LM LM A5PR-If
LM LM A5PR-If
LM LM A5PR-If
Alamin :
. Ang museo ay isang lugar o gusali na pinaglalagakan ng mga bagay na may kinalaman
sa kasaysayan at mga bagay na may kinalaman sa sining at siyensiya. Kabilang na sa mga
museo sa Pilipinas ay ang “National Museum” o Pambansang Museo na itinakda ng
pamahalaan bilang espesyal na lagakan ng mga pamana ng bansa. Dito nakatago ang
mahalagang kagamitan na ginamit ng mga unang Pilipino at mga dakilang bayani ng bansa.
Gawin:
1. Gumuhit sa bond paper ng mga sinaunang bagay mula sa museo at ipakita ang tatlong dimensiyonal
na ilusyon.
2. Kulayan at punuin ang mga espasyo ng mga disenyo, ang inyong iginuhit at sundan ito ng krayola para
lalong maging kaakit-akit ang inyong likhang sining.
3. Kung wala ng idadagdag pwede nang itanghal ang ginawang likhang sining at humanda sa
pagpapahalaga.
TANDAAN:
An gating bansa ay punong puno ng magagandang likha. Ang mga ito ay nagtataglay ng element
ng sining tulad ng linya, hugis at may prinsipyong paulit-ulit.
SURIIN:
Panuto: Lagyan ng (/) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.