Grade 5 Summative Test 1 EPP Q1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
PAJO ELEMENTARY SCHOOL
PAJO, MEYCAUAYAN CITY, BULACAN
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
Summative test No. 1 Quarter 1 Score:
_________

Name: _______________________________Section: __________Date: _________


I. Isulat ang salitang tama kung ang sumusunod na pahayag ay
kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko at mali kung hindi.

_________1. Maaaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono.


_________2. Matagal matuyo ang lupa sa paggamit ng abonong
organiko.
_________3. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak
ng tubig.
_________4. Sinisiksik nito ang lupa.
_________5. Pinatataba ang lupa.
_________6. Magastos na paraan sa pagpapataba ng lupa.
_________7. Nakatutulong sa pagpapahalaga ng kalikasan.
_________8. Dumadami ang “Methane gas” na nanggagaling sa damo.
_________9. Nakakatulong nang malaki sa mga magsasaka dahil
dumadami ang ani.
_________10. Nakakatulong sa maayos na kalusugan ng mga mamamayan
sa pamayanan.

II. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.


___1. Kailan ang tamang oras ng pagdidilig ng halaman ?
a. umaga,tanghali, gabi c. umaga’t hapon
b. umaga lamang d. umaga’t tanghali
___2. Ano ang maging epekto ng labis na pagdidilig ng bagong lipat na
tanim?
a. mabilis lumaki c. yayabong ang dahon
b. mabubulok ang ugat d. dadami ang ugat
___3. Ano ang dapat gawin sa paligid ng mga halaman upang makahinga
ang mga ugat?
a. bungkalin c.hugasan
b. diligin d.tambakan ng lupa
___4. Ano ang ilalagay sa halaman upang mapabuti ang tekstura ng lupa
at mabilis ang
paglaki?
a. putik c.organikong pataba
b. bakod d.basura
___5. Ano ang mabuting dulot ng mga pinag aning labi ng pananim na
hinayaang mabulok sa lupa?
a. basura c. tubig
b. layak d. pataba

III. Basahin nang mabuti ang pahayag. Isulat ang TAMA kung ang pahayag
ay wasto at MALI kung hindi wasto.
____1. Ang intercropping ay nakatutulong sa pagsugpo ng pagdami ng
peste at kulisap sa pananim.
____2. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong upang lumayo
ang peste sa ating mga pananim na gulay.
____3. Ang bawang ay isa sa mga panlaban sa peste at kulisap.
____4. Sa paggamit ng organikong pamatay peste ay maaring mamatay
ang ating mga pananim.
____5. Ang kulisap na aphids, caterpillar at beetle ay nakatutulong sa mga
pananim na mga gulay.

PERFORMANCE TASK
I. Gumawa ng Poster sa short bond paper. Gabayan ng magulang o
nakatatanda.
• Sa isang pahina na nakalaan, lumikha ng isang poster ng isang
patalastas para sa isang produkto o serbisyong batay sa iyong
interes o hilig.
• Gawing kaakit-akit sa paningin ng inyong mamimili.
• Sumulat ng maikling deskripsyon bilang pangganyak o pang-
engganyo sa mga posibleng mamimili ng iyong produkto o serbisyo.

II. Kuhanan ng litraro ang sarili habang hawak ang produktong napili
mo ibenta. Idikit ito sa short bond paper.

Prepared by:

Teacher Veronica Escabillas


English Subject

You might also like