LP MUSIC 1sT Quarter
LP MUSIC 1sT Quarter
LP MUSIC 1sT Quarter
Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
Nakikilala ang iba’t ibang uri ng mga note at rest.
II. Paksang-aralin
A. Paksa : Pagkilala sa iba’t ibang uri ng mga note at rest
B. Lunsarang Awit : “Lupang Hinirang”, G, , do
“Magandang Araw”, C, , mi
“Baby Seeds”, G, , so
C. Sanggunian : Music Time (Lower Primary), p. 38, 208
D. Kagamitan : pitch pipe, mga flashcard ng mga note at rest
E. Pagpapahalaga : Pakikiisa
F. Konsepto : Sa masusing pagsusuri sa mga simbolo ng musika, maipakikita ang kaugnayan
ng iba’t ibang tunog at mga simbolo sa pag-aaral, paglilikha, pagsusulat, at
pagtatanghal ng musika.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Ipalakpak ang sumusunod namga rhythmic pattern sa dalawahan, tatluhan, at
apatang kumpas:
b. Tonal
Awitin ang “Lupang Hinirang”. Bigyang pansin ang tamang titik at tono. Ipaalala
ang maayos na pag-awit tulad ng tamang pag-upo, hindi pasigaw, at paghinga buhat
sa diaphragm sa halip na sa dibdib
2. Balik-aral
Ipadyak ang beat. Ipalakpak ang rhythm. Bigkasin ang chant.
MUSIC IV
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
2. Paglalahad
Iparinig ng guro ang awiting “Magandang Araw”.
Ituturo ang awitin sa pamamaraang rote.
Awitin ang “Magandang Araw”.
3. Pagtatalakay
Bakit nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog ang isang awitin?
(Ang isang awit ay nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog dahil sa uri ng mga note
na ginamit.)
Ilang uri ng mga note ang makikita sa awiting “Magandang Araw”?
(May tatlong uri ng mga note ang makikita sa awitin.)
Bukod sa mga note, ano pang simbolo sa musika ang inyong nakikita?
(Mayroon ding rest.)
Isulat/Iguhit ang mga note at rest na ginamit sa awitin.
Batay sa inyong pag-awit, aling note ang pinakamahaba ang tunog? Alin naman ang
pinakamaikli ang tunog? Alin naman ang katamtaman? Alin ang walang tunog?
May mahaba at maikling tunog sa isang awitin dahil sa mga uri ng note na ginagamit.
May bahagi ring walang tunog at ang ginagamit na simbolo nito ay rest.
MUSIC IV
4. Paglalahat
Tandaan naangbawat note ay may katumbas na rest.
5. Paglalapat
Ano ang kahalagahan ng mga note at rest sa pagsusulat/pagrerekord ng musika?
Batay sa bilang ng mga note sa loob ng isang measure, paano napangkat ang awitin?
IV. Pagtataya
Sagutin ang sumusunod.
1. Iguhit ang quarter note.
2. Ano ang katumbas na bilang ng dalawang eighth note?
3. Anong note ang katumbas ng dalawang eighth note?
4. Ano-ano ang mga note na nasa ikatlong measure ng awiting
“Magandang Araw”?
5. Iguhit ang quarter rest.
V. Takdang-aralin
Pag-aralan ang awit. Lagyan ng kaukulang bilang ng kumpas ang bawat note at rest.
MUSIC IV
Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
Napagsasama-sama ang mga note at rest ayon sa mga simple meter.
(pagsasama-sama ng mga note at rest sa mga measure ayon sa mga simple meter)
Nagagamit ang barline sa pagpapangkat ng beat/kumpas sa isang simple meter ( 2/4 )
II. Paksang-aralin
A. Paksa : Duple Meter, , Time Signature, Barline
B. Lunsarang Awit : “Tayo Na!”, C, , do
“Umayka Ti Eskuela”, C, , so
C. Sanggunian : Philippine Folk Literature Series VII
The Folk Songs, p. 105
Compiled and Edited by Damiana L. Eugenio
D. Kagamitan : pitch pipe, mga flashcard ng mga note at rest
E. Pagpapahalaga : Pakikiisa
F. Konsepto : Iba’t ibang note at rest, mga simple meter
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sa dalawahang kumpas:
Pangkat A –Ipalakpak ang beat.
2. Balik-aral
Laro: Pangkatin ang klase sa apat.
Ang mga bata sa bawat pangkat ay mag-uunahan sa pagkilala ng ipakikita ng guro na mga
noteat rest na nakasulat sa mga flashcard. Matapos kilalanin, dapat ibigay ang tamang
bilang o kumpas ng note o rest.Ang pangkat na may pinakamaraming tamang sagot ang
panalo.
MUSIC IV
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Gamit ang mga flashcard ng note at rest, bubuo ang bawat pangkat ng rhythmic
pattern sa dalawahang kumpas. Ipalakpak ang mga nagawang rhythmic pattern.
2. Paglalahad
Pag-aralan at suriin ang awiting “Tayo Na!”
3. Pagtatalakay
Ano-anong uri ng note at rest ang ginamit saawitin?
Ano ang meter ngawitin?
Ilan ang bilang ngkumpas sa bawat measure?
Paano nabuo ang rhythmic pattern sa bawat measure?
Ano ang inilagay/ginamit upang mapangkat ang mga tunog?
Awitin muli ang “Tayo Na!” habang ipinapalakpak ang beat ng awit.
4. Paglalahat
Ang isang measure ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga note
at rest at ginagamitan ng barline upang makabuo ng pangkat ayon sa nakasaad na
time signature.
5. Paglalapat
Gamit ang barline, pangkatin ang mga note at rest ayon sa time signature.
MUSIC IV
IV. Pagtataya
Tukuyin at isulat ang limang karaniwang rhythmic pattern na matatagpuan o ginamit sa
awiting “Tayo Na!”.
V. Takdang-aralin
Pag-aralan ang awit na “Umayka Ti Eskuela.” Lagyan ng kaukulang bilang ng kumpas ang
bawat note at rest ng awitin.
MUSIC IV
Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
Napagsasama-sama ang mga note at rest ayon sa 2/4 time signature
Nakikilala ang pulsong may diin/ accent at walang diin/unaccented
II. Paksang-aralin
A. Paksa : time signature
Pulsong may diin/accent at walang diin/unaccented
B. Lunsarang Awit : “Umayka Ti Eskuela”, C, , so
“Rain, Rain Go Away”, F, , so
“Baby Seeds”, G, , so
C. Sanggunian : Sanayang Aklat sa Musika 4, p. 30
Emily A. Gonzales, Leonaria P. Malbas
Music Time Teacher’s Manual, p. 38 (Lower Primary)
D. Kagamitan : pitch pipe, mga flashcard ng mga note at rest
E. Pagpapahalaga : Pakikiisa
F. Konsepto : Pagbubuo ng mga rhythmic pattern na may time signature.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Echo clapping: Ipalakpak ang sumusunod.
2. Balik-aral
Awitin ang “Umayka Ti Eskuela”sa Yunit I - Aralin 2
Pangkatin ang mga note at rest upang makabuo ng rhythm ayon sa time signature.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Paglalaro ng “The Boat is Sinking”
Paraan ng pagsasagawa:
Ang mga bata ay pabilog na magkakahawak ng kamay habang umaawit ng “Rain, Rain
Go Away”. Kapag sinabi ng guro na “ The Boat is Sinking; group into 5”, ang mga mag-
aaral ay bubuo ng kani-kanilang pangkat na may limang katao. Ang mga batang
MUSIC IV
walang nasamahang pangkat ay aalisin muna sa laro. Ang mga natirang bata ay muling
maghahawak ng kamay pabilog at aawit na muli ng “Rain, Rain Go Away”. Sa
pagtigil ng pag-awit ay magpapangkat muli ang mga bata ayon sa ibinigay na bilang ng
guro.
2. Paglalahad
Pag-aralan at suriin ang awitin.
3. Pagtatalakay
Ilang measure mayroon ang awit?
Ano-anong mga simbolo ng musika ang nasa loob ng mga measure?
Tukuyin ang mga note at rest na ginamit sa awitin.
Paano nabuo ang mga measure?
Ano ang time signature ng “Baby Seeds”?
Ilang bilang mayroon ang bawat measure?
4. Paglalahat
Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang note at rest nanaaayon sa isang
nakatakdang time signature.
MUSIC IV
5. Paglalapat
Mula sa awit na “Baby Seeds”, lagyan ng naaangkop na salita ang bawat rhythmic
pattern.
IV. Pagtataya
Pangkatin ang mga note ayon sa time signature at batay sa tamang bigkas ng mga salita.
Gumamit ng barline.
V. Takdang-aralin
Ano-ano ang mga gawain na higit nanakatulong sa pagunawa saaralin?
MUSIC IV
Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
Nasasabi ang kahulugan ng iba’t ibang rhythmic pattern
Napagsasama-sama ang mga note at rest sa measure ayon sa ¾ time signature
II. Paksang-aralin
A. Paksa : Mga rhythmic pattern sa simple meter
B. Lunsarang Awit : Pakikinig: Waltz of the Blue Danube
“Batang Magalang”, F, , so
“Will You Dance With Me?”, C, , mi
C. Sanggunian : Music Time Teacher’s Manual (Lower Primary), p. 40
D. Kagamitan : pitch pipe, mga flashcard ng mga note at rest
E. Pagpapahalaga : Pakikiisa
F. Konsepto : Iba’t ibang note at rest, rhythmic pattern, time signature sa triple meter
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.
2. Balik-aral
Awitin ang awit tungkol sa mga note habang ipinakikita ang pagbuo ng iba’t ibang note sa pisara.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pakinggan ang isang recording ng isang waltz tulad ng “Waltz of the Blue Danube” at maaaring sumayaw o
magkumpas ang mga bata habang nakikinig.
2. Paglalahad
Awitin at suriin ang musical score ng “Batang Magalang”
MUSIC IV
3. Pagtatalakay
Ano anong uri ng note at rest ang makikita saawit?
May kakaiba ka bang napansin sa pagkakaayos o pagkakasulat ng awitin?
Saan nakita ang measure na ito?
Ano ang time signature ng awitin? Ilan ang bilang sa bawat measure?
4. Paglalahat
Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang mga note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signature.
5. Paglalapat
Iguhit ang akmang note sa bawat patlang upang mabuo ang mga rhythmic pattern sa time signature.
IV. Pagtataya
Isulat ang angkop na rhythmic pattern batay sa lyrics ng awitin.
V. Takdang-aralin
Sa pag-awit ng “Batang Magalang”, ano ang inyong naramdaman? Bakit? Anong uri ng sayaw ang maaaring gawin
kasabay ng awitin na may meter?
MUSIC IV
Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
Napagsasama-sama ang mga note at rest sa sukat ayon sa ¾ time signature
II. Paksang-aralin
A. Paksa : Accent at mga rhythmic pattern sa
B. Lunsarang Awit : “An Sakong Abaniko”, C , , so
“Ang Huni ng Ibong Pipit”, C , , mi
C. Sanggunian : Music Time (LP), p. 40
D. Kagamitan : Mga bagay na lumilikha ng tunog tulad ng patpat, kutsara, tinidor, at kauri
nito
E. Pagpapahalaga : Pagkakaisa
F. Konsepto : Ang accent ay karaniwang nasa unang kumpas ng bawat sukat ng isang
rhythmic pattern.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Pagpalakpak sa rhythmc pattern na ¾ .
2. Balik-aral
Palakumpasan at halaga ng mga noteat rest.
Awitin ang “Will You Dance With Me?”
Ano ang time signature ng awit? ( ¾ )
Anong kilos ang maaaring isabay sa awit? (pagbalse/waltz)
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Kunin ang mga dinalang instrumento at maghanda sa pagpapatunog ng mga ito.
Patunugin ang inyong dalang instrumento habang inaawit ang “Will You Dance With
Me?” Sundan ang tsart para sa bahagi ng awit na sasabayan ng ostinato.
2. Paglalahad
Awitin at suriin ang musical score.
MUSIC IV
3. Pagtatalakay
Awitin ang “An Sakong Abaniko”.
Suriin ang rhythmic pattern ng “An Sakong Abaniko”.
Ipalakpak ang rhythmng awitin.
Ano ang naramdaman mo habang isinasayaw ang balse,umaawit at ipinapalakpak ang
rhythmng awit?
Ano ang time signatureng awit?
Ano ang kilos na maaaring gawin habang inaawit ito?
4. Paglalahat
Sa pangkaraniwang kumpas, ang unang note o kumpas ng bawat measure ay
binibigyan ng accent(>) o diin. Ang accent sa unang kumpas ng rhythmic pattern sa ¾
ay nagbibigay ng mas maayos na pagsaliw sa mga sayaw na balse.
5. Paglalapat
Awiting muli ang “An Sakong Abaniko.” Lagyan ng accent ang bahaging binigyang
diin sa awit. Gawin ito sa sagutang papel. Awitin ito ayon sa pagkakalagay ng accent.
IV. Pagtataya
1. Pangkatin ang mga note upang makalikha ng mga measure ayon sa nakasaad na time
signature.
2. Lagyan ng accent ang bahagi ng awit na nararapat na may diin.
V. Takdang-aralin
1. Magdala ng tugtuging nagbibigay-pansin sa accent.
2. Kapanayamin ang inyong nanay, tatay, lolo, o lola tungkol sa mga nadaluhan nilang
sayawan noong kapanahunan nila. Itanong ang pagkakapareho at pagkakaiba ng sayawan
noon at ngayon. Iulat sa klase ang inyong napag-alaman.
MUSIC IV
Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
Naipakikita ang kaalaman sa elemento ng rhythm sa pamamagitan
ng pagpalakpak ng rhythmic patterns a time signature na 4/4
Napagsasama-sama ang mga note at rest sa measure ayon sa 4/4 time signature
II. Paksang-aralin
A. Paksa : Rhythmic pattern sa time signature
B. Lunsarang Awit : Pakikinig: “Pop! Goes the Weasel”
“We’re on the Upward Trail”, G, , do
“Inday Kalachuchi”, C, , so
C. Sanggunian : Musika, Sining, at Edukasyong Pangkatawan 4,p. 308
Violeta E. Hornilla, Isabelo R. Magbitang Servillano A. Padiz, Jr.
D. Kagamitan : pitch pipe, mga flashcard ng mga note at rest
E. Pagpapahalaga : Pakikiisa
F. Konsepto : Pagpapangkat ng mga note at rest gamit ang barline
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.
Bigkasin ang mga rhythmic syllable.
2. Balik-aral
Ating balik-aralan ang pagkumpas ng apat, gamit ang kaliwa at kanang kamay.
Pakinggan ang “Pop Goes the Weasel”at sabayan ang kumpas nito.
MUSIC IV
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pag-usapan kung ang mga bata ay nakaranas nang mag-hiking.
Bigyan ng pagkakataon ang ilan na magkapagsalaysay.
2. Paglalahad
Awitin at suriin ang musical score.
3. Pagtatalakay
Ano-anong uri ng mga note ang makikita sa awit?
May bagong note ka bang nakita? Ano ito?
Ilan ang bilang ng isang whole note?
Ipalakpak ang rhythmic pattern ng awitin.
Ano ang time signatureng awitin?
Ilan ang bilang sa bawat measure?
Bigkasin ang rhythmic syllableng una at pangalawang linya ng awit.
Itapik/Ipalakpak ang pangatlo at pang-apat na linya.
4. Paglalahat
Ang rhythmic patternna may time signature na 4/4 ay may kaukulang mga note at
rest na pinagsasama-sama upang makabuo ng apat na bilang.
5. Paglalapat
Tukuyin/Hanapin ang mga kaparehong measure/s ng sumusunod na rhythmic
pattern sa awiting “We’re on the Upward Trail”
MUSIC IV
IV. Pagtataya
Isulat sa patlang ang note o rest na bubuo sa measure ng time signature na 4/4.
V. Takdang-aralin
Isulat ang mga rhythmc pattern na makikita sa awiting “Inday Kalachuchi”.
MUSIC IV
Araw:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
Napagsasama-sama ang mga noteat rest sa sukat ayon sa 4/4 time signature
Nailalagay ang accent (>) sa tamang lugar sa notation ng napakinggang tugtugin.
II. Paksang-aralin
A. Paksa : Paglalagay ng accent sa notation
B. Lunsarang Awit : “Inday Kalachuchi”, C, , so
Pakikinig: “Pop! Goes the Weasel”
“Ano-ano”, C, , so
C. Sanggunian : Musika, Sining at Edukasyong Pangkatawan 4
Violeta E. Hornilla, Isabelo R. Magbitang
Servillano A. Padiz, Jr.
D. Kagamitan : Tsart ng awitin, sipi ng notasyon ng awitin, atrecorded music
E. Pagpapahalaga : Maayos na pakikinig
F. Konsepto : Ang accent ay karaniwang makikita sa unang kumpas ng bawat measure.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.
2. Balik-aral
Pakikinig: Pakinggan ang “Pop! Goes The Weasel” at alamin kung saan ang accent. (Sagot:
Sa salitang “Pop!”)
Inday Kalachuchi, C, , so
Ano-anong note at rest ang nakita/ginamit sa awitin?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magbigay ng mga hayop o tao na puwedeng makita sa paglalakad mula sa inyong
bahay hanggang sa paaralan? Ano ang nararamdaman ninyo sa tuwing makikita
ang mga ito?
2. Paglalahad
Ipakita ang tsart ng awiting “Ano -ano”.
Iparinig sa mga mag-aaral ang awitin.
Ituro ang awitin sa pamamaraang rote.
MUSIC IV
3. Pagtatalakay
Ano ang time signatureng awitin?
Tungkol saan ang awitin? ( Bagay na makikita habang naglalakad)
Tukuyin ang mga ito.
Awitin ang “Ano-ano” na sinasabayan ng paglalakad.
Tukuyin ang mga bahagi sa awitin na nabigyan ng mas malakas na pag-awit
bunga ng paglalakad. (Unahan ng bawat measure)
Awitin nang sabay-sabay ang “Ano-ano” at bigyang pansin ang mga accent.
4. Paglalahat
Ang diin ay karaniwang makikita sa unahang bahaging measure o sa unang
kumpas/beat ng isang measure.
5. Paglalapat
Gumawa ng rhythmic patternna angkop sa mga time signature namakikita sa ibaba.
Gamitin ang sumusunod na uri ng note at rest.
MUSIC IV
IV. Pagtataya
Itapik ang sumusunod na mga rhythmic patternsa Hanay A. Piliin sa Hanay B ang awitin na
ginamitan ng naturang rhythmic pattern.
V. Takdang-aralin
Awitin ang “Ano-ano”. Lagyan ng akmang galaw ayon sa time signature na 4/4 at sa titik ng
awitin.
MUSIC IV
:_________________ Petsa:_________________
I. Layunin
Nakatutugon sa pamamagitan ng angkop na kumpas sa metric pulseng tugtugin o awiting
napakinggan.
II. Paksang-aralin
A. Paksa : Angkop na Pagkumpas
B. Lunsarang Awit : “Lupang Hinirang”, G, , do
“Pilipinas Kong Mahal”, C, , so
C. Sanggunian : Lupang Hinirang Handbook, Musika ng Batang Pilipino
D. Kagamitan : Tsart ng awitin
E. Pagpapahalaga : Paggalang sa Watawat
F. Konsepto : May kahulugan ang bawat galaw ng ating kamay sa pagkumpas
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Ipalakpak ang stick notation.
2. Balik-aral
Kasaysayan ng Pilipinas kaugnay ng pagkakaroon ng Pambansang Awit.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Isa sa palagiang ginagawa ng mga mag-aaral ay ang pag-awit ng Lupang
Hinirang tuwing itataas ang watawat at pag-awit ng “Pilipinas Kong Mahal” tuwing
ito ay ibababa.
2. Paglalahad
Iparinig ang “Lupang Hinirang”.
Tapikin ang pulse/beat nito habang pinakikinggan.
Bigyang pansin ang tamang titik.
Tingnan ang nasa larawan sa ibaba at ikumpas ang “Pilipinas Kong Mahal”sa
palakumpasang 3/4.
3. Pagtatalakay
Ano ang pamagat ng ating Pambansang Awit? (“Lupang Hinirang”)
Nasa anong palakumpasan ito? ( )
Ilang pulso/beatang bawat measurenito?
Sa anong kumpas nagsisimula ang Lupang Hinirang? (sa unang kumpas)
4. Paglalahat
Ang pagkumpas ay isang paraan ng pagtugon sa metric pulse ng awit o tugtuging
napakikinggan. Isa itong uri ng komunikasyon na kailangang maunawaan ng
umaawit o ng tumutugtog.
MUSIC IV
5. Paglalapat
Ang pagkumpas ay isang uri ng komunikasyon sa pagitan ng mang-aawit o manunugtog
at ng tagakumpas. Hindi lamang sa musika ginagamit ang pagkumpas upang makipag-
usap.
Anong mga kumpas pa ang ginagamit mong paraan ng pakikipag-usap?
Paano ito nakatutulong sa malinaw na pag-unawa sa nais mong sabihin?
IV. Pagtataya
Tayahin ang sarili. Gawin ito sa kuwaderno.
Kasanayan Napakahusay Mahusay Digaanong Nangangailangan
Mahusay ng Tulong
1.Nakakumpas ako nang
tama sa rhythm
2.Naunawaan ng mga
umaawit ang kahulugan
ng aking pagkumpas
3.Nakasunod ako sa
pamantayan ng
pagkumpas
4.Tama ang posisyon ng
aking katawan at kamay
habang kumukumpas
5. Naging maganda ang
pagawit/pagtugtog dahil sa
aking pagkumpas
V. Takdang-aralin
Magsanay sa pagkumpas ng ibatiibang awitin na napag-aralan na.
MUSIC IV