G3 Doc Ap Lecture1 08 23

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARALIN 1:

MGA TANDA
AT SIMBOLO

I. ANG MAPA
MAPA - ISANG MAHALAGANG KASANGKAPAN O REPRESENTASYON NG ISANG LUGAR NA NAGPAPAKITA
NG KATANGIANG PISIKAL NITO.

ANG MGA SUMUSUNOD AY ILAN SA MGA HALIMBAWA NG MAPA BATAY SA GAMIT NITO:

 MAPANG PISIKAL (PHYSICAL MAP) - NAGPAPAKITA NG IBA'T IBANG ANYONG LUPA AT


ANYONG TUBIG.

 MAPANG POLITIKAL (POLITICAL MAP) - NAGPAPAKITA NG MGA HANGGANAN, KABISERA O


KAPITOLYO, AT LALAWIGAN NG ISANG LUGAR.

 MAPANG DEMOGRAPIKO (DEMOGRAPHIC MAP) - NAGPAPAKITA NG PAGKAKABAHAGI NG


POPULASYON SA ISANG LUGAR.

 MAPANG PANGKABUHAYAN (ECONOMIC MAP) - NAGPAPAKITA NG PINAGKUKUNANG


YAMAN AT MGA PRODUKTO SA ISANG LUGAR.

 MAPA NG DAAN (ROAD O VICINITY MAP) - NAGPAPAKITA NG MGA KALSADA AT ANG MGA
MAAARING RUTA O DAAN PATUNGO SA ISANG LOKASYON.

 MAPANG PANGKULTURA (CULTURAL MAP) - NAGPAPAKITA NG MGA KAPALIGIRANG


PANGKULTURA TULAD NG MGA GUSALI, TULAY, PALIPARAN, AT IBANG IMPAESTRUKTURA.

II. MGA SIMBOLO SA MAPA

DAHIL ANG MAPA AY ISANG REPRESENTASYON LAMANG NA MADALAS MAKITA SA PAPEL O PATAG NA
KASANGKAPAN, GUMAGAMIT ITO NG IBA'T IBANG SIMBOLO UPANG KUMATAWAN SA IBA PANG
BAGAY. ANG MGA SIMBOLONG ITO AY NAGTATAGLAY NG KAHULUGAN, KATANGIAN, O IMPORMASYON
UKOL SA LUGAR NA KINAKATAWAN NITO.

MGA SIMBOLONG KADALASANG GINAGAMIT SA MAPANG PISIKAL

- DAGAT - BULKAN - TALON - BUROL


- TALAMPAS - KAPATAGAN - TANGWAY O PENINSULA
- KABUNDUKAN O BULUBUNDUKIN - ILOG - LAWA

MGA SIMBOLONG KADALASANG GINAGAMIT SA MAPANG PANGKULTURA

- SIMBAHAN - POSTAL OFFICE - PALENGKE - PALIPARAN - OSPITAL


- FIRE STATION - GUSALI - POLICE STATION - TULAY - KABAHAYAN
MGA SIMBOLONG KADALASANG NAKIKITA SA MAPANG PANGKABUHAYAN

- PALAISDAAN - MINAHAN

- PASTULAN - SAKAHAN

- INDUSTRIYA

SUMMARY

 ANG MAPA AY ISANG MAHALAGANG KASANGKAPAN O REPRESENTASYON NG ISANG LUGAR NA


NAGPAPAKITA NG KATANGIANG PISIKAL NITO.

 ILAN SA MGA HALIMBAWA NG MAPA AY: MAPANG PISIKAL, MAPANG POLITIKAL, MAPANG
DEMOGRAPIKO, MAPANG PANGKABUHAYAN, MAPA NG DAAN, AT MAPANG PANGKULTURA.

 ANG SIMBOLO NG MAPA AY NAGTATAGLAY NG KAHULUGAN, KATANGIAN, O IMPORMASYON


UKOL SA LUGAR NA KINAKATAWAN NITO.

 ANG ILAN SA MGA SIMBOLONG GINAGAMIT SA MAPANG PISIKAL AY: DAGAT, BUNDOK, BUROL,
BULKAN, AT IBA PA.

 ANG ILAN SA MGA SIMBOLONG GINAGAMIT SA MAPANG PANGKULTURA AY: SIMBAHAN,


PAARALAN, POSTAL OFFICE, POLICE STATION, AT IBA PA.

 ANG ILAN SA MGA SIMBOLONG GINAGAMIT SA MAPANG PANGKABUHAYAN AY: PALAISDAAN,


PASTULAN, INSUDTRIYA, AT IBA PA.

You might also like