Filipino 8 Q4 Week 6 - FLORANTE - BULAKLAK KONG BUGTONG

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Pangalan: ______________________________________________ Petsa:_____________

Baitang at Pangkat: ____________________________________ Iskor:_____________

Filipino 8
Ikaapat na Markahan
Ikaanim na Linggo

Aralin FLORANTE – BULAKLAK KONG BUGTONG


ANG PAGPAPALAKI SA ANAK

6
NAHUBDAN NG BALAKTKAYO
DALAWANG TRAHEDYA
MGA TAGUBILIN

MELCs: Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat. (F8WG - IVf-g-38)
Nakasusulat nang sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung
pinapaksa ng binasa. (F8PU-IVf-g-38)
Susing Konsepto

FLORANTE – BULAKLAK KONG BUGTONG


(Saknong 172 -187)

Ang alaala ng nakaraan ng isang tao kahit na malungkot ay


nakakapagpaligaya rin sa kanya kapag ito ay namamayani sa kanyang puso at
isipan. Ganito ang mga inilarawan ng mga saknong 1-22, ang pag-aalay kay
SELYA ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar.

172   Tugon ng may dusa'y 'di lamang ang mula


niring dalita ko ang isasalita,
kundi sampung buhay sapul pagkabata,
nang maganapan ko ang hingi mo't nasa.
nag – agapay –
173   Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy nagtabi
saka sinalitang luha'y bumabalong, lipos – linggatong –
ang may dalang habag at lipos linggatong, gulong – gulo ang isip
buong naging buhay hanggang naparool. naparool - napasama

174   Sa isang dukado ng Albanyang S'yudad,


doon ko nakita ang unang liwanag;
yaring katauha'y utang kong tinanggap
sa Duke Briseo. Ay, ama kong liyag!

175   Ngayo'y nariyan ka sa payapang bayan,


sa harap ng aking inang minamahal,
Prinsesa Florescang esposa mong hirang,
tanggap ang luha kong sa mata'y nunukal.

1
176   Bakit naging tao ako sa Albanya,
bayan ng ama ko, at 'di sa Krotona,
masayang Siyudad na lupa ni ina?
disin ang buhay ko'y 'di lubhang nagdusa.

177   Ang dukeng ama ko'y pribadong tanungan


ng Haring Linceo sa anumang bagay; hilagyuang – tungo –
pangalawang puno sa sangkaharian, puntahang kamag –
hilagyuang-tungo ng sugo ng bayan. anak

178   Kung sa kabaita'y uliran ng lahat


at sa katapanga'y pang-ulo sa s'yudad;
walang kasindunong magmahal sa anak,
umakay, magturo sa gagawing dapat.

179   Naririnig ko pa halos hanggang ngayon,


palayaw na tawag ng ama kong poon,
noong ako'y batang kinakandung-kandong,
taguring Floranteng bulaklak kong bugtong.

180   Ito ang ngalan ko mula ng pagkabata,


nagisnan sa ama't inang nag-andukha;
ambil - bukambibig
pamagat na ambil na lumuha-luha
at kayakap-yakap ng madlang dalita.

181   Buong kamusmusa'y 'di na sasalitin,


walang may halagang nangyari sa akin, daragitin – mabilis
kundi nang sanggol pa'y kusang daragitin kung tangayin ng
ng isang Buwitreng ibong sakdal sakim. isang ibong lumilipad

182   Ang sabi ni ina ako'y natutulog


sa bahay na kintang malapit sa bundok;
pumasok ang ibong pang-amo'y ay abot
hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.

183   Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya,


nasok ang pinsang kong sa Epiro mula;
ngala'y Menalipo , may taglay na pana
tinudla ang ibo't namatay na bigla.

184   Isang araw namang bagong lumalakad,


noo'y naglalaro sa gitna ng salas, sinambilat -
may nasok na Arko't biglang sinambilat sinunggaban
Kupidong d'yamanteng sa dibdib ko'y hiyas.

2
185   Nang tumuntong ako sa siyam na taon,
palaging gawa ko'y mag-aliw sa burol; sakbat – pagdala nang
sakbat ang palaso't ang busog ay kalong, nakasampay sa
pumatay ng hayop, mamana ng ibon. balikat

186   Sa tuwing umagang bagong naglalatag


ang anak ng araw ng masayang sinag,
naglilibang ako sa tabi ng gubat,
madla ang kaakbay na mga alagad.

187   Hanggang sa tingal-in ng sandaigdigan


ang mukha ni Pebong hindi matitigan
ay sinasagap ko ang kaligayahang
handog niyong hindi maramot na parang.

Susing Konsepto

ANG PAGPAPALAKI SA ANAK


(Saknong Bilang 188 - 205)

Sa puntong ito, binanggit ni Balagtas ang maling pagpapalayaw sa anak. Ang


hindi mabuting ugaling ito sy hindi tumutugon sa paghahanda sa mga kabataan
na maging pag – asa ng bayan. Ito ang dahilan kung bakit nais nina Duke
Briseo at Prinsesa Floresca na pag – aralin si Florante sa Atenas. Nais nilang
matutong tumayo ang anak sa kanyang paa na hindi umaasa sa mga magulang.

188   Aking tinitipon ang ikinakalat


na masayang bango ng mga bulaklak, inaaglahi –
inaaglahi ko ang laruang palad, hinahamak
mahinhing amiha't ibong lumilipad.

189   Kung ako'y mayroong matanaw na hayop


sa tinitingalang malapit na bundok,
tudla - asinta
biglang ibibinit ang pana sa busog,
sa minsang tudla ko'y pilit matutuhog.

190   Tanang samang lingkod ay nag-aagawan,


unang makarampot ng aking napatay;
ang tinik sa dawag ay 'di dinaramdam,
palibhasa'y tuwa ang nakaaakay,
sinuling – suling –
191   Sukat maingaya sinumang manood
nilibut – libot
sa sinuling-suling ng sama kong lingkod;
tumok – kakapalan ng
at kung masunduan ang bangkay ng hayop,
tubo ng mga damo
ingay ng hiyawan sa loob ng tumok.
3
192   Ang laruang busog ay kung pagsawaan,
uupo sa tabi ng matuling bukal;
at mananalamin sa linaw ng kristal,
sasagap ng lamig na iniaalay.

193   Dito'y mawiwili sa mahinhing tinig


ng nangagsasayang Nayades1 sa batis;
taginting ng lira2 katono ng awit
mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib.

194   Sa tamis ng tinig na kahalak-halak


ng nag-aawitang masasayang Ninfas3, kahalak – halak –
naaanyayahan sampung lumilipad malakas, mataginting
sari-saring ibong agawan ng dilag.

195   Kaya nga't sa sanga ng kahoy na duklay,


duklay – abot ng
sa mahal na batis4 na iginagalang
kamay sa isang bagay
ng bulag na hentil ay nagluluksuhan,
upang pababain
ibo'y nakikinig ng pag-aawitan.

196   Aanhin kong saysayin ang tinamong tuwa


ng kabataan ko'y malawig na lubha;
pag-ibig ni ama'y siyang naging mula,
lisanin ko yaong gubat na payapa.

197   Pag-ibig anaki'y aking nakilala,


'di dapat palakihin ang bata sa saya;
hihinting - hihintayin
at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.

198   Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis,


namamaya'y sukat tibayan ang dibdib;
lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis ...
anong ilalaban sa dahas ng sakit?

199   Ang taong magawi sa ligaya't aliw,


mahina ang puso't lubhang maramdamin; hilahil - kalungkutan
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratni'y 'di na matutuhang bathin.

1
Nayades – Mga Ninfa sa mg abatis at ilog; sinasamba ng mga Hentil na
kabilang sa liping Pagano
2
Lira – Maaaring ito’y kudyapi, alpa o bigwela; ipinansasaliw ng mga Ninfa at
Musa sa kanilang pag - awit
3
Ninfas – Mga diyosa sa tubig; kaaliw – aliw ang kanilang mga lira
4
Mahal na Batis – Dito nananahan ang mga Nayades; itinuturing na sagrado
o banal at mapaniwalang mga Hentil. 4
200   Para ng halamang lumaki sa tubig,
daho'y nalalanta munting 'di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init;
gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig.

201   Munting kahirapa'y mamalakhing dala,


dibdib palibhasa'y 'di gawing magbata,
ay bago sa mundo'y walang kisapmata,
ang tao'y mayroong sukat ipagdusa.

202   Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad


sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.

203   Sa taguring bunso't likong pagmamahal,


ang isinasama ng bata'y nunukal;
ang iba'y marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.

204   Ang lahat ng ito'y kay amang talastas,


kaya nga ang luha ni ina'y hinamak;
at ipinadala ako sa Atenas —
bulag na isip ko'y nang doon mamulat.

205   Pag-aaral sa akin ay ipinatungkol


sa isang mabait, maestrong marunong;
lahi ni Pitaco5 — ngala'y si Antenor —
lumbay ko'y sabihin nang dumating doon.

5
Pitaco – Isa siya sa pitong pantas ng Gresya.

5
Susing Konsepto

NAHUBDAN NG BALATKAYO
(Saknong Bilang 206 – 223)

Ang bahaging ito ay mababatid na ang lahat ng ipinakita ni Adolfo ay taliwas sa


kanyang tunay na ugali. Ang kabutihang ipinakita niya ay nahubdan lalo nang
ang maraming pumupuri kay Florante.

206
"May sambuwan halos na di nakakain,
luha sa mata ko'y di mapigil-pigil, bunyi – bantog
nguni't napayapa sa laging pag-aliw
ng bunying maestrong may kupkop sa akin.

207
"Sa dinatnan doong madlang nag-aaral
kaparis kong bata't kabaguntauhan, kabaguntauhan -
isa'y si Adolfong aking kababayan, kabinaataan
anak niyong Konde Silenong marangal.

208
"Ang kaniyang tao'y labis ng dalawa
sa dala kong edad na lalabing-isa;
siyang pinopoon ng buong eskwela,
marunong sa lahat na magkakasama.

209
"Mahinhin ang asal na hindi magaso
at kung lumakad pa'y palaging patungo magaso - magaslaw
mabining mangusap at walang katalo,
lapastanganin ma'y hindi nabubuyo.

210
"Anupa't sa bait ay siyang huwaran
ng nagkakatipong nagsisipag-aral; huwaran - modelo
sa gawa at wika'y di mahuhulihan
ng munting panira sa magandang asal.

211
"Ni ang katalasan ng aming maestro
at pagkabihasa sa lakad ng mundo
ay hindi natarok ang lihim at tungo
ng pusong malihim nitong si Adolfo.

6
212
"Akong pagkabata'y ang kinamulatan
kay ama'y ang bait na di paimbabaw,
yaong namumunga ng kaligayahan,
nanakay sa pusong suyui’t igalang.

213
Sa pinagtatahakan ng buong esk’wela
Bait ni Adolfong ipinakikita,
Di ko malasapan ang haing ligaya
Ng magandang asal ng ama ko’t ina.

214
"Puso ko'y ninilag na siya'y giliwin,
nanilag – nag – iingat
aywan nga kung bait at naririmarim;
naririmarim- nandidiri,
si Adolfo nama'y gayundin sa akin,
nasusuklam
nararamdaman ko kahit lubhang lihim.

215
"Araw ay natakbo at ang kabataan
sa pag-aaral ko sa aki'y nananaw;
bait ko'y luminis at ang karunungan,
ang bulag kong isip ay kusang dinamtan.

216
"Natarok ang lalim ng pilosopiya,
aking natutuhan ang astrolohiya,
natantong malinis ang kataka-taka
at mayamang dunong ng matematika.

217
"Sa loob ng anim na taong lumakad,
itong tatlong dunong ay aking nayakap; nagsipanggilalas -
tanang kasama ko'y nagsipanggilalas, nagsimulan
sampu ng maestrong tuwa'y dili hamak.

218
"Ang pagkatuto ko anaki'y himala,
sampu ni Adolfong naiwan sa gitna;
maingay na Pamang6 tagapamalita,
sa buong Atenas ay gumala-gala.

6
Pama – Ito ang diyosang nag -aangkin ng mataginting na tinig na kung magbalita’y
agad umaabot sa maraming panig. Ito ay naglalathala ng balak gawin ng tao at
pinakasasamba ng mga Hentil.
7
.

219
"Kaya nga at ako ang naging hantungan,
tungo ng salita ng tao sa bayan;
nakatalas - nakaalam
mulang bata't hanggang katanda-tandaan
ay nakatalastas ng aking pangalan.

220
"Dito na nahubdan ang kababayan ko
ng hiram na bait na binalatkayo; binalatkayo -
kahinhinang-asal na pakitang-tao, nagpanggap
nakilalang hindi bukal kay Adolfo.

221
"Natanto ng lahat na kaya nanamit
niyong kabaitang di taglay sa dibdib
ay nang maragdag pa sa talas ng isip
itong kapurihang mahinhi't mabait.

222
"Ang lihim na ito'y kaya nahalata,
dumating ang araw ng pagkakatuwa; minunakala -
kaming nag-aaral baguntao't bata, isinagawa
sarisaring laro ang minunakala.

223
"Minulan ang gali sa pagsasayawan,
ayon sa musika't awit na saliwan;
larong buno't arnis na kinakitaan
na kani-kaniyang liksi't karunungan.

Susing Konsepto
DALAWANG TRAHEDYA
(Saknong Bilang 224 – 241)

Sa puntong ito, matutuklasan na hindi puno ng kasiyahan ang buhay.


Nakipagsapalaran si Florante habang tinutuklas ang kinakailangang dunong,
dumanas siya ng mga pagsubok. Naranasan niya ang hirap nang mawalay sa
pamilya at ang makisama sa ibang tao.

224
"Saka inilabas namin ang trahedya
ng dalawang apo ng tunay na ina
at mga kapatid ng nag-iwing amang

8
anak at esposo ng Reyna Yocasta2.

225
"Papel ni Eteocles ang naging tungkol ko
at si Polinice nama'y kay Adolfo;
isang kaeswela'y siyang nag-Adrasto3
at ang nag-Yocasta'y bunying si Minandro.

226
"Ano'y nang mumulan ang unang batalya
ay ang aming papel ang nagkakabaka,
nang dapat sabihing ako'y kumilala't batalya - labanan
siya'y kapatid kong kay Edipong7 bunga.

227
"Nanlisik ang mata'y ang ipinagsaysay nanlisik – pandidilat ng
ay hindi ang ditsong nasa orihinal, mata na may galit
kundi ang winika'y 'Ikaw na umagaw ditso – bahaging sasalitin
ng kapurihan ko'y dapat kang mamatay!' ng isang gumaganap sa
trahedya
228
"Hinanduolong ako, sabay nitong wika,
ng patalim niyang pamatay na handa, hinadulong – mabilis
dangan nakaiwas ako'y nabulagta na nilusob
sa tatlong mariing binitiwang taga.

229
"Ako'y napahiga sa inilag-ilag,
sinabayang bigla ng tagang malakas;
(salamat sa iyo, O Minandrong liyag,
kundi ang liksi mo, buhay ko'y nautas!)

230
"Nasalag ang dagok na kamatayan ko,
lumipad ang tanging kalis ni Adolfo; nasalag - nasangga
siyang pagpagitan ng aming maestro
at nawalang-diwang kasama't katoto.

231
"Anupa't natapos yaong katuwaan
sa pangingilabot at kapighatian;
si Adolfo'y di na namin nabukasan,
noon di'y nahatid sa Albanyang bayan.

7
Edipo – Anak na tunany ng Haring Layo ng Tebas at Reyna Yokasta. Sapagkat ayon sa
Orakulo ni Apolo ay ang sanggol na si Edipo na sa paglaki ay siyang papatay sa sariling ama.
9
232
"Naging santaon pa ako sa Atenas,
hinintay ang loob ng ama kong liyag; kamandag - lason
sa aba ko't noo'y tumanggap ng sulat
na ang balang letra'y iwang may kamandag.

233
"Gunamgunam na di napagod humapis,
di ka naianod ng luhang mabilis;
iyong ginugulo ang bait ko't isip
at di mo payagang payapa ang dibdib!

234
"(Kamandag kang lagak niyong kamatayan
ng sintang ina ko'y di nagpakundangan; nagpakundangan -
sinasariwa mo ang sugat na lalang gumalang
na aking tinanggap na palasong liham!)

235
"(Tutulungan kita ngayong magpalala
ng hapdi sa pusong di ko maapula; maapula – masupil,
namatay si ina'y laking dalita, mapigil
ito sa buhay ko ang unang umiwa.)

236
"Patay na dinampot sa aking pagbasa
niyong letrang titik ng bikig na pluma;
diyata, ama ko, at nakasulat ka
ng pamatid-buhay sa anak na sinta!

237
"May dalawang oras na nakamalay
ng pagkatao ko't ng kinalalagyan;
dangan sa kalinga ng kasamang tanan
ay di mo na ako nakasalitaan.

238
"Nang mahimasmasa'y narito ang sakit,
dalawa kong mata'y naging parang batis; mahimasmasan -
at ang Ay! ay, ina! kung kaya napatid matauhan
ay nakalimutan ang paghingang gipit.

239
"Sa panahong yao'y ang buo kong damdam
ay nanaw sa akin ang sandaigdigan;
nag-iisa ako sa gitna ng lumbay
ang kinakabaka'y sarili kong buhay.

10
240
"Hinamak ng aking pighating mabangis
ang sa maestro kong pang-aliw na boses; nakaawas –
ni ang luhang tulong ng samang may hapis nakabawas, nakaalis
ay di nakaawas sa pasan kong sakit.

241
"Baras na matuwid ay nilapastangan
ng lubhang marahas na kapighatian; baras - tranka
at sa isang titig ng palalong lumbay,
diwa'y lumipad, niring katiisan.

Susing Konsepto

242
"Anupa't sa bangis ng dusang bumugso,
minamasarap kong mutok yaring puso; mutok – himutok,
at nang ang kamandag na nakapupuno, sama ng loob
sumamang dumaloy sa agos ng dugo.
243
"May dalawang buwang hindi nakatikim
ako ng linamnam ng payapa't aliw;
ikalawang sulat ni ama'y dumating,
sampu ng sasakyang sumundo sa akin.

244
"Saad sa kalatas ay biglang lumuhan
at ako'y umuwi sa Albanyang bayan;
kalatas - sulat
sa aking maestrong nang nagpapaalam,
aniya'y 'Florante, bilin ko'y tandaan.

245
"Huwag malilingat at pag-ingatan mo
ang higanting handa ni Konde Adolfo; malilingat -
pailag-ilagang parang basilisko8, magpapabaya
sukat na ang titig na matay sa iyo.

246
"Kung ang isalubong sa iyong pagdating
ay masayang mukha't may pakitang-giliw,
lalong pag-ingata't kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.

8
Basilisko – Isang halimaw na ayon sa alamat ay may mukhang kahawig ng sa butiki;
11
umano , ang hininga at ang mga kislap ng mata nito ay nakamamatay.
247
"Dapuwa't huwag kang magpapahalata,
tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa;
ang sasandatahi'y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma.'

248
"Nang mawika ito, luha'y bumalisbis
at ako'y niyakap na pagkahigpit-higpit; bumalisbis - umagos
huling tagubilin: 'bunso'y katitiis
at hinihintay ka ng maraming sakit.

249
"At mumulan mo na ang pakikilaban
sa mundong bayaning punong kaliluhan.'
hindi na natapos at sa kalumbayan,
pinigil ang dila niyang nagsasaysay.

250
"Nagkabitiw kaming malumbay kapuwa,
tanang kaeskwela--mata'y lumuluha;
si Minandro'y labis ang pagdaralita,
palibhasa'y tapat na kapuwa bata.

251
"Sa pagkakalapat ng balikat namin,
ang mutyang katoto'y di bumitiw-bitiw katoto – kaibigan
hanggang tinulutang sumama sa akin tinulutan - pinayagan
ng aming maestrong kaniyang amain.

252
"Yaong paalama'y anupa't natapos
sa pagsasaliwan ng madlang himutok; himutok – matinding
at sa kaingaya't gulo ng adiyos, kalungkutan
ang buntunghininga ay nakikisagot.

253
"Magpahanggang daong ay nagsipatnubay
ang aking maestro't kasamang iiwan;
umihip ang hangi't agad nahiwalay
sa Pasig Atenas ang aming sasakyan."

254
"Bininit sa busog ang siyang katulad bininit – pagkawala ng
ng tulin ng aming daong sa paglayag, palaso o sibat
kaya di naglaon paa ko'y yumapak paglayag – paglalakbay
sa dalampasigan ng Albanya Syudad. sa dagat

12
255
"Pag-ahon ko'y agad nagtuloy sa Kinta,
di humihiwalay katotong sinta; kinta – bahay
paghalik sa kamay ng poon kong ama, bakasyunan
lumala ang sakit nang dahil kay ina.

256
"Nagdurugong muli ang sugat ng puso,
humigit sa una ang dusang bumugso; bumugso – biglang
nawikang kasunod ng luhang tumulo: bumubuhos
Ay, Ama! kasabay ng bating Ay, bunso.

ALAM MO BA NA…

Sa panghihikayat ay maari nating mabago ang isipan, damdamin, o kilos


ng isang tao. Ilan sa mga salitang nanghihikayat ang:

(1) Kung ako sa iyo…


(2) Mas makabubuti kung…
(3) Mas nararapat…
(4) At iba pa

Gamit ang mga salitang nanghihikayat, magagawa natin ang mga


sumusunod:
a. Mapaniwala ang tagapakinig o tagabasa
b. Mapagtibay ang isang katotohanang pinaniniwalaan
c. Mapakilos ang tagapakinig o tagabasa

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

Mga Pagsasanay:

Gawain1
Panuto:Kilalanin at salungguhitan ang mga pahayag o salitang nanghihikayat
sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Tunay na buhay pa rin ang bayanihan sa bansang Pilipinas.


2. Malalampasan ang pandemnya kung tulong-tulong, siguradong tagumpay
tayo.
3. Makiisa sa bawat programa ng pamahalaan, tara na kaibigan!
4. Ngayon na ang tamang panahon upang ipakita ang pagdadamayan.
5. 'Anumang magagawa ngayon, gawin na, ngayon na hindi bukas!

13
Gawain 2
Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga salitang
nakapanghihikayat. Isulat ito sa mga kahon sa ibaba. Isipin mong isa kang
guidance counselor. Paano mo mahihikayat ang isang tinedyer na piliin ang
pangangailangan kaysa mga bagay na gusto lamang.

Gawain 3
Panuto: Pumili ng isa sa mga paksang binasa mo. Mula rito, bumuo ng isang
talumpating nanghihikayat upang maging matatag sa hamon ng buhay. Isulat
ito sa sagutang papel.
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Maalinaw ang mensahe at hindi maligoy
Organisado at may kaisahan
Gumamit ng salitang nanghihikayat sa
kabataan at magulang
LEYENDA
5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang di- mahusay
3 – Katamtamang Husay

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ito sa sagutang
papel.
1. Ilahad ang naging damdamin ni Florante nang siya'y dumating sa Atenas.
Paano niya Ito ipinaglaban?
2. Mayroon din bang Adolfong dumating sa iyong buhay? Paano mo siya
pinakitunguhan pagkatapos ng lahat?
3. Kung ikaw si Florante, ano ang iyong gagawin Kay Adolfo pagkatapos ka
niyang pagtangkaang patayin?
4. Bakit kailangang maging matatag ang isang tao sa pagharap sa mga
hapon ng buhay?
5. Ano ang kahalagahang naidudulot ng paggamit nang wasto sa mga
salitang nanghihikayat sa pagbuo ng isang akdang pampanitikan?
14
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Tunay na…
2. Kung tuloy – tuloy …
3. Tara na…
4. Ngayon na…
5. Ngayon na…

Gawain 2
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 3
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Mga Gabay na Tanong:


Sariling sagot ng mga mag-aaral.

15
Sanggunian

Banghay Aralin sa Filipino Grade 8


K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020
Dayag, Alma M. et al. (2015) Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Publishing House,
Inc. Quezon City
Amog, M. at Pagoso, N. Obra Maestra II (Florante at Laura). Quezon City:Rex
Book Store, 2009.
Kabanata 14: Ang Kabataan ni Florante | Philippines: KapitBisig.com
https:// brainanswerph.com/filipino/question11016986

Inihanda ni:

RIZALYN C. LOMIO, SHS Guro II

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:

MAGDALENA B. MORALES, Tagamasid Pansangay -Filipino

Sinuri ni:

MAGDALENA B. MORALES, Tagamasid Pansangay -Filipino

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: [email protected]

17

You might also like