Alpabeto at Patnubay Sa Ispeling

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Republika ng Pilipinas

AKLAN STATE UNIVERSITY


College of Fisheries and Marine Sciences
New Washington, Aklan

Golda Merr U. Yupracio


Taga-ulat

G. Randy J. Pastor
Instruktor

Ulat sa ELECTIVE 1

Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino

 Muling sinuri ang alpabeto, binawasan ng mga bagong titik, at noong 1987 ay
nalathalang dalawampu’t walo (28) ang mga titik sa gabay na Alpabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, ang binagong
pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa. Tinanggap ang mga dagdag na titik na: C, F, J,
Ñ, Q, V, X, at Z.

 Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng Kagawaran ng Edukasyon,


Kultura at Sports ay tumatalakay sa “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino”. Naisagawa ang kautusang ito noong Agosto 6, 1987.

 Samantala, muling pinagtibay ng Konstitusyong 1987 ang Filipino bílang Wikang


Pambansa, gaya sa tadhanang: Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
Hábang ito ay nabubuo, patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at iba pang wika. (Art. XIV, sek. 6)

 Tinanggap ang mga dagdag na titik na: C, F, J, Ñ, Q, V, X at Z. Pinalaganap din ang


isang “modernisadong alpabeto” na ipinababása ang mga titik sa paraang Ingles, maliban
sa Ñ mulang alpabetong Espanyol, gaya ng mulang alpabetong Espanyol, gaya ng
sumusunod:

Ang Alpabetong Filipino- Dalawampu’t walong (28) letrang ganito ang pagkasusunud-sunod.
 Letrang orihinal mula sa ABAKADA
A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, at Y
 Walong (8) letrang idinagdag
C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z

Ang mga ito ay ginagamit sa karaniwang salitang tinatanggap o naasimila na sa


bokabularyo o talasalitaan ng wikang pambansa.
Halimbawa:
banyo- (baño) bintana- (ventana)
trak- (truck) nars- (nurse)

 Pagbasa ng mga letra


Ang tawag sa mga letra ng alpabetong Filipino ay ayon sa bigkas-Ingles ng mga Pilipino
maliban sa ñ (enye) na tawag-Kastila.

Mga Tuntuning Panlahat

I. Pabigkas na Pagbaybay
Ang pagbigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino ay patitik at hindi papantig.
Ang ispeling o pagbaybay ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-sunod ng
mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-
agham, atbp.

Halimbawa:
Salita boto = /bi-o-ti-o/
plano = /pi-el-ey-en-o/
Fajardo = /kapital ef-ey-dzey-ey-ar-di-o/

Pantig kon = /key-o-en/


trans = /ti-ar-ey-en-es/
Daglat Bb. (Binibini) = /kapital bi- bi/
G. (Ginoo) = /kapital dzi/
Gng. (Ginang) = /kapital dzi- en- dzi/

Akronim PNU (Philippine Normal University)


= /pi-en-yu)
LIRA (Lirika, Imahen, Retorika at Arte)
= /el-ay-ar-ey/

Inisyal
Inisyal ng Tao MLQ (Manuel L. Quezon) = /em-el-kyu/
MAR (Manuel A. Roxas) = /em-ey-ar/
LKS (Lope K. Santos) =/el-key-es/
JVP (Jose Villa Panganiban = /dzey-vi-pi/

Inisyal ng Samahan
PSLF (Pambansang Samahan ng Linggwistikang Filipino)
= /pi-es-el-ef/

Simbolong Pang-agham Fe = /ef-i/


H2O = /eyts-tu-o/
C = /si/
NaCl = /en-ey-si-el/

 Samakatuwid, ang pasalitang pagbabaybay ng mga sumusunod na salita ay ganito:

ibon = /ay bi o en/ at hindi /i ba o na/

U.P. = /yu pi/ at hindi /u pa/

II. Pasulat na Pagbaybay


Mananatili sa pagsulat at pagbasa ng mga karaniwang salita at isa-sa-isang
tumbasan ng letra at ng makabuluhang tunog na ang ibig sabihin, isa lamang ang tunog sa
pagbigkas ng bawat letra kapag naging bahagi ng mga karaniwang salita. Pansinin na
magkaiba ang pagtawag sa mga letra at pagbigkas o pagpapatunog sa mga ito.

a. Sa pagsulat ng mga katutubong salita at mga hiram na karaniwang salita na


naasimila na sa sistema ng pagbaybay sa wikang pambansa ay susundin pa rin
ang kung ano ang sulat ay siyang basa.
Halimbawa:
bapor (v) sentro (c) kahon (c,j)
kalye (c,ll) kotse (c,ch) baso (v)
singko (c,c) pinya (piña) kabalyero (c,ll )
tsokolate (ch,c) kutsilyo (c,ch) pamilya (f)
silya (c,ll)

b. Ang dagdag na walong letra


Ang idinagdag na walong titik (C, F, J, Ň , Q, V, X, Z) ay ginagamit para sa
mga sumusunod:

1. Pantanging pangalan ng tao, hayop, bagay o lunan.


Carlos Volter El Niño Jimenez Luzon
2. Mga katutubong salita mula sa ibang wika ng bansa.
hadji villa hacienda cañao jihad masjid

III. Panumbas sa mga Hiram na Salita


 Sa paghahanap ng panumbas sa mga hiram na salita buhat sa wikang Ingles, maaaring
sundin ang mga sumusunod na paraan:
a. Ang unang pinagkukunan ng mga salitang maaring itumbas ay ang leksikon ng
kasalukuyang Filipino.
Halimbawa:
Hiram na salita Filipino
rule tuntunin
ability kakayahan
skill kasanayan

b. Maaaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa


bansa.
Halimbawa:
pinakbet banana
dinengdeng imam
cañao hadji

c. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila, unang preperensya


ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang pagbaaybay sa
Filipino.
Halimbawa:
Ingles Kastila Filipino
check cheque tseke
liter litro litro
liquid liquid likido
d. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi
maunawaan ng nakararami, hiramin nang tuwiran ang katawagang Ingles at baybayin
ito ayon sa mga sumusunod na paraan:
 Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.
Halimbawa:
Salitang Ingles Filipino
reporter reporter
editor editor
soprano soprano
alto alto

 Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang ayon sana
simulaing kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.
Halimbawa:
Salitang Ingles Filipino
meeting miting
leader lider
computer kompyuter
jeep dyip
sports isports
speaker ispiker

Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaaring baybayin sa dalawang kaanyuan,


ngunit kailangan ang konsistensi sa paggamit.

Halimbawa:
barangay- baranggay kongreso- konggreso
kongregasyon- konggregrasyon tango- tanggo (sayaw)
kongresista- konggresista bingo- bingo

 May mga salita sa Ingles (o sa iba pang banyagang wika sa makabubuting hiramin nang
walang pagbabago sa ispeling.

Mga salitang lubhang di konsistent ang ispeling o lubhang malayo ang ispeling sa bigkas
sapagkat kapag binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mababakas ang orihinal
na ispeling rito.
Halimbawa:
coach rendezvous pizza pie
sausage clutch champagne
 Mga salitang pang-agham at teknikal
Halimbawa:
calcium X-ray quartz xerox

IV. Mga Salitang may Magkasunod na Patinig


Ang mga salitang hiram na may magkasunod na patinig ay maaaring baybayin sa
dalawang kaanyuan, ngunit kailangan may konsistensi sa paggamit ng alinmang
kaanyuan.

Magkasunod na Patinig
Halimbawa:
a. ia = ya, piano = piano, piyano
dialect = dyalekto, diyalekto
iya Cristiano = Kristyano, Kristiyano
provincial = probinsya, probinsiya

b. ie = ye, tiempo = tyempo, tiyempo


beines = byenes, biyenes
iye infierno = impyerno, impiyerno

c. io = yo, Dios = Dyos, Diyos


violin = byolin, biyolin
iyo bibliografia = bibliyograpya, bibliyograpiya
rosario = rosaryo, rosariyo

d. ua = wa, guapo = gwapo, guwapo


cuarto = kwarto, kuwarto
uwa aguador = agwador, aguwador
santuario = santwaryo, santuwariyo

e. ue = we, cuento = kwento, kuwento


uwe suerte = swerte, suwerte
absuelto = abswelto, absuwelto

f. ui = wi, buitre = bwitre, buwitre


uwi perjuicio = perhwisyo, perhuwisyo

V. Ang Pantig
Ang Pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng
salita. Ang bawat bigkas ng bibig ay laging may isang pantig.
Dahil sa pagkaaasimila sa talasalitaan ng wikang pambansa ng mga hiram na salita, ang
dating apat na kayarian o kaanyuan ng pantig ay naragdagan ng lima, kung kaya’t sa
kasalukuyan ay may siyam na kayarian na ng pantig.

Sa mga halimbawang sumusunod, ang pantig ay tinutukoy ayon sa kayarian nito, sa


pamamagitan ng paggamit ng simbolo: K para sa katinig at P para sa patinig.

Binubuo ang pantig ng isang salita o bahagi ng mga salita na binibigkas sa pamamagitan
ng isang walang antalang bugso ng tinig. Sa wikang Filipino, ang bawat patinig ay may
patinig na kadalasan ay may kakabit na katinig o mga katinig sa unahan, sa hulihan o sa
magkabila.

1. Payak (P) – binubuo ng patinig lamang.


2. Tambalan-una (KP) – binubuo ng patinig na may katambal na katinig sa unahan.
3. Tambal-huli (PK) – binubuo ng isang patinig na may katambal na katinig sa hulihan.
4. Kabilaan (KPK) – binubuo ng patinig na napapagitnaan ng dalawang katinig.

Dahil sa pagpasok ng mga banyagang salita sa ating talasalitaan, dumagsa ang mga salitang
mapagkikitaan ng mga kambal-katinig. Bunga nito, naragdagan ang mga anyo ng pantig sa ating
Makabagong Balarila. Sa baba ay matutunghayan ang limang karagdagang anyo ng pantig.
Tradisyunal na Kayarian Halimbawa

 P u-pa
 KP ma-li
 PK ma-is
 KPK han-da

Karagdagang Kayarian
 KKP pri-to
 PKK eks-per-to
 KKPK plan-tsa
 KPKK kard
 KKPKK trans-kripsyon

Ang Pagpapantig

Ang pagpapantig ay paraan ng paghati ng salita sa pantig o mga pantig.


Halimbawa:
Salita Mga Pantig
aalis a-a-lis
maaga ma-a-ga
totoo to-to-o

Kapag may mga katinig na magkasunod sa loob ng:


a. Katutubong salita, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa
patinig na kasunod.
Halimbawa
Salita Mga Pantig
buksan buk-san
pinto pin-to
tuktok tuk-tok

b. Hiram na salitang naasimila sa talasalitaang Filipino.


- may magkasunod na dalawang katinig ay karaniwang kasama sa kasunod na
patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
sobre so-bre
kopya ko-pya
kapre ka-pre

- may tatlong magkasunod, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at


ang huli ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
eksperto eks-per-to
transportasyon trans-por-tas-yon
eksperimento eks-pe-ri-men-to

Pansinin

Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay bl, br,
dr, pl, tr, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay sa
kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
asambleya a-sam-ble-ya
alambre a-lam-bre
balandra ba-lan-dra
- na may apat ma katinig na magkasunod, amg unang dalawa ay kasama sa patinig
na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
ekstra eks-tra
ekstradisyon eks-tra-dis-yon

Ang Pag-uulit ng Pantig

Ang mga tuntuning alinsunod sa pag-uulit ng pantig ay:

- Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig
lamang ang inuulit.
Halimbawa:
a-lis a-a-lis
am-bon a-am-bon

- Kung ang unang pantig ng salitang-ugat o batayang salita ay may klaster na


katinig, dalawang paraan ang maaring gamitin. Ito ay batay sa kinagawian ng
nagsasalita.
 Inuulit lamang ang unang katinig at patinig.
Halimbawa:
plan-tsa pa-plan-tsa-hin mag-pa-plan-tsa
pri-to pi-pri-tu-hin mag-pi-pri-to

Ang tuntuning ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita.
Halimbawa:
mag-alis mag-a-a-lis
maiwan ma-i-i-wan
umambon uma-am-bon
 Kung ang unang pantig ng salitang-ugat o batayang-salita ay nagsisimula sa katinig-
patinig, ang katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
ba-sa ba-ba-sa mag-ba-ba-sa
la-kad la-la-kad ni-la-la-kad

TUMBASAN NG KAMBAL-PATINIG

1. AO at AU = AW
Kapag ang ao o au ang pandulo ng salitang hiram, karaniwang ito ay tumbasan ng aw.
carabao- kalabaw
gaugau- gawgaw

2. EA at EO = YA, YO at IYA, IYO


May ilang salitang banyaga na may ea at eon a dahil sa bigkas ng mga Pilipino ay
napapailalim na rin sa tuntunin ang ia, ie, io na tinutumbasan ng ya, ye, yo o iya, iye, iyo
ayon sa kalagayan.
batea- batya ocean- osyan
pasear- pasyal galleon- galyon
panteon- pantiyon peon- piyon

3. GUE, GEI = GE, GI


azogue- asoge maguey- magey
aguila- agila guisado- gisado
guitar- gitara

4. QUE, QUI = KE, KI


empaque- empake querida- kerida
mantequilla- mantikilya maquina- makina
taquilla- takilya

5. IA, IE, IO = YA, YE, YO


Ang mga diptonggong ia, ie, at io ng mga salitang hiram, lalo na sa Kastila ay karaniwang
tinutumbasan ng ya, ye at yo sa Filipino.
acacia- akasya
acompañamiento – akompanyamento
beneficio - benepisyo

6. IA, IE, IO = IYA, IYE, IYO, kung:


a. Sumusunod sa panimulang katinig ng salita:
dialecto – diyalekto Biernes – Biyernes
tio – tiyo fiansa – piyansa
ciencia – siyensia

b. sumusunod sa kambal-katinig:
independencia- independensiya
infierno- impiyerno
divorcio- diborsiyo

c. sumusunod sa h sa baybay-Filipino:
biologia- biyolohiya
colegio- kolehiyo
7. UA, UE, UI, UO = WA, WE, WI, WO
Ang mga diptonggong ua, ue, ui, at uo ng mga salitang hiram ay karaniwang tinutumbasan
ng wa, we, wi, at wo sa Filipino.
aduana- adwana consecuencia- konsekwensiya
pañuelo- panwelo vacuo- bakwo

8. UA, UE, UI, UO = UWA, UWI, UWO kung:


a. sumusunod sa panimulang katinig ng salita:
cuaderno- kuwaderno buenas- buwenas
rueda- ruweda buitre- buwitre

b. sumusunod sa kambal-katinig:
esscuadron- eskuwadron dispuesto- dispuwesto
habichuelas- abitsuwelas perjuicio- perhuwesyo

c. sumusunod sa h sa baybay-Filipino:
damajuana- damahuwana Jueves- Huwebes
juez- huwes perjuicio- perhuwesyo

VI. Ang Gamit ng Gitling

Ginagamit ang gitling (-):

1. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.


Halimbawa:
araw-araw dala-dalawa
isa-isa sari-sari
apat-apat sali-saliwa

2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalaman ay nagsisimula sa


patinig na pinangungunahan ng impit na tunog.
Halimbawa:
mag-away mang-agaw
nag-usap magsing-irog
nag-ulat nang-away

3. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.


Halimbawa:
pamatay ng insekto pamatay-insekto
kahoy sa gubat kahoy-gubat
humigit at kumulang humigit-kumulang
lakad at takbo lakad-takbo

4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, bagay o kagamitan (brand) at sagisag
o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
Halimbawa:
maka-Diyos
maka-Rizal
maka-Pilipino
taga-Baguio
taga-luzon
mag-Sprite

 Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa
pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.
Halimbawa:
mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Ford magfo-Ford
mag-Zonrox magso-Zonrox

5. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.


Halimbawa:
ika-3 ng hapon
ika-10 ng umaga
ika-9 na buwan
ika-20 pahina
ika-8 rebisyon

6. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng praksyon.


Halimbawa:
isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-kalima (5 2/5)
tatlong-kanim (3/6)

7. Kapag nanatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.


Halimbawa:
lakad-pagong
bahay-aliwan
urong-sulong

8. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.


Halimbawa:
Gloria Santos-Reyes
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon

9. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.


Halimbawa:
Ginagamit ito sa pagsasanay ng wastong pag- bigkas ng mga salita.

VII. Ang Gamit ng Kudlit


Ginagamit ang kudlit (‘) bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o mga letrang
nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit
sa unang salita.
Halimbawa:
kaliwa at kanan kaliwa’t kanan
ama at ina ama’t ina
tayo ay aalis tayoý aalis
tahanan ay maligaya tahana’y maligaya

VIII. Ang Gamit ng Tuldik


Bagamat kailangang matutuhan ng mag-aaral ang pagtutuldik, opsyunal naman ang
paggamit nito. Ang paggamit ng tuldik ay kailangan upang mapag-iba-iba ang kahulugan
ng mga salitang magkakatulad sa ispeling ngunit magkakaiba sa diin. Kailangan din ang
kaalaman sa tuldik sa paggamit ng diksyunaryo upang mabigkas nang wasto ang mga
entring salita.

Halimbawa:
pitó (bilang) pito (hinihipang instrumenting pangmusika)
hamón (ham) hamon (challenge)
bukás (di nakasara) bukas (kasunod na araw)
 Bilang bahagi ng pagpapalanong pangwika na may layuning mapaunlad ang wikang Filipino
tungo sa istandardisasyon ng sistema ng pagsulat, nagpalabas ang Komisyon sa Wikang Filipino
noong 2001 ng revisyon sa alfabeto at ispeling ng wikang Filipino na pinamagatang 2001
Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na nakapokus sa gamit ng
walong bagong letra ng alfabetong Filipino (c,f,j,ñ,q,v,x,z).

2001 Rebisyon ng Alpabetong Filipino:

 Nahahati sa dalawang (2) pangkat ang walong (8) dagdag na letra:

1. Mga tiyak na fonemik na istatus: F, J, V, Z

2. Redundant: C, Ñ, Q, X

Pinababagal ng 1987 Patnubay sa Ispeling ang leksikal na elaborasyon ng Filipino. Nililimitahan


nito ang panghihiram ng mga salita dahil sa paghihigpit sa paggamit ng walong dagdag na letra
(C, F, Ñ, J, Q, V, X at Z) doon lamang sa mga sumusunod:

a) Pantanging ngalan
b) Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
c) Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas na kapag binaybay
ayon sa alfabetong Filipino ay hindi mabakas ang orihinal na ispeling nito
d) Salitang pang-agham at teknikal
e) Simbolong pang-agham

Kung kayat napapanahon lamang ang pagrevisa sa mga tuntunin sa ispeling. May
mahalagang kraytirya para matamo ang isang efisyenteng sistema ng ispeling:

1. kasimplihan at ekonomiya na kaugnay ng isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra, at

2. fleksibilidad, ang pagtanggap ng mga linggwistikong pagbabago dahil sa kontak ng mga


wika.

Batay rito, pinaluluwag ng nirevisang tuntunin sa ispeling ang paggamit ng walong (8) dagdag
na letra sa lahat ng hiram na salita.

Mga Tuntunin sa Panghihiram Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng panumbas sa
mga hiram na salita: Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga
salitang banyaga.

Halimbawa:

Hiram na salita Filipino

attitude saloobin

ability kakayahan

wholesale pakyawan

west kanluran

Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa.

Halimbawa:

Hiram na salita Katutubong Wika hegemony gahum


(Cebuano)

imagery haraya (Tagalog)

husband bana (Hiligaynon)

Muslim priest imam (Tausug)


Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang
banyaga, at saka baybayin sa Filipino.

Halimbawa:

Kastila-Filipino

cheque – tseke

litro – litro

liquido – likido

educación – edukasyon

quilates – kilatis

Ingles/Filipino

commercial – komersyal

advertising – advertayzing

economics – ekonomiks

Iba pang wika/Filipino

coup d’etat (French) – kudeta

chinelas (Kastila) – tsinelas

kimono (Japanese) – kimono

Malinaw ang mga lapit sa panghihiram. Gayong pa man, sa pagpili ng salitang gagamitin
isaalang-alang din ang mga sumusunod: (1) kaangkupan ng salita, (2) katiyakan sa kahulugan ng
salita, at (3) prestihiyo ng salita.

Gamitin ang mga letrang C, F, Ñ, J, Q, V, X, Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon sa
mga sumusunod na kondisyon:

Pantanging ngalan

Tao Quirino John

Lugar Canada Valenzuela City


Gusali Ceñeza Bldg. State Condominium

Salitang teknikal o siyentifiko

Halimbawa:

Cortex enzyme quartz filament Marxism X-ray zoom joules vertigo


infrared

Salitang may natatanging kahulugang kultural

Halimbawa:

señora (Kastila) →ale

hadji (Maranao) →lalaking Muslim na nakapunta sa Mecca

masjid (Maguindanao) →pook dalanginan, moske

Salitang may iregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o
ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.

Halimbawa:

bouquet rendezvous laissez-faire champagne plateau monsieur

Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit. Halimbawa:

taxi exit fax

Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang mga tunog /f/, /j/, /v/, /z/ kapag binaybay
sa Filipino ang mga salitang hiram.

Halimbawa:

fixer →fikser

subject →sabjek
vertical →vertikal

zipper →ziper

Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang hiniram nang buo.

Halimbawa:

Cornice cell reflex Cataluña

Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong (8) Letra

Letrang C

Panatilihin ang letrang C kung ang salita ay hinihiram sa orihinal na anyo.

Calculus chlorophyll cellphone

Carbohydrates de facto corsage

Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/, at ng letrang K kung ang tunog ay /k/
kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang C.

c → s participant →partisipant

central →sentral

census →sensus

circular →sirkular

c → k magnetic →magnetik

card →kard

cake →keyk

empirical →empirikal

Letrang Q

Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.


quo vadis quotation quad quartz quantum opaque

Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /kw/, at ng letrang K kung ang tunog
ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Q.

q → kw equipment →ekwipment

q → k quorum →korum quota →kota querida →kerida

Letrang Ñ

Panatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo.

La Tondeña Santo Niño El Niño Malacañang La Niña coño

Palitan ang Letrang Ñ ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may
letrang Ñ.

ñ → ny piña →pinya cariñosa →karinyosa cañon


→kanyon paño →panyo bañera →banyera

Letrang X

Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.

Axiom wax export

Exodus xylem praxis

Palitan ang letrang X ng KS kung ang tunog ay /ks/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na
salitang may letrang X.

x → ks experimental →eksperimental taxonomy →taksonomi

texto →teksto exam →eksam

Letrang F

Gamitin ang letrang F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita.

Tofu (Nihonggo) “tokwa” Futbol


French fries Fasiliteytor

Lifeguard Fraterniti

Fuddul (Ibanag) “maliit na burol” Foto

Letrang J

Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.

Jam juice majahid (Arabic) “tagapagtanggol ng Muslim”

jantu (Tausog) “puso” sabjek jaket jornal objek bajet

Letrang V

Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita.

Vertebrate varayti verbatim

Letrang Z

Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita.

Zebra magazine zinc

Bazaar zoo bazooka

Iba Pang Tuntunin

Mga Digrapo

Ang digrapo ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang isa o dalawang
tunog. Gamitin ito sa mga sumusunod:

Digrapong Ch

Panatilihin ang digrapong CH kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.

Halimbawa:

Chopsuey chip Chavez charter


Palitan ang digrapong ito ng CH kung ang tunog ay /ts/ sa hiniram na salita.

Halimbawa:

chalk – tsok cochero – kutsero

checklist – tseklist chocolate – tsokolate

Digrapong SH

Panatilihin ang digrapong SH kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.

Halimbawa:

Sharon Shampoo Shangri-la Shamrock

Palitan ang digrapong SH ng SY kung ang tunog ay /sy/ sa hiniram na salita. Halimbawa:
workshop – worksyap shooting – syuting censorship – sensorsyip scholarship – iskolarsyip

Ang NG

Panatilihin ang NG para sa tunog na /ng/ sa dahilang mahalagang ambag ito ng palatunugang
Filipino. Ang tunog na ito ay maaaring nasa inisyal, midyal at final na posisyon.

ngayon ngipin pangalan Panginoon payong tanong

Ang Pantig at Palapantigan Ang Pantig

Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.

Halimbawa:

Kayarian ng Pantig

Sa kasalukuyan ay may mga kayarian ng pantig na ambag ng mga lokal na wika at panghihiram.

Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng


simbolong K para sa katinig at P para sa patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.
Kayarian – Halimbawa

P: u-pa

KP: ma-li PK: is-da


KPK: han-da

KKP: pri-to

PKK: eks-perto

KKPK: plan-tsa

KKPKK: trans-portasyon

KKPKKK: shorts

Ang Gamit ng Gitling

Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:

1. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa: araw-araw isa-isa

Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na
kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan Halimbawa:

mag-alis nag-isa nag-ulat mang-uto may-ari

Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:

pamatay ng insekto - pamatay-insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat humgit at kumulang -


humigit-kumulang lakad at takbo - lakad-takbo bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga
bukid - dalagang-bukid

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan
ng gitling ang pagitan nito.

Halimbawa: dalagambukid (isda) buntunghininga

Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan,
sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa

Ispeling.

Halimbawa:

maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique


Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan
ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan

Halimbawa: mag-Corona magco-Corona mag-Ford magfo-Ford mag-Japan magja-Japan

Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.

Halimbawa: ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina

Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction. Halimbawa: isang-kapat (1/4) lima‟t
dalawang-kalima (5-2/5) tatlong-kanim (3/6)

Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.

Halimbawa:

Gloria Macapagal-Arroyo

Conchita Ramos-Cruz

Perlita Orosa-Banzon

Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

Halimbawa:

Patuloy na nililinang at pinalalawak ang paggamit ng Filipino.

You might also like