Module 1-2 Fili 117

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mary Grace Y.

Paracha BSED-Filipino III


Maikling Kwento at Nobelang Filipino (FILI117)
Module 1-2
Michael P. Argonillo, LPT, MAED

Assessment
Pagkatapos basahin ang unit content at sagutan ang activities. Ibigay
pagkakatulad at kaibahan ng maikling kwento sa Nobela ayon sa naintindihan. Gawing
gabay ang Venn diagram. Gawin ito sa iyong sariling papel.

Maikling Kwento Nobela

-Maikling san aysay -Mahabang kwentong

-Mababasa sa isang tagpuan -May tema fiction na binubuo ng kabanata.

-Madalas isa o ilang tauhan -Nangangailangan -Binubuo ng maraming tauhan.

-Nagpapakita ng makabuluhang ng kasukdulan -Isang masining na pagsasalaysay

bahagi ng buhay ng tao. -Nag-iiwan ng aral -Isang mahanamg likhang sining

-Tinatalakay ang mga piling sa mga mambaba- na nagpapakita ng mga pang-

mga tauhan sa yayaring pinagdikit sa pamama-

-Bihira ang kilos o aksyon gitan ng balangkas.


Assignment
Sa inyong sariling papel, maghanap at isulat ang tig-tatlong (3) halibawa ng
maikling kwento at buod ng nobelang Filipino.

Maikling Kwento (buod)


1. Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko
Mayaman at komportableng pamumuhay ang kinalakihan ni Stella, ang nag-iisang
anak ng mag-asawang Don Manuel at Señora Faustina. Ngunit ni minsan ay hindi
inabuso ng dalaga ang pagiging anak-mayaman niya.
Sa katunayan, ibang-iba si Stella at malapit ang loob nito sa mga bata sa bahay-
ampunan. Isang araw, ikinuwento niya sa dalawang kaibigan ang totoong dahilan kung
bakit ganun niya ka mahal ang mga bata.

2. Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas


Palagi na lang ang lumang sapatos ang sinusuot ni Kulas kahit binibilhan naman
siya ng bago ng ina niya. Kahit hindi sila mayaman, ibinibigay ng mag-asawang Julio at
Vina Cruz ang kailangan ng mga anak nila.
Subalit, hindi alam ng mag-asawa na may ginagawa pala ang anak nilang si
Kulas kung kaya’t palaging lumang sapatos ang suot nito.

3 .Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas


Parang magkapatid na sina Lino at Tomas. Sabay silang lumaki at lagi ring
nagtutulongan lalong-lalo na sa mga gawain sa paaralan at pangangailangan. Subalit,
isang insidente ang nagbago sa masayahing si Tomas.
Hindi inakala ni Lino na lubos na naapektuhan ang kaibigan sa nangyari sa mga
magulang niya. Naging abala rin siya sa buhay niya hanggang sa isang araw ay
nagising siya sa balita na nagdulot ng maraming panghihinayang sa kanya.

Nobela (buod)

1. TITSER
ni: Liwayway A. Arceo

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang


Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo
sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng
dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may
"titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala
na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa
kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si
Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero
na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng
kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa
pampublikong paaralan.
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang
Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo
sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng
dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may
"titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala
na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa
kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si
Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero
na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng
kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa
pampublikong paaralan.

Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na


nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot
sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na
nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang
kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na
lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa
probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at
magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na
plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si
Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan
sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.

Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak


ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong
manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng
hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa
pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya
ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata.
Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking
pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at
Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang
nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw.
Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't
anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan
ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa
kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala
ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit
di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni
Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang
bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang
mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-
asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na
anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.
2. El Filibusterismo
Ni: Jose Rizal

Labintatlong taon na matapos ang pagkamatay ni Sisa at Elias.

Isang bapor na nangangalang Bapor Tabo na naglalakbay sa pagitan ng


Maynila at Laguna. Nakasakay ang mag-aalahas na si Simoun, Basillo, at Isagani.
Si Basillo ay nakarating sa San Diego upang dalawin ang yumao niyang ina sa
libingan ng mga Ibarra. Di-inaasahang nagkita niya si Simoun na nakilalang si
Crisostomo Ibarra na ngayon nagkunwari.
Tinangka ni Ibarra na patayin si Basillo ngunit nagdesisyon siya na samahin si
Basillo sa layuning maghiganti sa mga Kastilla. Tinanggihan ng binata nang dahil nais
niyang makatapos sa pag-aaral.

Ang mga mag-aaral na Pilipino ay samantalang naghain sa isang kahilingan na


itatag ang isang Akademiya ng Wikang Kastila ngunit hindi ipinagtibay nang dahil sa
pamamahala ng mga pari.

Nagkita muli si Simoun at Basillo at muling inalok nga magkaisa sa paghimagsik


sa Sta. Clara para agawin si Maria Clara ngunit binawian ng buhay ang dalaga
maghapon.

Samantala, ang mga mag-aaral ay pumunta sa isang salu-salo sa Panciteria


Macanista de Buen Gusto upang magtalumpati laban sa mga pari na hindi ipinagtibay
ang pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.

Ang unibersidad, kinabukasan ay natagpuan na may mga paskin na naglalaman


ng paghihimagsik. Dahil dito ay ibinintang ito sa mga nagtalumpati na mag-aaral at
nadamay si Basillo.

Tuluyan ng nilapitan ng kanyang kasintahang si Juli upang ipalaya ang binata.


Pinilit din siya ni Hermana Bali sa kadahilanang ang pari ay nag-iisang maaring lapitan.

Napawalang-sala ang mga mag-aaral nang kanilang nilakad ng mga kamag-


anak nila maliban kay Basillo na wala siyang kamag-anak.

Nagpakamatay si Juli dahil naisagawa ni Padre Camorra ang panghahalay sa


kanya.

Nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghiganti sa pamamagitan ng


pakikipagsanib niya sa negosyo ni Don Timoeo Pelaez, ang ama ni Juanito, na
ipinagkasundo na ipakasal kay Paulita Gomez, na ang ninong ay ang Kapitan Heneral.

Nakalaya si Basillo makalipas ng dalawang buwan sa tulong ni Simoun.


Tinanggap ni Basillo ang alok ni Simoun nang dahil sa pangyayaring ito at ang
pagkamatay ni Juli.
Ipinakita ni Simoun ang lamparang granada na itanim niya bilang handog sa
kasal ni Juanito at Paulita na king itataas ang apoy matapos malabo ng dalawampung
minuto ay magpuputok ng malaki bilang senyas na magsisimula na ang paghihimagsik

Sa araw ng kasal ay nasimula na nila ang plano. Nakita ni Basillo si Isagani na


dating kasintahan ni Paulita Gomez. Ipinagtapat ni Basillo ang plano kay Isagani at
binalaang umalis para hindi na madamay.

Nang iniutos ng Kapitan Heneral na pataasin ang mitsa ng lampara kay Padre
Irene, biglang inagaw ni Isagani at inihagis ang lampara sa ilog.

Nabigo ang balak ni Simoun kaya pumunta siya sa bahay ni Padre Florentino.

Uminom siya ng lason at ipinagtapat niya ang buong katauhan sa pari para hindi
na siya aabuting buhay. Namatay si Simoun pagkatapos nangungumpisal. Itinapon ni
Padre Florentino ang naiwang alahas ni Simoum.

3. Noli Me Tangere
Ni: Jose Rizal

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay bumalik sa Pilipinas pagkatapos ng


pitong taong pag-aaral niya sa Europa. Naghandog ng piging si Kapitan Tiyago sa
dahilang ito na kung saan inanyayahan niya ang ilang sikat na tao sa kanilang lugar.
Nahamak si Ibarra ni Padre Damaso sa piging ngunit nagpaalam ng magalang
niya ang pari dahil may mahalaga siyang lakarin.

May magandang kasintahan si Ibarra na si Maria Clara na anak-anakan ni


Kapitan Tiyago at ang dahilan kung bakit dalawin niya pagkatapos ng piging.

Muling binasa ni Maria ang mga lumang liham ni Ibarra bago siya mag-aral sa
Europa habang inalala nila ang kanilang pagmamahalan.

Bago umuwi si Ibarra ay nakita niya si Tinyente Guevarra na nagpahayag na


namatay na noong isang taon ang ama ni Ibarra na si Don Rafael Ibarra.

Sabi ng Tinyente na inakusahan ang don ni Padre Damaso na erehe (taong hindi


sumunod sa utos ng Simbahan) at pilibustero (taong sumasalungat sa utos ng
pamahalaan) dahil hindi umano nagsisimba at nangunumpisal. Ngunit ayon sa
Tinyente, nagsimula ito nang ipagtangoll ng don ang isang bata sa kamay ng isang
maniningil na hindi sinadyang nabagok ang ulo kaya namatay.
Nakakulong umanoy si Don Rafael habang may imbestigasyon ukol sa insidente ngunit
ang mga kaaway niya ay gumawa nga mga kung anuano para ipahiya ang Don.

Nagkasakit ang Don at namatay dahil sa naapektuhan siya sa mga pangyayari.

Ang padre ay hindi nakuntento at ipinahukay ang labi ng don upang ipalipat sa
libingan ng mga Intsik ngutin nang dahil sa ulan ay itinapon ang kanyang labi sa lawa.
Imbes na nagtangkang ipaghiganti ang yumaong ama, ipagpatuloy ni Ibarra ang
nasimulan ng Don kaya nagpatayo siya ng paaralan sa tulong ni Nol Juan.

Muntik nang mapatay si Ibarra kung hindi iniligtas ni Elias noong babasbasam na
ang itinayong paaralan. Namatay ang taong binayaran ng lihim na kaaway

Si Padre Damaso ay muling nag-aasar kay Ibarra. Nang saglit nang inihamak ng
padra ang ama niya ay nagalit at nagtangkang isaksak ang pari pero pinigilan siya ni
Maria.

Dahill doon ay natiwalag si Ibarra ng Arsobispo sa simbahan. Nasamantala ni


Padre Damaso nito upang iutos sa Kapitan na hindi na ipagpatuloy ang kasal kay Maria
Clara at ipakasal sa binatang Kastila na si Linares.

Pero dahil sa tulong ng Kapitan Heneral ay nabalik si Ibarra sa simbangan. Pero


hindi inasaang hinuli si Ibarra nang dahil umonay nanguna siya sa pagsalakay sa
kuwartel.

Tumakas si Ibarra sa kulungan sa tulong ni Elias. Pumunta si Ibarra sa kay Maria


bago siya tumakas. Itinanggi ng dalaga ang liham na ginamit laban sa kanya nang dahil
sa inagaw ang liham kapalit sa liham ng ina niya na nagsasabi na si Damaso ang tunay
niyang ama.

Pagkatapos nito ay tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila sa


bangka patungo Ilog Pasig hanggang sa Lawa ng Bay at tinabunan si Ibarra ng mga
damo.

Naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Para makaligtas si Ibarra, naging


pampalito si Elias at tumalon sa tubig. Akala ng mga tumutugis na ang tumalon ay si
Ibarra kaya nila binaril si Elias hanggang nagkulay ng dugo. Naabutan ang balita kay
Maria na namatay si Ibarra.

Natunton ni Elias ang gubat ng mga Ibarra at doon niya natuklasan si Basillo at
ang namatay niyang inang si Sisa.

Bago namatay si Elias ay sinugo niya ang bata na kung hindi man daw niya
makita ang bukang-liwayway sa sariling bayan, sa mga mapalad, huwag lamang daw
limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi.

You might also like