Konseptong Papel

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

“Mga Epekto ng Pagtratrabaho ng

Mag-aaral Habang Nag-aaral”

GROUP 2

Abigael Hipolito

Lovely Songco

Nina Luisa Isabel Suva

Ryxa Khei De Guzman

Jaazael Timbol

Magara Miraquel Naguit

Stefano Domingo

Airon Santos

Carl Jochel Sunga

Sean Kevin Yandan


I. PAKSA

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga epekto ng pagtratrabaho habang nag-aaral.

II. RASYONAL/LAYUNIN

Mahalaga ang paksang ito sapagkat dito nakapasok ang reyalidad na hindi

lahat ng kabataan ay pinalad na maging estudyante lang, sapagkat ang iba ay

estudyante sa umaga at empleyado naman sa gabi. Ito ay nagbibigay

inspirasyon sa mga kabataan para lalong magsikap sa buhay at pahalagahan

kung anong meron sila.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na mga

katanungan.

a.) Ang layunin ng pag aaral na ito ay matukoy ang mga dahilan ng mga

estudyanteng piniling pagsabayin ang pagtatatrabaho at ang pag-aaral.

b.) Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang masama at magandang

epekto sa mga kabataang nagtatrabaho habang nag-aaral.

c.) Hangarin ng pananaliksik na ito na magbigay inspirasyon sa mga

kabataan para lalong pahalagahan at pagbutihin ang kanilang pag aaral.


III. PAMAMARAAN

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng paggamit ng

pamamaraang deskribtibo. Ang diskriptibong pamamaraan ng pananaliksik ay

naglalahad ng katuturan ng isang bagay na batay sa kahulugan nito. Ito ang

pinili naming uri ng pananaliksik upang mailahad namin sa mga mambabasa

ang aming pag-aaral ukol sa mga epekto ng pagtratrabaho ng mag aaral

habang nag-aaral. Kaugnay din nito, mas madali at malinaw ang magiging

pananaliksik kung gagamitin namin ang ganitong uri ng pag-aaral sapagkat isa

sa layunin ng pamamaraang ito ay makapagbibigay ng impormasyon sa suring

mambabasa.

IV. PANIMULA

Ang pagtratrabaho ay tumutukoy sa paghahanap buhay ng isang tao upang

magkaroon ng salapi na ipangtutustos niya sa pang-araw-araw na

pamumuhay. Marami sa mga kabataan ang piniling magtrabaho habang nag-

aaral upang walang masayang na panahon. Pinili nilang pagsabayin ang pag-

aaral at pagtratrabaho sapagkat alam nilang isa ang edukasyon ang kanilang

susi upang makatakas sa hirap ng buhay.

Ang artikulong may pamagat na "The Impact of Part-Time Work on Academic

Performance among Senior High School Students in Ghana" ni Ezeah at

Ngwoke (2019) ay naglalayong suriin ang relasyon ng pagtatrabaho sa

bahagyang oras at academic performance ng mga senior high school students


sa Ghana. Natuklasan sa pag-aaral na halos nasa kalahating porsyento ng mga

mag-aaral ay nagtatrabaho sa bahagyang oras habang nasa paaralan, at

karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa mga tindahan, restawran, at

supermarket. Natuklasan din ng pag-aaral na mayroong negatibong

korelasyon sa pagitan ng pagtatrabaho sa bahagyang oras at academic

performance, at ang mga mag-aaral na nagtatrabaho sa bahagyang oras ay

may mas mababang marka kumpara sa mga hindi nagtatrabaho.

Sa kanilang diskusyon, binigyang diin ng mga awtor na bagama't ang

pagtatrabaho sa bahagyang oras ay nagbibigay ng benepisyo sa mga mag-aaral

tulad ng pera at pagkakaroon ng karanasan sa tunay na mundo ng trabaho,

maaari din itong magdulot ng negatibong epekto sa academic performance

dahil sa limitadong oras at pagkapagod ng mga mag-aaral. Inirekomenda ng

mga awtor na magkaroon ng mga polisiya ang mga paaralan na nagreregula

ng dami ng oras na ginugugol ng mga mag-aaral sa pagtatrabaho sa

bahagyang oras upang masiguro na hindi ito nakakaapekto sa kanilang

academic performance.

V. PAGTATALAKAY

Ayon kay Villeroz (2014) ang pagiging working student ay hindi biro. Ang

pinakamatinding kinakaharap mg mga estudyante ngayon sa pampublikong

paaralan ay ang kahirapan sa buhay. Sa panahon ngayon, itinuturing na ang


pag-aaral ay isa sa pinakamahalagang kayamanan ng bansa. Ngunit hindi

ganoon kadaling makapag-aral, may ibang estudyante na nakatuon ang pansin

sa kanilang pangangalangan na makahanap ng trabaho upang matustusan.

Ayun kay Nucum (2018), ang konsepto ng balanse sa gitna ng pag aaral at

pagtatrabaho ay patuloy na nagiging problema sa kasalukuyang panahon.

Ayun naman kay newanika (2022) ang pagiging working student ay mayroong

positibo at negatibong epekto depende sa mag-aaral.

Ayon kina Trivent et al (2014), pinapakita sa pag aaral na halos mababa o

pabagsak ng grado ng mga mag aaral na full time o buong araw ang trabaho

habang malit o halos mababa naman ang negatibong epekto nito sa mga mag

aaral na part-time lamang ang oras ng trabaho.

Ayon naman kina Weiss et al (2014), Robert at Saar (2012) mas mainam kung

ang trabaho na ginagawa ng isang mag aaral ay naka ayon sa kurso na

tinatahak nito nang sa gayon ay mas mataas ang pag kakataon na makuha ito

sa trabaho pagkatapos ng pagaaral nito.

VI. LAGOM

Bilang pagbubuod, ang pagtratrabaho habang nag-aaral ay may maganda at

negatibong epekto sa mga mag-aaral. Maaaring sila ay mas matututo sa buhay


dahil sa maagang pagkamulat sa reyalidad ng mundo, ngunit kapalit nito ay

ang kahirapan na nararanasan nila tulad ng pagkakaroon ng mababang grado

sa paaralan. Ang pagsasabay ng pag-aaral at pagtratrabaho ng isang mag-aaral

ay malaki ang nagiging epekto hindi lamang sa kaniyang grado ngunit maging

sa kaniyang kalusugan, dahil sa oras na iginugugol ng isang estudyante sa

kaniyang pag-aaral at pagtratrabaho ay nalilimitan naman ang kaniyang oras

upang magpahinga.

VII. KONKLUSYON

Natuklasan sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod.

a.) Natuklasan dito na mayroong negatibong korelasyon sa pagitan ng pag

aaral at pag tatrabaho dahil nakakakuha sila ng mababang marka, kumpara

sa mga hindi nag tatrabaho.

b.) Natuklasan dito na karamihan sa mga mag aaral ay nagtatrabaho para

masuportahan ang kanilang pangangailangan.

c.) Malinaw na nailahad na ang mga estudyanteng pinagsasabay ang trabaho

at pag-aaral ay malaki ang tyansa na makakuha ng mababang grado.

VIII. REKOMENDASYON

a.) Tiyaking may sapat na oras para sa pag-aaral: Ang mga estudyanteng part-

timer ay dapat maglaan ng sapat na oras para sa kanilang pag-aaral upang

matiyak na nakakatugon sila sa mga pangangailangan ng paaralan. Maaari


silang gumawa ng isang schedule o timetable na nakapaloob sa kanilang

mga araw ng trabaho at sa mga oras ng libre upang masiguro na hindi

maapektuhan ang kanilang pag-aaral.

b.) Humiling ng suporta sa pamilya at mga kaibigan: Mahalaga rin na

humingi ng suporta mula sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan upang

matulungan silang mag-manage ng kanilang oras at mag-focus sa kanilang

mga gawain sa pag-aaral at trabaho.

c.) Maghanap ng mga work-study programs: Ang ilang mga paaralan at

organisasyon ay nag-aalok ng mga work-study programs na nagbibigay ng

pagkakataon sa mga estudyante na kumita habang nag-aaral. Sa ganitong

paraan, hindi na kailangan ng mga estudyante na maghanap ng part-time

na trabaho sa labas ng paaralan, at mas maaari nilang mag-focus sa

kanilang pag-aaral.

d.) Sumali sa mga organisasyon sa paaralan: Ang pagiging bahagi ng mga

organisasyon sa paaralan ay maaaring magbigay sa mga estudyante ng

mga oportunidad upang magbahagi ng kanilang mga kakayahan at

magpakita ng kanilang mga talento. Ito ay maaari ding maging isang

mahusay na paraan upang magkaroon ng mga kaibigan at maging bahagi

ng komunidad ng paaralan.
e.) Pag-aralan ang mga teknik sa time management: Ang pag-aaral ng mga

teknik sa time management ay maaaring magbigay ng mga estratehiya

upang mas mahusay na maplano ang mga gawain at mga responsibilidad

sa buhay ng isang estudyante. Maaaring ito ay mga simpleng bagay tulad

ng paggawa ng to-do list o mga advanced techniques tulad ng Pomodoro

Technique, sa kung saan ang mga estudyante ay nagtatrabaho sa mga

bloke ng oras na mayroong mga break para sa pagpapahinga.

f.) Tandaan na ang pag-aaral ay pangunahin: Sa kabila ng pagkakaroon ng

trabaho o iba pang mga responsibilidad sa buhay, ang pag-aaral ay dapat

na laging maging pangunahin. Ang pagkakaroon ng sapat na oras para sa

pag-aaral ay mahalaga upang matiyak na nakakatugon ang mga estudyante

sa mga pangangailangan ng paaralan at magkamit ng kanilang mga

pangarap sa buhay.
IX. TALAAN NG MGA SANGGUNIAN

Ezeah, G. & Ngwoke, C. (2019). The Impact of Part-Time Work on Academic

Performance among Senior High School Students in Ghana. Journal of Education and

Practice, 10(31), 1-9. Retrieved from https://research.acer.edu.au/cgi/viewcontent.cgi?

article=1017&context=lsay_research

Villeroz, R. G (2014). Retrieved from

https://www.scribd.com/document/436949494/KABANATA-1-5-FINAL-

MANUSCRIPT-docx

Karl Nicole Nucum (May 18, 2018) Balancing job and academics as a working student in

the Philippines. Retrieved from https://www.edukasyon.ph/blog/balancing-job-and-

academics-as-a-working-student-in-the-philippines

Newanika (2002), ‘Working Students’. Retrieved from

https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Working-Students/140541

Weiss et al (2014), The Lived Experiences of UIC SHS Working Students A

Phenomenological Study. Retrieved from

https://www.studocu.com/ph/document/cotabato-state-university/bs-secondary-
education/the-lived-experiences-of-uic-shs-working-students-a-phenomenological-

study/28000029

Róbert, Péter & Saar, Ellu. (2012). Learning and Working: The Impact of the 'Double

Status Position' on the Labour Market Entry Process of Graduates in CEE Countries.

European Sociological Review. 28. 742-754. 10.2307/23357094. Retrieved from

https://www.researchgate.net/publication/260139118

You might also like