Pagpapahayag NG Emosyon

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Gng. Arlene A.

Quiani

PAGPAPAHAYAG NG
EMOSYON
Pagpapahayag ng
Emosyon
Maraming paraan ng pagpapahayag ng
emosyon o damdamin sa wikang Filipino,
kabilang ang mga sumusunod:
Unang Paraan
1. Isang paraan ang paggamit ng
padamdam na pangungusap sa
pagpapahayag ng matinding damdamin.
Ginagamit sa pangungusap na ito ang
bantas na padamdam (!), at kung minsa’y
ang bantas na patanong (?) tulad ng
sumusunod:
a.Paghanga: Wow! Perfect ang iskor
mo. Naks! Ganda! Bilib ako!
b.Pagkagulat: Ha? Nakakahiya. Inay!
Naku po!
c. Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako,
Yehey! Yipee!
d.Pag-asa: Harinawa, Sana sumama
ka sa group study namin
e.Pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako!
Kakainis!
Ginagamit din kung minsan ang
panandan pananong (?) sa
pagpapahayag ng damdamin lalo na
kung ito ay may halong pagtataka

Maaaring samahan ang mga ito ng


parirala o sugnay na tumitiyak sa
emosyong nadarama. Gaya nito:
a.Paghanga: Wow! Ang ganda n’yan,
a!
b.Pagkagulat: O, ikaw pala!
c. Pagkalungkot: Naku, kawawa
naman siya!
d.Pagtataka: Siyanga? Totoo bang
sinabi mo?
e.Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si
Mommy.
f. Pagkagalit/Pagkainis: Hmmmpp!
Nakakainis ka!
g.Pag-asa: Naku, sana nga’y
makapasa ka na!
Pangalawang Paraan
2. Isa ring paraan ang paggamit ng pahayag na
tiyakang nagpadama ng damdamin at/o
saloobin ng nagsasalita. Ngunit mahuhulaang
hindi masyadong matindi ang damdaming
inihahayag sa ganitong paraan. Pansinin ding
ginagamitan ng tuldok ang mga pahayag,
bagaman maaari ring gamitan ng padamdam
ang bawait isa upang makapaghudyat ng mas
matinding damdamin.
a.Pagtanggi: Dinaramdam ko, hindi
na ako lalahok sa paligsahan.
b.Pagkasiya: Mabuti naman at narito
na kayo.
c. Pagtataka: Hindi ako
makapaniwala. Ngayon ko lang
narinig ang balitang iyan.
d.Pagkainis: Nakabubuwisit talaga
ang kinalabasan ng pagsusulit.
Pangatlong Paraan
3. Maihahayag din ang iba pang emosyon
sa tulong ng sumusunod na
konstruksiyong gramatikal:
Paggamit ng mga padamdam na pahayag
na karaniwang binubuo ng pariralang
nominal o adjectival
a. Ang ganda ng tulang iyan!
b. Nakakapanggigil talaga ang alaga
mong aso!
c. Ang ilap ng gansa!
Paggamit ng mga ekspresiyong
karaniwang nagpapahiwatig ng antas ng
kasukdulan o kasobrahan.
a. Napakakulit ng lalaking
mangingibig
b. Sobrang bait ng mag-aaral
c. Ang ganda-ganda niya!
d. Talagang gulat na gulat si Arvyl.
Paggamit ng negatibong ekspresiyon na
binibigyang diin kapag binibigkas, kasama
ang ano man, sino man, saan man at iba pa.
a. Wala kang maaasahang ano man sa
kaniya
b. Hindi matatalo ng sino man ang
marunong manuyo
c. Saan ka man pumunta, hindi ka
makaliligtas sa akin.
Paggamit ng mga tanong na retorikal
(Patayutay na pagtatanong upang
bigyang-diin ang isang kaisipan. Ito ay
tanong na hindi sinasagot sapagkat landa
na.)
a. Ang ganda ng ginawa nila, di ba?
(Napakaganda ng ginawa nila!)
b. Dahilan ba iyan para malungkot
ka?
(Hindi iyan sapat na dahilan para

malungkot ka!)
c. Kasarinlan baga itong ang bibig
mo’y nakasusi?
(Hindi, sapagkat nakasusi ang
bibig)
d. Anong diperensiya noon?
(Wala iyong diperensiya)
e. Sino ang hindi nakaalam niyan?
(Alam iyan ng lahat)
Pagsasanay 1
 Tukuyin kung anong damdamin at
paraan ng pagpapahayag ang ginamit
sa bawat pangungusap
Pangungusap Damdamin Paraan ng
Pagpapahayag
1. Humimbing kang mapayapa,
mabuhay kang nangangarap
2. Kalayaan! Malaya ka, oo na
nga, bakit hindi? Sa patak ng
iyong luha’y malaya kang
mamighati!
3. Ang buhay mo’y walang patid
na hibla ng paagtataksil
Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan
mong dumarating!
4. Ang galing-galing mong
magsaulo ng tula.
5. Ang husay ng mga taga-Egypt
sa kanilang sining, di ba?
Pangungusap Damdamin Paraan ng
Pagpapahayag
6. Talagang galit na galit ang
makata nang isulat niya ang tula.
7. Wala na tayong pag-asa kung
patuloy tayong magpapaalipin.
8. Sobrang sipag ng mga
magsasaka sa ating bansa!
9. Wow! May pag-asa pa tayong
umunlad!
10. Pasensiya na, wala na akong
magagawa.

You might also like