PAL MODYUL 1 Panitikan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Pamagat ng Yunit: Ang Panitikan Pilipino

Pamagat ng Aralin : Ang Panitikang Pilipino

Ilalaang na Oras : Tatlong oras

     

 Introduksiyon

     Ang modyul na ito ay isa sa pangunahing kagamitan sa pagtatasa ng kritikal na


kaisipan ng mga mag-aaral ng Bulacan State University. Layon ng modyul na ito
na mahasa ang mga mag-aaral na kumukuha ng sabjek na Panitikan at Lipunan sa
usaping panlipunan sa paraang pagbabasa, paglikha at paglubog sa panitikang
Pilipino bilang isa sa pangunahing daluyan ng mas makabayang pagtalima ng
susunod pang salin-lahi.

   Ang modyul 1 na ito ay may tatlong bahagi. Una ang kahulugan ng panitikan na
magbibigay diin tungkol sa kung ano ang Panitikang Pilipino, kung gaano kayaman
at kayabang ito. Magbibigay ito ng mas malinaw na kahulugan tungkol sa
panitikan. Ikalawa, kasama rin sa modyul na ito ang mga uri at anyo ng panitikan.
Layon na talakayin ang iba’t ibang uri at anyo upang mas mabigayang linaw kung
ano-ano ang kaibahan ng mga ito sa isa’t isa at kung paano ito isinusulat at
isinasagawa. At panghuli, ang mga kahalagahan ng panitikan. Nais matalakay ng
bahaging ito ang mga kahalagahan ng panitikang Pilipino noon hanggang ngayon.

Mga Layunin

● Naipapaliwanag ang kahulugan ng Panitikan.

● Nailalahad ang kahalagahan ng panitikan.

1
● Nakasusulat ng mga pahayag hinggil sa ginagampanan ng panitikan noon
hanggang sa kasalukuyan.

Paunang Pagtataya
Pangalan: Alburo, Rina Pauline P. Marka:
____________
Kurso/Seksyon: BEED 2-A Petsa: 09/29/2021
I. Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nagpapakilala at kung ano ang
Panitikan Filipino (20 puntos)
SAGOT:
Ang Panitikang Filipino ay nagsasalaysay ng damdamin, kaalaman,
pananaw, pamumuhay, pananampalataya ng mga Pilipino. Ito ay
nakatutulong upang mapukaw at magising ang ating mga damdamin dahil ito
ay nakakapag bigay ng maraming kaalaman tungkol sa atin. Dahil dito, higit
na magiging bukas ang ating isipan sa ating sariling lipunan na ginagalawan.
Matuto tayo na tanggapin at mahalin ang kung ano ang meron tayo. Sa
pamamagitan ng panitikang Filipino malalaman natin ang mga tradisyon at
mga mahahalagang pangyayari na nangyari sa ating bansa. Bilang resulta,
mapagyayaman at malilinang ang ating kaalaman sa pamamagitan ng
Panitikan Filipino.

II. Panuto: Isulat ang mga salita na maaaring iugnay sa Panitikan.

Nagpapahayag Literatura Kaisipan

Damdamin
Karanasan

Naglalarawan Sining Impormatibo

2
Gawain
Pangalan: Rina Pauline P. Alburo Marka:__________
Kurso/Seksiyon: BEED 2-A Petsa: 9/29/2021
Panuto: Basahin ang bawat pahayag na nakalagay sa bawat kahon. Ilagay
ang salitang PADAYON kung may kaalaman sa nakasaad sa kahon. Ilagay
naman ang salitang AWIT LODS kung hindi pa lubos ang kaalaman sa
nakalagay sa kahon

Kilala ko si May nabasa na Kilala ko ang mga Alam ko kung ano


Francisco Balagtas akong dalawang tauhan ng Noli at El ang kahulugan ng
PADAYON Nobelang Pilipino fili Panitikan
PADAYON PADAYON PADAYON

Itinuturing kong Nasubukan ko ng


yaman ang Kilala ko si Marcelo Alam ko ang maging bahagi ng
Panitikang Pilipino H. Del Pilar alamat ng aming isang dula sa
PADAYON AWIT LODS Bayan paaralan
AWIT LODS PADAYON

May higit sa 5 ang Mahalaga sa akin  Alam ko ang


Kilala ko si Lope K. alam kong uri ng ang Panitikang kwento ni Juan
Santos Panitikan Pilipino Tamad
PADAYON AWIT LODS PADAYON PADAYON

Alam ko ang tulang Alam ko kung saan May higit sa 10 na

3
Isang Dipang nagmula ang Kilala ko si ang nabasa kong
Langit ni Amado V. salitang Panitikan Severino Reyes akdang
Hernandez PADAYON AWIT LODS Pampanitikan
AWIT LODS PADAYON

Marunong akong Nakasusulat ako Kilala ko si Jose Nakasusulat ako ng


tumula ng mga tulang may Corazon De Jesus Maikling Kwento
AWIT LODS tugmaan AWIT LODS PADAYON
PADAYON

Aralin 1
  Ang Panitikan at ang Kahalagahan ng Pag-aaral nito

Ang panitikan ay ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa


kabihasnan ng tao; nagsasabog ng pag-ibig at kaligayahan na
nagpapayaman sa kaisipan at karanasan, nagpapalalim ng pagkaunawa,
lumilinang ng kamalayang pansarili, panlipunan at pambansa, at
nagpapahalaga sa mga karanasang nagiging timbulan sa oras ng
pangangailangan. Ang panitikan ay ang pagsulat ng mga babasahin na
patula o pasalaysay, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may
anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.
Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng
interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.
Ang salitang “panitikan” ay nagmula sa salitang TITIK na may
unlaping PANG (na naging PAN dahil sa tuntuning pangwika na pan ang
gagamitin kapag ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa d,l,r,s, at t)
at hulaping AN. Ito ang salitang panumbas sa Filipino sa salitang Literatura o
literature na kapwa nakabatay sa salitang latin na “litera” na ang ibig sabihin
ay letra o titik. (Jose Villa Panganiban, 1954)
 
Iba’t ibang kahulugan ng panitikan ayon sa mga Iskolar

4
● Pagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa lipunan, pamahalaan, kapaligiran,
kapwa at Dakilang Lumikha (Honorio Azarias)
● Ito ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan sapagkat dito
masasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at
guniguni ng mga tao na nasusulat o binabanggit sa maganda, makahulugan,
matalinghaga at masining na mga pahayag.(Maria Ramos
● Ito ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao
bilang ganti niya sa reaksyon sa kanilang pang-araw-araw na pagsusumikap
upang mabuhay at lumigaya sa kanilang kapaligiran, gayundin sa kanilang
pagsusumikap na makita ang Maykapal.(Atienza, Ramos, SalaZar at Nazal,
1984)
● Isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng
mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa
kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa
pamamagitan ng malikhaing pamamaraan (J. Arrogante)
● Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,
pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng
damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.(Panganiban, 1954:1)
● Ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag  nakasulat man ito, binibigkas o
kahit ipinahihiwatig lang ng aksiyon ngunit may takdang anyo o porma katulad
ng ng tula, maikling kuwento , dula, nobela, at sanaysay. (L.Santiago, 1993)

Kahalagahan Kung Bakit Dapat Pag-Aralan Ang Panitikan

1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang


yaman ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na
nagsisilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang
nanggagaling sa ibang mga bansa.

5
3. Upang mabatid natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay
upang maiwasto ang mga ito. 
4. Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang
ito’y mapagbuti at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipino mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura
ay dapat nating pag-aaral ang ating panitikan. Tayo higit kaninuman ang dapat
magpahalaga sa sariling atin.
6. Mababatid ng mga tao ang kanilang sariling tatak, ang sariling anyo ng
kanyang pagkalahi, ang sariling kalinangan at mga minanang yaman ng isip.
7. Makikita nila ang kanilang sarili, ang kalawakan , kalakasan at kahinaan ng
kanilang pag-uugali at paniniwala.
8. Masasalamin ang nakaraan ng kanilang mga ninuno; kung paano sila
nabuhay, nagkamali at nagtagumpay; at dahil dito ay maiiwasan nila ang
pagkakamali at higit pang mapaunlad at mapapayabong ang mga minanang
kabutihan.
9. Makikita ang mga kapintasan at kagalingan ng sariling panitikan at sa gayo’y
magkaroon ng pagsasanay sa paglinang ng kakayahan at kasanayan sa
pagbabago at upang higit na mapadalisay, mapaningning ang mga
kagalingang ito at maiwasan ang mga kamalian.  
10. Matutuhang ipagmalaki ang mga bagay na kanila at maging matibay at
matatag ang pagkilala sa kanilang pagkakamali.
11. Mapupukaw ang marubdob na pagmamalasakit at pagpapahalaga sa sariling
wika.

6
Pagsasanay
Pangalan: Alburo, Rina Pauline P. Marka: ____________
Kurso/Seksyon: BEED 2-A Petsa: 09/29/2021

Tanong: Bilang mag-aaral ng henerasyong ito, paano kaya mas magiging interesante
(interesting) sa katulad mong kabilang sa millennials o Gen Z ang pag-aaral ng
panitikan?

SAGOT:
Mas magiging interesante ang katulad kong kabilang sa millennials o Gen
Z ang pag-aaral ng panitikan kung ako ay pipili ng panitikan na naayon sa aking
interes bilang indibidwal. Halimbawa, mas pipillin ko ang panitikan na may
kinalaman tungkol sa ating bansa kaysa panitikan na may impormasyon ng taong
hindi ko naman kakilala. Pipili ako ng panitikan na mas maraming maibibigay sa
akin na bagong kaalaman. Sa paraan na iyon, hindi ako maiinip sa pagbasa ng
panitikan bagkus ako ay mas mawiwili sapagkat gusto ang aking ginagawa. Sa
madaling salita, dapat tayo ay pumili ng panitikan na ating babasahin na ayon sa
ating sariling interes.

7
I. Panuto: Tukuyin ang magandang epekto ng panitikan sa mga sumusunod:

Makakatulong ito sa akin sa pagsasalaysay ng aking


nararamdaman. Matututo din akong magbahagi ng mga
mahahalagang impormasyon sa mga tao. Sa panatikan maaari
ring lumawak ang aking pang-unawa. Maaari kong maintindihan
ang saloobin ng ibang tao ng walang halong panghuhusga.

Matutulungan ng mga Pamantasan na lumawak ang kaisipan ng


kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng panitikan. Matututo
rin ang mga pamantasan na alagaan ang mga panitikan
sapagkat kung ito ay bibigyang halaga, maaari pa itong
magamit ng susunod na henerasyon. Marami pa ang pwedeng
matuto.

Alam natin na ang panitikan ay lubhang impormatibo kaya’t


makatutulong ito upang gawing matalino ang mamayan sa
isang lipunan lalo’t higit sa pagboto. Sa pamamagitan ng
panitikan maaari nitong imulat sa katotohan ang mga tao.
Bilang resulta, magkakaroon ng malinaw at maayos na
pananaw ang mga tao.

8
III. Panuto: Pangatwiranan ang mga kasunod na pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang
ang sagot.
1. Mabisa bang pag-aralan ang Panitikan upang makatulong sa lahat ng
kurso ng pag-aaral sa kolehiyo? Bakit? (1-5)
SAGOT:
Opo, dahil hindi lang makakatulong ang panitikan sa
pagpapalawig ng kaalaman bagkus makakatulong din ito upang
pahalagahan ng mga mag aaral ang kasaysaysayan ng ating bansa.
Mabubuksan ang kanilang isipan patungkol sa kung paano at anong
klaseng pamumuhay mayroon ang ating mga ninuno. Matututo ang
mga mag aaral na dalhin ang pagpapahalaga sa ating bansa hanggang
sila ay magkatrabho na at kahit sila man ay mapunta sa ibang bansa.
Dadalhin nila ng taas noo ang ating mga paniniwala at tradisyon dahil
ito ay sariling atin.

2. Bakit sinasabing ang Panitikan ay salamin at kaluluwa ng bansa?(6-10)


SAGOT:
Sinasabing ang Panitikan ay salamin at kaluluwa ng bansa dahil
ang panitikan ay may kakayahang magsalaysay ng mga mahahalagang
pangyayari na naganap sa ating bansa. Ito ay may kakayahan rin ipaliwanag
sa atin ng may buhay mga tradisyon, kaugalian, paniniwala, relihiyon at pag-
uugaling pampulitika ng mga mamamayan. Sa madaling salita, kaya nitong
palawigin ang ating mga kaalaman sapagkat ang panitikan ay lubhang
napakaimpormatibo na sining.

3. Paano mapagyayaman at mapauunlad ang Panitikan bilang isang


Asignatura at bahagi ng kultura ng mga Filipino? (11-15)

9
SAGOT:
Mapauunlad ang Panitikan bilang isang Asignatura at bahagi ng
kultura ng mga Filipino kung patuloy itong ituturo sa mga paaralan simula
primarya hanggang sa kolehiyo. Sapagkat kung paulit-ulit itong ituturo hindi
makakalimutan ng mga mag aaral ang kahalagahan ng ating bansa. Habang
tumatagal mas mauunawaan nila kung bakit dapat mahalin ang sariling atin.
Dahil malalaman nila ang Filipinong panitikan ay hindi lamang basta-basta
sinulat bagkus ito ay isulat sa masining na parraan at nag aalab na damdamin.

Paunang Pagtataya

Pangalan: Rina Pauline P. Alburo Marka:__________


Kurso/Seksiyon: BEED 2-A Petsa: 9/29/2021

Panuto: Magbigay ng 5 uri ng Panitikan na iyong naaalala. Tukuyin kung ano-ano ang
mga ito at paano ito naiiba sa ibang uri ng panitikan.

1. Alamat- Ito ay nag ke-kwento ng mga pinagmulan ng mga ibat-ibang bagay sa


daigdig. Kadalasan ay ay mga pinagmulan ng mga hayop at halama.
Halimbawa nito ay ang kwentong “Alamat ng Pinya”.

2. Nobela- Ito ay madalas na piksyon at mahabang kwento na mayroong iba’t


ibang taauhan. Ito rin ay binubuo nga mga kabanata.

10
3. Pabula- ito ay isang akda kung saan ang mga tauhan ay mga hayop.

4. Anekdota- Ito ay isang akda na nagsasalaysay ng kakaiba at nakakatuwang


kwento nga mga sikat na tao.

5. Parabula- Ito ay may layunin na makapagbigay aral sa mga mambabasa.


Kadalasan ang nilalaman nito ay hango sa bibliya.

Pamagat ng Aralin: Mga Uri ng Panitikan


Ilalaang Oras: Tatlong oras

Mga Layunin
● Natutukoy ang iba’t ibang anyo at uri ng Panitikang Filipino
● Nakakalikha ng isang masining na katha bilang isang anyong pampanitikan.
● Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan gamit ang
sariling pagpapakahulugan.
● Nailalahad ang kontribusyon at kabuluhan ng ilang partikular na uri ng
akdang pampanitikan sa kamalayan at pagpapahalagang Pilipino.

11
Gawain

Pangalan: Rina Pauline P. Alburo Marka:__________


Kurso/Seksiyon: BEED 2-A Petsa: 9/29/2021

Panuto: Basahin at unawain kung anong salita ang nakasaad sa bawat bilang. Matapos
nakuha ang tamang kasagutan ay bigyan ng maikling paliwanag batay sa iyong sariling
kaalaman.

1. Know – Bell – Luh


SAGOT: Nobela
2. Seen – Knock – Cool – Luh
SAGOT: Sinakulo
3. Nob – Bell – Luh
SAGOT: Nobela
4. All – Laugh – Math
SAGOT: Alamat
5. Fave – Bow – Luh
SAGOT: Pabula
6. Doo – Luh
SAGOT: Dula
7. Tea – Bag
SAGOT: Tibag
8. Mic – Ache – Length – Quick – Two
SAGOT: Maikling Kwento

12
9. Sars – Saw – Well – Luh
SAGOT: Sarsuwela
10. Ball – Log – Task – Sun

SAGOT: Balagtasan

Aralin 2
Uri ng Panitikan

1. PATULA - Isinusulat nang pasaknong, binibigkas nang may indayog,


matalinhaga, may sukat at tugma. Maaari rin itong malaya na wala ang sukat
o ano mang tugmaan.
2. TULUYAN - Isinusulat nang patalata, karaniwan ang mga salita at tuloy-tuloy
ang pagpapahayag.
3. PATANGHAL -Kung ang panitikan ay itinatanghal sa entablado. Pa-iskrip ang
pagkakasulat nito at binubuo ng mga tagpo at yugto. Dati itong nasasaklaw ng
anyong patula noon sapagkat ang mga dula noon ay itinatanghal nang patula.

Mga Akdang Patula


1. EPIKO - Isang tulang nagsasaad ng kabayanihan at kakaibang kapangyarihan
ng pangunahing tauhan,
Halimbawa: Hudhud ni Aliguyon - Ifugao
Biag ni Lam-ang - Ilokano
Ibalon - Bikol
Kudaman - Palawan
Hinilawod - Panay
Labaw Donggon - Bisayas
Indarapatra at Sulayman - Maguindanao
Bidasari - Mindanao
13
2. AWIT - Isang uri ng tulang lalabindalawahing pantig at binibigkas nang
mabagal. Ang mga kaganapan ay nagmula sa danas ng isang indibidwal.
Halimbawa: Florante at Laura ni Francisco Balagtas
3. KORIDO - Isang uri ng tula na wawaluhing pantig at binibigkas nang mabilis.
Pantasya at kababalaghan ang karaniwang nilalaman nito.
Halimbawa: Ibong Adarna
4. BALAD - Ito’y may himig awit sa dahilang ito’y inaawit habang may
nagsasayaw
5. BALITAO - Isang debateng sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae
at lalake
6. SONETO - Binubuo ng labing-apat na taludtod at naghahatid ng aral sa mga
mambabasa.
7. KANTAHING BAYAN O AWITING BAYAN - Isang uri ng tulang liriko na
karaniwang inaawit na may kaalinsabay na gawain. Oral na pagpapahayag ng
damdamin ng mga katutubo. May iba’t ibang uri ang mga ito batay sa
okasyong paggagamitan.
A. Talindaw - awitin sa pamamangka
B. Diona - awitin sa mga kasal at panliligaw
C. Oyayi - awit pampatulog sa mga musmos na anak.
D. Dalit - awit ng pagpupuri at pagpaparangal sa Diyos o
Maykapal.
E. Elehiya - tumatalakay sa damdamin, panaghoy o panangis para
sa alaala ng yumao.
F. Oda - tumutukoy sa papuri o masiglang damdamin. Ito’y walang
bilang ng pantig at saknong.
G. Kumintang - awit ng pakikidigma at pakikibaka
H. Kalusan - awitin matapos ang maghapong pagtratrabaho sa
bukid, o dili kaya’y awit sa pasasalamat sa masaganang ani.
I. Sambotani - awit ng tagumpay
J. Kundiman - awit tungkol sa pag-ibig
9. BALAGTASAN - Pagpapalitan ng katwiran sa anyong patula.

14
10. KARUNUNGANG BAYAN - Mga sinaunang tula na maikli lamang.
A. Salawikain - Mga butil ng karunungan na hango sa karanasan
ng mga matatanda, nagbibigay ng mabuting payo tungkol sa
kagandahang-asal at mga paalala ng mga kaugalian at
karaniwang patalinghaga.
B. Kasabihan - Gumagamit ng pamumuna ng kilos o gawi ng isang
tao. Hindi ito gaanong matalinghaga tulad ng salawikain.
C. Bugtong - Paglalarawan ng bagay na pinahuhulaan. Ito’y
nangangailangan ng mabilisang pag-iisip.
D. Bulong - Ginagamit ng ating mga ninuno bilang pagbibigay
respeto sa mga nilalang na hindi nakikita.
E. Kawikaan - Pahayag na nagmula sa Banal na Kasulatan.
11. KARAGATAN - Tagisan ng husay sa pagtula upang makuha ang
singsing ng prinsesang nahulog sa dagat. Pinangungunahan ang larong ito
ng isang nakatatanda at sinisimulan ang pagpapagalingan sa pagtula sa
pamamagitan ng isang lumbo.
12. DUPLO - Uri ng tulang patnigan na ginagamit sa mga lamay. Tagisan ng
talino at husay sa pagtula. Ang mga pangangatwiran ay hango sa Banal na
Kasulatan, mga salawikain at kasabihan.
13. TUGMAANG PAMBATA - Mga tula/awit na ginagamit ng mga bata sa
kanilang paglalaro
14. HAIKU - Tulang sumikat noong panahon ng hapon na binubuo ng tatlong
taludtod. May 5 – 7 – 5 itong pantig sa bawat taludturan
15. TANAGA - Maikling tula na binubuo ng apat na taludtod na may
pipituhing pantig.
16. SINGKIAN - Binubuo ng limang saknong. Ang una ay isang pangalan.
Ikalawa ay dalawang pang-uri, ikatlo naman ay pandiwa, ikaapat ay
dalawang parirala at panghuli naman ay tungkol muli sa pangalang nasa
unahan.

15
Mga akdang Tuluyan

1. MAIKLING KWENTO - isang anyo ng panitikan na nagtataglay ng maikling


sanaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na bunga ng isang maikling
guni-guni o kathang-isip ng may-akda. Ito ay maaaring batay sa imahinasyon o
sa sariling karanasan ng sumulat na nag-iiwan ng impresyon sa mga bumabasa
o nakikinig sa kwento. Karamihan sa mga maiikling kwento ay maaaring mabasa
at matapos sa loob ng iisang upuan lamang
2. SANAYSAY - Ang sanaysay o essay ay isang akdang nagpapahayag ng
pananaw ng manunulat. Ito ay maaaring magkaroon ng mga elemento tulad
ng  opinyon, kuru-kuro, pagpuna, impormasyon, obserbasyon, ala-ala at
pagmumuni-muni ng isang tao.
May dalawang uri ang Sanaysay
● Pormal – ito ay ang uri ng sanaysay kung saan tinatalakay nito ang mga
seryosong paksa at nangangailangan ng malalim na pang-unawa at masusing
pag-aaral.
● Di-pormal – ito naman ang uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga magaan,
pangkaraniwan, at pang-araw-araw na paksa.

3. NOBELA - Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang


mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon
itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging
istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga
pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may
istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
4. ANEKDOTA - Maikling salaysay ng mga kawili-wili o katangi-tanging
karanasang nagtatampok sa ugali o pagkatao ng isang indibidwal na
kapupulutan ng aral sa buhay.
5. PABULA - Salaysaying hubad sa katotohanan sapagkat mga hayop ang
pangunahing tauhan dito. Layunin nitong imulat ang kaisipan ng mga bata sa

16
mga pangyayaring huhubog sa kanilang asal at kilos.
6. PARABULA - Salaysay na mula sa Banal na Kasulatan na kapupulutan ng
mga gintong aral.
7. KWENTONG BAYAN - Kwentong naglalarawan ng mga tradisyong tulad ng
kaugalian, pananampalataya, karanasan at suliraning panlipunan. Isa itong
magaang pagpuna sa ugaling Pilipino sa paraang kakatwa.
8. ALAMAT - Salaysay tungkol sa pinagmulan ng bagay, lugar o pangyayari ang
mga paksa nito.
9. BALITA - Isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na mga pangyayari sa
lipunan, pamahalaan, industriya at agham, mga sakuna o maging trahedya na
naganap sa loob o labas man ng bansa.

Mga Akdang Patanghal

1. DULA - Ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga


unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na
ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t ibang  kasuotan, iskripto,
karaterisasyon at Internal conflict. Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na
drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga librong
nabasa ko, ang drama ay drama kahit wala ang mgasangkap na nabanggit.-
Sebastian
2. PANULUYAN - Pagsasadula ng paghahanap ng Banal na mag-asawa ng
lugar na pagsisilangan ni Kristo Hesus.
3. SENAKULO - Pagtatanghal ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo.
4. TIBAG - Pagsasadula ng paghahanap nina Sta. Elena at Prinsipe Constantino
sa krus na pinagpakuan kay Hesus. Ginagawa ito tuwing panahon ng mayo.
5. SALUBONG - Dula ng mga paroko ng Katoliko at Aglipay. Ito ang
pagsasadula ng pagsasalubong ng muling nabuhay na Kristo at Birheng Maria
sa umaga ng Linggo ng Muling Pagkabuhay.

17
6. KARILYO - Pagtatanghal gamit ang mga karton bilang tauhan. Mga anino
lamang ang nakikita na pinapatingkad ng mga gamit na ilaw.
7. PANTOMINA -Pagsasadula ng walang anumang dayalogo at puro kilos at
galaw lamang ng tauhan ang makikita.
8. MORO-MORO - Pagtatanghal na nagpapakita ng labanan ng mga Kristiyano
at mga Moro o Muslim.
9. SARSUWELA - Isang anyo ng dulang musikal. Binubuo ito ng mga
pagsasalaysay ng nakasaliw sa mga tugtugin na nilangkapan ng sayaw.
10. MELODRAMA - Sa umpisa ay malungkot ngunit sa katapusan ay nagiging
masaya.
11. KOMEDYA - May layuning pasayahin ang mga manonood.
12. PARSA - Layuning magpasaya sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga
pangyayaring nakakatawa.
13. TRAHEDYA - Binubuo ito ng tunggalian na nagwawakas sa pagkamatay ng
pangunahing tauhan.
14. DESPOSORIO - Ito ay pagsasadula ng pitong sagradong sakramento ng mga
Katoliko na kadalasan ay nagaganap sa bayan ng Hagonoy sa Bulacan
15. MANYANITA - Ito ay ginaganap tuwing hatinggabi bilang salubong sa may
kaarawan na hinahandugan. Ngunit sa ibang bahagi ng lalawigan ng Bulacan,
ang manyanita ay para sa isang yumao. Ginaganap ito sa huling gabi ng
lamay ng namayapa na napupuno ng awitan at paggunita sa yumao.
16. HARANA DE PAMANHIK - Ito ang tradisyunal na panghaharana subalit ito ay
hindi simpleng harana sapagkat ito ay isinasagawa tuwing alas-sais ng gabi
ng buong pamilya ng lalaking na mamanhikan sa pamilya ng kanyang
kasintahan upang hingin ang kamay nito upang maging katipan ng puso.

Pagsasanay
Pangalan: Rina Pauline P. Alburo Marka:__________
Kurso/Seksiyon: BEED 2-A Petsa: 9/29/2021

18
I. Panuto: Mula sa mga salitang nasa loob ng kahon. Pumili ng 10 salita na may
kaugnayan sa Panitikan. Ang mga salitang napili ay gagawan ng sariling
kahulugan ayon sa sariling pagkaunawa.
SAGOT:
1. Alamat- Ito ay nag ke-kwento ng mga pinagmulan ng mga ibat-ibang bagay sa
daigdig. Kadalasan ay ay mga pinagmulan ng mga hayop at halama.
Halimbawa nito ay ang kwentong “Alamat ng Pinya”.
2. Nobela- Ito ay madalas na piksyon at mahabang kwento na mayroong iba’t
ibang taauhan. Ito rin ay binubuo nga mga kabanata.
3. Pabula- ito ay isang akda kung saan ang mga tauhan ay mga hayop.
4. Parabula- Ito ay may layunin na makapagbigay aral sa mga mambabasa.
Kadalasan ang nilalaman nito ay hango sa bibliya.
5. Maikling Kwento- Ito ay nag sasalaysay ng isang maikling kwento hango sa
narinig, nabasa, o mula sa karanasan ng akda. Ito ay nakapah-iiwaan ng
ekspresyon sa mga mambabasaa o naakikinig. Ito ay maaaring matapos sa
isang upuan lamang.
6. Sanaysay- Ito ay paglalahad ng impormasyon sa paraang ikaw ay
nagsasalaysay lamang.
7. Haiku- Ito ay isang tradisyunal na tula ng mga Hapones. Ito ay may bilang na
5,7,7 bawat taludtod. Sa kabuuan, ito ay may 17 na pantig.
8. Epiko- Ito ay tumatalakay sa mga labanan at pakikipagtunggali ng isang tao.
Isinasaylay dito ang pagkabayani ng isang tao.
9. Tanaga- Ito ay isang uri ng Malaya at matalinahagang tula. Ito ay may
pituhang pantig kada taludtod.
10. Dalit- Ito ay isang mahabang tula sapagkat ito ay tulang liriko na tumatalakay
sa relihiyon. Ginagamit ito noong unang panahon upang sumamba sa isang

19
dyos. Naglalaman ito ng 48 na saktong at apat na taludtod,

II Mula sa mga inilahad na uri ng mga akdang patula, tuluyan, at patanghal, pumili ng
tig-iisang uri sa mga nabanggit na mga akda.  Pagkatapos, ilahad mo kung ano ang
naging kontribusyon at kabuluhan ng bawat isang uri sa paghubog ng ating
kamalayan at pagpapahalaga bilang mga Pilipino. (5 puntos ang bawat paglalahad.)
SAGOT:
Nobela. Ang nobela ay pagsasalay sa malikhain na paraan. Para sa akin, nobela ang
may pinakamalaking kontribusyon sa paghubog ng ating kamalayang mga Pilipino.
Kung ating iisipin, nobela din ang ginamit ng ating Pambansang Bayani upang
maging lumawak ang ating kaisipan patungkol sa mga gawain ng mga Espanyol.
Tinutulungan tayo ng mga nobela na maging mulat sa mga nangyayari sa ating
bansa.

Repleksiyon
Pangalan: Rina Pauline P. Alburo Marka:__________
Kurso/Seksiyon: BEED 2-A Petsa: 9/29/2021

Sa gitna ng modernisasiyon, paano mo lalong mahihikayat ang kapwa mo kabataan


na maging mapanuri’t nag-iisip ng kritikal sa pamamagitan ng panitikan?
SAGOT:
Mahihikayat ko ang kapwa ko kabataan na maging mapanuri’t mag-isip ng
kritikal sa pamamagitan ng panitikan kung maipapakita ko sa kanila kung gaano ako
dedikado upang mapahalagahan ang mga panitikan. Unti-unti kong ipapaliwanag sa

20
kanila kung ano ng aba ang kahalagahan nito sa kawili-wiling paraan. Alam ko na
hindi ito magiging madali sapagkat modernisasyon ang aking kalaban. Ngunit, ako
naman ay walang balak na mawalan ng pag-asa. Naniniwala ako na habang ako ay
may isang goal na gusto kong makamit, hindi ako mahahadlangan ng ano o nino
man.

 
TALASANGGUNIAN:
Ramos, Maria S., Atienza, Obdalia L., Nazal, Anita R., Salazar, Lucila A.
    (1984). Panitikang Pilipino: Pangalawang Edisyon. Quezon City
Katha Publishing 
Arrogante, Jose A., et, al. “Panitikang Filipino - Binagong Edisyon 
Pampanahong Elektroniko”, 2010
Barrios, Joi, Lumbera, Bienvenido., et.al, “Paano Magbasa ng
Panitikang Filipino - Mga Babasahing Pangkolehiyo”. 2006.
The  University Press - UP Campus, Diliman, Quezon City 1101
Ramos, Victor c., Bulaong, Maria S., Chua, Geraldine S., “Mga butil na
Hiyas ng Panitikan”. 2007. El Bulakeno Printing House, City 
of Malolos, Bulacan.

21

You might also like