pagsasabing kung pagsasamahin ang kahulugan
ng wika sa isang depinisyon, ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong arbitraryo,
pagsasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo sa lahat ng tao.
Ang wika ayon kay Henry Gleason, ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura.
Ayon kay Gette 2010 ang balbal o islang na salita ay ang di mapantayang paggamit ng
mga salita sa isang wika ng isang partikular na lipunan.
Ayon kay Mabanta (2011), ang wikang Filipino ay mayroong iba’t ibang antas na
nahahati sa pormal at impormal. Ang pormal ay binubuo ng mga salitang pambansa at
pampanitikan o yaong mga salitang ginagamit sa matataas na dominyo ng lipunan. Sa kabilang
dako, ang mga impormal na salita naman ay kinabibilangan ng lalawiganin, kolokyal at balbal.
Ang lalawiganin ay ginagamit sa isang partikular na lugar. Samantala, ang kolokyal naman ay
ang pang-araw-araw na salitang ating ginagamit. At ang huli ay pinakamababang antas ng wika,
ang mga salitang balbal.
Katunayan, sinabi ni Blanch na ang mga salitang balbal ay nagsisilbing “parangal sa mga
dalubhasang Pilipino na may abilidad gawin na masaya at libangan ang wika” (2010). Ito ay sa
kadahilanang nagmumula ng mga salitang balbal sa iba’t ibang pangkat ng masa ------
estudyante, drayber ng jeep, artista, empleyado at gay community.
Samakatuwid, ang mga salitang balbal ay maaaring magsilbing tanda ng pagkamalikhain
at pagkamasayahin ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng paggamit ng ganitong uri ng salita,
naipahahayag ng mga Pilipino ang kanilang saloobin nang may ganap na kalayaan sa paraang
nais at kaaya-aya. Sa kabuuan, ang mga salitang balbal ay malawak ang saklaw sa lipunang ating
ginagalawan; kung kaya’t may kapangyarihan itong hulmahin o kaya naman ay wasakin ang
ating pambansang wika ng identidad at pagkakaisa.
Ayon kay Cafford (1965), sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko.
Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring pag-aralan
kung paano nabubuo ang mga salitang ito.
TEORYANG MAY KAUGNAYAN SA WIKA AT BALBAL NA SALITA
Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito
ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa
teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang
tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at
nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
Teoryang Pooh-pooh
Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala
ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.
Teoryang Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao na
nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid.
KABANATA 3
DISENYO AT PAMAMARAAN SA PAGKUHA NG DATOS

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan ng mananaliksik sa pangangalap at


paglikom ng mga datos.

DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang ginamit ng mananaliksik ay ang kuwalitatibong phenomenological na pag-aaral o
"Qualitative Phenomenological Study" upang malaman kung ano-ano ang ginagamit na mga
balbal na salita ng mga mag-aaral na nag mimidyur sa Filipino na nasa ikatlong baitang ng
Ramon Magsaysay Memorial Colleges ng Heneral Santos, taong 2020-2021.
Ang qualitative research sa tagalog ay tinatawag na kwalitatibong pananaliksik. Ito ay
kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-
uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay
pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na
kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura-institusyon-
at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.
Ayon kay Creswell (2013) Ang phenomenology ay isang diskarte sa husay na
pagsasaliksik na nakatuon sa pagkakapareho ng isang buhay na karanasan sa loob ng isang
partikular na pangkat. Ang pangunahing layunin ng diskarte ay upang makarating sa isang
paglalarawan ng likas na katangian ng partikular na phenomenon.

PANANALIKSIK NA LOKAL
Ang pag-aaral ay isinagawa sa Ramon Magsaysay Memorial Colleges, Lungsod ng
Heneral Santos sa akademikong taon 2020-2021.
Ang paaralang ito ay isang non-sectarian na akademikong institusyon na matatagpuan
sa Lungsod na naglalayong makapagbigay ng Holistic na Edukasyon sa bawat mamamayan sa
ating bansa. Kilala ito noon bilang Mindanao Vocational School, na itinayo at pinamunuan ni
Atty. Eugenio M. Millado at Mrs. Aurora Garcia Millado, Akademikong Taon 1978-1979. Ang
Presidente ng Institusyon na si G. Florante G. Millado ay humingi ng permiso kay Gng. Luz B.
Magsaysay, asa ng yumaong pangulo na si Ramon Magsaysay na gamitin ang pangalan nito
kung kaya'y sa kasalukuyan ang institusyon ay kilala sa pangalang Ramon Magsaysay Memorial
Colleges.
Sa pagdaloy ng panahon naging kilala ang Ramon Magsaysay Memorial Colleges at isa sa
mga kolehiyo na nagbibigay ng Quality Education ngayong makabagong panahon, ito ay dahil
narin sa hindi mabilang na parangal na natatanggap ng Institusyong ito.
MGA KALAHOK SA PAG-AARAL
Ang mga respondente o mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na nag
mimidyur sa Filipino ng Ramon Magsaysay Memorial Colleges na nasa ikatlong taon na sa
kolehiyo sa taong 2020-2021 na gumagamit ng ibat ibang social media accounts.
Pinili ang mga respondente sa pamamagitan ng pagkalap ng mga posts sa social media
na nagpapatunay na ito ay bahagi ng salitang balbal at kung nagpapakita pa ba ng paggalang o
hindi. Mangangalap ng dalawampu (20) na respondente na mga mag-aaral sa Filipino.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay talatanungan na gawa ng
mananaliksik na may limang katanungan. Sa pagsagot sa talatanungan makukuha ang sagot sa
sa mga estudyanteng gumagamit ng iba't ibang social media sites na kung saan ay may mga
salitang balbal ang makikita sa kanilang mga caption ng posts, comments at iba pa. Sa paggamit
ng balbal na salita sa social media ng mga mag-aaral malilikom ito at sa paraang online na
siyang ginagamit sa makabagong panahon makukuha at makokolekta ang lahat ng
impormasyon.
PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang mananaliksik ay ginawa ang mga sumusunod na paraan sa pagkalap ng mga datos:
Una, ang mananaliksik ay gumawa ng sulat sa direktor ng Teacher Education Program
upang humingi ng pahintulot na gamit bilang kalahok sa pag-aaral ang mga mag-aaral na nasa
ikatlong taon na nag mimidyur sa Filipino. Pangalawa, ang mananaliksik rin ay gumawa ng sulat
sa instruktur ng klase na kaniyang hihiramin ang buong durasyon ng asignatura upang
pahintulutang gamitin ang buong oras ng klase sa pagpasa ng mga talatanungan sa mga
respondente.
Isang talatanungan ang isinagawa upang maglikom ng naayong sagot sa isinaad na mga
suliranin. Bibigyan ng talatanungan ang mga napiling respondente sa pamamagitan ng ibang
app na makakatulong upang makipagkomunika sa mga ito. Halimbawa ay messenger, gmail,
facebook upang malikom ang kanilang mga sagot.
ETHICAL CONSIDERATION
Ang sagot ng mga mag-aaral o respondente ay mananatiling confidential bilang bahagi
na lamang ng paggalng ng kanilang mga isinagot.
Sarbey Questionnaire

Pangalan: Kasarian:
Kurso at Taon: Edad:
Email address: Tirahan:

Sagutan ang mga katanungan sa kung ano ang hinihingi ng may katapatan.

Q1. Magbigay ng tatlong (3) salita ang madalas makikita at ginagamit sa Social Media?
1.
2.
3.

Q2. Base sa mga napiling salita sa naunang katanungan, bakit madalas mo itong ginagamit sa
social media

Q3. Napapanatili mo ba ang iyong relasyong sosyal kahit na ika’y gumagamit ng Balbal na salita.

Q4. Sa anong paraan paraan ipinapakita ang pagpapanatili ng relasyong sosyal?

Q5. Nakaranas ka na ba ng ‘misunderstood’ at ‘misinterpretation’ sa mga salitang itong nakita


sa social media.

You might also like