EPP AGRI5 Activity Sheets

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

5

EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN
Agrikultura
Learning Activity Sheets
Quarter 1: Week1-8
Pangalan:______________________________________________
WK1
Seksyon:________________________________
Petsa:____________

GAWAING PAMPAGKATUTO
PAGGAWA NG ABONONG ORGANIKO

Panimula at mga Susing Konsepto:


Ang abono ay isa sa mahalagang pangangailangan ng mga halaman.
Pinagyayaman ng pataba ang mga pananim. Kailangang mataba ang lupang taniman
upang ang halaman ay mabuhay, lumago at maging malusog.Ito'y magagawa sa
pamamagitan ng paggawa ng compost. Ang pag gamit ng compost ay isang paraan
ng paggawa ng abono na walang gastos. Dito ay masistemang binubulok ang mga
basurang tulad ng balat ng gulay o prutas, dahon ng halaman at mga dumi ng mga
hayop na maaaring gawing abono. Ito ay nag papataba at nagpapaganda sa uri o
kalidad ng lupang pagtataniman.
Panoorin ang video ng paggawa ng abonong organiko sa website na ito.
(https://www.youtube.com/watch?v=EaZi0BZimls)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1.1 Nakagagawa ng abonong organiko.
1.4.2 Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan ng paggawa ng abonong
organiko.

GAWAIN 1:
1. Sa isang malaking kahon sa ibaba isulat ang lahat ng bagay na maaring
ilagay sa isang compost o basket. (Hindi bababa sa 10 bagay).
GAWAIN 1:
Isulat ang TP kung tamang paraan at DTP kung di tamang paraan ang mga
sumusunod na pahayag sa patlang.

1. Pagsamasamahin ang mga natuyong dahon, nabulok na gulay,


prutas,
pagkain at iba pang nabubulok na bagay.
2. Patungan ng mga dumi ng hayop.
3. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag at malayo sa bahay.
4. Kung walang sapat na espasyo sa bakuran, pwedeng gumawa sa
isang basket o lalagyan.
5. Patungan ng lupa, abono, o apog.
6. Diligan ang ibabaw araw-araw.
7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkatapos ng limang linggo.
8. Sabugan ng abo at patungan ng lupa.
9. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero sa sapat na laki at haba.
10. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan.

GAWAIN 3:
Sa inyong bakuran o tahanan gumawa ng isang compost "Sundin ang
mga paraan sa paggawa ng abonong organiko". Kunan ng larawan ang iyong
paggawa at idikit sa modyul.
KRAYTIRYA LEVEL OF SCALE PUNTOS

1. Lahat ng gagamiting kasangkapan at 10


kagamitan ay naihanda.
1. Kahandaan 2. Isa o dalawa sa mga kailangang 5
gamit ay hindi naihanda. 2
3. Marami ang kulang na gamit.
1. Nasusunod ng tama ang 10
pamamaraan sa paggawa ng
2. Paraan ng organikong abono.
paggawa 2. Isa sa mga mahalagang hakbang ay 5
hindi nasunod.
3. Di gaanong masusunod ang mga
2
pamamaraan.
1. Nasusunod lahat ng pang 10
kalusugang at pang kaligtasang gawi
3. Pangkalusugan sa paggawa.
at 2. May isang napansin na pang 5
pangkaligtasan kaligtasang gawi ang hindi nasunod.
gawi sa paggawa 3. Maraming pangkaliGtasang gawi ang
2
hindi nasunod.
1. Naisagawa ang gawain ayon sa 10
inaasahan at pinagkasunduang oras
o panahon.
2. Naisagawa ang gawain pagkatapos 5
ng isang araw.
4. Kayarian
3. Naisagawa ang gawain ng wala sa
2
takdang oras o panahon.

REFERENCES:
1. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan by: Vladimir L. Ahunin at Efren
S. Basella Jr.
2. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran. Gloria A. Peralta, Ruth A.
Arsenue, Catalina Ipolan, Yolanda Quiambao at Jeffrey Guzman.
MGA KASAGUTAN:
GAWAIN 1
I.
1. dahon ng mga halaman 6. dumi ng hayop
2. damo 7. lupa
3. balat ng prutas 8. tubig
4. balat ng gulay 9. apog
5. lamang loob ng mga isda 10. mga sanga ng halaman

II.
1. TP 6. TP
2. TP 7. TP
3. TP 8. DTP
4. TP 9. TP
5. TP 10. TP

Inihanda at isinumite ni:

JULIANA S. DEL ROSARIO


MASTER TEACHER I
Pangalan:_____________________________________________________WK2

Seksyon:________________________________ Petsa:____________

GAWAING PAGKATUTO
PAGSUNOD SA MGA PAMAMARAAN AT PAG-IINGAT
SA PAG-GAWA NG ABONONG ORGANIKO

Panimula (Susing Konsepto)

Ang organikong abono o pataba ay gawa sa binulok na dumi ng hayop o

halaman na ang itsura ay parang lupa, ngunit ligtas sa mga organismong nagdudulot

ng sakit. Dagdag pa rito, ang organikong abono o pataba, likas man o pinalakas

(fortified), ay nagtataglay ng hindi bababa sa 20% organikong bagay o organic matter

(OM) kung pinatuyo sa oven at ito ay may kakayahang magbigay ng mga sustansiya

sa halaman. Tinatawag namang pampakondisyon ng lupa o sangkap ang iba pang

mga bagay sa lupa na hindi nakaabot sa pamantayan bilang organikong pataba.

Maraming paraan ng paggawa ng abonong organiko. Ang karaniwan sa mga ito ay

ang paggawa ng compost pit at basket composting. Ang Compost Pit ay pagsasama-

sama ng mga nabubulok na basura katulad ng dumi ng hayop,dahon, balat ng prutas,

damo at iba pa. Ito ay maaaring gawin sa bakanteng lote. Ang Basket composting

ay pagsasama-sama rin ng mga nabubulok na basura. Ginagawa kung walang

bakanteng lote na maaaring paggawan ng compost pit.

Kasanayang Pagkatuto at Koda

1.4.2 nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng abonong

organiko. EPP5AG-0b-4
Gawain 1

Isulat ang ∕ kung ang mga sumusunod ay kahalagahan ng paggawa ng abonong

organiko at X kung hindi

________1. Maaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono.

________2. Madaling matuyo ang lupa sa paggamit ng abonong organiko.

_______3. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig.

_______4. Sinisiksik nito ang lupa.

_______5. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani.

Gawain 2

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Bakit kailangang paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi nabubulok na mga

basura? ___________________________________________

2. Anong kabutihan ang naibibigay ng paggamit ng organikong

abono?____________________________________

3. Magtala ng iba pang pamamaraan ng paggawa ng abonong

organiko.____________________________________

Gawain 3

Paggawa ng compost pit.

• Ihanda ang mga materyales na gagamitin.

• Mag-ingat sa paggamit ng materyales lalong lalo na sa matutulis na

kagamitan.

• Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain.

• Gamitin ang tseklist para sa pagsusuri ng inyong ginawa


Kriterya Antas ng kahusayan

1 2 3 4

1. Maayos ba ang pagkakagawa ng compost

pit

2. Maayos bang nagamit ang mga kagamitan.

3. Malinis ba ang lugar ba pinaggawaan

Batayan:

4 – napakahusay 2 – mahusay

3 – mas mahusay 1 – hindi mahusay

Sanggunian:

Umunlad sa Paggawa 5

Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan Kagamitan ng mag-aaral IV.

Website: http://www.calabarzon.da.gov.ph/index.php/142-s-i-t-e-m-a-p/agriinfo/428-

a-g-r-i-i-n-f-o

Website: https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c

UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing

Answer’s Key

Gawain 1

1. ∕

2. X

3. ∕

4. ∕
5. ∕

Gawain 2

1. Kailangan nating paghiwalayin ang nabubulok sa hindi nabubulok na basura para

ung nabubulok ay maaari nating gawing organikong abono para sa mg halaman.

2. nagiging pataba sa lupa

3. compost pit at basket composting

Gawain 3

*Pagpapakita ng kanilang gawa.

Gawain 4

*Pagpapakita ng kanilang gawa.

Inihanda ni:

Perlina G. Aquino

Guro sa EPP 5 (AGTES)


Pangalan:_____________________________________________WK3
Seksyon:______________________________ Petsa:____________

GAWAING PAGKATUTO

MASISTEMANG PAGSUGPO NG PESTE AT KULISAP NG MGA


HALAMAN SA PAMAMAGITAN NG “INTERCROPPING”

Panimula: Susing Konsepto


Ang “intercropping” ay isang paraan ng pagtatanim ng dalawa o higit
pang mga pananim sa isang lupang taniman. Ito ay makatutulong sa
pagpigil ng mga peste at kulisap na pumunta sa inyong mga tanim.
Maaaring magtatanim ng halamang ornamental o halamang gamot upang
lumayo ang mga kulisap sa halamang gulay. May mga halamang
ornamental din na humihikayat sa mga kaibigang kulisap tulad ng
ladybug, gagamba at earwig.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


1.1 Naipapamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at
kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad
ng pamumuhay;
1.2 Naisasagawa ang intercropping bilang masistemang paraan sa
pagsugpo ng peste at kulisap sa pananim.
EPP5AG-Oc-6

GAWAIN 1
Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____ 1. Paano nakakatulong ang pag-intercrop sa ating
paghahalaman?
A. Walang kabutihang naidudulot sa mga halaman.
B. Nakatitipid sa pagbili ng komersyal na pamatay peste.
C. Hindi nakakatulong sa pagtaboy ng mga peste at insekto.
D. Nakadagdag puwerhesyo sa ibang itinanim na mga halaman.

_____ 2. Maraming lamok sa inyong paligid. Anong panlaban sa lamok


ang ilalagay mo?
A. Dahon ng Neem Tree
B. Bulaklak ng marigold
C. Dahon ng sibuyas
D. Dahon ng bawang
_____ 3. Paano nakakatulong ang intercropping sa ating kapaligiran?
A. Maiiwasan ang polusyon sa hangin.
B. Hindi nakakatulong sa kapaligiran.
C. Lalong magiging marumi ang hangin.
D. Malaki ang magagastang salapi.
_____ 4. Paano makakatulong ang intercropping sa pamumuhay ng
mag-
anak?
A. Walang maitulong sa pamumuhay ng mag-anak.
B. Makakatipid ang pamilya sa pagbili ng pamatay peste.
C. Lalong nagpapabigat sa pamumuhay ng mag-anak.
D. Aksaya sa salapi
_____ 5. Bakit mahalaga ang intercropping?
A. Upang hindi lapitan ng peste ang mga pananim.
B. Makakatipid sa pagbili ng pamatay peste.
C. Naragdagan nito ang sustansya ng lupa.
D. Lahat ay tama

GAWAIN 2

Panuto: Pagsasagawa ng pagtatanim ng mga halamang gamot at


ornamental sa inyong mga halamang gulay sa bahay. Lagyan ng tsek sa
tapat na sagot batay sa personal mong pagsasagawa ng mga
sumusunod na kasanayan.
Kriterya 1 2 3 4
Nakapagtanim ng
wasto
Malinis na
anagawa ang
pagtatanim
Naitabi ng maayos
ang mga
kasangkapang
giamit
Batayan: 4 – napakahusay 3 – mas mahusay
2 – mahusay 1 – hindi mahusay
Sanggunian:
TG ph. 59-61 and LM ph. 33-36

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1:
1. B 2. D 3. A 4. B 5. D

Gawain 2:
10 puntos ( Ang magulang /guro ang siyang magwawasto base sa
tapat na sagot ng mga bata)
Rubrics na susundin: 4 – napakahusay 3 – mas mahusay
2 – mahusay 1 – hindi mahusay

Inihanda ni:

Dorina T. David
EPP Teacher (PGES)
Pangalan:_________________________________________________ WK4
Seksyon:_______________________________ Petsa:_____________

GAWAING PAGKATUTO
Masistemang Pagsugpo ng Peste at Kulisap ng mga Halaman

Panimula/Susing Konsepto
Mahalaga ang lupa sa lahat ng nilalang. Ito ang tinatayuan ng mga gusali at bahay ng
mga tao. Ito ang tirahan ng mga hayop. Lupa rin ang tinutubuan ng mga halaman at punong
kailangan ng mga tao at hayop sa pang-araw- araw.
Karaniwang ang mga halaman gulay ay inaatake ng mga pesteng kulisap at sakit. Kung
hindi maaagapan , ang mga halamang gulay ay tuluyang mamamatay.Ang mga organikong
pamatay peste at kulisap ay makakatulong sa pagsugpo ng mga ito. Mas mataas ang kalidad ng
aanihing gulay at makakasiguro na ito ay ligtas kainin.
Sa araling ito lilinangin natin ang “intercropping” bilang paraan sa pagsugpo ng peste
at kulisap. Ang “intercropping” ay isang paraan ng pagtatanim ng dalawa o higit pang mga
pananim sa isang lupang taniman. Ito ay makakatulong sa pagpigil ng mga peste at kulisap na
pumunta sa inyong mga tanim.Maaaring magtatanim ng halamang ornamental o halamang
gamot upang lumayo ang mga kulisap sa halamang gulay. May mga halamang ornamental
din na humihikayat sa mga kaibigang kulisap tulad ng ladybug, gagamba at earwig.

Mga halamang maaaring “iintercrop” sa halamang gulay bilang panlaban sa mga kulisap
Halamang Gamot – ito ay karaniwang mga halaman na nakatutulong itaboy ang mga peste.
Kabilang rin dito ang mga halamang nakapang-aakit ng mga kaibigang kulisap.

Panlaban sa Pesteng Insekto; Marigold, Neem, Bawang, Sibuyas.

Pang-akit sa mga kaibigang kulisap; Basil,Tarragon, Coriander, Cosmos, Zinnia,


Sunflower.

Paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap


Ang tamang pamamahala ng peste at sakit sa halaman ay nakasalalay sa kalusugan ng
halaman. At kung mga peste ang makikita sa halaman, narito ang ilan na pwedeng
magsisilbing lunas:

1. TAWAS, APOG AT ASIN – para sa slug o snail.


Proseso at Pag-gamit: Ihalo ang 1 parte ng tawas, 1 parte ng asin sa 8 parte ng apog.Ihagis
ang mixture sa paligid ng sakahan upang matapakan ng slug at snail.
2. GATA NG NIYOG –para sa aphids, scale insect at uod.
Proseso: Kayurin ang 2 niyog,lagyan ng 1 litrong tubig at pigain, lagyan ulit ng 1 litrong
tubig para sa 2 pagpiga. Ihalo ng maigi ang 1 pirasong perla soap sa 2 litrong gata ng niyog
hanggang matunaw.
Pag-gamit: Ihalo ang 1 parte ng gata na may sabon sa 10 litrong tubig at i-spray sa hapon ng
2 beses na may 2 araw ang pagitan.

3. MAKABUHAY AT TANGLAD – para sa uod, alitangya at beetles.


Proseso: Pakuluan ng isang oras ang 1 kilong tinadtad na katawan ng makabuhay, kalahating
kilo ng tanglad sa 10 litrong tubig. Palamigin at ilagay sa bote.Pag-gamit:
Pag-gamit: Ihalo ang 4-5 litrong sabaw sa sprayer at ispray sa halaman sa hapon, sa loob ng
2 araw.

4. POTASSIUM PERMANGANATE – para sa mildew, pagdidilaw at pangungulot.


Proseso: Ihalo ang 2 kutsara na crystal sa isang sprayer,iisprey sa halaman tuwing hapon at
sa loob ng 2-3 araw.

5. BUTO NG MAHOGANY TREE –para sa insekto na ngigitlog.


Proseso: Dikdikin at pakuluan ng 1 oras ang 50 pirasong buto sa 1 litrong tubig at lagyan ng
2 kutsarang asin. Puwede rin ibabad lamang ito ng 2-5 araw.
Pag-gamit: Ihalo ang 1 litrong sabaw sa isang sprayer. Iisprey sa halaman sa loob ng 2 beses
na may pagitan ng 2 araw.

6. CAMPHOR BALLS – para sa adult na borer family at uod.


Proseso at Pag-gamit: Dikdikin ang 2 dosenang camphor balls sa 16 litrong tubig at haluan
ng 1 pirasong sabon perla at i-sprey sa halaman s hapon, 2-3 beses na may 2 araw na pagitan.

7. CHRYSANTEMUM – para sa lahat na insekto.


Proseso at Pag-gamit: Ibabad ang 1/2 kilong dahon at katawan ng chrysantemum sa 10-15
litrong tubig na maligamgam kasama ang 1 pirasong sabon na perla sa loob ng 1-2 oras.
Palamigin, salain at i-sprey sa halaman na may peste.

8. BAWANG – para sa mga sucking na insekto.


Proseso at Pag-gamit: Dikdikin ang 1/2 kilo ng bawang, lagyan ng 2 kutsarang edible oil, 1
litrong tubig at 1 pirasong sabon na perla. Ihalo ang 1 parte na solusyon sa 50 parteng tubig at
i-sprey sa hapon.

9. SILI – para sa mga langgam.


Proseso at Pag-gamit: Dikdikin ang 1 lata (lata ng sardinas) na sili at ihalo ang 16 litrong
tubig na may natunaw na 1 pirasong sabong perla. I-sprey sa halaman sa loob ng 2-3 beses
araw-arawtuwing hapon.

10. MARIGOLD – repellant sa mga insekto.


Proseso at Pag-gamit: Bayuhin ang 1 kilong dahon at katawan kasama ang 1 litrong tubig.
Ihalo sa 16 litrong tubig, lagyan ng 1 pirasong sabon na perla. Ibabad ng 1 1/2 oras, salain at
i-sprey sa halaman tuwing hapon sa loob ng 2-3 araw.

MELC/Kasanayang Pampagkatuto:
1.3 Naisasagawa ang masistemang pangsugpo ng peste at kulisap ng mga halaman
Code: EPP5AG-0c-6

GAWAIN 1:
Iguhit ang sa patlang kung tama at naman kung mali. Pagkatapos ay sagutin
mo ang katanungan sa ibaba.
_____ 1. Di tiyak kung sariwa ang gulay pag sariling tanim.
_____ 2. Gumamit ng urban gardening pag kulang sa lupa.
_____ 3. Mainam gamitin ang organikong pataba.
_____ 4. Mainam ang intercropping sa pagsugpo ng peste at kulisap sa halaman.
_____ 5. Tabako at tubig ay pamatay peste at kulisap.

Bakit mahalaga ang intercropping ?


__________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

GAWAIN 2:
Panuto: Magbigay ng sampung halamang gamot na karaniwang ginagamit upang itaboy ang
mga peste sa mga halaman. Kabilang rin dito ang mga halamang nakapang-aakit ng mga
kaibigang kulisap.

1.__________________ 6.__________________
2.__________________ 7.__________________
3.__________________ 8.__________________
4.__________________ 9.__________________
5.__________________ 10._________________

GAWAIN 3 :

Magsaliksik ng iba pang organikong pangsugpo ng kulisap at peste. Isulat ang gamit at
paraang ng paggawa nito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________
Rubrik sa Pagwawasto:

Krayterya Puntos
Nakasagot at naipaliwanang ng napaka-ayos ang sagot satanong. 10

Nakasagot at naipaliwanang ng maayos ang sagot sa tanong. 8

Nakasagot at naipaliwanang ng di-gaanong maayos ang sagot sa tanong. 6

Nakasagot at di-naipaliwanang ng maayos ang sagot sa tanong. 4

Nakasagot ngunit walang paliwanag ang sagot. 2

Sanggunian:

Peralta, Gloria A., Arsenue, Ruth A., Ipolan, Catalina.R., Quiambao, Yolanda L., de Guzman,

Jefferey D..2016.”Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran”: Quezon City,

Philippines:Vibal Group Inc.

http://www.hkpinoytv.com/mga-pangkontra-sa-peste-ng-halaman/

http://www.calabarzon.da.gov.ph/index.php/142-s-i-t-e-m-a- p/agri-info/428-a- g-r-i-i-n-f-o


Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan Kagamitan ng mag-aaral IV.

Susi sa Pagwawasto:
Gawain 1:
1. _____
2. _____
3. _____
4. _____
5. _____

A.Bakit mahalaga ang intercropping ?


Mahalaga ang intercropping dahil ito ay nakakatulong sa pagpigil ng mga peste at kulisap na
pumunta sa inyong mga tanim.

Gawain 2:

1. Bawang 6. Cosmos
2. Sibuyas 7. Zinnia
3. Basil 8. Sunflower
4. Tarragon 9. Marigold
5.Coriander 10. Neem

Gawain 3:
Pupuntusin ng guro gamit ang Rubrik sa Pagwawasto.

Inihanda ni:

REYNALDO M.LOPEZ
Teacher – I
Marisol Bliss E/S
Pangalan: ___________________________________________________ WK5
Seksyon: _______________________ Petsa: _______________

GAWAING PAGKATUTO
ANG KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP
NA MAY DALAWANG PAA AT PAKPAK O ISDA.

Panimula/Susing Konsepto

Ang pag-aalaga ng hayop na may isa sa kapaki-pakinabang na Gawain.


Maraming produkto ang makukuha natin sa mga aalagang hayop tulad ng karne at
itlog. Isa ring libangan ang pag-aalaga nito bukod sa ito ay pinagkakakitaan. Ang pag-
aalaga ng hayop ay nagsisilbing pinagkukunan ng pagkain ng pamilya.
Kasiya-siya at kapaki-pakinabang na gawain ang pag-aalaga ng hayop.
Maraming naidudulot ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak pati
na ang pag-aalaga ng isda.
Ang mga manok ay inaalagaan dahil sa kanilang karne at sariwang itlog na sagana
sa protina na maka tutulong sa kalusugan ng mga anak. Ang white
leghorn ay isang uri ng manok na mahusay alagaan kung nais
magparami ng itlog. Mainam din gamiting pataba sa mga
halamang gulay at ornamental ang mga pinatuyong dumi ng
manok .Ang mga balahibo naman ng manok ay ginagamit bilang
materyales sa paggawa ng pang-alis ng alikabok at palamuti sa
tahanan . Mahusay din gamitin ang mga balahibo ng manok bilang palaman sa
paggawa ng unan na maaring maipagbili na makadagdag bilang panustos sa mga
pangangailangan ng mag-anak.

Ang pato ay isa ring magandang alagaan sa bahay o bakuran. Kagaya ng


manok ito ay nagbibigay ng karne at itlog. Ang karne nito ay nagbibigay ng protina na
sustansyang kailangan ng ating katawan. May dalawang uri ng pato : ang itik at bibe.
Mainam pagkuhanan ng itlog ang itik samantalang ang bibe naman ay mahusay
mapagkunan ng karne. Maari ding gamitin sa paggawa ng mga palamuti sa bahay
ang mga pinatuyong balahibo ng pato. Ang karne ng pugo ay mainam din panustos
sa pangangailangan natin sa protina.
Ang pag-aalaga ng isda tulad ng tilapia, hito at iba pa ay isang kawili-wiling
libangan bukod sa nakalilibang ito ay nakakatanggal ng stress. Ang tilapia ang isang
uri ng isda na madaling alagaan at masarap kainin. Karaniwang pinalalaki ito sa mga
palaisdaan sa likod-bahay.Kung may anyong tubig tulad ng ilog, sapa at lawa na
malapit sa inyong pamayanan, maaaring alagaan ang tilapia rito. Kung labis ang
dami ng alagang tilapia maari itong ipagbili at maka-katulong sa kita ng mag-anak.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


1.1 Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na
may
dalawang paa at pakpak o isda.
1.2 Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan gaya ng manok,
pato, itik, pugo /tilapia.
EPP5AGOe-11

Gawain 1
Piliin sa Hanay A ang titik ng kabutihang naidudulot ng mga
hayop na may dalawang paa at pakpak sa Hanay B. Isulat ang sagot sa
patlang.

a. itlog b. karne c. itlog at karne

_______ 1. Manok
_______ 2. Bibe
_______ 3. Pugo
_______ 4. Itik
_______ 5. Tilapia

Gawain 2
Basahin mabuti ang mga pangungusap at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang itlog ng karne ng manok ay sagana sa sustansyang ______.
a. bitamina b. mineral c. taba d. protina
2. Kasiya-siya ang pag-aalaga ng isda at nagsisilbing ___________.
a. panira ng oras c. libangan
b. nakakatamad d. sakit
3. Ang balot ay itlog na galling sa ____________.
a. Bibe b. itik c. pugo d. manok

4. Ang manok ay mainam alagaan dahil sa kanilang ____________.


a. itlog at karne b. itlog c. karne d. taba
5. Ang pamilya ni Mang Arsenio ay mahilig mag-alaga ng isda. Kapag
wala
silang ulam, kukuha lamang sila sa kanilang maliit na fishpond. Anong
kapakinabangan ang kanilang ipinakita?
a. magastos c. sagabal sa gawain
b. nakakatipid d. nag-aaksaya lang

Gawain 3
Sa isang malinis na sagutang papel gumuhit ng isang hayop na
may dalawang paa at pakpak o isda at sa ibaba niti, sumulat ng 1talata
na nagpapaliwanang ng kabutihang dulot ng pag-aalaga nito.

Rubrik sa Pagpupuntos
10 puntos- Nakaguhit ng hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda na may limang naitalang kabutihang dulot.
9 puntos- Nakaguhit ng hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda na may apat naitalang kabutihang dulot.
8 puntos- Nakaguhit ng hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda na may tatlong naitalang kabutihang dulot.
7 puntos- Nakaguhit ng hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda na may dalawang naitalang kabutihang dulot.
6 puntos- Nakaguhit ng hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda na may isang naitalang kabutihang dulot.
5 puntos- Nakaguhit ng hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda subalit walang naitalang kabutihang dulot.

Mga Sanggunian:
Gloria A. Peralta,EdD.Ruth A. Arsennue,Catalina R.Ipolan,Yolanda L. Quiambao,Jeffrey D. de
Guzman ,Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 p.143-144
https://zamboanga.com/z/index.php?title=File:Manok_-_chicken.jpg
https://www.flickr.com/photos/ferranp/292484573
https://www.flickr.com/photos/41367537@N05/3813013269
http://www.clipartpanda.com/clipart_images/the-river-catfish-56661841
https://tl.yellowbreadshorts.com/699-the-main-points-of-proper-quail-feeding.html

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1
1. c 2. C 3. c 4. C 5. B

Gawain 2
1. d 2. C 3. B 4. A 5. B

Gawain 3
Pupuntusin ang ginawa gamit ang Rubrik sa Pagpupuntos

Inihanda ni:

MARICEL L. CASTRO
Master Teacher 1
Salapungan E/S
PANGALAN:______________________________________________ WK6
SEKSYON:_______________________________
PETSA:_________________

GAWAING PAGKATUTO
Pag-aani at Pagsasapamilihan ng mga Produkto

Panimula/Susing Konsepto:

Pag-aralan ang mga larawan. Kung sakaling ikaw ay magbebenta


ng produkto,anong pamamaraan ang iyong gagawin upang tangkilikin ito
ng mamimili?
PARAAN NG PAGSASAPAMILIHAN
Kapag handa na ang iyong produkto kailangan pag-aralan mo kung
paano ang distribution nito gaya ng kung saan mo ibebenta ang mga itlog.
Halimbawa, ibebenta mo ba ang iyong produkto sa mga sari-sari store, sa
mga carinderia, sa farmer’s market, sa palengke, o kaya sa mga
natural/organic food stores?
Kailangan mo ring pag-isipan kung may delivery services o
advertising ka na gagawin para sa iyong produkto dahil malaki ang
maitutulong nito sa iyong negosyo, ngunit maaaring makadagdag din ito
sa mga gastos. May ilang pagpipilian sa pagbebenta:
Maaaring maglagay ng paskil na “farm fresh eggs for sale” “fish for
sale” sa inyong bakuran
Tuwing umaga, maaaring maglabas ng stand para sa mga ibebenta
Magdeliver ng regular sa iyong suki
Kumuha ng pwesto sa palengke
Ibenta sa palengke
Maaari ka rin magbenta online, gamit ang facebook maaari mo itong
ibenta sa iyong mga kaibigan
Mga Paraan ng Pagsasapamilihan ng Produkto
1. Pakyawan – ang paraang ito ay nagaganap bago pa anihin ang
produkto. Nag-uusap at nagkakaroon ng kasunduan sa presyo ang
may-ari at mamamakyaw. Ang lahat ng produkto ay makukuha ng
mamamakyaw na siyang magbebenta nito ng direkta sa pamilihan.
2. Lansakan o maramihan – ito ang isang paraan ng pagbebenta na
ginagawa nang maramihan. Ang bilihan ay maaaring bawat basket
o trey ng mga itlog. Humahango ng maramihan ang mamimili upang
ipagbili ng tingian sa palengke.
3. Tingian – ang paraan ng pagbibili ng tingian ay sa kakaunting bilang
batay sa pangangailangan ng mamimili tulad ng:
a. Kilo – ginagamit ang kiluhan sa pagbebenta ng produkto. Ang
timbang ang basehan ng presyo o halaga ng produkto tulad ng
karne.
b. Bilang – binibilang ang produkto na may nakatakdang presyo.
Maaari ring ipagbili ng dosena.
c. Piraso – ang produkto ay maaaring bilhin kada piraso ayon sa
laki

WASTONG PAGKUKUWENTA NG PINAGBILHAN


Ang pagtutuos sa mga gugulin at pinagbilhan ng mga
produkto/alaga ay kailangan gawin upang malaman kung ang ginawang
pag-aalaga ay nakatulong sa pamumuhay ng mag-anak. Sa pagtutuos na
gagawin, malalaman kung tumubo o nalugi sa ginawang
paghahanapbuhay.
Upang malaman kung tumubo o nalugi, may mga gawain na
kailangan tulad ng pagtatala ng mga gastos, gugulin at pinagbilhan. Sa
pagtutuos, mapag-aaralan at masusuri ang mga gastusin sa pag-aalaga
ng nga isda at mayroon pagbabasehan sa susunod na gawain upang
lalong mapabuti ang pag-aalaga.
Narito ang isang halimbawa kung paano gumawa ng pagtutuos ng
halaga ng pinagbilhan ng isda.
Halimbawa
A. 1 kilong Tilapya P 95.00
Plastik P 5.00
Kabuuan P 100.00

B. Puhunan P 100.00
Patong na bahagdan(20%)(P 100.00 x .20) 25.00

C. P 100.00
+ P 25.00
Halaga ng Pagbebenta P 125.00
Kung 10 kilo ang ipinagbiling isda , kuwentahin ang kabuuang
gastos at pinagbilhan sa dami ng naipagbili.
Halimbawa:
P 125.00 Halaga ng pagbebenta
X 10 Dami ng kilong ibebentang isda
P 1,250.00 Kabuuang pinagbentahan

P 100.00 Puhunan
X 10.00 Bilang ng ibinentang isda
P 1,000.00 kapital

P 1,250.00 Kabuuang pinagbentahan


-P 1,000.00 Kapital
P 250.00 Tinubo

Kasanayang Pampagkatuto:
Naisasapamilihan ang inaalagaang hayop/isda
Natutuos ang puhunan, gastos at kita
Code: EPP5AG-Oj-18

GAWAIN 1
Sagutin ang mga tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang paraang ito ay nagaganap bago pa anihin ang produkto.
Nag-uusap at nagkakaroon ng kasunduan ang may-ari at
bumibili.

a. Lansakan c. Piraso
b. Pakyawan d. Tingian
2. Ito ay ang pagbebenta na ginagawa nang maramihan. Ito ay
maaaring bawat basket , banyera o tray ng itlog.
a. Lansakan c. Piraso
b. Pakyawan d. Tingian
3. Ang timbang ang basehan ng presyo o halaga ng produkto tulad
ng isda o karne.
a. Bilang c. Piraso
b. kilo d. Pakyaw

4. Ito ay ang kabuuang halaga ng nagastos sa


pagsasapamilihan ng produktong hayop/isda.
a. Kita b. Puhunan
b. Tubo c. Pagtutuos
5. Ito ay isang paraan upang malaman kung ikaw ay kumita o hindi
sa pagsasapamilihan ng iyong produkto.
a. Pagbebenta c. Pagtutuos
b. Pagbibilang d. Pamumuhunan

GAWAIN 2
A. Sa iyong Journal sa EPP, gumawa ng sariling halimbawa ng
pagtutuos upang malaman kung kumita o hindi.

B. Sagutin ang mga sumusunod:

1. Paano ninyo malalaman kung kayo ay tumubo o nalugi sa


pinagbilhan ng alaga?
2. Anu anong paraan ang ginawa mo upang malaman kung
magkano ang tinubo mo?
3. Bakit mahalaga ang paggawa ng talaan ng gastusin?

GAWAIN 3
Gamit ang computer/internet, gumawa ng isang simpleng brochure
o leaflet upang maibenta ang mga produkto /isda/hayop.
(Kung walang computer o internet pwedeng gumawa gamit ang mga
magazine o gumuhit )

Mga Sanggunian:
EPP TG-page
EPP LM- page 97 – 99
UMUNLAD SA PAGGAWA V pp 133-148
MISOSA V, Pag-aalaga ng Hayop

SUSI PAGWAWASTO
Gawain 1
1. b 2. a 3. b 4. b 5. c

Ang Gawain 3,4 at 5 ay isusumite sa guro para sa kaukulang pagpupuntos.


Inihanda at isinumite ni:

IMELDA M. AYSON
MNES-TIII
Pangalan:_______________________________________________ WK7
Pangkat:____________________ Petsa:_____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagtutuos ng Puhunan, Gastos at Kita

Panimula at mga Susing Konsepto


Mayaman sa ibat ibang anyong-tubig ang ating bansa. Dahil dito ang
pangingisada ang isa sa mga pangunahing hanapbuhay sa bansa, pangalawa lamang
sa magsasaka. Ang pag-aalaga ng isda o fishculture na tinatawag ay malaking tulong
sa kabuhayan ng isang mag-anak. Natutugunan nito ang kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan. Mapagkukunan din ito ng regular na kita ng pamilya para
matustusan naman ang pangmatagalang pangangailangan.
Upang malaman ang presyo na ilalagay sa mg paninda isda o hayop ,
kailangan kuwentahing mabuti ang nararapat na halaga upang hindi malugi.

Wastong Pagkukuwenta ng Pinagbilhan

Narito naman ang isang halimbawa kung paano ginagawa ang pagtutuos ng halaga
ng pinagbilhan ng isda

Halimbawa:

A.1 Kilong Tilapya P 60.00


Plastik P 5.00

Kabuuan P65.00

B. Puhunan P65.00
Patong na bahagdan (15 %) (P65.00 x .15) = 9.75

P65.00
P 9.75

C. Halaga ng Pagbebenta P 74.75


Kung 12 kilo ang ipinagbiling tilapya, kuwentahin ang kabuuang ginastos at
pinagbilhan sa dami ng naipagbili.
Halimbawa:
P 74.75 Halaga ng pagbebenta
x 12 Dami ng kilong ibebentang isda
________
P897.00 Kabuuang pinagbentahan

P 65.00 Puhunan
x 12 Bilang ng ibenentang isda
________
P780.00 Kapital

P897.00 Kabuuang pinagbentahan


- P780.00 Kapital
_________
P117.00 Tinubo

Ano ang kahulugan ng tubo o profit?

● Ito ay sobra matapos ibawas ang puhunan mula sa kabuuang kita.


● Ito ang ginagawang sukatan o basehan upang malaman kung ang isang negosyo ay
kumita o hindi.
● Ito ay makukuha matapos ibawas ang mga pagkaka-utang o mga responsibilidad na
dapat bayaran ng bawat negosyo.
● Ito ang karaniwang basehan ng mga negosyante kung meron ba silang tinatawag na
return on investment (ROI) o balik sa kanilang kinita.

Ano ang kahulugan ng puhunan o kapital?


● sa pananalapi at pagtutuos (accounting), tumutukoy ang kapital sa yamang
pananalapi, lalo na kung gagamitin sa pagsimula o pagpapanatili ng negosyo.

Ano ang kahulugan ng gastos/ginastos?


● pinagkakagastahan, pinagkakagastusan, pinaggugugulan

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutuos ang puhunan, gastos, at kita
Code: EPP5AG-0j18
Gawain 1
Panuto : Kuwentahin ang halaga ng paninda na ginagamit ang sumusunod na
pormula.
Pesos- Puhunan
X – 15% idagdag sa puhunan
Presyong Paninda = Puhunan + 15%

Puhunan ng ibebentang isda Presyong Paninda


Hal. 50.00 pesos (50 x .15 = 7.5 + 50) = P57.5_________
1. 100.00 pesos _______________
2. 140.00 pesos _______________
3. 155.00 pesos _______________
4. 160.00 pesos _______________
5. 190.00 pesos _______________

Gawain 2
Panuto : Gamitin ang mga sumusunod na pormula sa pagkukuwenta ng kabuuang
tubo at netong tubo.

Pormula: Pinagbilhan – Puhunan = Kabuuang tubo


Kabuuang tubo - Mga gastos = Netong tubo
Pinagbilhan Puhunan Kabuuang Tubo Mga Gastos Netong Tubo
1. 850.00 710.00 30.00
2. 550 420.00 25.00
3. 990.00 775.00 20.00
4. 735.00 610.00 15.00
5. 670.00 515.00 15.00

Senaryo:
Si Rosa ay nagbenta at nagtayo ng maliit na tindahan ng mga karne at isda.
Siya ay namuhunan sa halagang P5,000.00 makalipas ang isang buwan ito ay naging
P13,500.00 na. Si Rosa ay may mga babayarin kagaya ng tubig na P700.00 at
kuryente na nagkakahalagang P500.00.
Gawain 3

Panuto: Ibigay ang mga hinahanap na datos batay sa nabasang senaryo sa itaas:
Kita :
Puhunan :
Kabuuang Gastos A
:
Kabuuang Gastos B
:
Kabuuang Kita :

Mga Sanggunian:

Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Grade 5 Learners Material, Department


of Education pp.94-97
Gloria A. Peralta, EdD
QJ1DliwFY9aQBYOmnAWgAcAB4AIAB1gGIAaAMkgEGMC4xMC4xmAEAoAEBqg
ELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=mG5DX5nRFY-
40wS7zI2gDw&bih=657&biw=1366#imgrc=U93yJDqv-GJiNM

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


1. 115.00 pesos 1. 140.00 – 110.00 1.P13,500.00
2. 161.00 pesos 2. 130.00 – 105.00 2.P5,000.00
3. 178.25.00 pesos 3. 215.00 – 195.00 3.P700.00
4. 184.00 pesos 4. 125.00 – 110.00 4.P500.00
5. 218.5.00 pesos 5. 155.00 – 140.00 5.P7,300.00

Inihanda at isinumite ni:


JANEL ANN R. SIAPO
TEACHER –
Pangalan:___________________________________________ WK8
Pangkat:___________________ Petsa:_____________

GAWAING PAGKATUTO
Naisasagawa ang Pamamalengke ng mga Sangkap sa Pagluluto

Panimula at mga Susing Konsepto


Sa murang edad pa lamang ay mahalagang matutunan ang wastong
pagpaplano at pamimili ng pagkain para sa mag-anak. Ang kaalaman sa
matalinong pamimili kahit bata pa lamang ay isang kahigitan sa iba. Hindi
ka basta maloloko, hindi din masasayang ang pera nyo. Karapatan mo
bilang mamimili ang piliin ang pinakamahusay na iyong bibilhin.

Mga ilang mungkahi na maaring makatulong sa


inyong pamimili sa palengke:
1. Ihanda ang talaan o listahan ng mga bibilhin. Ang listahan ng
bibilhin ay depende sa planong lulutuin sa loob ng isang araw o
lingo. Isaalang-alang ang dami, paggagamitan, at tinatayang halaga
ng bawat isa upang walang makaligtaan.
2. Tiyakin na ang pwesto ng bawat bibilhin, tulad ng karne, isda,
manok, gulay, prutas, mga sangkap upang makatipid sa lakas at
oras ng pamimili.
3. Suriing mabuti ang kalidad at halaga ng mga bibilhin. Subuking
ikumpara ang mga produktong bibilhin at isaalang-aalang ang
halaga at kalidad nito.
4.Bilhin ang mga pagkaing napapanahon. Tiyak na mura at sariwa
ito.
5. Pasobrahan ang perang dala. May mga pagkakataon na
tumataas ang mga presyo ng gulay, prutas, isda, karne at iba pang
bilihin.
6. Iwasan ang pagmamadali sa pamimili upang walang makaligtaan.
7. Tiyaking tama ang timbang, bilang at uri ng mga pinamili.
8. Bilanging mabuti ang sukli bago umalis sa tindahan.
9. Bilhin ng maramihan ang mga sangkap na ginagamit araw-araw.

10. Mag-ingat sa mga mandaraya sa timbangan, sa pagbibilang at sa


pagsusukli.
11. Sabihin ang halagang ibinayad, lalo na kung malaki ito. Bilangin
ang sukli sa harap ng nag-abot.

Mga Gabay sa Pagpili ng Sariwang Pagkain


1. Prutas – Mabigat ayon sa kanilang laki, walang hiwa, bugbog o
butas-butas.
2. Gulay – malago, matigas o malutong, berde ang kulay, walang
galos, walang sira o kinain ng uod.
3. Isda – Maputi ng paligid ng mata, makintab ang kaliskis at dikit
sa laman, mapula ang hasang at walang masamang
amoy.
4. Karne – walang masangsang na amoy, walang guhit o mantsang
maitim sa kalamnan, mamula-mula at natural ang kulay
malambot at siksik ang laman.
5. Manok – Siksik ang laman, manilaw-nilaw ang taba, walang
masamang amoy, walng tubig sa pagitan ng laman at
balat.
6. Itlog – Magaspang ang balat, hindi umaalog, malinaw ang loob
kung itatapat sa liwanag.

MELC/Kasanayang Pampagkatuto at koda:


Naisasagawa ang pamamalengke ng mga sangkap sa pagluluto.
Naipakikita ang husay sa pagpili ng sariwa, mura at masustansiyang
sangkap.
Code: EPP5HE-0i28

GAWAIN 1(5 points)

Piliin ang letra ng tamang sagot at bilugan ito.


1. Bakit kailangan bilangin ang sukli sa harap ng nag-abot na tindera?
a. upang malaman ng tindera at mamimili kung tama o mali ang sukli.
b. para makahingi ng dagdag sa pinamili.
c. upang ipakita na marami kang pera.
d. para makahingi ng diskwento.

2. Paano natin maiiwasan ang pag-aksaya ng oras, pera at lakas


sa pamimili?
a. magpabili nalang sa iba para iwas pagod.
b. huwag na mamili para iwas gastos.
c. gawan ng listahan ang mga kailangang bilhin lamang.
d. mamalangke lang sa iyong malayang oras kahit dis-oras na.

3. Bakit kailangan suriin muna ang mga paninda bago bilhin ang mga
ito?
a. gusto lang hawakan ang mga paninda.
b. para maka libre ng tikim.
c. para makita kung totoo o plastic ang mga paninda.
d. upang matiyak na sariwa at ligtas kainin bago lutuin o kainin.

4. Sa iyong edad ngayon ay dapat mo nang matutunan ang mga


paraan sa wastong pamimili sa palengke. Bakit?
a. para pag-aralan lang
b. angat ang may alam sa wastong pamamalengke at upang
makatulong sa pamilya.
c. para ipagmalaki sa mga kaibigan na may alam ka.
d. upang magbenta sa palengke.

5. Sa pagmamadali ng pamimili, ano ang maaaring mangyari sa mga


bibilhin?
a. may makaligtaan bilhin
b. matapilok
c. maiwanan ang sukli
d. maiwan ng sasakyan

GAWAIN 2 – 10pts
Hanapin sa hanay B ang sagot sa tinutukoy ng hanay A. Isulat ang
titik ng wastong sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

____ 1. Magaspang ang balat, hindi umaalog, A. manok


malinaw ang loob kung itatapat sa liwanag.
____ 2. Maputi ng paligid ng mata, makintab B. tindera
ang kaliskis at dikit sa laman, mapula ang
hasang at walang masamang amoy. C. isda
____ 3. Ang tawag sa mga nagbabayad ng mga
paninda na kinukuha. D. karne
____ 4. Siksik ang laman, manilaw-nilaw ang taba,
walang masamang amoy, walang tubig sa E. talaan
pagitan ng laman at balat.
____ 5. Dito nakasulat lahat ng mga bibilhing F. prutas
sangkap.
____ 6. Malago, matigas o malutong, berde G. itlog
ang kulay, walang galos, walang sira o
kinain ng uod.
____ 7. Ang tawag sa mga nagbebenta ng H. bayad
paninda sa palengke.
____ 8. Mabigat ayon sa kanilang laki, I. mamimili
walang hiwa, bugbog o butas-butas.
____ 9. Walang masangsang na amoy, J. gulay
walang guhit o mantsang maitim sa
kalamnan, mamula-mula at natural ang
kulay malambot at siksik ang laman.
____ 10. Ito ang pera o halaga na ibinibigay
kapalit ng mga pinamili.

GAWAIN 3 – 25pts
Sa iyong sariling pananaw. Paano mo pipiliin ang pagbili ng mga
sumusunod? Isulat ang sagot sa patlang.

1. GULAY
_________________________________________________________
_______________________________________________________
_________________________________________________________

2. ITLOG
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. PRUTAS
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
4. KARNE NG BABOY AT BAKA
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________
5. MANOK
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Rubrik sa Pagpupuntos.

May Mas-
nakaka- May Sapat
Mga
raming na Kaalaman May Kaunting
Katanungan
Kaalaman 3pts Kaalaman
5pts 1pt
1
2
3
4
5
Kabuuang Puntos

Pangwakas
Ilahad o isalaysay ang iyong natutunan sa araling ito. Paano mo ito
magagamit sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Gawain 4:
1. Pipiliin ko ang mga gulay na malago, matigas o malutong,
berde ang kulay, walang galos, walang sira o kinain ng uod.
2. Kailangan ay magaspang ang balat, hindi umaalog, malinaw
ang loob kung itatapat sa liwanag ang itlog.
3. Ang mga prutas na aking bibilhin ay kailangan na mabigat
ayon sa kanilang laki, walang hiwa, bugbog o butas-butas.
4. Dapat sa karne ay walang masangsang na amoy, walang
guhit o mantsang maitim sa kalamnan, mamula-mula at natural ang kulay,
malambot at siksik ang laman para tiyak na sariwa.
5. Sa manok kailangan siksik ang laman, manilaw-nilaw ang
taba, walang masamang amoy, walang tubig sa pagitan ng laman at
balat upang tiyak na hindi tinurukan ng tubig upang bumigat ang timbang.
10. H 5. E 5. A
9. D 4. A 4. B
8. F 3. I 3. D
7. B 2. C 2. C
6. J 1. G 1. A
Gawain 2 Gawain 1
Susi sa Pagwawasto:
2. Internet : Google.com “Mga Gabay sa Pamimili sa Palengke”
pahina 158-159
1. Aklat : Kaalam at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5
Mga Sanggunian:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Inihanda ni:

NELSON JR. M. DEANG


TEACHER – I

You might also like