Aralin 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Yunit 2

Aralin 2: Ang mga Pitch Name

I. Layunin: natutukoy ang mga pitch name ng mga staff at spaces ng F-Clef
staff

II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Pitch Name ng mga Staff at Spaces ng F-Clef


B. Lunsarang Awit: “High & Low”, Do, Re, Mi Song, Leron Leron Sinta, Mang
Kiko, Tayo ay Umawit ng ABC
C. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide MU5ME-lla-2
D. Kagamitan: tsart ng mga awit, mga larawan, keyboard, CD/CD player
E. Pagpapahalaga: Pag-awit nang may damdamin
F. Konsepto: Ang Clef ay nagbibigay pananda sa range ng mga note na
gagamitin. Mga titik ng Alpabeto na A,B,C,D,E,F,G ang bumubuo sa mga
pitch name.

Mga titik alpabeto na A,B,C,D,E,F,G ang bumubuo sa mga pitch name.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
i. Clapping/Paagpalakpak
b. Tonal
i. Ipaawit ang sumusunod gamit ang “boo”

2. Balik-aral
Ipaawit habang pinapalakpak ang hulwarang ritmo ng awit.
a. “Mang Kiko”

B. Panglinang na Gawain
1. Pagganyak
Ipaawit ang “Do, Re, Mi Song” at ipabigkas sa kanila ang
mga titik ng Alpabeto.

Ano-ano ang mga titik ang bumubuo sa Alpabeto?


2. Paglalahad
Iparinig sa mga bata ang lunsarang awit na “Tayo ay Umawit ng
ABC”.

3. Pagtatalakay
Ipakita ang staff. Ipabilang ang mga guhit at mga puwang.

Pansinin ang musical symbol sa staff. Ano ang tawag dito?


(F-Clef)

Ang clef ang nagsisimbolo ng range ng mga tono ng note sa


staff.

Ipakilala ang mga pitch name.

Do Re Mi Fa So La Ti Do

C D E F G A B C

Itanong: Ano-anong pitch name ang matatagpuan sa mga


guhit/lines? (D,F,A,C)
Ano-ano naman ang mga pitch name ang matatagpuan sa
puwang/space? (C,E,G,B)

4. Paglalahat
Ano-ano ang mga pitch name ng mga guhit/puwang na
bumubuo sa F-Clef?

Ang mga pitch name na makikita sa mga guhit ng F-Clef


staff ay D,F,A,C. Samantalang ang mga pitch name naman
na makikita sa puwang ng F-Clef staff ay C,E,G,B.
Nagsisimula ang notang C/DO sa pangalawang puwang.

5. Paglalapat
a. Gumuhit ng staff sa pisara at ipasulat sa mga bata ang mga
pitch name sa guhit at puwang.
b. Magpalaro ng musical word game.

6. Repleksiyon
Nakatulong ba ang pag-aaral ng pitch name upang makabuo
tayo ng mga salita batay sa mga titik mula sa F-Clef staff?

C. Pangwakas na Gawain
Magpalaro ng “Find your Partner”.
Humanap ng kapareha. Gawin ang pagbuo ng limang (5) salita na
matatagpuan sa F-Clef.
1. BAG
2. FACE
3. CAGE
4. CABBAGE
5. BADGE

IV. Pagtataya
Isulat sa patlang ang mga pitch name na makikita sa guhit o puwang ng F-
Clef staff.
V. Takdang-aralin
Sa pamamagitan ng pagguhit ng mga whole note, ilarawan sa F-Clef staff
ang mga sumusunod na pitch name.

1. D
2. E
3. A
4. F
5. C
6. G
7. B

You might also like