Filipino Week4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

WEEK 4

GINGOOG CITY COLLEGES, INC


Paz Village Sub., Brgy. 24A, Gingoog City

College of Education
FIL.1 Pagtuturo Ng Filipino Sa Elementarya
Semester of A.Y. 2020-2021

PANIMULA

Ang pagtuturo ng Filipino sa Elementarya ito ang isa sa mga asignatura sa kolehiyo na
COURSE MODULE

tutulong sa mga nangangarap magiging guro kung paano maituro ang asignaturang
Filipino sa elementarya. Dito mahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral kung paano
gagawa ng tamang banghay-aralin para sa Filipino.

KABUUANG LAYUNIN NG KURSO:

A. Naipakikita ang lubos na pag-unawa sa mga katangian at mahahalagang salik sa


pagkatuto ng wika
B. Nauunawaan ang mahahalagang teorya at simulaing pinagbabatayan ng mga lapit at
pagdulog sa pagtuturo ng wika
C. Nakapaghahanda ng pang-araw-araw na aralin sa pagtuturo ng Filipino
D. Naipaliliwanag ang hati ng mga ekspektasyong nakapaloob sa apat na makrong
kasanayan sa Batayang Kurikulum
E. Napipili at nagagamit ang mga angkop na istratehiya sa pagtuturo ng wika
F. Nakagagamit ng iba’t ibang istratehiya sa pagtataya ng pagkatuto
G. Maipapaliwanag ang mga aspekto ng wikang dapat mong linangin sa iyong mga mag-
aaral
H. Matutukoy ang mga salik na dapat mong isaalang-alang upang matagumpay sa iyong
pagtuturo.
I. Matutunan ang ibat ibang uri ng estratehiya sa pagtuturo sa elementarya ng Filipino

1|Page PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


WEEK 4
J. Matutunan ang mga bahagi at gamit ng Banghay Aralin sa Filipino
K. Matututkoy ang mga kagamitan sa pagtuturo ng Filipino sa elementarya

DETALYE NG KURSO : ARALIN 4

Sa unang araw ng pagtuturo. Paano ka magsimula?


NILALAYONG KINALABASANG PAGKATUTO

A. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng paghahanda ng banghay-aralin


B. Masasabi ang mga dapat isaalang-alang sa paghahanda ng banghay-aralin
C. Makapagsusuri at makabubuo ng banghay-aralin sa Filipino
COURSE MODULE

PANIMULA/RATIONALE
Nalalapit na ang unang araw ng iyong pagtuturo. Halina at simulan mo sa tulong ng
araling ito ang paghahanda sa mahalagang araw na ito. Pangunahing paksang tatalakayin sa
araling ito ang paghahanda ng banghay-aralin.

PANGHIMOK NA GAWAIN

Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng sariling banghay-aralin at pagkatapos ay ilalahad


niya ito sa klase sa pamamagitan ng video.

PAGLAHAD NG BAGONG MATERYAL

Bakit mahalaga ang banghay-aralin?


Ang banghay-aralin ay itinuturing na mapa o balangkas ng iyong mga inihandang
gawain upang maisakatuparan ang mga layuning nais mong matamo ng iyong mga mag-aaral.
Naririto ang mga dapat isaalang-alang kapag naghahanda ng banghay-aralin.
1. Katangian ng mga Mag-aaral
 Ano ang antas ng kanilang kawilihan, gayundin ang lebel ng kasanayang
komunikatibo?
 Matatantiya mo ba ang iskema ng kanilang kaalaman at karanasan kaugnay ng
mga paksang tatalakayin mo?
2. Mga Layuning Pampagtuturo
 Angkop ba ang iyong layunin sa kakayahan ng mag-aaral?
 Itinuturing ba itong pangangailangan sa kurikulum?
 Natutugunan ba nito ang mga kahingiang Kognitiv, Afektiv at Saykomotor?

3. Paksa at mga Kagamitan


 Kawili-wili ba, napapanahon at angkop sa karanasan ng mga mag-aaral ang
paksa?
2|Page PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA
WEEK 4
 Nasa antas o lebel ba ng mga mag-aaral ang uri ng wikang ginamit?
 Makatawag-pansin ba ang mga kagamitang instruksyunal na gagamitin?

4. Istratehiya o mga Gawain at Takdang Panahon


 Kawili-wili ba at napapanahon ang mga gawain?
 Nakaayos ba ang mga hakbang mula madali papahirap?
 Makatutulong ba ang mga gawain sa pagkakamit ng layunin?
 Maisasagawa ba sa angkop na panahon ang mga gawain?

Kung ikaw ang magtuturo ng aralin, gaanong kahabang panahon ang iyong itatakda
sa pagsasagawa ng bawat bahagi?
Maaaring gamiting pamantayan ang ibinigay na patnubay ni Gng. Nenita Papa
(1991) sa paglalaan ng oras para sa mga gawain sa pagtuturo ng Filipino:
1. Bahaging Naghahanda–25%
2. Bahaging Nagtuturo–50%
3. Bahaging Nagtataya–12.5%
4. Bahaging Nagbibigay-lunas o Nagpapayaman 12.5%
COURSE MODULE

5. Paglinang ng Balyu o Saloobin


 Batay sa paksa at mga gawain para sa isang aralin, isipin ang balyu o mabuting
saloobin at pagpapahalagang maaaring linangin sa mga magaaral.

Kilalaning mabuti ang mga bahagi ng banghay-aralin at masusing suriin ang nilalaman
ng bawat bahagi.

Banghay Aralin sa Filipino V Hulyo 5, 2005

I. Mga Layunin
1. Naibibigay ang kasalungat na kahulugan ng salita
2. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng opinyon at katotohanan
3. Nakasusulat ng sariling opinyon
II. Paksang-aralin
Ang Pagdiriwang ng Kapistahan (likha ng guro ang babasahin) tsart, larawan
ng kapistahan.

III. Istratehiya
A. Mga Gawain Bago Bumasa
1. Pamukaw-sigla: Pag-uusap tungkol sa mga pagdiriwang
2. Paghahawan ng balakid
Panuto: Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit:
a. Marangya ang pagdiriwang ng kanilang kapistahan.
b. Nagdaraos ng pista bilang pasasalamat sa masaganang ani.
3. Pagbubuo ng pangganyak na Tanong

B. Mga Gawain Habang Bumabasa


1. Pagbasa ng seleksyon
2. Pagsusuri ng mga impormasyon sa sanaysay
C. Mga Gawain Pagkatapos Bumasa
1. Pagtalakay sa nilalaman ng seleksyon
3|Page PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA
WEEK 4
2. Paglinang ng kasanayan Pagkilala ng mga katotohanan at pagpili ng opinyon
3. Pagbuo ng paglalahat
4. Paglalapat
Pangkat I – Pagguhit ng mga paghahanda kapag kapistahan
Pangkat II – Pagtatala ng mga katotohanang nagaganap kapag pista
Pangkat III – Paglikha ng awit tungkol sa pista
Pangkat IV – Dula-dulaan kaugnay ng pagdiriwang ng Pista
5. Pag-uulat ng bawat pangkat
6. Pagtataya
Panuto: Isulat ang O kung ang pangungusap ay opinyon at K kung ito ay katotohanan.
1. Marahil, halos lahat ng turista ay nasisiyahan sa pagpunta sa ating bansa.
2. Matatagpuan ang Bulkang Mayon sa Albay.
3. Siguro ay may mga turista na ring nagbabalak tumira dito.
4-5. Sumulat ng isang pangungusap na opinyon at isang pangungusap na
katotohanan tungkol sa magagandang tanawin ng bansa

IV. Takdang Aralin:


Magbasa ng isang makabuluhang balita. Magbigay ng sariling opinyon tungkol dito.
COURSE MODULE

Ganito rin ang paraan ng paghahanda ng mga aralin sa Pakikinig,Pagsasalita at


pagsulat.
Tunghayan mo ang balangkas na nasa ibaba.

Balangkas ng Banghay-aralin

Asignatura __________________ Petsa _______________

I. Mga layunin
A.___________________________________________
B.___________________________________________
C.___________________________________________
II. Paksang-Aralin
Pamagat/Paksa:_____________________________
Sanggunian:_________________________________
MgaKagamitangPampagtuturo:______________
Saloobin o Pagpapahalaga: _________________
III.Istratehiya
A. Mga Gawain Bago ____________________
1. Pamukaw-sigla
2.Pagsasanay
3. Balik-aral
4. Pangganyak
B. Mga Gawain Habang__________________
Unang Gawain
Ikalawang Gawain
4|Page PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA
WEEK 4
Ikatlong Gawain
C. Mga Gawain Pagkatapos ____________________
1. Paglalapat
2. Pagtataya

IV. Takdang Aralin o Kasunduan (Maaaring pagpapayamang gawain sa


kasanayang lubusang natutuhan o remedyasyon sa mga kasanayang di-ganap ang
pagkatuto). Repleksyon ng Guro.

PAGSASANAY

1. Instruksyon: Kung susuriin mong muli ang banghay-araling iyong pinili, alin-alin kaya sa
mga gawaing nakatala ang ugnay sa:
 Bahaging Naghahanda
 Bahaging Nagtuturo
 Bahaging Nagtataya
 Bahaging Nagbibigay-lunas/Nagpapayaman
COURSE MODULE

2. Instruksyon: Bigyang-puna ang mga sumusunod na bahagi ng aralin:


 Mga Layunin
 Paksa
 Mga Gawain
 Pagtataya at Aplikasyon
 Takdang-Aralin
 Paglinang ng Balyu

PAGTATASA

Pumili ng isang layunin sa Manwal ng Batayang Kurikulum at igawa ito ng banghay-


aralin. Sundin ang balangkas ng banghay-aralin sa pagbubuo ng iyong plano.
Ipasuri ang nabuong banghay-aralin sa isang master teacher o gurong may karanasan
sa Filipino. Anu-ano ang puna niya sa ginawa mong banghay-aralin?

Rubrics: Nilalaman – 20 PUNTOS

Kalinisan – 5 PUNTOS

Gramatika – 10PUNTOS

TOTAL – 35 PUNTOS

KARAGDAGANG BABASAHIN
https://www.slideshare.net/knowellton/module-62-filipino

5|Page PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


WEEK 4
file:///D:/margie%20fil/Estratehiya%20sa%20pagtuturo%20ng%20Filipino%20-
%20Docsity.html

https://www.elcomblus.com/mga-batayan-ng-pamaraang-komunikatibo/
COURSE MODULE

6|Page PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


WEEK 4
COURSE MODULE

7|Page PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA

You might also like