El Filibusterismo 23-28
El Filibusterismo 23-28
El Filibusterismo 23-28
Nakita siya ni Macaraig nang mag-iikawalo malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila estudyante.Malubha na ang sakit ni Kapitan Tiyago.Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa pamahalaang Kastila dahil ang hindi kakampi sa kanila ay ituturing na kaaway na dapat patayin. Sinabi ni Basilio na , nagpakamatay na si Maria Clara.Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa niyon kay Kapitan Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay na si Maria Clara.Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun.
El Filibusterismo/Kabanata 24 : Mga Pangarap Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang-handa si Isagani sa pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Panay raw ang tingin ni Isagani sa mga Pransesa. Kaya raw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani. Si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez. Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niya nakita si Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at natiyak niyang ang kulang ay si Paulita. Ngunit ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang ibig niyang paglalakbay ay sa pamamagitan ng tren. Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galing sa digma. Sa huliy ni walang pumapansin. Ngunit kay Simoun ay nabahala ang marami. Iba na raw ang mayaman, ayon sa binata. Ang bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya. Dumating sina Paulita. Nginitian nito si Isagani. Nangiti na rin ang binata at napawi ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa dalaga. Nalubos na sana ang kanyang tuwa nang itanong sa kanya ni Donya Victorina kung nakit ang binata ang pinaghahanap na asawang Kastila. Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil sa kanilang bayan sa nayon (kay Padre Florentino) nagtatago si De Espadana. Sinabi ng donya na nais niyang mag-asawa uli. Nagtanong pa ang donya kung anot pakasal siya kay Pelaez. Ang pilyong Isagani naman ay namuri pa sa by junmelon baklarisas kinaiinisan niyang kamag-aral. Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang kausap. Kung matutuloy lang naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili niya si Juanito.
El Filibusterismo/Kabanata 25 : Tawanan at Iyakan Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labingapat sila, kasama si Sandoval.Matalim ang mga salita ng mga estudyante. Naghalakhakan silay pilit at may tunog ng paghihinakit. Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo sanay si Basilio na ang inanyayahan nila sa halip ng impormal na si Juanito.Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito kahit papaano. Sinigawan siya ng mga kasamahan. Gaya daw ang binigkas ni Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson. Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama natin. May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun. Nagtiktik ito sa mga estudyante. Ani Makaraig: "Ang busabos ng bise-sektor na pinaglilingkuran ng panginoon ng Heneral" El Filibusterismo/Kabanata 26 : Mga Paskil Maagang bumangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais niyang pakialaman ang kanyang linsensiyatura sa Unibersidad pagkatapos madalaw ang may sakit. Uutang siya kay Makaraig ng perang gugugulin. Ang naimpok niya ay naipanubos kay Huli. Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa pagbabangon. Iniugnay niya sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni Simoun. Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa nagbabalita. Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio. Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya. Itinanong kung nasa piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nitop ang binata na umuwi nat sirain niya ang lahat ng kasukatang magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Ditoy may ibang mga kamay na nakapangingilabot, anang katedratiko. Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw. Panay raw mga estudyante. Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o mga paskin (posters) na mapanghimagsik. May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio,. Ang una: Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre. Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga karagdagang balita. Marami raw estudyante ang papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa pag-aaral. Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayoy itiwalag nila di kayo makatatapos sa inyong karera. Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskil. Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa tawag niya.
Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang kasama sa kapisanan ng mga estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil wal ng klase. Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi: Wala-wala akong kinalaman, wala akong kinalaman ; ikaw ang saksi ko Basili, na sinabi kong isang quijoterias ang lahat Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit sa kanila. Natanaw ni Basilio si Isagani. Namumutla ang huli ngunit pinagpupuyusan ng kalooban. Nakapagtataka, mga ginoo, na walang kakuwenta-kuwentang mga bagay ay nagkakagulo tayo na parang mga mayang paking na itinaboy ng tau-tauhang panakot. Ito lang ba ang pangyayari na ang kabataan ay mabibilanggo dahil sa kalayaan? Nasaan ang mga binitay, ang mga pinagbabaril? Bakit tayo magsisiurong ngayon? May nagtanong: Sino ba ang ungas na sumulat naiyon? Walang halaga ang kung sino ang sumulat. Tungkulin nilang ( mga kura ) alamin niyon. Ngunit di tayo dapat patangay sa kaguluhang ito kung saan naroon ang panganib ay doon tayo dumako dahil naroon ang karangalan. Kung nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating kalooban, sino man ang sumulat noon ay dapat nating pasalamatan. Kung hindi naman ay sapat nang tutulan natin at tanggihan, ani Isagani. Tumalikod si Basilio. Di siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Tutungo siya kay Makaraig upang mangutang. Di niya alintana ang mahiwagang senyas ng mga kalapit bahay ni Makaraig. Napadubo siya at napaharap sa dalawang tanod na beterana. Anya: Naparito ako upang makipagkita ako sa kaibigan kong si Makaraig. Nagkatinginan ang dalawang tanod. Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig kay Basilio. Anito: Marangal na pagkatao! Sa panahon ng kapayapaan ay umiwas kayo sa amin .. Inusig ng kabo si Basilio. Dinakip rin ito nang pakilala kung sino Pati ba ako? tanong ni Basilio. Nagatawa si Makaraig. Huwag kayong mag-alala. Mabutit ng maibalita ko sa inyo ang ukol sa hapunan kagabi samantalang nasa sasakyan tayo. Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya kay Makaraig. Sinabi ni Makaraig na ma-aasahan siya ni Basilio at sa magtatapos raw ng madodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na dumakip sa kanila.
El Filibusterismo/Kabanata 27 : Ang Prayle at ang Estudyante Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko. Labis na iginagalang ito ng binata. Ayon sa pari narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata. Itinatanong ng kura kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan . Pinaupo ang binata. Ngunit nanatiling nakatayo si Isagani. Patuloy na nagsalita ang pari. May mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamihay pumupula at lumalalos sa mga prayle ngunit walang makapagsalita nang tapatan o harapan. Ayon kay Isagani ay di kasalanan iyon ng kabataan na pag nagsalita laban sa maykapangyarihan ay kaagad nang sinasabing pilibustero at alam ng pari ang ibinubunga ng gayong paratang. Baliw ang sino mang magsabi nang malakas sa kanyang iniisip sapagkat siyay magtitiis ng pag-uusig, ani Isagani. Sinabi ng prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa niya si Isagani. Pangiting nagpasalamat ang binata. Sinabi niyang itinatangi rin niya ang katedratiko. Ngunit di tayo maguusap dito ng ukol sa ating sarili kayat ipinakikiusap ko sa aking katedratiko na ibahin na ang paksa. Maaari raw si Padre Fernandez ay gayon nga ngunit di raw gaya ng katedratiko ang ibang prayleng Dominiko. At tiniyak ni Isagani ang mga sakit sa pagtuturo ng mga prayle. Binabawasan hanggat maaari ang pagbibigay ng mga kaalaman sa pagpatay sa sigla at sigasig ng magaaral. Walang inihahasik sa amin kundi mga kaisipang luma, mga lisyang simulaing kasalungat ng pagkakasulong. Parang mga bilanggo ng gobyerno ang mga estudyante. Salat na salat ang mga ito sa natututuhan tulad ng pagkasalat ng bilanggo sa pagkaing inirarasyon ng nakasubasta sa pagpapakain. At sinabi ni Isagani na parang may sabuwatan ang pamahalaan at ang mga Pilipino upang manatili sa kamangmangan ang mga ito. Napakagat-labi si Padre Fernandez. Sinabi nitong lampas na sa guhit ng pag-uusap ang mga paratang ni Isagani. Hindi, Padre, ganti ni Isagani. Ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila ang nagsasabi mismo na kami ay hindi nararapat matuto pagkat balang araw ay magpapahayag kami ng paglaya. Itoy pagtanggi na ang bilanggo ay pakanin pa upang di na makalabas sa bilangguan. Ang kalayaan ay katambal ng tao at, gayundin, ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na maging amin iyan ang dahilan ng kawalan naming ng kasiyahan. Ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang, anang Pari. Ipagkaloob iyan sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin niyon. Tinutulan ito ni Isagani. Hindi raw totoo iyon. Kung ano kami ay kayo ang may gawa. Ang bayang inaalipin ay natutong magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin. Ipagpalagay natin, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay mga walang dakilang asal at katibayanng loob. Sino ang may kasalanan? Kami o kayong nagturo sa
amin sa loob ng may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng palayok kundi mga sira siyay napakatanga marahil. O masama at marumi ang putik na ginagamit? Kung gayoy higit pang napakahangal gayong alam na palang masama at marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon, at di lamang hangal, kundi manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa niyay patuloy pa sa pagtangap kabayaran.. at di lamang hangal , mandaraya at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil ayaw nilang subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng magiging kapakipakinabang. Nakilala ni Padre Fernandez ang kanyang kagipitan. Noon lamang siya nakaranas niyonpagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang. Anang kura: Kinapopootan ng bayan ang sundalo na dumakip at hindi ang hukom na nagpanaog ng hatol na pagkabilanggo Kamiy napapagitna sa dalawang sibat sa inyo at sa pamahalaan . Kung ano ang utos sa amin ay siya naming sinusunod. Ang nag-uutos sa pagpapaputok ay masasabingsiya na ring naglalagay ng bala sa kanyon. Pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan. Nangatwiran ang katedratiko. Ang ibig kong sabihiy may mga batas na mabuti ang layon ngunit masama ang ibinubunga. Upang maiwasan ang isang pagdaraya ay nagpapatibay ng maraming panugpo na pinaglalaruan lamang ng mga mamamayan. Maglagda kayo ng isang batas, kahit sa Espanya, at pag-aralan ng mga tao kung paano ito madaraya. Ngunit nalalayo tayo tayo sa paksa Kaya sasabihin kong ang masamang ugali ninyo ay di dapat isisi sa amin ni sa Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag ng aming kapisanan. Ang naghahangad magpatotoo ng lahat ay wala isa mang napatutunayan. Ang mga kapisanan ay nawalan ng pag-iingat dahil sa umaapaw na kasaganaan. Opo, may pumipilit na silay mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang kaganapan ng pagkatao. Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito rito dahil itoy hinahadlangan.Ang bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang lalong makatulong sa bansa. Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng karunungan dahil sa inyong pag-aglahi sa amin sa kawalangpinag-aralan at kamangmangan. Kamiy inyong hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo ang aming kahihiyan".
El Filibusterismo/Kabanata 28 : Pagkatakot Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipina. Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali. Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulburat bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Darami ang madarakip at mabibilanggo. Marami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Ngunit di niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang intsik. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit. Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma daw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa daw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kayat pinagpipit; naligtas daw ang Heneral dahil nooy nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas. May nagpanukalang magpabaril kaagad ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo. Anang isay sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon at ang lahat ay magsisipanhik ng bahay upang manahimik. Anang isa naman, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang bayan. Kina Kapitan Tiyago. Unay ibinilanggo na si Basilio at naghaluhog sa mga kasulatan ng binata. Nayanig ang kahinahunan ni Kapitan Tiyago. Saka ngayoy dumating si Padre Irene at nagbabalita ng kung anu-anong mga nakatatakot. Nanginig sa takot ang matanda. Nakadilat ang mata na napakapit sa kura. Nagpilit bumangon. Ngunit di nakaya. Bumagsak na bumubula ang bibig. Patay na. Nasindak ang kura. Tumakbo. Nakahawak sa kanya ang patay na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid. Kinagabihan. Sa isang binyagan ay may nagsabog ng kuwalta. Nag-agawan ang mga bata. Nagkaingay sa may pinto ng simbahan. Isang opisyal ang nagdaan. Nabigla ito sa pag-aakalang gawa iyon ng mgs pilibusterilyo. Hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsimula na raw ang himagsikan. Dalawang tao ang nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla. Hinabol ng mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan. Di ito nangahuli. Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari pang makasugat sa gagamit. Isang beterano ang napatay dahil pinagkamalan ng isang kawani na yaon ay estudyante. Isang bingi ang sinino sa Dulumbayan. Hindi ito sumagot. Binaril sa paa at sa ulo. Patay! Sa isang tindahan ay si Tadeo kaagad ang ipinakibalitaan. Binaril na raw, anang pinagtanungan. Napadaing ang babae. Malaki raw ang utang ni Tadeo sa kanya. Anang kausap ay baka raw madamay pa kay Tadeo ang may tindahan. Natahimik ang babae.
Luku-luko raw si Isagani. Kusa pa raw nagpadakip. Babarilin daw malamang. Walang anuman daw sa kanyat walang utang sa kanya si Isagani, anang ginang na may tindahan. Ano raw kaya ang gagawin ni Paulita. Baka raw pakasal sa iba, anang tumugon. Halos lahat ng bahay ay may mga nagrurosaryo. Sa tirahan nina Placido Penitente, dinilaan ng mga kawani hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Gawa lang daw iyon ni Padre Salvi. Ayon naman sa isay si Quiroga ang may gawa. May ibig daw ipasok na kontrabando si Quiroga at nasa look na sandaang libong pisong mehikano. Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi. May narinig silang mga yabag. Natigil ang usapan kay Quiroga. Kunway binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang dumating ay si Placido . Kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura si Simoun. Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo.Tatlumpu raw. Ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi raw mangyayari iyon, anang isa, dahil si Simoun na siyang madalas magpayo niyon ay maysakit. Nagkapalitan ng tingin ang dalawang bagong dating. Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad. Ipinalit ay mga artilyerong Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa Luneta, malapit sa pinto, ng bangkay ng isang dalagitang kayumanggi.