Iskrip Namin
Iskrip Namin
Iskrip Namin
Pistang Pilipino
(Hunyo 26, 2021)
G. Jhun A. Mendoza,
G. Arnold A. Manalo, &
Bb. Izza Jane B. Baldonado
(BSEd III-Filipino)
Izza: Isang mapagpala, at kagila-gilalas na umaga sa ating lahat ngayon ay ating ipinagdiriwang
ang ika-limang taong selebrasyong ng Pistang Pilipino taong 2021 na may temang
Tatlo: “E-Pagdiwang ang Maka-Filipinong Batarisan sa Kabila ng Bagong Kadawyan” ngayong
ika-26 ng Hunyo, vaya zoom at Facebook Live.
Arnold: Bago ang lahat marapat lamang na ang programang itoy simulan natin ng isang
panalagin na sa pamamagitan ng isang bidyo at pangungunahan ni Bb. Eloisa Laredo. Na agad
namang susundan ng pag-awit ng Lupang hinirang at panunumpa sa watawat.
Ako si Bb. Izza Jane Bastida Baldonado, G.Arnold Manalo at G. Jhun Mendoza ang
tagapagpadaloy ng ating programa ngayong umaga.
Jhun: Alam mo G. Arnold at Bb. Izza akoy lubhang nasisiyahan sapagkat sa kabila ng bagong
kadawyan o sa lahat ng nararansan natin sa panahon dulot ng pandemya ay patuloy pa rin nating
ipinagdiriwang ang ating kapistahan.
Arnold : Tunay na pinaghandaan ng bawat pangkat ang mga iba’t ibang patimpalak na inihanda
ng mga opisyales ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino.
Izza: Tama ka G. Arnold sapagkat kitang-kita ang maka-Filipino Batarisan o pagbabayanihan ng
bawat grupo upang maisakatuparan ang kapistahang ito. Katulad mo G. Jhun at G. Arnold akoy
lubhang nagagalak dahil sa abilidad , talento at katalinuhan ng bawat isang mag-aaral.
Jhun: Sa puntong ito ay malugod naming inaanyayahan ang tagapayo ng Samfil walang iba
kundi si Bb. Joan F. Politico. Para sa pambungad na pananalita. Bigyan natin siya ng
masigabong palakpakan.
Arnold: Maraming salamat po Bb. Joan Politico sa napakagandang mensahe na inyong inihandog
para sa pagdiriwang ng kapistahang ito.
Jhun: Dahil sa angking galing sa pag-awit hahandugan tayo ni Bb. Aj Dianne Layesa.nagmula
sa mag-aaral ng BSED Filpino III.
Jhun: Tunay na napakatalentado talaga ng mga mag-aaral ng Mindoro State University.
Maraming salamat Bb. Aj Dianne Layesa sa napakagandang awitin na iyong iihandog sa amin.
Arnold: Sa puntong ito ay hayaan nyong ipakilala ni Bb. Izza ang huwaran at mahusay na
tagapagsalita ngayong umaga.
Pagpapakilala sa Tagapagsalita
Kilalang masigasig at mahusay na guro sa asignaturang Filipino, isang batikang guro sa larangan
ng pamamahayag, kasalukyang Dalubguro II sa paaralang Leuteboro National High School at nagtapos
ng Masteral at Doctoral Degree sa Filipino University of Batangas.
Siya ay ipinanganak noong Enero 19, 1977, sa Maligaya, Gloria, Oriental Mindoro. Nagtapos
siya ng elementarya sa Gloria Central School, ng sekondarya sa paaralang Bulbugan National High
School at ng kolehiyo sa Abada College. Mula nang maging isang ganap na guro, napakaraming parangal
na ang kaniyang natanggap at napatunayang galing at husay sa pinasok na propesyon. Bilang patunay ng
kaniyang husay sa larangan ng pamamahayag, siya ay kasalukyang tagapayo nang labing siyam (19) na
taon ng samahang campus journalism. Ginawaran rin siya bilang World Outstanding Teacher of the Year
noong nakaraang Marso 7 taong kasalukuyan sa World Education Leaders Summit and Awards mula sa
WELSA.
Mula sa kaniyang mga naging estudyante, tunay na siya’y isang ehemplo sa pagiging isang
determinado, masipag at may puso sa pagiging isang guro. Tunay niya itong pinagyaman sa
napakaraming taon ng kaniyang pagiging ganap na tagapagpatuto sa mga mag-aaral. Marami ng buhay ng
estudyante ang kaniyang nabago, hinubog at ginawang matagumpay sa iba’t ibang larangang pinasok ng
mga ito.
Ngayon, salubungin natin ng masigabong palapak nang may galak, ang gurong nagpakita ng
husay sa larangan ng pagtuturo ng asignaturang Filipino at larangan ng pamamahayag at kasalukyang
Dalubguro II sa paaralang Leuteboro National High School. Ang ating magsisilbing tagapasalita sa
umagang ito, walang iba kundi si Bb. Flordeliza R. Ortal. Isang mapagpalang umaga po!
PAGEANT
Arnold: Muli magandang hapon sa ating lahat ngayon ay ating masasaksihan ang kagandahan at
kakisigan ng Lakan at Lakambini ng bawat Pangkat.
Izza: Tunay na akoy nagagalak at nanabik na G. Arnold dahil talaga namang pinaghandaan ng bawat
grupo ang kani-kanilang mga panlaban.
Kahel: owoahhhhhhhhhhh
Luntian: AWOAAAHAHHAHHAHAHH
Kayumanggi: AWOAAAAAHAHAHHAHHA
Izza : A