Sa Ilalim NG Kubyerta
Sa Ilalim NG Kubyerta
Sa Ilalim NG Kubyerta
May tatlong lalaking nag-uusap, dalawa rito ay bata pa at ang isa naman ay may
edad na. Ang isa sa kabataan ay mas matanda kaysa sa isa, estudyante ng medisina.
Siya’y si Basilio. Ang isa naman ay si Isagani, tahimik at malungkutin na katatapos
lamang sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio.
Basilio: Ayaw pa niyang magpagamot at inuutusan pa niya akong pumunta ng San Diego
upang tingnan ang mga paupahang bahay nito. Pero hinala ko, ginawa lamang niya
ito upang magkaroon siya ng pagkakataong humithit ng opyo.
Kapitan B: Ito talagang si Kapitan Tiago oh… Walang kadala-dala… Hhmmm… Pero alam
niyo ba? Walang drogang ganyan sa panahon namin.
Basilio: Istoryahee!
Basilio: Tama!
Kapitan B: Sige na nga! Aaminin ko na… Mayroon nang opyo noon pero hindi namin ito
pinapansin kasi abala kami sa aming pag-aaral …
Kapitan B: Talaga! Maiba nga tayo… Kamusta na ang itinatatag ninyong Akademya ng
Wikang Kastila?
Isagani: Mabuti po naman, nakahanda na po ang mga guro at ang paaralang gagamitin.
Kapitan B: Palagay ko’y hindi matutuloy ang akademya dahil tututulan lang ito ni Padre Sibyla.
Basilio: Matutuloy po ito dahil hinihintay na lang po namin ang permiso pagkatapos na
makipagkita ni Padre Irene kay Kapitan Heneral.
Kapitan B: Ok fine… Eh kung papayagan naman kayo ay saan kayo kukuha ng pera para sa
akademya?
Basilio: Mag-aambag po ang bawat eskwela, ang mga guro ay hati sa Pilipino at Kastila.
Isagani: Ang mga kagamitan sa paaralan at ang bahay na gagamiting paaralan ay ihahandog
naman ng mayamang si Macaraig.
Kapitan B: Hindi masama ang kanilang iniisip. Kung hindi man sila makapag-aral ng Latin,
kaunting kastila ay pwede na. Paurong na ang lakad ng panahon. Pinag-aralan nila
ang Latin sapagkat ang aklat nila ay Latin, ngunit ngayon kahit ang aklat nila ay
Kastila ay hindi man lang napag-aaralan. (Tumayo at umalis)
Basilio: Ang mahirap sa mga tao noong unang panahon, kapag umiisip ka ng isang bagay,
ang makikita kaagad ay sagabal, hindi ito nakikita ang kabutihan ng iniisip mo.
Isagani: Hay naku… Ibig nilang makuha ang isang bagay na walang hirap.
Basilio: Siya nga pala, ano ang sabi ng iyong Tiyo tungkol kay Paulita?
Isagani: Isa lang ang nasabi niya at ito ay mag-iingat daw ako sa pamimili ng aking
mapapangasawa.
Basilio: Char!… Wala naman siyang mapipintas kay Paulita. Siya ay magandang-
maganda, mayamang-mayaman. Isa lang siguro ang mapipintas mo sa kanya…
at ito ay palagi niyang kasama ang kanyang tiya na nakakainis.
Isagani: Kahit nakakinis pa siya ay tiya pa rin siya ni Paulita kaya dapat natin siyang
igalang.…..Oo nga pala, ipinahahanap pala ng bruha este tiya ni Paulita ang kanyang
asawa.
Isagani: Obviously… pero sa totoo lang…(hunghong) nasa bahay ng tiyo ko si Don Tiburcio.
Basilio: Ahhh…. Kaya pala ayaw ng tiyo mong tumungo sa itaas ng kubyerta…
Isagani: Exactly!... Nangangamaba siya na baka tanungin siya ni Doña Victorina kung nasaan
si Don Tiburcio at matameme na lamang siya.
(Lumapit si Simoun a.k.a. Crisostomo Ibarra while both are talking)
Simoun: Never pa dahil ang mamamayan doon ay di bumibili ng alahas. Mahihirap daw
siguro ang mga tao doon.
Isagani: Excuse me po… pero hindi naman kami bibili ng hindi namin kailangan.
Simoun: Chillax hijo! (Pinugos nga smile) Hindi ko naman ginustong hamakin ang iyong
lalawigan… nabalitaan ko lang na Indio pala ang inyong kura-paruko.
Simoun: Wala lang… (Pabulong) Kapag paring Indio kasi ang kura-paruko ay tiyak na
maralita ang isang bayan…
Simoun: Ahhh…. Kalimutan na ninyo yung mga sinabi ko… Uminom na lang tayo ng
serbesa! (Offering Scene)
Isagani: Na alin?
Basilio: Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala siguro silang tsismis na
maririnig.
Isagani: Correct ka dyan! Hindi tulad ng alkohol ang matabang na tubig sapagka’t ito ay
nakamamatay ng apoy. At kapag tubig ay nagalit, iyon ay maaaring lumawak
tulad ng dagat na handang magwasak at pumatay at kapag iyon ay pinainit at
naging singaw, ito ay handang sumira ng isang maunlad na bayan o nang buong
sangkatauhan. (Napahanga si Simoun)
Isagani: Nagiging singaw ang tubig kapag ito’y pinainit ng galit, hindi papayag na
makulong sa lalagyan. Kapag ang maliit na tubig ng ilog ay pinagsama-sama at
nagkaisa, lalakas ang agos at maaaring sumira ng maunlad na bayan. (Siniko ni
Basilio si Isagani)
Isagani: Somehow…
Basilio: Hehe! Labis-labis ang paninira niya kay Simoun (Pabulong kay Isagani)
Isagani: Kapag nakaharap naman si Padre kay Simoun ay sobra naman ang puri nito sa
mangangalakal (Bulong 2 Basilio)
Narrator: Pumunta si Isagani sa dakong hulihan ng bapor kung saan nakaupo roon ang
paring Pilipino. Kagalang-galang at tahimik, mapagkumbaba. Pinagpupuyugan ng
bawat bumati sa kanya. Maganda ang pangangatawan at may edad na rin. May
bakas ng kalungkutan sa mukha. Siya si Padre Florentino, tiyo ni Isagni.
Padre Florentino: Hayaan ninyo akong ipakilala ang aking sarili… (Pina Charo Santos dayon)
Ako ay isang anak-maayaman. Hindi ko na man ginustong magpari eh. Ito ay
kagustuhan ng aking ina. Siya ay palasimba, naging malapit sa arsobispo at sa
pag- aakala niyang mas makapaglilingkod pa siya sa Diyos kung magiging pari
ang kanyang anak, pinilit niya ako sa kabila ng aking pagtutol. Sa katunayan, may
GF ako, ngunit umiral pa rin ang katigasan ng loob ng aking ina.
Kaya heto… ako ay naging pari at idinaos ko ang aking una at maringal na misa sa
edad na dalawampu’t lima. Ang kasiyahan ng aking ina ay lubus-lubusan kaya
nang mamatay siya ay lahat ng kanyang ari-arian ay ipinamana niya sa akin.
Alam nyo ba?... May nangyari noong 1872 na nagdulot sa akin ng pangamba kaya’t
nagpasya akong mamuhay ng katulad ng karaniwang tao sa baybayin ng Pasipiko,
sa lupaing minana ko. Doon ko nakasama si Isagani na anak ng aking pinsang
babaeng taga-Maynila. Ngunit sadyang may mga madadaldal at nagsasabi na anak
ko raw siya sa isang nabiyudang dating katipan. Tapos… (will be interrupted)
Kapitan B: (Lumapit kay Padre Florentino) Halika Padre at pupunta tayo sa itaas ng kubyerta
kasama ang ibang prayle. Baka naman kasi isipin nila na ayaw mong makihalubilo.
Padre Florentino: Mabuti! Iwasan mong magpakita sa kapitan dahil baka anyayahin ka rin niya at
lalabas na inaabuso natin ang kagandahang-loob nito.
Isagani: Weh?!? Siguro nagdadahilan ka lang kasi ayaw mong makausap ko si Doña
Victorina.
Narrator: Ang sinumang nilalang, anuman ang katayuan nila sa buhay ay hindi nararapat
apihin at maliitin. Sila ay mga taong may damdaming dapat isaalang-alang. Dapat
isiping ang mga taong maliliit ay sensitibo at madaling masaktan. Maging maingat
sa mga salitang bibitiwan upang hindi makasakit. Kaya….
Altogether: ‚Kung wala kang sasabihing maganda sa kapwa, huwag ka nang magsalita!‛