Resulta NG Pananakop NG Mga Amerikano

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MGA PAGBABAGO SA

PANLIPUNANG
PAMUMUHAY SA
PANAHON NG
AMERIKANO
1. IPINAKILALA NG MGA AMERIKANO ANG NAIIBA AT BAGONG
TEKNOLOHIYA
2. PANAHANAN – NAGPAGAWA SILA NG MGA DAAN AT TULAY
UPANG MADALING MAKARATING ANG MGA TAO MULA SA
ISANG PAMAYANAN PAPUNTA SA IBANG PAMAYANAN.
3. BINIGYAN NG PANSIN NG MGA AMERIKANO ANG KALINISAN NG
KAPALIGIRAN AT ANG KALUSUGAN NG MGA MAMAMAYAN.
NABAWASAN ANG MGA NAMAMATAY, DAHIL DITO, DUMAMI
ANG TAO AT LUMAKI ANG POPULASYON – ANG LUNGSOD NG
MAYNILA AT CEBU AY MGA SENTRO NG KALAKALAN NOON PA
MANG PANAHON NG UNANG PILIPINO AT PANAHON NG KASTILA
4. BINIGYANG-PANSIN ANG TRANSPORTASYON AT KOMUNIKASYON
– PINAGDUGTONG NILA ANG DALAWANG PAMAYANAN SA
HILAGANG LUZON, ANG LA UNION AT ANG BENGUET NA MATAGAL
NA NAGKAHIWALAY AT NAGKALAYO NOONG PANAHON NG
ESPANYOL.
5. NAGTAYO RIN NG BAGONG PAMAHALAAN AT MGA
MAKABAGONG GUSALI
6. SA LARANGAN NG ARKITEKTURA AT PINTURA AY MARAMING
NATUTUHANG MGA MAKABAGONG IDEYA ANG MGA PILIPINO –
NAGING NEO-CLASSIC O ANYONG KLASISISMO ANG ARKITEKTURA
O DISENYO TULAD NG MGA GUSALI SA EUROPA NOONG PANAHON
NG RENAISSANCE NA NAUSO NOON SA ESTADOS UNIDOS
7. PAG-UNLAD NG TRANSPORTASYON AT KOMUNIKASYON –
KINAKAILANGAN ANG MAAYOS AT MARAMING DAAN UPANG
MADALI ANG PAGDALA NG MGA PRODUKTO, KAYA NAGPAGAWA
NG MARAMING LANSANGAN AT TULAY SA BUONG KAPULUAN.
8. ANG TRANSPORTASYON PANGHIMPAPAWID AY KASABAY DIN
NG PAGDATING NG MGA AMERIKANO. ANG UNANG EROPLANO SA
MAYNILA AY PINALIPAD NOONG 1911. PAN AMERICAN AIRWAYS –
UNANG EROPLANONG LUMIPAD BUHAT SA CALIFONIA
HANGGANG CAVITE.
9. DUMAMI ANG MGA PILIPINO NA GUMAMIT NG TELEPONO,
RADIO AT WIRELESS TELEGRAPH. NAKAPAKINIG SILA NG RADIO
SA MGA BAHAY AT TANGGAPAN.
10. EDUKASYON – IPINAKILALA ANG ALPABETONG INGLES SA
PAMAMAGITAN NG MGA BAGAY NA NAKIKITA, KINAKAIN AT
GINAGAMIT NG MGA BATANG AMERIKANO. HALIMBAWA’Y A – APPLE,
B – BREAD, C – CAR, D – DEER, E – ELEPHANT ATBP.
11. ANG UNANG MGA GURO AY MGA KAWAL NA AMERIKANO. SILA AY
KILALA SA KATAWAGANG “THOMASITES” NA HINANGO SABARKONG
SS THOMAS NA SINAKYAN NILA PATUNGO RITO SA ATING BANSA.
12. ANG MABABANG PAARALAN AY NAGTUTURO NG MGA
PANGUNAHING KAALAMAN TULAD NG PAGBASA, PAGSULAT,
PAGBABAYBAY AT ARITMETIKA. ITINADHANA NA ANG MABABANG
PAARALAN O ELEMENTARYA AY MATATAPOS SA LOOB NG PITONG
TAON.
13. ANG MGA NAGTAPOS SA MATAAS NA PAARALAN NA MAY MATAAS
NAN A ANTAS AT NAGPAKITA NG GALLING AT KAKAYAHAN SAP AG-
AARAL AY IPINADADALA SA ESTADOS UNIDOS BILANG MGA
“SCHOLARS”. PINAG-AARAL SILA NG PAMAHALAAN AT PAGBABALIK
SA PILIPINAS AY PINAPAGTURO SILA O PINAPAGTRABAHO SA MGA
TANGGAPAN NG PAMAHALAAN. SILA ANG TINAWAG NA MGA
PENSIYONADO. ANG PINAKAMATANDANG UNIBERSIDAD NA
ITINATAG SA ILALIM NG PAMAHALAANG AMERIKANO AY SILIMAN
UNIVERSITY SA DUMAGUETE AT ANG CENTRAL PHILIPPINE
UNIVERSITY SA ILOILO. ANG PAGKAKATATAG NG UNIBERSIDAD NG
PILIPINAS NOONG 1908
14. PANITIKAN AT SINING - ANG PAGSUSULAT SA WIKANG INGLES AY
NATUTUNAN NG MGA PILIPINO SA MADALING PANAHON.
SI ZOILO M. GALANG AT SI CLEMENCIA JOVEN CALAYCO ANG MGA
UNANG PILIPINONG KUWENTISTA SA INGLES.
15. ANG KULTURA NG AMERIKANO AY NAKAIMPLUWENSIYA SA ATING
MGA MANUNULAT. ANG MGA BATIKANG MAKATANG AMERIKANO
TULAD NINA LONGFELLOW, EDGAR ALLAN POE, WHITMAN AT
SHELLEY AY NAGING HUWARAN NG MGA MANUNULAT NA PILIPINO SA
INGLES.
16. SA LARANANGAN NG PAGGUHIT, SI FERNANDO AMORSOLO ANG
PINAKATANYAG SA LAHAT. NANG DAHIL SA HUSAY NIYA SA PAGGUHIT
NG KALIKASAN, LARAWAN NG MGA BAYANI AT PANGYAYARI SA
KASYSAYAN NAKILALA SIYA BILANG “IMPRESYONISTANG PINTOR”.
ANG “BINYAG NG PANGANAY” AY ISA SA MGA OBRA MAESTRA SA
PANAHONG ITO.
BINYAGAN/ “BINYAG NG PANGANAY”
FERNANDO AMORSOLO
17. PAGKAIN, PANANAMIT AT PAG-UUGALI - SA PAGKAIN, NATUTONG
KUMAIN NA LANG NG SANDWICHES TULAD NG HAMBURGER, HAM AT
HOTDOG, SA HALIP NA TANGHALIAN. NAGUSTUHAN DIN NILA ANG LASA NG
MGA IMPORTED NA KARNE AT DE-LATA. SA MGA INUMIN, TULAD NG
LAMBANOG, NAPALITAN NG WHISKY, VODKA, RED WINE AT IBA PANG URI NG
ALAK.
18. SA KASUOTAN NAMANA NG MGA KALALAKIHAN ANG PAGSUOT NG
AMERIKANA (COAT AND TIE), POLO SHIR, SINTURON, SAPATOS NA DE GOMA
AT SHORTS AT SA MGA KABABAIHANG PILIPINA AY GUMAMIT NA NG MGA
BLUSA AT PALDA AT SAPATOS NA MATAAS ANG TAKONG.
19. SA KAUGALIAN, MALAKI ANG NAGGING IMPLUWENSIYA NG
KULTURANG AMERIKANO. ANG KANILANG PRINSIPYONG, ANG BAWAT
TAO AY PANTAY-PANTAY SA HARAP NG BATAS ANUMAN ANG ANYO, LAHI
AT ANTAS SA LIPUNAN AY LUBOS NILANG PINANALIGAN.
DAHIL ANG LAHAT AY MAY KARAPATAN SA BUHAY, KALAYAAN AT
KALIGAYAHAN. ANG MGA SINAUNANG KAUGALIAN TULAD NG PAGMAMANO O
PAGHALIK SA KAMAY SA MGA NAKATATANDA AY NAPALITAN NG PAGHALIK SA
PISNGI TUWING MAGKIKITA SA ANO MANG OKASYON.ANG
MAPAGPAKUMBABANG PAKIKIPAG-USAP AT PAGIGING MAGALANG AY
NAPALITAN NG PAGIGING PRANGKA, BIBO AT PAGIGING PALABIRO.
20. RELIHIYON - ISANG RELIHIYON LAMANG ANG KINILALA SA
PAMAMAHALA NG MGA ESPANYOL. ITO ANG KRISTIYANISMO O
KATOLISISMONO KATOLIKO ROMANO. SA PAGDATING NG MGA
AMERIKANO, BINIGYAN NG KALAYAAN SA PAGSAMBA ANG MGA PILIPINO.
PINAYAGAN NILA ANG PAGTATATAG NG IBANG RELIHIYON BAGAMAN
ANG RELIHIYONG DALA AT IPINAKILALA NILA AY PROTESTANTE,
MALUWAG NA TINANGGAP NG MGA TAO ANG PAGBABAGONG ITO.

You might also like