Filipino Q2 Week 1 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

FILIPINO 4

Name: ____________________________________________ Grade & Section: IV - YAKAL


Teacher: Luvy L. Agapito Quarter 2: Week 1
________________________________________________________________________________
GAWAING PAGKATUTO
Pagsagot ng mga tanong mula sa napakinggan at nabasang alamat,tula at awit
Panimula (Susing Konsepto)
Mahalagang matutunan ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa anumang mababasang alamat, tula at awit dahil
sa pamamagitan nito maipapakikita ang pag-unawa nito.
Narito ang mga dapat tandaan upang masagot at maayos ang mga tanong
mula sa mga napakinggan at nabasang kuwento.
1. Basahin at intindihing mabuti ang napakinggan at nabasang kuwento.
2. Isulat ang mahahalagang detalye o impormasyon.
Madali lamang masasagutan ang mga tanong dahil ito ay base rin sa inyong naging karanasan
Alamat - ito ay isang anyo ng akdang pampanitikang nagsasalaysay ng sa pinagmulan ng isang bagay.
Halimbawa: Alamat ng Manga,Alamat ng Bulkang Mayon, Alamat ng Gumamela
Tula – ito ay isang akdang pampanitikang nahahati sa mga taludturan o saknong at bawat saknong ay binubuo ng
taludtod o linya. Ang karaniwang tula ay nagtataglay ng tugma, sukat, talinghaga, at kariktan.
Halimbawa: Pahatid ng Punong Kahoy, Pag-ibig
Musika/Awit – ay isa sa mahahalagang elementong nagbibigay ng kasiyahan at kapakinabangan sa isang tao.
Kung ikaw ay biniyayaan ng husay sa pag-awit o pagtugtog ng instrumento, masasabing mapalad ka dahil hindi
lahat mahilig sa
KASANAYAN PAMPAGKATUTO AT KODA -

Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggan at nabasang alamat, tula at awit.
(F4PN-IIf-3.1, F4PN-IIIb-3.1, F4P3-IVb-C-3.2.1)
GAWAIN I
Panuto: Narating mo na ba ang Quiapo? Kailan ipinagdiriwang ang pista ng Quiapo? Basahin, suriin at unawain
ang mga inihandang gawain. Sagutan ang mga katanungan.
Ang Quiapo ay matatagpuan sa Maynila, ito ay tinatawag nilang downtown noong mga nakaraang panahon na
hindi pa uso ang mga mall. Maraming lugar dito ang mabibilhan ng iba’t-ibang paninda tulad ng mga damit,
sapatos at kasangkapan. Dito rin matatagpuan ang simbahan ng Quiapo na lalong nagpatanyag sa pook na ito.
Masayang ipinagdiriwang taon-taong ang pista ng Quiapo tuwing ika-9 ng Enero. Sa nakakarami, ang araw na
ito ay araw ng pasasalamat at pagdarasal.
Libu-libong tao ang sumasama sa prusisyon. Karamihan ay mga lalaki na pawang deboto ng Poong Nazareno na
kilala sa tawag na Itim na Nazareno. Dinudumog ng mga deboto ang imahen. Karaniwan nilang ipinapahid ang
kanilang mga panyo sa katawan nito. Upang maiwasang mahulog ang mga nasa unahan ng karo dalawang
mahahabang lubid ang ipinaiikot sa karosa. Walang sinuman ang pinahihintulutang lumampas sa lubid.
Tinatahak ng prusisyon ang mga lansangan ng Quiapo.
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Saan matatagpuan ang Quiapo?
a. Makati b. Pasig c.Maynila
2. Kailan ang pista ng Quiapo?
b. Ika-25 ng Disyembre b. Ika-9 ng Enero c.Ika-9 ng Marso
3. Ano ang tawag sa Quiapo?
a. downtown b. uptown c. chinatowm
4. Ano ang turing ng karamihan sa pista ng Quiapo?
a. pag-aayuno b. pasasalamat at pagdarasal c.pagsasamba
5. Sinong imahen ang dinudumog ng mga libo-libong tao sa prusisyon?
a. Juan Lorenzo b. Juam Bautista c. Itim na Nazrareno

GAWAIN II
Panuto: Basahin ang tulang PAG-IBIG at sagutan ang sumusunod na katanungan.
PAG-IBIG
Ni Jose Corazon de Jesus

Ang pag-ibig ay may mahiwaga


May pag-ibig sa kapwa
May pag-ibig sa mutya
At may pag-ibig sa Lumikha
Kwintas ay tanda ng pagmamahalan
Sa mga Bayani bandila ang pinaglaban
Sa Lumikha ay kabanalan
At sa kapwa ay pagtutulungan
Ito nga ba’y papel na gagampanan
Dito sa mundo na ating tahanan
Pag-ibig na maraming kahulugan
Tutuklasin at ipaglalaban

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:


1. Ano ang pag-ibig?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Anu-ano ang mga uri ng pag-ibig ang nabanggit sa tula?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Anu-ano ang mga tanda o simbulo ng pag-ibig?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Nakadarama ka na ba ng pag-ibig? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5 . Paano mo ipakita ang iyong pag ibig sa inyong tahanan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
REPLEKSYON
Isulat ang iyong repleksyon sa mga gawain mo ngayon.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
FILIPINO 4

Name: ____________________________________________ Grade & Section: IV - YAKAL


Teacher: Luvy L. Agapito Quarter 2: Week 2-3

Week 2- Gamit ng Pang-uri


Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga Panngalan o Panghalip.
Halimbawa: Mabait ang aking guro na si Bb. Clarina.
Mayroon tatlong antas ang pang-uri. Ito ay ang Lantay, Pahambing
at Pasukdol.
Ang Lantay o karaniwan ay naglalarawan ng isang katangian ng tao,
bagay, lugar o pangyayari.
Halimbawa: Mahaba ang buhok ni Mikay.
Mataba ang bata.
Ang Pahambing ay pagtutulad o paghahambing sa dalawang tao,
bagay, lugar, hayop o pangyayari. May mga pananda na ginagamit sa pang
-uring pahambing gaya ng mas at higit.
Halimbawa: Higit na mataas ang punong kawayan kaysa puno ng
bayabas.
Mas mahaba ang buhok nila kay Kate.
Ang Pasukdol ay ginagamit kung higit sa dalawang tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari ang pinaghahambing. Sa pasukdol naman ay
gumagamit ng mga pananda na pinaka, napaka, at ubod.
Halimbawa: Si Rodlan ang pinakamatalino sa kanilang klase.
Napakabait ng tindera dahil ibinalik niya ang labis

Panuto:Tukuyin ang salitang naglalarawan o pang-uri sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.
_____________1. Nalaglag ang mga hinog na bunga ng punong-kahoy.
_____________2. Maraming tao ang nagkasakit dahil sa COVID19.
_____________3. Malamig ang hangin sa bukid.
_____________4. Si Mikay ay masipag na bata.
_____________5. Ang bata na nagsasabi ng totoo ay matapat.
_____________6. Sanay na ako sa ingay ng kapatid kong bunso.
_____________7. Hindi ako kumakain ng mga sitsirya.
_____________8. Lanta na ang rosas sa plorera.
_____________9. May mantsa ang puting uniporme ng nars
_____________10.Sariwa ba ang gulay sa palengke?
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit kung ito
ay lantay, pahambing o pasukdol.
___________ 1. Si Peter ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Gng. Bernabe.
___________ 2. Mas bago ang kotse ni Justine kaysa sa kotse ni Jelo.
___________ 3. Napansin ko na ang mga anak ni G. Ebora ay magagalang.
___________ 4. Sintangkad na ni Elaine ang kanyang ina.
___________ 5. Marapat na alagaan natin ang Daranak Falls dahil ito ay

Week 3
Kahulugan ng mga Salitang Pamilyar at Di-Pamilyar
Ang mga pamilyar na salita ay salitang madalas mong marinig o palagi mo itong sinasabi. Ang
di-pamilyar ay salitang bihira mong marinig o di mo pa naririnig.
Isulat ang mga salitang di-pamilyar sa mga pangungusap.
1. Ang eroplano ay isang uri ng sasakyang panghimpapawid na tinatawag ding salipawpaw.
___________________________
2. Nakakahilong sumakay sa tsubibo sa peryahan. ___________________________
3. Walang pambayad sa pamasahe si Mikay dahil naiwan niya ang kanyang pitaka sa bahay nila.
___________________________
4. Kinuha ni Lito ang salong-puwit at ibinigay sa kanyang lola. ___________________________
5. Palaging nakadungaw si Faye sa durungawan dahil hinihintay niya ang kanyang bisita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Kompletuhin ang pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang ang
iyong sagot.

Sagana ang aking kaalaman sa mga salitang _____________ o mga


salitang naririnig ko araw-araw. Ngunit sa salitang ______________ o mga
salitang pangkaraniwan lamang ay kulang pa ang aking kaalaman.
Kailangan ko pang maging palabasa upang madagdagan ang aking kaalaman.

AS/W2-3/Q2

FILIPINO 4

Name: ____________________________________________ Grade & Section: IV -_____________


Teacher: Luvy L. Agapito Quarter 2: Week 4-5
I - Uri ng Pandiwa ayon sa Panahunan
Bawat pangungusap ay may isang salita na nagpapakita ng kilos o galaw. Ang tawag sa salitang kilos
na ito ay pandiwa.
Halimbawa:
Ang masipag na mag-aaral ay laging nagbabasa ng aklat. (Ang pandiwa ay nagbabasa).
Nagsusuklay ng buhok si Rita bago pumasok sa paaralan. (Ang pandiwa ay nagsusuklay).
Aralin

- Ang Pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.


- Mayroong tatlong (3) kapanahunan ng pandiwa, pangnagdaan, pangkasalukuyan at
panghinaharap.
- Ang pangnagdaan ay aspekto ng pandiwa na naganap o kilos na tapos ng mangyari.
Halimbawa: Si Lanie at Lara ay naglaba kahapon

- Ang pangkasalukuyan ay aspekto ng pandiwa na nagaganap o kilos na ginagawa pa lamang.


Halimbawa: Si Lanie at Lara ay naglalaba sa labas ng bahay.

- Ang panghinaharap ay aspekto ng pandiwa na magaganap o kilos na hindi pa nangyayari o


gagawin pa lamang.
Halimbawa: Si Lanie at Lara ay maglalaba bukas ng umaga.

- Ano ang Sanhi at Bunga?


- Ang sanhi ay kinalabasan o bunga ng mga pangyayari sa binasang
- kuwento o napakinggang balita.
- Ang bunga ay ang resulta o kinalabasan ng pangyayari.
- Halimbawa ng mga hudyat na nagpapahayag ng sanhi: sapagkat, dahil, palibhasa, ngunit

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1-


Panuto: Isulat sa patlang ang pandiwa sa bawat pangungusap.
1. Si nanay ay nagluluto ng hapunan. __________________
2. Tapos na akong maghugas ng mga pinggan. ________________
3. Binabasa ni Tatay ang bagong diyaryo. ____________________
4. Si Amelia ay nag-aaral sa kanyang silid. ____________________
5. Naglalaro ang mga bata sa bakuran. _______________________
6. Ang pusa ay humiga sa ilalim ng mesa. _______________________
7. Bumuhos ang malakas na ulan. __________________________
8. Kinuha ni Kuya Rodlan ang payong sa sala. _____________________
9. Magsisimba sina Lolo at Lola mamaya. _______________________
10. Bibili si Lara ng meryenda sa tindahan. ________________________

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2 –


Panuto: Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay tumutukoy sa sanhi at bunga.
______________ 1. Nais niyang mapangalagaan ang kanilang bukirin laban sa mga insektong
sumisira dito.
______________ 2. Naglagay siya ng mga pamuksa sa insekto.
______________ 3. Nais niyang makaaani ng maayos upang hindi maaksaya ang perang
kanyang puhunan sa mga pananim.
______________ 4. Karapat-dapat siyang umani ng masagana.
______________ 5. Ipinakita niya ang iba’t ibang paraan upang mapuksa ang kumakain ng
kanyang mga pananim.

II - Pagkakasunod-sunod ng mga Impormasyong Napanood o Napakinggan


Ang mga sumusunod ay mga bahagi o elemento ng pelikula o palabas:

1. Tema. Ito ay nagsasaad ng pinakapaksa, layunin o mensahe ng pelikula o kuwento.


2. Tauhan. Ito ay ang mga gumaganap ng iba’t ibang katauhan o karakter sa pelikula o
kuwento.
3.Banghay. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena o pangyayari sa pelikula o
kuwento.
4. Musika/Sound Effects. Ito ay musikang tumutugtog habang may eksena,
mahahalagang tunog na nagbibigay ng higit na kabuluhan sa bawat eksena.

Aralin:
- Ang Panghalip ay salita o kataga na panghalili sa pangng gngalan ng tao, bagay, hayop
at lugar.
- Ang panghalip palagyo ay salitang panghalili sa simuno.
Halimbawa: Ako ang magluluto.
Ikaw ang maglilinis ng bahay.
Siya ang maglalaba.
- Ang panghalip palayon ay ginagamit bilang tatanggap o pinaglalaanan ng kilos
kasunod ng pang-ukol.
Halimbawa: Naglinis siya ng kuwarto kanina.
Lumipat ng upuan ang bisita.
- Ang panghalip paari ay ginagamit sa pangngalang nagpapakita ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
Kanila ang kotseng bago sa tapat.
Akin ang sapatos sa may pintuan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Piliin ang angkop na panghalip. Isulat ang iyong sagot.
1, Ang pasalubong ni Nanay sa akin ay pabango. __________________
2. Ngayon lamang ako nakarating sa Regina Rica._________________
3. Ikaw ang magbabayad ng nabasag mong plato. ______________
4. Tayo ang may karapatan sa lupang ito. ____________________
5. Siya ang aking guro. ______________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isulat sa patlang ang PY kung palagyo, PL kung


palayon at PR kung paari ang nakasalungguhit na salita sa pangungusap.
_________ 1. Pupunta ba tayo sa parke mamayang hapon?
_________ 2. Pinakakain ako palagi ng aking Nanay ng masustansiyang pagkain.
_________ 3. Sa kaniya pala ang payong na ginamit ko kanina.
_________ 4. Sila ang pupunta sa palengke ngayon.
_________ 5. Sabi ng Tatay sa amin daw ang pasalubong nyang pagkain.

III- Gamit ng Aspekto ng Pandiwa

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kailan nangyari,


nangyayari, mangyayari o kung ipagpapatuloy pa ang kilos na nagaganap.
1. Nagluto si Nanay ng almusal kahapon. (naganap/nangyari)
2. Nagluluto si Nanay ng almusal. (nagaganap/nangyayari)
3. Magluluto si Nanay ng almusal bukas. (magaganap/mangyayari)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 : Tukuyin ang pandiwang ginamit sa


babasahing talata sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
Noon malinis, mabango at malinaw ang tubig kaya marami ang
namamasyal at naliligo sa Ilog Pasig. Dahil sa kapabayaan ng mga tao
nasira ang kagandahan ng Ilog Pasig. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya
sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig
sa ilog. Nangangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya
kailangang kumilos na sila bago pa mahuli ang lahat.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Isulat ang bawat pandiwa sa tamang hanay sa


ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

sumasayaw umuupo susunod sinasabi


matutulog iinom tumatawid ginupit
hinahanap naglalaro tatakbo maghihintay
nasira tumulong nagsuklay humiga
kumakain magwawalis nagluto tumatalon

Naganap Nagaganap Magaganap

Week 4-5
Quarter 2
FILIPINO

You might also like